Share

Chapter 10.1 - Bother

Usap-usapan ang biglaang pagkawala ni Sheriff Cruz, mula noong gabing 'yon ay hindi na siya nakita nino man. Hindi rin daw nagpaalam na liliban sa trabaho o magbabakasyon kaya pinaghahanap siya ngayon ng pulisya. Gayon din ang nangyari noong Acquaintance Party, dahil doon ay pansamantalang nasuspindi ang klase ng ilang araw at ngayon lang bumalik sa dati makalipas ang isang linggo. Advantage rin sa 'kin dahil nakapag-fulltime ako sa coffee shop, mas malaki ang sahod. 

"Nasaan si Maeve?" tanong ko nang makarating sa cafeteria.

Nadatnan naming nakaupo doon sa pwesto namin si Theo, mag-isa lang ito at wala si Maeve.. na siyang pinagtataka ko. 

Paupo na 'ko nang biglang masamid si Vern sa sarili niyang laway kaya agad ko itong dinaluhan para tanungin kung ayos lang ba siya. 

"Ayos ka lang?" tanong ko rito. 

Hindi pa man nakakabawi si Vernon ay narinig ko na agad ang mapang-inis na tawa ni Theodore.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status