Mag-log in“Gagaling pa po siya, ‘di ba?” I asked with trembling hands.
“Your brother was having a severe respiratory distress, where the patient experiences extreme shortness of breath, inability to speak in full sentences, and is using accessory muscles, the neck or abdomen to try and pull air in. He was rushed here in the hospital but luckily, he was saved on time,” wika nito.
He started explaining things I don’t understand. Undergraduate ako at wala akong alam sa medisina. Siguro sa fashion industry, oo. Ngunit sa ganitong bagay, wala. Hindi ito ang pinag-aralan ko bago ako mag-drop out sa kolehiyo.
“M-magagamot naman po siya, ‘di ba?”
“Yes,” wika nito. “And his Atrial Septal Defect is not helping at all. A severe asthma attack is critical because it dramatically increases pressure in the lungs, which, in turn, raises the pressure in the right side of the heart, I’m talking about the right atrium.”
Para akong nanghina sa narinig. “G-ganon po ba ang nangyari sa kapatid ko?”
“Unfortunately, yes.”
Tuluyan nang bumagsak ang balikat ko.
Matapos akong sabihan ng doktor kung magkano ang pagpapagamot sa kapatid ko ay mas lalo akong nanlumo. Lumabas ako ng kanyang opisina na para pinagsakluban ng langit at lupa.
“Kumusta? Anong sinabi ng doktor?”
I looked at her. A lot things are running inside my head. Before my mouth could even speak, tears started flooding my eyes. Bumakas ang pag-aalala sa mga mata nito at agad akong hinila para isang mahigpit na yakap.
Yumakap ako pabalik dito at humikbi sa kanyang dibdib. Wala akong pakialam kung mayroon makakita sa amin. Sobrang bigat ng puso ko at parang hirap akong huminga.
“Iiyak mo muna ‘yan. Hindi mo pwedeng harapin si Yael na umiiyak,” wika nito.
Lahat ng possible worst case scenario na pumapasok sa aking utak ay siyang nagpapahina sa akin.
Inakay ako ni Belinda paupo sa bench at hinaplos ang aking likod. We stayed like that for a couple of minutes. Nang medyo kumalma na ako ay binilhan niya ako ng tubig. And when I finally had the courage to tell her, I did. At kahit siya ay nag-aalala.
“Hindi ko alam kung saan ako manghihingi ng tulong,” I said. Bakas ang pagod sa aking tinig.
“Pasensya ka na, Asli. Wala talaga akong pera ngayon. Ngunit may alam akong extrang sideline na pwede mong pagkakitaan. Ilalapit ko na lang kay Julieta ang bill ng ospital mo para sa kanya ka na lang mag-monthly installment,” suhistyon nito.
I looked at her. “A-ano ‘yun?”
“Part-time house cleaner. Every Sunday lang. Every Sunday rin ang bayad sa ‘yo,” wika nito. “Lilinisin mo lang ang bahay tapos magbibigay kaagad ang may-ari ng bayad.”
“Sige,” I replied. Kahit anong trabaho ay papatusin ko, para sa kapatid ko. Para lang mabuhay siya. Siya na lang ang meron ako. “Kailan ako magsisimula?”
“Pwedeng mamayang hapon dahil may raket pa tayo mamayang gabi. Weekends, ‘di ba?”
I nodded my head. “Sinong magbabantay kay Yael?”
“Si Buknoy,” sagot nito.
Muli akong napatango. Nang kumalma ako ay saka pa lang ako pumasok sa silid kung nasaan ang kapatid ko. Nang makita ko si Yael ay para akong nanghina. But I did my best to remain calm.
Umupo ako sa stool sa tabi ng kanyang kama at hinawakan ang kamay nito.
“Gagawin ko ang lahat para sa ‘yo, Yael. Mabuhay ka lang. Makasama lang kita nang matagal. Kaya tatagan mo ang loob mo. Kasi ikaw na lang ang meron ako.”
I kissed his forehead and caressed his cheeks.
“Babalik ako.”
Nang gabing ‘yon, dinala ako ni Belinda sa kilala nitong naghahanap ng kasambahay. Wala pa akong matinong kain dahil mas priority ko ngayon ang magtrabaho.
Dinala naman ako nito sa isang penthouse. Malaki ang penthouse at malalaman mo kaagad na mayaman ang may-ari. Ako ang maglilinis sa buong penthouse. Okay lang naman dahil walang masyadong alikabok.
“Every Sunday ka lang maglilinis. May CCTV sa buong paligid. Isang oras lang ang binibigay sa ‘yo, naiintindihan mo ba?”
I nodded my head in agreement.
Ganoon ang naging daloy ng buhay ko. Sa weekdays, na sa café ako at nakakatulog din ako. Ngunit tuwing weekends ay wala akong matinong tulog. Saturday night ay promogirl ako. Muli kong nakatagpo ng landas ang lalaking lumigtas sa akin noong nagdaang linggo. Bumibili pa rin naman ito sa akin kaya’t tuwang-tuwa ako.
Sa ikalawang Sunday ko ay galing sa café, dumiretso ako sa building kung saan nakatirik ang penthouse na aking pagtatrabahuan. And as I started cleaning, my vision started to blur. I immediately shook my head and bit my lower lip.
Baka kailangan ko lang magpahinga.
Malaki ang penthouse. Kahit na walang masyadong dumi, kailangan ko pa rin maging mabusisi. Five thousand ang suhol sa akin. Isang araw lang. Kaya’t kailangan kong maging masipag.
Hindi naman siguro masama kung magpahinga muna ako rito ng ilang saglit, ‘di ba? And besides, it’s still seven. Mamayang ten pa ang lakad ko.
Umupo ako sa couch at sumandal sa backrest. Ang sarap matulog. Kahit walang tao ay naka-on ang aircon ng penthouse. Nakaka-tempt matulog. Nang ipikit niya ang kanyang mga mata ay unang nagpakita sa kanyang isipan ay ang lalaking lumigtas sa kanya.
Bakit kaya ito hindi nagsasalita? Parang nagtitipid lang ng laway, e. Sayang, gwapo pa naman, pero mukhang snub.
At bago pa man ako makatulog nang tuluyan, pinilit ko ang sariling tumayo at nag-inat ng katawan. Magliligpit na sana ako ng mga ginamit ko sa paglilinis nang mapansin kong nakabukas ang pinto ng bedroom. Agad na kumunot ang aking noo.
Umatras muna ako at kinuha ang handle ng mop. Ang sabi sa akin ng babaeng nagturo sa akin dito ay hindi raw umuuwi rito ang may-ari ng penthouse tuwing Sunday. So sino ang nakapasok?
Bumilis ang tibok ng aking dibdib habang maingat at alertong nilapitan ang pinto ng bedroom. Saglit akong sumilip at nang makitang walang tao ay dahan-dahan akong pumasok sa loob.
Anong nanakawin nila sa penthouse na ito? Wala namang valuable dahil mukhang resthouse lang ito ng may-ari.
So ano ang nanakawin nito?
Dahan-dahan akong lumapit. Nakarinig ako ng paglagaslas ng tubig mula sa banyo. At ang kapal naman ng mukha nitong makiligo rito!
Pumwesto ako sa gilid ng pinto papasok ng banyo, hininhintay itong makalabas. My heart is beating erratically. Nanlalamig din ang mga kamay ko dala ng kaba na baka ay masaktan ako ng intruder. Ngunit kung may mawala sa bahay na ito ay naka-charge sa akin. Kailangan ko ang pera.
After a few moments or so, I heard her turned off the faucet. Agad kong hinanda ang sarili ko para hampasin siya, at lihim na nagdadasal na sana ay ligtas ako sa susunod pang mga minuto.
The moment he took a step out of the bathroom, I immediately raised my mop and was about to hit him when he was fast to grab my arm. Inangat nito ang aking braso dahilan para mawalan ako ng balanse at sabay kaming mapadapa.
Our eyes met and those familiar jade ones stared back at me. Unti-unting nanlaki ang paningin ko nang makilala kung sino ito.
It was the man who saved me a week ago!
Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Bakas ang galit sa kanyang mukha kaya’t nakaramdam ako ng takot.
“Mr. Axton!”
Wala sa sarili akong napatingin sa isang lalaking lumapit sa amin at tinulungan ang binatang makatayo. Tumayo na lang din ako.
“Who are you? Paano ka nakapasok dito?” tanong ng lalaking tumulong sa binata na makatayo.
“Kayo?” I frowned. “Sino kayo?”
“He’s the owner of the penthouse. Now, who are you?”
Umawang ang labi ko nang marinig ‘yon.
A-ano?
Wala sa sarili akong napalunok habang naglalakad kami ni Sir Axton palabas ng venue.Kakatapos pa lamang ng event at parang sobrang na-drain yata ang buo kong katawan. Kahit ang paghakbang ng aking mga paa ay hirap ako. Hindi rin nakakatulong ang suot kong heels. Feeling ko, isang maling apak, matutumba na ako.Sa kalagitnaan ng aming paglalakad, nagtaka ako nang biglang tumigil sa paglalakad si Sir Axton. Wala sa sarili ko itong nilingon at kumunot ang aking noo. Wala akong sapat na lakas ng loob pa para magtanong kung ano ang meron at bakit ito tumigil sa paglalakad.Tumingin lang ako rito na may halong pagtataka.“Give me your purse,” wika nito sa mababa at malamig na tinig.“B-bakit…” Agad akong napangiwi nang mapansin ko ang malamig at matalim nitong tingin. “S-sige po.”Wala sa sarili ko itong binigay sa kanya kahit na hindi ko mapigilan ang sarili kong magtaka.Ganoon na lang ang gulat ko nang bigla ako nitong binuhat gamit ang isang braso. Wala sa sarili akong napayakap sa kan
“Andreev?” wala sa sarili kong sambit. “K-kaano-ano mo si Axton?”Ngumisi ito sa akin na para bang alam niya kung sino ako. Agad namang bumilis ang tibok ng aking dibdib. Hindi pa nga nagsisimula ang pagpapanggap ko ngayong gabi, nabuking na ba kaagad ako?“I’m his twin,” sagot nito na mayroong mapaglarong ngiti sa labi. “Bakit parang kinakabahan ka?”Wala sa sarili akong napalunok. “Uh—”“Don’t worry.” Binaling nito ang atensyon sa salamin sa harap namin. “I am not telling a thing.”Tinapat pa nito ang hintuturo sa harap ng nakangusong labi niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanyang mukha.Ang ganda niya. Yung natural niyang makapal at pormadong kilay, ‘yung hugis oval niyang mukha, tas ‘yung pagiging maputi niya na para bang araw-araw nililigo sa gatas…ang ganda niya talaga! Hindi na ako magtataka kung totoo ang iniisip kong araw-araw itong naliligo sa gatas dahil mayaman naman sila.Pero back to the topic nga. Anong ibig niyang sabihin.“Hindi mo sasabihin ang alin?” Magpa
“Why are you with Axton?”Bakas sa hitsura ng mga ito na hindi sila basta-bastang mga babaeng matatagpuan lang sa mga event. They looked like they come from prominent families. At sa totoo lang, nagsisimula na akong makaramdam ng kaba.Bakit ko nga ba hindi naisip ang ganitong bagay? Of course, gwapo si Sir Axton. Kung may babaeng aaligid sa binata ay paniguradong magiging puntirya ng mga babaeng matagal nang may gusto sa kanya.Ano ba naman ‘yan, Asli!“Uh…” Napakamot ako ng kilay.Ano ba dapat ang sabihin ko? Na girlfriend niya ako? Dapat ko bang banggitin ‘yung salitang pretend? E ‘di sobrang tanga ko na non? Ano ba ang tamang salitang isasagot ko?Na sa kalagitnaan ako ng pakikipagdebate sa sarili ko nang bigla nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Wala sa sarili akong napasinghap sa sakit. Kung makatingin ito sa ‘kin ay para bang babalatan na ako nito ng buhay.“B-bitiwan mo ako,” mahinang sambit ko.“Answer me, bitch. Why are you with him? Yaya ka ba niya?”Yaya?Bahag
A pretend girlfriend?Kaya ko bang gawin ‘yon? At isa pa, itong hitsura kong ‘to? May maniniwalang girlfriend ako ni Sir Axton? Grabe naman. Compliment ba ito? Anong isasagot ko?Sa dami ng mga tanong na umiikot sa aking isipan, iba ang lumabas sa aking bibig.“Bakit ako?” wala sa sarili kong tanong. “H-hindi naman po sa nagrereklamo ako. Pero baka po pumalpak ako. Baka hindi sila maniwalang kasintahan ako ni Sir Axton. Hindi naman po ako maganda at hindi ko mapapantayan ang mga babaeng nakapalibot kay Sir—”“Don’t worry,” pagpuputol nito sa kung ano pa man ang sasabihin ko. “Let’s just trust Mr. Axton’s judgment, okay? Basta, maging natural ka lang. Minsan lang manghingi ng tulong ang taong katulad ni Mr. Axton. Let’s help him as much as we can.”Wala sa sarili akong napalunok at tumango.Ngayon lamang nag-sink in sa ‘king isipan na nagiging reklamador pala ako. Ako na nga itong tinulungan, dapat kahit papano ay masuklian ko ang pagmamagandang loob nito sa ‘kin. Wala rin akong dapat
Tahimik lamang akong nakaupo habang kinakalikot ng mga tauhan ni Miss Catarina ang buhok ko at mga daliri ko. May abala rin sa paglalagay ng makeup sa ‘king mukha at panay pa ang panliliit ng mga mata nito habang nakatingin sa ‘kin.Wala nang tao sa loob ng shop nito. Amoy na amoy ko ang mga damit na bagong design ni Miss Catarina na suot-suot ng mga manikin dito sa loob.“Why aren’t you taking care of yourself?” tanong ni Catarina sa ‘kin habang pinapanood akong ayusan ng kanyang mga tauhan.Lumunok muna ako bago hilaw na ngumiti. “A-ano po kasi…”“Kaano-ano mo si Mr. A?” muling tanong nito na hindi man lang hinintay na makasagot ako sa nauna nitong tanong. “Why are you getting dolled up. Are you his girlfriend?”“Po?” Wala sa sarili akong napakurap. Hindi naman ako pwedeng makailing dahil may naglalagay ng contour sa ‘king mukha. Baka masira ko pa ang momentum niya. “H-hindi po. Ano niya lang po ako…maid.”Agad na nanliit ang mga mata nito habang nakatingin sa ‘kin. Bakas sa mukha n
Sa isiping ‘yon, nagmamadali akong nagpalaam sa aming manager dahil baka hindi lang si Sir Oli ang nandoon. Pero most of the time, si Sir Oli lang naman. Isang busy person si Sir Axton. Hindi naman siguro ito personal na pupunta sa akin, ‘di ba?“Sir Oli…”“Miss Bernardo, busy ka ba? May oras ka ba kahit saglit?” tanong nito.Bakas ang pagmamadali sa boses nito, kaya naman agad akong naalarma.“B-bakit po? May problema po ba?” Hindi ko na rin mapigilan ang pag-aalala ko.“Mukhang kailangan tayo ni Sir Axton ngayon.”“K-kailangan—ay! Saan po tayo?”Wala sa sarili akong napasinghap nang bigla nitong hilahin ang aking pulso at binuksan ang backseat ng sasakyan. Wala sa sarili naman akong napahakbang papasok at umupo sa isang bakanteng upuan.Sumunod naman sa akin si Sir Oli na agad sinarado ang pinto. Bumilis ang tibok ng aking dibdib sa kaba habang nakatingin dito. Hindi ko alam kung ano una kong sasabihin o itatanong.Bago ko pa man mabuksan ang aking bibig para sa mga katanungan, may







