LOGINTahimik akong nakayuko habang ang babaeng nagpapasok sa akin bilang kasambahay. Yung lalaki namang pinangalanan nitong Mr. Axton ay nakaupo sa couch habang pinunasan ang buhok nitong basang-basa pa dahil sa kakagaling pa lamang ito ng banyo.
Mahigpit ang kapit ko sa mop na nasa aking kamay. “P-pasensya na po talaga. Hindi ko po sinasadya. Hindi ko po alam na nandito po kayo. Ang sabi po kasi sa akin ay wala po ang may-ari ng penthouse tuwing Linggo.”
Narinig ko ang paghugot nito ng malalim na hininga. I closed my eyes, waiting to be scolded by the man. Ngunit laking gulat ko nang marinig ko ang lalaking kasama ni Mr. Axton na nagsalita.
“It’s fine. And it’s good to know that you’re willing to protect the house. But next time, make sure that no one is around before you start cleaning. You’re disturbing Mr. Axton.”
Agad akong tumango. Parang nabunutan ng tinik ang aking dibdib sa narinig. Mariin kong kinagat ang ibabang labi bago ako nagpasalamat dito. “Thank you so much. I promise to be very more careful again. Hindi na po ito maulit.”
Tipid na tumango ang lalaki. “You’re now dismissed.”
Muli akong ngumiti rito at agad na lumabas ng silid. Ngunit bago ako tuluyang makaalis, hindi ko maiwasang tapunan ng tingin ang lalaking nakaupo sa couch. Halos mapugto ang aking hininga nang magkasalubong ang aming mga mata.
Kinakailangan ko pang iiwas ang paningin ko sa kanya dahil parang nawawalan akong ng hangin. Giniya naman ako ng babaeng nagpapasok sa akin palabas ng penthouse. Pagkarating na pagkarating namin sa loob ng elevator ay agad niya akong pinagsabihan.
“Muntik ka nang masisante bata ka!” wika nito na mayroong halong pangigigil. “Pasalamat ka na lang at hindi nakakapagsalita si Mr. Axton. Dahil nako, paniguradong pagasabihan ka non.”
Kumunot ang aking noo. “Bakit naman po siya hindi nakakapagsalita? Ano pong problema niya?”
“Mute kasi siya,” wika nito. “Binansagan siyang Mute Billionaire ng lahat dahil hindi siya nagsasalita. Well, sa narinig ko, selective mutism daw. Nakakapagsalita raw siya pero pili lang. Hay. Ang swerte siguro ng nakakarinig sa boses niya.”
“Oo nga,” sang-ayon ko kahit hindi ako relate sa hiling niyang marinig ang boses ng lalaking ‘yon. “Pero akala ko ba ay wala siya rito sa penthouse every Sunday? Anong ginagawa niya roon?”
“Aba, malay ko? At saka, bakit ang dami mong tanong? Uuwi siya hangga’t sa kung kailan niya gusto. Bahay niya pa rin ‘yan, hija. Anong akala mo ba? Nag-iisip ka ba?”
Mariin kong kinagat ang ibabang labi at hilaw na ngumiti rito. “Sorry po.”
Umismid ito sa akin at sakto namang bumukas ang pinto ng elevator. Nauna itong lumabas at sumunod naman ako. Nang makalabas na kami ay hinarap niya ako habang nakataas ang kilay.
“Next time, eleven ka na magpunta para maglinis. Para makasiguro tayo kung wala na roon si Mr. Axton.”
“Paano kung nandoon siya? I mean, like hindi siya umalis? Hindi ba ako maglilinis?”
“Anong hindi?” Tumaas ang kilay nito. “We will ask for permission kung pwede bang maglinis. Unless ayaw mong magkapera, pwede kaming maghanap ng iba.”
“Ay, nako! Hindi po. Maglilinis po ako. Kahit gabi-gabihin ko pa.” Hilaw akong ngumiti rito. “Unless you want me. Pero h’wag po kayong mag-alala. I will be here after eleven in the evening next week.”
Tinaasan lang ako nito ng kilay at binigay sa akin ang sobre saka tumalikod. “Umuwi ka na.”
And just like that, umalis ang babae. Kanina ko pa siya kausap pero kahit pangalan niya ay hindi ko maalala. Nakakatawa nga naman.
I took a very deep breath and headed out of the building. Pagkarating ko sa labas ay nilakad ko muna ang distansya patungo sa sakayan ng tricycle. Hindi naman ako mayaman, e. Kailangan kong magtipid ng pera. Kung pwede lang lakarin ang distansya ng bahay ni Belinda rito sa syudad ay gagawin ko. Ngunit masyadong malayo ‘yon.
Pagkauwi ko ay masyadong tahimik ang buong bahay. Mukhang wala ngayon si Belinda. Bilib din ako sa kaibigan kong ‘yon. Sobrang sipag kahit na si Buknoy na lamang na kapatid nito ang binubuhay. Siguro ay sa trabaho na lang nito binubuhos ang atensyon dahil sa sinapit nitong heartbreak noon.
Pag-ibig nga naman. Nagbihis muna ako ng isang sweatpants na binili ko noon nung high school pa lamang ako. Hanggang ngayon ay kasya pa rin sa akin. Kaya lang, medyo hapit ito sa pang-upo ko kaya kitang-kita ang kabilugan nito. Bahala na. At least may maumbok, ‘di ba?
Dumiretso na kaagad ako sa ospital pagkatapos. Bumili muna ako ng pagkain naming dalawa ng kapatid ko bago ako pumasok sa loob ng ospital. I headed to his ward. Wala sa private room ang kapatid ko. May ka-share siyang mga pasyente sa loob ng ward. Kahit papano ay panatag ang loob kong mayroong makakapansin kay Yael kung sakaling mayroon man itong gawin. At isa pa, nandoon naman si Buknoy.
Pagkapasok ko sa loob ng ward ay natumbok nga ang hula ko. Nakaupo si Buknoy sa silyang na sa tabi ng kama Yael. Napangit ako at nilapitan ang mga ito.
“Nandito ka na po pala, Ate.” Tumayo si Buknoy. “Magtatagal ka po ba rito, Ate Asli? May kailangan kasi akong puntahan, e. Walang magbabanta kay Yael kung aalis ako.”
“Okay na, Buknoy. Puntahan mo muna ang mga lakad mo. Maraming salamat sa pagbabantay sa kapatid ko. Thank you so much, Buknoy.”
“Walang anuman po, Ate. Tawagan niyo na lang po ako kung may importante po kayong lakad para makabalik po kaagad ako.”
I nodded my head. Nagpaalam naman ito kay Yael na tinanguhan lang din naman ng kapatid ko. Lumapit ako sa kama nito at umupo sa pwesto ni Buknoy kanina. I held my brother’s hand and smiled.
“Kamusta ang pakiramdam mo? Hindi ba masaikt ang ulo mo? Ang tiyan mo? Ayos lang ba ang paghinga mo?”
“Ayos lang po ako, Ate.” Ngumiti ito sa kanya. “Sabi po ng doktor, bumubuti na raw po ang pakiramdam ko. Pero, Ate, baka mahal ‘yung mga gamot. Ate…”
“Hush,” pagpuputol ko rito. “Hindi mahalaga sa akin ang pera. Lahat ay gagawan ko ng paraan. Gumaling ka lang. Mas mahalaga ka sa akin kesa sa kung anong salapi.”
Ngumiti ito sa ‘kin at nanubig ang mga mata nito. “Kapag gumaling ako, Ate, babawi ako sa ‘yo. Maghahanap ako ng trabaho at bubuhayin kita. Hindi niyo na po kailangang magtrabaho kasi ako na po ang buhuhay sa ‘yo.”
Magaan kong hinaplos ang buhok nito at ngumiti. “Hihintayin ni Ate pagkakataon na ‘yan. Sa ngayon, kailangan mo munang magpagaling, okay? Magpagaling ka. Yan lan ang hinihiling ko sa ‘yo, Yael.”
As I kissed his forehead, mas naging desidido ako na magdoble kayod. Para sa aking kapatid. Para sa aming dalawa.
PAGDATING KO sa room namin ay saktong gising na ang mga kasamahan ko para sa aming pagbalik sa Maynila. Hindi ko na magawang matulog pa at agad na niligpit ang aking mga gamit. Agad akong sumakay sa van at doon ko na lang naisipang umidllip.Saglit lamang ‘yon dahil nang maidilat ko ang aking mga mata ay na sa Alabang na kami. Agad akong tumuwid sa pagkakaupo at nagpadala ang text kay Yael na malapit na ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagkaroon ako ng eight thousand sa loob ng isang araw. May mga naging commission din kasi ako sa pagbebenta ng alak, e. Hindi ko ito sasayangin.“Thank you, girls. We will contact you again kapag mayroon na ulit tayong project. Magpahinga na kayo.”Agad na nagsialisan ang mga kasamahan ko, habang kami ni Belinda ay dumiretso sa bahay niya. Nagbihis muna ako ng damit at binilang muna ang pera sa aking kamay. Sapat na ‘yon pambayad sa hospital bills.Nakaramdam ako ng pagkagalak. At least nagbubunga ang hirap ko. Medyo kampante na a
NAKATAYO sa aming harapan ang aming head. Tapos na ang even ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Kung paano ako sinubukang sagipin ni Sir Ethan mula sa babaeng ‘yon.And weirdly, bakit kaya nagkatagpo ang mga landas namin? At dito pa talaga sa lugar na ito? At sa lahat ba naman ng taong sasagip sa akin, ang mga lalaking ‘yon pa?“Dapat kayong magpasalamat kay Asli, lalong-lalo ka na, Mia,” pangangaral sa amin ng aming head. “Pero, Asli, h’wag mo nang uulitin ang bagay na ‘yon. Kung hindi mo pa kakilala ang mga dumating, paniguradong napahamak ka na.”I bit my lower lip.May point ito. Mabuti na lang talaga at mabait si Sir Ethan. Dahil kung hindi ay goodbye na lang talaga sa akin. Mauuwi pa nga ang lahat sa wala, mapapahia pa ako.Nagpasalamat sa akin si Mia dahil sa nagawa ko para sa kanya. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil at least hindi ito naging aso sa harap ng isang mayamang puro pera lamang ang takbo ng isipan.“Hindi ka na ba sasabay sa am
LAHAT KAMI ay nakatitig lamang sa mga pangyayari. Pawang mga takot na makisali sa gulo. Gustuhin ko mang tumulong ngunit kahit mismo ang manager ay panay ang iling sa akin dahil kahit ito mismo ay hindi pinakikinggan ang mayamang babae.Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng lungkot para sa kasamahan namin.Paano kung katulad ko rin siyang walang matinong tulog at marami ring problemang iniisip? Paano na lang kung magiging dagdag pa ito sa mga suliranin niya? Hindi ba’t masyado namang nakakaawa?Lahat kami rito sa backdoor ay nakatingin lamang sa aming kasamahan, mababakas ang awa sa mata ng bawat isa. At nang muli ko itong tignan, pansin kong nakayuko na ito at pasimpleng pinupunasan ang luha sa mga mata.“P-pasensya na po. Hindi ko po kayang bayaran ang halaga ng gown niyo. L-lalabhan ko na lang po.” Rinig na rinig ang basag nitong boses sa kabila ng maingay na paligid.Other guests didn’t seem to mind what’s happening. Parang normal lang sa kanila ang mga ganitong bagay. May iilang
“Be careful. Yan lamang ang magiging payo ko sa inyo. Kapag tingin niyo ay wala sa mood ang nakakasalubong niyo, agad kayong tumabi at padaanin sila. We’ve encountered a lot of guests like them and they’re all not a good. Are we clear?”“Yes, Ma’am!” halos sabay-sabay naming sagot.Pagkatapos kaming bilinan ay nagsimula na kaagad kami mag-ayos sa pagkain.May iilang mga naglalagay ng backdrop sa likod ng mga pinaglagyan ng pagkain at mga designs. Hindi ko maiwasang punahin ang mga styles na ginagawa nila ngunit hindi ako umimik. I am only here to serve foods. Ayokong maghanap ng iba pang problema at sakit sa ulo.Hindi pa nagsisimula ang event. Ang sabi ay alas otso pa raw magsisidatingan ang mga guests kaya’t dali-dali ang mga ginagawa naming pagsasaayos. Medyo nalilito pa ako kung kanino ako tutulong at kung saan ako pupunta. And after a few observations ay agad akong naka-adapt sa kung ano ang kailangan kong gawin.“Doon niyo ilagay. Make sure maayos at hindi makalat tignan. May mg
AXTON’S POINT OF VIEWPabalda kong nilapag ang folder sa mesa at nag-angat ng tingin sa tauhan kong walang ibang nagawa kundi kapalpakan, habang si Blythe ay tahimik lang na nakaupo sa tabi. Busy ito sa paglalagay ng kulay sa kuko nito sa paa.Agad na lumuhod ang lalaki sa harapan ko at yumuko.“I’m so sorry, Sir! Babawi ko po. Hahanapin ko po. I neglected my duty. Babawi po ako, h’wag niyo lang po ako sisantihin.”The anger in me made me unable to think of any words to tell him.Wala akong ibang nagawa kundi ang magkuyom ng kamao habang masamang nakatitig dito. Mukhang napansin na ni Blythe ang galit ko kaya’t nag-angat ito ng tingin sa akin at sa lalaking nakayuko sa harapan ko.“Kunin mo ang mga papel and get out,” Blythe said on my behalf. “Bilisan mo habang nakakapagtimpi pa ako.”“O-opo!”Natataranta nitong pinulot ang mga papel na nagkalat sa sahig at nagmamadaling umalis.Nang kami na lang dalawa ni Blythe ang naiwan ay umupo ako sa silya at humugot ng malalim na hininga. Baha
Antok na antok pa ako ngayon habang ang mga kasamahan ko sa van ay kanya-kanya nang pagpapaganda. Pero hangga’t unbothered pa rin si Belinda, hindi muna ako maghahanda. Bukod sa wala akong makeup kit, gusto ko munang ipagpatuloy ang naudlot kong tulog kanina.“Kung may balak kang matulog ulit, h’wag mo nang ituloy,” bulong ni Belinda sa ‘kin. “Nandito na tayo.”“Okay,” mahinang sagot ko at humugot ng malalim na hininga.After a moment or so, agad na tumigil ang van at bumukas ang pinto.Para kaming mga ibon na pinakawalan sa hawla. Well, pito lang naman kami, kabilang na ako at si Belinda. Yung lima, magkakapareho na ng suot, habang kami ni Belinda ay nakapantulog pa.Oo, pantulog. Hindi pa ako nakakapagbihis. Bahala na. Ang importante ay makakapagbihis ako.Isang bakla ang sumalubong sa amin na mukhang close friends ng kaibigan ko dahil agad nagbesohan ang mga ito. Parang nakalimutan nga ako ni Belinda dahil magkahawak ang kamay nitong pumasok sa loob ng hotel.Dumiretso kami sa isan

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





