Share

CHAPTER 7: Saved

Sa isang linggo kong paglilingkod at pagbabantay sa aking batang amo na si Nathaniel ay wala atang araw na hindi niya pinasakit ang aking ulo, tila nais niyang ubusin ang aking pasensiya.

Naalala ko nung unang araw ko na pagpunta ko sa kuwarto niya at naabutang makalat ang paligid. Mas malala pa sa sumunod na araw, pagbukas pa lamang ng pinto ay nahirapan na ako dahil sa mga laruang nagkalat at humarang sa pinto.

Ang kamang maayos dapat na nakatupi ay parang binagyo ng ipo-ipo at napunta sa may pinto ng bathroom.

Pagpasok din sa bathroom ay halos bahain na dahil sa bukas lahat ng gripo. Kahit ang kanyang closet room ay nawala sa pagkaka-hang at pagkakatupi.

Ang mas malala pa ay ang nagkalat na pulbo sa paligid. My ghad buti na lamang ay carpet ang sahig kung hindi ay nagkadadulas-dulas na ako. Ang kaso, hirap naman ako sa pagva-vacuum ng carpet.

Hayst. Ilang araw na naging ganoon. Kaya napapaisip na lang ako. Ano bang problema ng batang ito?

Ano ba ako maid o nanny? Kulang na lang ip
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status