“Patawarin mo ako, Adrian.” Halos hindi na lumabas ang boses ko. Hindi ko kayang tingnan siya nang diretso. Pakiramdam ko, kapag nagtagpo ang mga mata namin, tuluyan na akong mawawala sa sarili ko. “Hindi ako karapat-dapat para sa’yo.” “Anong pinagsasabi mo, Serena?” Mas lumapit pa siya sakin, inalis ang pagitan sa aming dalawa. “Ipaliwanag mo sa akin.” Napapikit ako ng mariin sabihin muna Serena, pag kukumbinsi ko sa Sarili ko “Kung may ginawa kang kasalanan, sabihin mo sa akin. Huwag mo akong iwan na nag-iisip kung ano ang nangyari.” Napakagat ako sa labi. Tatlong araw akong tumakbo. Tatlong araw kong iniwasan ang lahat—ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, pati na ang lalaking pinaka mamahal ko. Pero kahit gaano ako kalayo, hindi ko pa rin matakasan ang kasalanan na dala-dala ko. At ngayon
Last Updated : 2026-09-09 Read more