LOGINMuli kaming bumalik sa company. Pero hindi para bumalik ako roon at tapusin ang trabaho ko. Bumalik lang kami roon dahil sa mga purse kong bitbit ni Sir Oliver. In other words, dumaan lang kami dahil naghihintay sa amin si Sir Oli sa labas ng building. Pagkatapos ay agad na humarurot ang sasakyan paalis. Hindi ko maiwasang mapangiwi at humugot ng malalim na hininga. Ano kaya ang laman ng isip niya? Hindi ko pa rin maalis sa ‘king isipan ang kanyang sinabi kanina at feeling ko may mga nagliliparang paru-paro sa ‘king sikmura. Not in a bad way though. “Why didn’t you call and ask me about being transferred?” pagbabasag nito sa nakakabinging katahimikan sa loob ng silid.Mahina akong napangiwi. “Akala ko kasi alam mo na. Si Mrs. Veloso rin ang nagsabi sa ‘kin na na-transfer na ako. Kaya ayon. Hindi na ako nag-chat sa ‘yo.”“You’ve lost weight,” he mumbled. “What the hell did she ask you to do?”“Gawaing secretary lang po,” sagot ko naman. “Medyo sleepless ako kasi hindi pa ako sanay
“Masyado ka bang pinapahirapan ni Willow?” tanong ni Blythe habang binabaybay namin ang pathway sa kanilang hardin.Medyo malawak ang hardin ng mga Andreev. At kapag na sa mood sila, dito sila nagsi-set up ng dinner dahil bukod sa maganda ang paligid, kitang-kita rin ang malawak na kalangitan.“Hindi naman,” mahina kong sagot. “Mag-isa lang kasi akong secretary niya, kaya medyo marami akong kailangang gawin, kaysa sa ginagawa ko noong secretary pa lang ako ni President Axton.”Dito sa kanila, kailangan ko pa rin i-address si Axton bilang President, ngunit gamit ko na ang first name niya. Lahat kaya sila Andreev. Though kapag sinabi kong President Andreev, isa lang naman ang ibig kong sabihin, at ‘yon ay si Axton. Ngunit mas mabuti na ang specific. Ayokong magkamali, at lalo na sa lahat, ayokong maging damsel in distress. “I’m sure he’s furious as hell.” Mahinang natawa si Blythe. “Mabilis magalit ‘yan kapag inaagawan ng laruan.”Kumunot ang aking noo at wala sa sariling tumingin sa k
Tahimik lang ako sa passenger’s seat. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isipan ni Sir Axton, ngunit ramdam ko ang galit niya. Lalo na nang makita ko kung gaano kahigpit ang hawak niya sa sa steering wheel.Parang konting kabig lang ay matatanggal na ito.Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana at humugot ng malalim na hininga. Kahit na malamig ang aircon ng sasakyan, parang pinagpapawisan pa rin ako. Kung sa kaba man ito o sa takot, hindi ko na alam.Tikom lamang ang aking bibig hanggang sa makarating kami sa…“Sir Axton…” wala sa sarili kong sambit nang mapagtanto kung saan kami nagpunta.Bahay ito ng kanyang mga magulang!“I need their explanation.”Namilog ang aking mga mata. Umawang ang aking bibig at gusto ko sanang magsalita, ngunit…ano namang sasabihin ko?Na okay lang na mag-demand siya ng explanation basta’t h’wag niya lang akong idamay dito?Baka makita ako ni Mrs. Delancy at isipin niyang masyado akong naging mapapel sa buhay ni Axton. Natatakot ako. Ayoko ng ganon
Without the president’s permission?Pero hindi ba’t isang linggo na ang dumaan? Imposible naman yata kung until now ay hindi pa rin alam ni Axton na hindi na niya akong secretary. Unless walang sinasabi si Mrs. Veloso sa kanya tungkol sa pagkakalipat ko, ‘di ba?Knowing Miss Veloso, konting mali ko lang nga ay agad na niyang ni-re-report kay Axton. Impossible naman sigurong hindi niya nabanggit ang tungkol sa paglipat ko.“Ah…” Ano ba dapat ang sabihin ko?Na nagulat lang din ako at hindi ko alam kung bakit ako nalipat bilang VP secretary?O sabihin ko na si Miss Willow ang nagpumilit sa mga magulang ni Axton para mailipat ako?Hindi ko alam.Nang tumunog ang elevator, senyales na sasarado na ito, malakas akong napasinghap nang biglang hawakan ni Sir Axton ang aking palapulsuhan. Bago pa man ako makapag-react, hinila na niya ako palabas ng elevator.“President…” mahinang usal ko.Mabilis ang kanyang lakad habang hawak nang mahigpit ang aking pulso.Four inches heels ang suot ko ngayon
Kahit na medyo hindi pa rin ako makapaniwala, dumiretso pa rin ako sa office ng vice president. Gulong-gulo ako ngunit kailangan ko pa ring magpunta. Baka sakaling mabigyan ako ng matinong explanation ni Miss Willow.Hindi ko alam na anak pala siya ng vice president ng Ax-Global. Isa siya sa mga malalaking investor ng company, at business partner din ito ng A-Dre Corporation. In other words, talagang entangled ang mga Geronimo at Andreev. Kaya pala sobrang close ng pamilya nila.Kaya siguro nagkaroon ng kasunduang magpakasal sina Miss Willow at Axton. Mayaman sa mayaman.Tanggap ko naman ‘yon. Ngunit may kung anong sumisikip sa ‘king dibdib at hindi ko maintindihan kung bakit. Parang…parang may tumutusok sa puso ko sa isiping ikakasal si Axton, gayong alam ko naman na wala akong karapatang makaramdam ng ganito.Nang makarating ako sa labas ng office ng vice president, agad akong kumatok.“Come in,” said a soft voice from inside.Humugot muna ako ng malalim na hininga para kalmahin ang
Kinabukasan, pumasok ako sa loob ng opisina na parang walang nangyaring nakakaloka kahapon. Diretso ako sa aking pwesto sa tabi ni Mrs. Veloso. Panay pa ang paghihikab ko dahil feeling ko kinulang ako sa tulog.“Anong ginagawa mo rito?”Wala sa sarili akong nag-angat at nakita si Mrs. Veloso na kakarating pa lang.Kunot ang noo nito habang nakatingin sa ‘kin na para bang isang nakakapagtakang pangyayari ang makita akong nakaupo sa ‘king pwesto. Ngunit sa kabila ng aking pagtataka, pinili ko pa rin ang ngumiti at pormal na nagtanong.“Good morning, Mrs. Veloso.” Tumuwid ako sa ‘king pagkakaupo. “Bakit niyo po natanong? Secretary po ako ni President Andreev.”Tumigil siya sa harapan ng mesa. Hindi pa rin nawawala ang pagkakakunot ng noo niya. Parang disappointed na ewan. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaba habang tinitignan niya.“Hindi ka ba sinabihan ni Miss Estrella?” tanong niya.“Si Miss Eva Estrella po? Yung na sa HR? Bakit po? Ano pong dapat niyang sabihin sa ‘kin?” Kumun
“Why are you with Axton?”Bakas sa hitsura ng mga ito na hindi sila basta-bastang mga babaeng matatagpuan lang sa mga event. They looked like they come from prominent families. At sa totoo lang, nagsisimula na akong makaramdam ng kaba.Bakit ko nga ba hindi naisip ang ganitong bagay? Of course, gwa
Tahimik lamang akong nakaupo habang kinakalikot ng mga tauhan ni Miss Catarina ang buhok ko at mga daliri ko. May abala rin sa paglalagay ng makeup sa ‘king mukha at panay pa ang panliliit ng mga mata nito habang nakatingin sa ‘kin.Wala nang tao sa loob ng shop nito. Amoy na amoy ko ang mga damit
Sa isiping ‘yon, nagmamadali akong nagpalaam sa aming manager dahil baka hindi lang si Sir Oli ang nandoon. Pero most of the time, si Sir Oli lang naman. Isang busy person si Sir Axton. Hindi naman siguro ito personal na pupunta sa akin, ‘di ba?“Sir Oli…”“Miss Bernardo, busy ka ba? May oras ka ba
Nang sumapit ang umaga ay nagising na si Yael. Nilipat kaagad siya sa private ward kung saan siya patuloy na mag-re-recover. Nasabihan na rin ako ni Dok kung ano ang dapat at hindi dapat na ginagawa ni Yael.Kabilang na roon ang pagbubuhat at pagligo nang matagal dahil hindi pa sarado ang incision.







