Home / Romance / The Night Before I DO-With You / CHAPTER FORTY FIVE: PERFECT TRAP

Share

CHAPTER FORTY FIVE: PERFECT TRAP

Author: BERRYWRITES
last update publish date: 2026-10-28 15:13:03

SERENA’S POV

Hindi ako mapakali habang naghahanda ang lahat para sa susunod naming hakbang.

Nasa mesa ang folder na nakuha nila sa garahe. Sa bawat pahinang tinitingnan ko, iisa lang ang nakikita ko—pangalan ko, kasama ang utos na patahimikin ako.

Hindi na nila ako basta tinatakot. Gusto nila akong mawala. At kung patuloy kaming maghihintay, baka maunahan na naman nila kami.

“Lucas, gaano katagal bago tayo makapunta sa estate?” tanong ko.

“Forty mi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER FORTY EIGHT:

    SERENA’S POVMasakit ang ulo ko.Mabigat ang mga kamay ko, at halos hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nang pilitin kong imulat ang mga mata ko, isang madilim at malamig na silid ang bumungad sa akin. Ramdam ko ang kirot na nag mumula sa nakatali kong mga kamay sa likod ng upuan.“Adrian…”Nanghihinang tawag ko sa ngalan niya. Biglang bumalik sa isip ko ang mga nangyari—ang mga putok ng baril, ang sigaw ni Adrian, at ang mga lalaking humila sa akin palabas ng sasakyan.Sinubukan kong kumawala, pero mas humigpit lang ang tali sa mga pulsuhan ko.Damn it!Ilinibot ko ang paningin sa silid. Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala akong cellphone, walang bintana sa silid, at tanging isang bombilyang nakasabit sa kisame ang nagbibigay ng kaunting liwanag.Pero hindi ako puwedeng mag-panic.Hindi ngayon.Alam kong hahanapin ako ni Adrian. Kilala ko siya. Hindi siya titigil hangga't hindi niya ako nakikita

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER FORTY SEVEN: THE MAN BEHIND IT ALL

    UNKNOWN MAN’S POV“Hindi na natin puwedeng hayaang umabot pa sa susunod na araw.”Tumingin ako sa screen ng laptop. Nandoon ang live feed mula sa camera na nakakabit sa isang sasakyang sumusunod kina Adrian Hayes at Serena.Masyadong nang tumatagal ang problemang ito.Dapat noon pa lang, natapos na ang lahat.Dapat kasama na ni Sebastian ang lahat ng taong nagtangkang sumira sa amin.Pero may mga taong sadyang mahirap patahimikin. At isa na roon ang kapatid ni Sebastian.“Sir,” tawag ng isa sa mga tauhan ko. “Nakatakas si Daniel. Pero hinahabol siya ng grupo ni Hayes.”Napangiti ako nang bahagya.“Hayaan mo sila.”“Pero nasa sasakyan ni Daniel ang ilan sa mga dokumento—”“Wala na roon ang kailangan nila.” Isinara ko ang laptop. “At kahit mayroon pa, hindi sila makakalapit sa katotohanan kung wala silang pagkakataong magsalita.”Tumango ang lalaki, pero hindi pa rin siya umaalis.

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER FORTY SIX: THE ENEMIES DEN

    ADRIAN’S POVAlas-singko pa lang ng umaga, handa na kami.Walang mahabang briefing. Walang paulit-ulit na tanong. Lahat kami ay alam na kung ano ang kailangan naming gawin ngayong araw, haharapin namin si Daniel. At sisiguraduhin kong hindi na siya makakatakas.“Two vehicles. Lucas, you take the east entrance. I'll handle the main building,” utos ko habang tinitingnan ang mapa sa hood ng sasakyan.Tumango naman si Lucas. “What about Serena?”“Kasama ko siya.” Agad na saad ko rito.“Adrian, mas ligtas kung iiwan natin siya sa safe house.”Napatingin ako kay Serena na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Narinig niya ang sinabi ni Lucas.“Hindi ako babalik sa safe house,” sabi nito. “Kung nandoon si Daniel, gusto kong makita siya.” saad pa nito“Serena—”“Hindi na ako magpapadala sa mga pagbabanta nila. Ilang beses na nila akong tinangkang patahimikin. Hindi ako titigil ngayon.”Alam kong wala akon

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER FORTY FIVE: PERFECT TRAP

    SERENA’S POVHindi ako mapakali habang naghahanda ang lahat para sa susunod naming hakbang.Nasa mesa ang folder na nakuha nila sa garahe. Sa bawat pahinang tinitingnan ko, iisa lang ang nakikita ko—pangalan ko, kasama ang utos na patahimikin ako.Hindi na nila ako basta tinatakot. Gusto nila akong mawala. At kung patuloy kaming maghihintay, baka maunahan na naman nila kami.“Lucas, gaano katagal bago tayo makapunta sa estate?” tanong ko.“Forty minutes, depende sa traffic.”Tumango ako at inilagay ang phone ko sa bulsa.“Then let's go.”“Hindi pa,” sagot ni Adrian mula sa likuran ko.Lumingon ako. Nakasuot na siya ng itim na jacket, may baril sa baywang.“Why?”“May kailangan tayong siguraduhin bago tayo kumilos.”“Adrian, hindi na tayo puwedeng mag-aksaya ng oras.”Lumapit siya sa mesa at itinuro ang mapa.“May dalawang entrance ang estate. Kung doon tayo d

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER FORTY FOUR: NO MORE RUNNING

    ADRIAN’S POV“Find Daniel. I want his location before sunrise.”Iyon ang huling sinabi ko kay Lucas bago niya isinara ang pinto ng safe house.Hindi na kami puwedeng maghintay. Dalawang beses na kaming inatake, at sa huling pagkakataon, muntik nang madukot si Serena sa harap ko. Hindi ko hahayaang maulit iyon.Nasa kabilang bahagi siya ng silid, tahimik na nilalagyan ng gamot ang sugat sa braso niya. May maliit na pasa rin siya sa pulso dahil sa lalaking nagtangkang humila sa kanya palabas ng sasakyan.Nang mapansin niyang nakatingin ako, ibinaba niya ang bulak.“Stop staring at me. I'm fine.”“Hindi ko sinabing hindi.”“Pero mukha kang gustong pumatay ng tao.”“That's because I do.”Napailing siya, pero hindi siya ngumiti. Lumapit ako at kinuha ang gamot sa kamay niya.“Let me.”“Adrian, kaya ko—”“Please.”Napahinto siya.Marahan kong nilagyan ng g

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER FORTY THREE: TARGET: SERENA

    ADRIAN’S POVKinabukasan “Get the car ready. We’re leaving.”Hindi na hinintay ni Lucas ang pangalawang utos. Agad siyang lumabas para tawagin ang mga tauhan niya.Nasa loob pa rin ng maliit na opisina ang lalaking nahuli namin. Hindi pa rin nito sinasabi kung sino ang nag-utos sa kanila, pero sapat na ang sinabi niya para maintindihan ko ang isang bagay.Hindi na lang ebidensiya ang habol ng mga kalaban namin.Si Serena na mismo ang target nila.At hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya.“Adrian.”Lumingon ako. Nakatayo si Serena sa tabi ng mesa, hawak ang litrato nila ni Sebastian.“Hindi tayo puwedeng magtago habang may ibang taong puwedeng masaktan,” sabi niya.“I know.”“Then stop treating me like someone you need to lock away.”Napahigpit ang panga ko.Gusto kong sabihin na ginagawa ko lang iyon dahil ayokong mawala siya. Pero alam kong hindi na sapa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status