Share

CHAPTER 4: Job Offer

Hating gabi ng magising ako sa maingay na tunog ng aking cellphone. Inaantok na sinagot ko iyon.

"Hello?"

"Ma'am Samantha! Madali kayo! Ang bakery shop nasusunog! Malaki na ang apoy huli na para isalba ang mga gamit." Naiiyak na ngawa ni Lani.

Tila agad na nawala ang aking antok at gulat sa mga pangyayari.

"Ma'am? Ano ng gagawin natin?" Natulala na lamang ako at hindi na ngawang tumugon.

Why? What happened? My bakery shop, ang pinaghirapan kung itayo ay naabo ng ganon kadali. Everything is burned down. What now?

Walang akong nagawa at natulala na lamang matapos kong marinig ang balita. Agad akong nagmadali sa pagpunta sa bakery sa pagbabasakaling may maabutan pa ako ngunit abo na lamang ang aking nadatnan.

Napakasakit isiping sa isang iglap ang iyong pinaghirapan ng ilang taon ay mawawala lang na parang bula.

Ang bakery na lamang ang kaisa-isa kong pinagkukuhanan ng pera. Bakit kailangan mangyari ang ganito? Bakit sa lahat ng pwedeng masunog ay ang bakery ko pa? Bakit ngayon pa na kung kailan kailangang-kailangan ko ng pera?

Paano na ang mga trabahador ko na nawalan na ng pagkakakitaan? Ang mga utang na hindi pa nababayaran?

Anong kamalasan ba itong nangyayari sa akin?

"Ma'am Sam pasensiya na huli na ng mabalitaan ko ang nangyari. Kung nalaman ko lang po agad edi sana baka naagapan pa ito." Hinging pasensiya ni Lani sa akin.

Siguradong siya ang unang makakaalam ng nangyari dahil isang kanto lang ang layo ng tirahan nila mula sa bakery shop.

Umiling ako at malungkot na ngumiti. "Ako nga ang dapat na humingi ng pasensiya. Nawalan kayo ng trabaho dahil sa pagiging irresponsible ko."

"Ma'am hindi po wala pong may kasalanan dito. Isang aksidente lang po ito. Mamaya malalaman natin kung ano ang nangyari."

Hindi na ako sumagot at napatingin na lamang sa bakery shop ko na patuloy pa ring inaapula. Hindi na malala ang apoy ngunit patuloy pa rin sila sa pagbuga ng tubig upang masiguradong maaapula ang apoy.

Naririto lamang kami sa may gilid at nanonood sa nangyayari.

"Anong bang kamalasang ito!" Napabaling ang aking tingin sa nagsalita.

Nakita ko si mrs. Choi na masungit na nakatingin sa akin. Halatang nabulabog ito sa kanyang pagkakatulog dahil nakasuot pa ito ng duster na pantulog at may nakalagay pang cream mask sa kanyang mukha.

"Mrs. Choi aksidente lang naman po ang nangyari." Pagtatanggol agad sa akin ni Lani.

Tumaas ang isa niyang manipis ngunit makapal na kilay. "Aksidente? Yun ba ang sabi ng bumbero? Sus Lani karma yan ng boss niyo. Tignan niyo ang nagagawa ng pagiging irresponsable."

"Aba mrs. Choi kung makapagsalita kayo sa amo ko parang perpekto kayo ah. Bakit akala niyo ho ba iyang makapal niyong kilay na gawa lang naman ng browliner ay matatakpan ang kalbo mong kilay? Daig niyo pa nga ho si Monalisa eh. Gaya lang kayo ng kilay niyo mrs. Choi. Kahit anong pagtakip mo sa kasamaan ng ugali mo aalingasaw at aalingasaw pa rin iyon." Mataray niyang ganti.

Matapos sabihin iyon ni Lani ay nawala ang pagiging mataray niya at napalitan ng matatalim na tingin. Halatang naapektuhan at nainsulto sa sinabi ni Lani.

"Aba't ikaw na bata ka ang kapal ng mukha mo! Sino ka ba para makisingit sa usapan ng may usapan?! Iyang amo niyo ang kausap ko at hindi ikaw na pakielamera! Walang respeto!"

"Mrs. Choi ang respeto may pinagbabagayan iyan. Kahit mas matanda ho kayo sa akin ng twenty years kung iyang ugali niyo naman po ay ganyan, no thanks na lang po." Sabat muli ni Lani.

Napatingin ako kay mrs. Choi na naggagalaiti na sa galit at parang handa ng sugudin si Lani ngunit bago pa man mangyari iyon ay pumagitna na ako.

"Mrs. Choi pasensiya na ho. Maaari po bang huwag ngayon? Ako na ang nakikiusap. Mas kailangan ako ng bakery ko ngayon kaya pause po muna pwede?" Pakiusap ko sa kanya.

Umismid lamang siya at mas masama pang tinignan si Lani na binelatan lamang siya. Inawat ko naman siya at hinging pasensiya na lamang na tumingin sa kanya.

Umirap si mrs. Choi at galit na lumayo sa amin.

Huminga ako ng malalim at tumingin kay Lani na maang-maangan na tumingin sa akin.

"Ano ma'am? Wala akong ginagawang masama. Totoo naman po ang sinabi ko sa kanya." Nailing na lamang ako sa kanyang sinabi.

Kinabukasan ay natanggap ko na ang report ng pinagmulan ng sunog.

Hindi ako makapaniwala ng malaman ko na hindi isang aksidente ang nangyari kung hindi ay sinadya ang pagkasunog ng bakery.

Nagmula ang sunog sa sinaboy na gaas sa paligid at sinindihan dahil ng pagliyab at pagkalat ng apoy.

Labis ang aking panggagalaiti sa nangyari. Sino ang pangahas na gagawa nito?

Sa pagkakatanda ako ay wala akong kahit sinong nakaalitan o ginawan ng masama kaya bakit niya ito ginawa sa bakery ko? Sino ang maaaring gumawa sa akin nito?

Hindi kaya?

Agad akong tumayo at umalis ng bahay. Sumakay ako ng jeep at pumara ako pagkarating ng aking destinasyon.

Nang nasa tapat na ako ng kanyang bahay ay agad ko siyang tinawag.

"Mrs. Choi! Mrs. Choi si Samantha ito, naririyan ka ba?" Tawag ko.

Nang walang sumagot ay kinalampag ko ang gate. "Mrs. Choi!"

"Sandali! Ano ba sisirain mo ba ang gate ko!? Pag nasira ito may pambayad ka--Oh anong masamang hangin ang nagdala sayo rito Samantha. Naririto ka ba para magbayad ng utang?" Bungad sa akin ni mrs. Choi pagkabukas ng gate.

"Hindi mrs. Choi--" Agad niya akong pinutol sa pagsasalita at nameywang. Mamaya na ako magbabayad ng utang kailangan ko muna siyang makausap.

"Aba eh anong ginagawa mo dito? Sinasayang mo lang ang oras ko umalis ka na at huwag mambulabog dito." Akmang isasara na niya ang gate ay pinigilan ko ito.

"Saglit mrs. Choi pakinggan niyo ho muna ako. May kinalaman ito sa sunog na nangyari sa bakery shop ko."

Tumaas ang isa niyang kilay. Ang hilig niya talagang ikurba ang kilay niya. "Eh anong kinalaman ko diyan aber? Sunog na ang bakery mo wala ka ng negosyo bukod sa utang mo anong kinalaman ko diyan?"

Napakamot na lang ako ng aking batok sa sobrang katarayan ni mrs. Choi. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Sinabi sa report na natanggap ko, sinadya daw ang sunog. Wala naman akong nakaalitan o nakaaway nitong mga nakaraang araw bukod sa--" Nag-aalinlangan ako kung sasabihin ko ba kasi mamaya mabugahan ako ng apoy kapag nagalit.

Pero in the first place naman kaya ako naririto ay para komprontahin siya di ba?

Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako. "So anong punto mo? Kaya ka ba natirito para sabihin sa akin na ako ang pinahihinalaan mo na sumadya diyan sa bulok mong bakery? Pinagsususpetiyahan mo ba ako?"

Agad akong umiling at napangiwi ng makita ang kanyang mukha na nagbabago ang itsura.

Umatras ako ng maramdaman kong parang bubuga na naman siya na parang dragon.

"H-hindi naman sa ganoon mrs. Choi kaya nga ako naririto ay para tanungin kayo kung may nakaalitan kayo." Pagsisinungaling ko.

"Ano naman kung may nakaalitan ako?"

"Naisip ko lang naman baka gawa iyon ng mga nakaaway mo, alam mo na kaya siguro sinunog ang bakery ko para wala ka ng makukuhanang pera. Nataon pa talaga kung kailan may utang ako. Hindi niyo ho ba naisip na baka may sumabutahe sa atin para ako na hindi kumita ng pera at ikaw na walang mahitang pera. May chismis pa naman na sinasabing malas daw yung sa pwesto na kinatatayuan ng bakery ko. Naku malaking kasiraan sa negosyo yan mrs. Choi. Eh alam niyo naman ang mga tao mapaniwala sa tsismis kaya kapag kumalat iyon ano na lang mangyayari sa negosyo niyo? Baka wala ng umupa ng pwesto niyo."

Napaisip naman siya sa aking sinabi. Ang totoo niyan wala naman talagang katotohanan ang mga sinasabi ko. Tinitignan ko lang ang magiging reaksyon ni mrs. Choi upang malaman kung may kinalaman nga siya sa nangyari.

"Sabagay may punto ka sa sinabi mo. May hinala na ako kung sino ang pwedeng gumawa nito at alam ko na kung sinong tsimosa ang magkakalat ng tsismis. Ang kapal talaga ng babaeng iyon na siraan ang negosyo ko! Makikita ng babaeng iyon ang hinahanap niya."

Napangiwi ako sa aking narinig. Hindi naman totoo ang aking sinabi pero mukhang may kaalitan talaga siya kilala na gagawa ng ganito pero kung titignan sa kanyang mga naging reaksiyon na kalmado esto natural na mataray at matabil ang dila, napatunayan ko na wala siyang kinalaman sa nangyari.

"Ang hayop talaga na babaeng iyon. Magtatanda talaga siya sa akin. Ang kapal ng mukha na siraan ako."

"Ah mrs. Choi ito na po pala ang bayad sa utang ko sakto yan." Lahad ko sa kanya ng pera.

Agad naman siyang napatigil sa pagsasalita at mabilis na kinuha ang pera. Binilang niya ito. "Hmmp... Makakaalis ka na at huwag ka ng babalik dito! Isa ka ring malas! Tse."

Napangiwi ako ng padabog niyang isinarado ang gate. Wala na akong nagawa kung hindi ang umalis.

Nagabang na ako ng masasakyan at nang makasakay sa pinara kong jeep ay ilang saglit na biyahe ay narating ko rin ang destinasyon kung saan ang bakery shop ko. Pumara ako at bumaba ng jeep.

Kung dati sa tuwing nagpupunta ako dito, ang una kong makikita ay ang masayang awra ng bakery shop.

I can still remember noong mga panahong maaga akong gumigising para lamang makapagbake at makabenta ng marami sa mga customers. I was really happy when I served them. Ngayon back to zero nanaman.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang lahat ng empleyado ko. Ilang saglit lang ay naririto na sila sa may bakery shop.

Malungkot akong ngumiti sa kanila. "Nakakalungkot isipin na ganito ang kinawakasan ng bakery shop pero ganoon talaga may mawawala, pero malay niyo may bagong darating. Ngayon maaari ito na ang huli nating pagkikita. Masaya akong makasama kayong lahat na itinuring ko na ring kapamilya. Laking pasasalamat ko sa inyo dahil kung wala kayo wala akong katulong sa pagpapalago ng bakery. Isa kayo sa mga dahilan kaya umunlad ang bakery shop at tumakbo ng ilang taon. Pasensiya na rin sa nangyari ngayon wala na kayong mga trabaho. Ang maitutulong ko na lamang ay ang dagdag pasahod ko sa inyo." Mula sa aking bag ay nilabas ko ang mga sobreng naglalaman ng kanilang mga sinahod.

"Sobra na rin yan dahil iyan na ang huli niyong sahod." Big thanks to mokong nakahuthot ako ng thirty thousand sa kanya. Mayaman naman siya and of course walang akong kasalanan siya naman ang sumang-ayon.

Isa-isa silang nagpasalamat sa akin at nagpaalam bago umalis. Naiwan na lamang si Lani. Since malapit lang naman ang bahay niya ay naglakad-lakad na muna kami.

"Lani may nahanap ka na bang bagong trabaho?" Tanong ko sa kanya.

"Meron po ang kaso ay medyo malayo dito kaya nag-aalinlangan ako. Ayoko kasing malayo kay lola lalo na at ako na lang ang nariyan para alagaan siya." Naikwento nga niya sa akin na dalawa na lamang sila sa buhay.

"Anong trabaho ba ang sinasabi mo?"

"Pagiging nanny."

"Oh? Pag-aalaga lang pala ng bata madali lang iyan sayang kung hindi tatanggapin. Gaano ba kalayo?"

"From QC to Makati lang naman." Sabi niya.

Napatango ako. "Malapit lang para sa akin siguro ay hindi ka lang sanay kasi ang trabaho ay isang kanto lang naman ang layo mula sa bahay niyo."

Natawa siya sa sinabi ko. "Baka nga ma'am. Sayang nga eh. Ang laki pa naman ng sahod."

"Sus ma'am ka diyan. Hindi na kita empleyado kaya pwede mo na akong tawagin sa pangalan ko."

"Ay oo nga pala."

I sighed. "Back to zero nanaman ako. Kailangan ko nanamang maghanap ng trabaho pero mukhang matatagalan ako kaya habang naghahanap ako ng trabaho dating gawi raraket muna ako."

"Hmmm... Bakit hindi na lang ikaw?" Nagtaka ako sa kanyang sinabi.

"Ang alin?"

"Ikaw na lang ang tumanggap ng trabaho! Sayang din iyon sa iyo na lang tutal in-offer lang din sa akin iyon ng kaibigan ko." Suggest niya.

"Eh? Naku hindi na. Sayo nga inoffer ang trabaho sayang naman kung hindi mo tatanggapin." Tanggi ko.

"Ay oo nga hindi ka bagay doon 'te sa ganda mong yan. Hindi pwedeng pang nanny lang." Biro niya.

Natawa naman ako at nailing. "Ikaw talaga."

"Pero seryoso since inoffer sa akin ito. Offer ko na rin sa'yo. Desidido na akong hindi iyon tatanggapin hahanap na lang ako ng iba na mas malapit." Sabi niya.

"Seryoso ka?" Paninigurado ko.

Tumango siya. "Oo. Tanggapin mo na. Sayang din at saka alam kong gamay na gamay mo iyan sa pagaalaga pa lang sa anak mo kering-keri na."

Napangiti ako. "Salamat. Hulog ka rin ng langit. Kailangan ko talaga ng trabaho ngayon and speaking of anak kailangan ko pa palang sunduin ang anak ko sa school."

"Ganon ba at sige uuwi na ako. Sana magkita pa rin tayo kapag hindi busy."

"Sure ikaw pa parang kapatid na rin kita." Sabi ko. Nagpaalam na kami sa isa't-isa pagkatapos.

I'm happy. Maybe its a blessing dahil sa kabila ng pagkabagsak ko may darating upang itayo ako.

VixiusVixxen

Like it? Add to library! Have some idea about my story? Comment it and let me know, let me be friends with you too. Hello! Hope you'll like it.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status