LOGIN“Kamusta ang unang gabi?” bungad na tanong sa akin ni Belinda nang mababa ito.
Busy ito sa pagpupunas ng basang buhok nito. Mukhang kakatapos lang nitong maligo. Tipid lamang akong ngumiti sa kanya at sumimsim sa hawak kong kape.
“Okay lang din naman. Nakabenta naman ako kahit papano,” sagot ko. “Pinagtimpla nga pala kita ng kape.”
“Salamat,” wika nito at umupo sa upuang kaharap ko. “Galingan mo kasi next time. Konting lambing, konting himas sa braso, bibigay na ang mga ‘yan. Lalo na ‘yung mga anak ng politicians at mga artista. Mahilig magsunog ng pera sa mga bar. Yun ang puntiryahin mo.”
Konting himas? Konting lambing? Mahawakan pa nga lang ako sa braso parang tumitindig na ang balahibo ko sa pagkadisgusto!
Pero may choice pa ba ako? Pinasok ko ang trabahong ‘yon at alam ko ang magiging resulta kung sakali. I took the risk, so I have no rights to complain. Mabuti na lang talaga at agad na napaatras ang lalaki kagabi—wait… sino kaya ‘yung lalaking ‘yon?
“Oy. Ayos ka lang?” Pinitik nito ang daliri sa aking harapan, dahilan para mapakurap ako nang wala sa sarili. “Kanina ka pa tulala.”
Pinilig ko ang aking ulo at humugot ng malalim na hininga. “May naalala lang ako.”
“Sino?”
Bago ko pa man masagot ang tanong na ‘yon ay narinig ko na ang boses ni Yael na tumatawag sa pangalan ko. Agad ko itong nilingon at nakita ang kapatid kong naglalakad pababa ng hagdanan habang kusot-kusot ang mga mata.
I immediately put on my smile. Alas tres na ako kaninang madaling araw nakauwi dahil nga hinintay ko pang ibigay sa akin ang pera. Mas malaki pa nga ang tip ko kaysa sa bayad sa amin. And this kind of job is not bad at all—except for the fact that they have to wear revealing clothes.
“Good morning, Yael,” nakangiti kong pagbati rito.
“Good morning po, Ate.” Tumabi ito ng upo sa akin. “Saan ka po galing kagabi? Si Buknoy lang po ang kasama ko.”
“Kumita ng pera, Yael,” sagot naman ni Belinda. “Pero sa mabuting paraan. Binigyan ko lang ng extra sideline ang ate mo.”
Nag-angat sa akin ng tingin ang kapatid ko. “Baka mapagod ang katawan mo, Ate.”
That brought a smile to my lips. Hinaplos ko ang buhok nito at humugot ng malalim na hininga. “H’wag kang mag-alala, Yael. Basta para sa ‘yo, kayang-kayang gawin lahat ni Ate.”
Niyakap ako nitong niyakap na agad ko ring sinagot. Hinaplos ko ang likuran nito at kasabay nito ang pag-ubo niya. Bumalot ang pag-alala sa aking dibdib at agad na hinawakan ang kanyang pisngi.
“Ayos ka lang ba? Nahihirapan ka pa rin bang huminga?” nag-aalala kong tanong.
“Ayos lang po ako, Ate. Malaking tulong po ‘yung gamot na binili niyo po.”
Sinuklay ko ang buhok nito at ngumiti. “H’wag mo masyadong isipin ang sitwasyon natin ngayon. Para hindi ka umiyak at mahirapang huminga.”
Tumango ito sa akin at ngumiti. “Opo, Ate.”
Muli kong hinaplos ang buhok nito at pinagtimpla ito ng gatas. Nagpaalam naman ako na maliligo na dahil may pasok ako bilang cashier ngayon.
Sa totoo lang, pagod na pagod na ang katawan ko. Gusto kong magpahinga. Dalawang oras lang ang tulog ko dahil kailangan ko ring maghanda ng umagahan ni Yael. Ayoko namang iasa kay Belinda ang mga gawaing bahay lalo na’t nakikitira lang kami.
“Aalis na ako,” pagpapaalam ko sa kanila.
“Mag-iingat ka,” wika ni Belinda.
“Ingat po, Ate.”
I nodded my head and smiled. Masaya akong umalis ng bahay kahit na kulang ako sa tulog.
Pagdating ko sa café ay agad akong nagsuot ng apron at nagtungo sa counter. Marami-rami ang mga customer ngayon, kadalasan ay mga estudyanteng prefer ang vibes ng kanilang café habang ang iba naman ay nagkukwentuhan lang. Examination week na kasi kaya ganito sila karami rito.
“Spanish latte po,” ani ng isang customer. “And can I get some donuts? Make it for two please.”
Agad akong nagpipindor sa monitor naming touchscreen. Mabilis namang gumalaw ang mga kasamahan ko dahil ang pinangakong serving time lang namin ay ten minutes lang. Beyond that, marami na agad kaming naririnig na reklamo.
I did my best not to fall asleep during my duty. Malamig ang atmosphere ng café at parang ang sarap matulog.
“Ayos ka lang?” tanong sa akin ni Leah nang mapadaan sa counter.
“Okay lang naman,” I replied.
“Pahinga ka muna. Lagyan ko ng break sa ibabaw.”
Napangiti ako dahil doon. I nodded my head. “Sige. Off ko muna ang monitor.”
Kapag cashier, hindi pwedeng gumalaw ang mga crew. Kung may mawawala man sa pera, ako ang magbabaya. So I had to turn it off.
Nagtungo agad ako sa break room namin at papaupo sa sana ako nang pumasok sa loob si Jenna, isang kasamahan ako sa trabaho. “Asli, parang phone mo yata ‘yung ring nang ring sa locker. Check mo muna while break pa.”
I nodded my head. Agad kong pinuntahan ang locker room at binuksan ang locker. At tama nga si Jenna, panay nga ang ring ng phone ko. Tinignan ko ang caller ID at nakita ang pangalan ni Belinda.
“Hello, Belinda?
“Asli!” anito. “Busy ka ba ngayon? Pwede ka bang magpunta muna rito?”
Agad akong kinutuban sa tono ng boses nito. “W-what happened? Parang nagmamadali ka?”
“Na sa ospital kami. Inatake ng hika si Yael,” anito. “Can you come here quick? The doctor wants to talk to you. Mukhang importante ito.”
Chills run down my spine and my hands started sweating cold.
“P-papunta na ako.”
H’wag sanang may masamang mangyari sa kapatid niya. Dahil kung may mangyari man sa kanya, hindi ko na alam ang gagawin ko.
PAGDATING KO sa room namin ay saktong gising na ang mga kasamahan ko para sa aming pagbalik sa Maynila. Hindi ko na magawang matulog pa at agad na niligpit ang aking mga gamit. Agad akong sumakay sa van at doon ko na lang naisipang umidllip.Saglit lamang ‘yon dahil nang maidilat ko ang aking mga mata ay na sa Alabang na kami. Agad akong tumuwid sa pagkakaupo at nagpadala ang text kay Yael na malapit na ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagkaroon ako ng eight thousand sa loob ng isang araw. May mga naging commission din kasi ako sa pagbebenta ng alak, e. Hindi ko ito sasayangin.“Thank you, girls. We will contact you again kapag mayroon na ulit tayong project. Magpahinga na kayo.”Agad na nagsialisan ang mga kasamahan ko, habang kami ni Belinda ay dumiretso sa bahay niya. Nagbihis muna ako ng damit at binilang muna ang pera sa aking kamay. Sapat na ‘yon pambayad sa hospital bills.Nakaramdam ako ng pagkagalak. At least nagbubunga ang hirap ko. Medyo kampante na a
NAKATAYO sa aming harapan ang aming head. Tapos na ang even ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Kung paano ako sinubukang sagipin ni Sir Ethan mula sa babaeng ‘yon.And weirdly, bakit kaya nagkatagpo ang mga landas namin? At dito pa talaga sa lugar na ito? At sa lahat ba naman ng taong sasagip sa akin, ang mga lalaking ‘yon pa?“Dapat kayong magpasalamat kay Asli, lalong-lalo ka na, Mia,” pangangaral sa amin ng aming head. “Pero, Asli, h’wag mo nang uulitin ang bagay na ‘yon. Kung hindi mo pa kakilala ang mga dumating, paniguradong napahamak ka na.”I bit my lower lip.May point ito. Mabuti na lang talaga at mabait si Sir Ethan. Dahil kung hindi ay goodbye na lang talaga sa akin. Mauuwi pa nga ang lahat sa wala, mapapahia pa ako.Nagpasalamat sa akin si Mia dahil sa nagawa ko para sa kanya. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil at least hindi ito naging aso sa harap ng isang mayamang puro pera lamang ang takbo ng isipan.“Hindi ka na ba sasabay sa am
LAHAT KAMI ay nakatitig lamang sa mga pangyayari. Pawang mga takot na makisali sa gulo. Gustuhin ko mang tumulong ngunit kahit mismo ang manager ay panay ang iling sa akin dahil kahit ito mismo ay hindi pinakikinggan ang mayamang babae.Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng lungkot para sa kasamahan namin.Paano kung katulad ko rin siyang walang matinong tulog at marami ring problemang iniisip? Paano na lang kung magiging dagdag pa ito sa mga suliranin niya? Hindi ba’t masyado namang nakakaawa?Lahat kami rito sa backdoor ay nakatingin lamang sa aming kasamahan, mababakas ang awa sa mata ng bawat isa. At nang muli ko itong tignan, pansin kong nakayuko na ito at pasimpleng pinupunasan ang luha sa mga mata.“P-pasensya na po. Hindi ko po kayang bayaran ang halaga ng gown niyo. L-lalabhan ko na lang po.” Rinig na rinig ang basag nitong boses sa kabila ng maingay na paligid.Other guests didn’t seem to mind what’s happening. Parang normal lang sa kanila ang mga ganitong bagay. May iilang
“Be careful. Yan lamang ang magiging payo ko sa inyo. Kapag tingin niyo ay wala sa mood ang nakakasalubong niyo, agad kayong tumabi at padaanin sila. We’ve encountered a lot of guests like them and they’re all not a good. Are we clear?”“Yes, Ma’am!” halos sabay-sabay naming sagot.Pagkatapos kaming bilinan ay nagsimula na kaagad kami mag-ayos sa pagkain.May iilang mga naglalagay ng backdrop sa likod ng mga pinaglagyan ng pagkain at mga designs. Hindi ko maiwasang punahin ang mga styles na ginagawa nila ngunit hindi ako umimik. I am only here to serve foods. Ayokong maghanap ng iba pang problema at sakit sa ulo.Hindi pa nagsisimula ang event. Ang sabi ay alas otso pa raw magsisidatingan ang mga guests kaya’t dali-dali ang mga ginagawa naming pagsasaayos. Medyo nalilito pa ako kung kanino ako tutulong at kung saan ako pupunta. And after a few observations ay agad akong naka-adapt sa kung ano ang kailangan kong gawin.“Doon niyo ilagay. Make sure maayos at hindi makalat tignan. May mg
AXTON’S POINT OF VIEWPabalda kong nilapag ang folder sa mesa at nag-angat ng tingin sa tauhan kong walang ibang nagawa kundi kapalpakan, habang si Blythe ay tahimik lang na nakaupo sa tabi. Busy ito sa paglalagay ng kulay sa kuko nito sa paa.Agad na lumuhod ang lalaki sa harapan ko at yumuko.“I’m so sorry, Sir! Babawi ko po. Hahanapin ko po. I neglected my duty. Babawi po ako, h’wag niyo lang po ako sisantihin.”The anger in me made me unable to think of any words to tell him.Wala akong ibang nagawa kundi ang magkuyom ng kamao habang masamang nakatitig dito. Mukhang napansin na ni Blythe ang galit ko kaya’t nag-angat ito ng tingin sa akin at sa lalaking nakayuko sa harapan ko.“Kunin mo ang mga papel and get out,” Blythe said on my behalf. “Bilisan mo habang nakakapagtimpi pa ako.”“O-opo!”Natataranta nitong pinulot ang mga papel na nagkalat sa sahig at nagmamadaling umalis.Nang kami na lang dalawa ni Blythe ang naiwan ay umupo ako sa silya at humugot ng malalim na hininga. Baha
Antok na antok pa ako ngayon habang ang mga kasamahan ko sa van ay kanya-kanya nang pagpapaganda. Pero hangga’t unbothered pa rin si Belinda, hindi muna ako maghahanda. Bukod sa wala akong makeup kit, gusto ko munang ipagpatuloy ang naudlot kong tulog kanina.“Kung may balak kang matulog ulit, h’wag mo nang ituloy,” bulong ni Belinda sa ‘kin. “Nandito na tayo.”“Okay,” mahinang sagot ko at humugot ng malalim na hininga.After a moment or so, agad na tumigil ang van at bumukas ang pinto.Para kaming mga ibon na pinakawalan sa hawla. Well, pito lang naman kami, kabilang na ako at si Belinda. Yung lima, magkakapareho na ng suot, habang kami ni Belinda ay nakapantulog pa.Oo, pantulog. Hindi pa ako nakakapagbihis. Bahala na. Ang importante ay makakapagbihis ako.Isang bakla ang sumalubong sa amin na mukhang close friends ng kaibigan ko dahil agad nagbesohan ang mga ito. Parang nakalimutan nga ako ni Belinda dahil magkahawak ang kamay nitong pumasok sa loob ng hotel.Dumiretso kami sa isan







