LOGIN
SERENA'S POV
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging mali ang gabing iyon. Siguro nang tanggapin ko ang unang baso. O nang tumawa ako kasama ng mga kaibigan ko na para bang wala akong kasal na kailangan harapin kinabukasan. O baka matagal nang may mali sa akin. Dahil kahit dapat ay isa sa pinakamasayang gabi ng buhay ko, may kung anong bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Bukas, ikakasal na ako. Bukas, magiging asawa ko na si Adrian. At ngayong gabi, dapat ay nagdiriwang ako kaya pumunta ako sa party ni Mara ang best friend ko. Hindi para kalimutan ang kasal. O para gumawa ng kalokohan. Gusto ko lang sanang magkaroon ng huling gabi kasama ang mga taong malapit sa akin bago tuluyang magbago ang buhay ko. Hindi ko alam na ang gabing iyon ang sisira sa lahat. "Serena! Dito!" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mara nakita ko siyang kumakaway sa gitna ng maliit na crowd Nakangiti ako habang papalapit sa kanila. "Finally!" sabi niya. "Akala ko hindi ka na pupunta." "Sinabi ko namang pupunta ako." "Oo, pero bride ka bukas. Baka bigla kang umatras." Pabirong saad nito habang natatawa Napatawa ako, hindi manyayari yun. "Ikakasal ako, Mara." "Sigurado?" "Shh stop it!." Mas lalo siyang tumawa. Napatingin ako sa paligid. Maliwanag ang mga ilaw. Malakas ang tugtog. Maraming tao ang nagsasayawan at nagkukuwentuhan. Lahat ay masaya. At sa unang pagkakataon buong araw, nakaramdam ako ng kaunting gaan. Kumuha si Mara ng isang baso ng alak at iniabot sa akin. "Para sa bride-to-be." Tinanggap ko iyon. "Isa lang." "Isa lang," pangako niya napangiti ako. "Cheers!!" Nagtama ang mga baso namin. At doon nagsimula ang gabing hindi ko na sana sinimulan. Hindi ko mabilang kung ilang baso na Ng alak ang nainom ko At unti-unting nahilo ako gawa ng alak, tumatawa ako sa mga bagay na hindi naman talaga nakakatawa sumasayaw ako kahit hindi ko alam kung tama pa ba ang mga galaw ko. "Serena, tama na!" sigaw ni Mara habang tumatawa. "Okay lang ako." "Hindi ka na okay." "Okay lang ako!" Napailing siya. "Ang stubborn mo talaga." Tumawa ako siguro tama siya, pero ayokong pang umuwi. Ayokong matapos ang gabi. Dahil bukas wala nang ganito. Bukas, ikakasal na ako sa pinakamamahal kung lalaki si Adrian napabaling ako sa cellphone ko Ng mag vibrate ito hudyat na may pumasok na message sa phone ko. Adrian: Enjoy tonight. Don't drink too much Napangiti ako, mabilis akong nag-reply. Me: I won't Isang minuto lang, may sagot agad. Adrian: I love you Napahinto ako sa pagsasayaw sa kabila ng ingay, parang narinig ko lamang ang tatlong salitang iyon. I love you. Ngumiti ako habang nakatingin sa screen. Me: I love you too. Nilagay ko ang cellphone ko sa bag hindi ko alam na iyon na pala ang huling mensaheng maipapadala ko sa kanya bilang fiancé niya. Lumipas ang oras. Mas lumakas ang tugtog. Mas dumami ang tao at dahil dito mas lalo akong nahilo. "Serena, umupo ka muna," sabi ni Mara. "Okay lang ako." "Paulit-ulit mo na 'yan sinasabi." Ngumiti lang ako at naupo sa Isang sofa Pumikit ako sandali Parang umiikot ang buong paligid. "Maybe I should go home." "Hatid kita." Umiling ako. "Wag na." "Bakit?" "May pupuntahan pa ako." "Ay saan ka naman pupunta?" Napaisip ako, hindi ko alam. Sa totoo lang, wala akong maisip na pupuntahan. Pero bago pa ako makasagot, tumayo na ako pagkabangon ko, biglang nanghina ang tuhod ko at muntik na akong matumba. "Whoa." "Careful." Napatingin ako. Isang lalaki. Hindi ko malinaw na nakita ang mukha niya dahil sa ilaw at sa hilo ko, inalalayan nya ako na makatayo ng maayos "Okay ka lang?" Tumango ako. "Yes." "You're drunk." Napatawa ako. "Medyo." "Sino kasama mo?" Tumingin ako sa paligid hinanap ng mata ko si Mara, pero hindi ko na siya makita. "Kaibigan ko..." Napa tango-tango nalang ito hudyat Ng pagsang -ayon nito. Muling umikot ang paligid, napa higpit ang kapit ko sa kanyang braso. "Come on. Maupo ka muna." Hindi ko alam kung bakit ako sumunod, siguro dahil kailangan ko ng tulong O siguro dahil wala na akong sapat na pag-iisip para magreklamo pa. Ang tanging natatandaan ko ay ang kamay niya sa braso ko habang tinutulungan niya akong maglakad. Naalala ko ang labas ng building ang malamig na hangin sa mukha ko. Ang tunog ng sasakyan at ilaw ng mga gusali habang dumadaan kami. May sinabi siya sa akin hindi ko na matandaan kung ano. Pagkatapos noon, naging malabo na ang lahat. Ang malinaw lamang ay ang pakiramdam na hindi ako nag-iisa May isang taong kasama ko. Isang lalaki. Isang taong hindi ko kilala. At bago tuluyang mawala ang alaala ko. Narinig ko siyang nagsalita. "Magpahinga ka." Pagmulat ko ng mga mata ko kinabukasan, hindi ko agad maintindihan kung nasaan ako. Masakit ang ulo ko sobrang sakit, napahawak ako sa noo ko. "Aray..." Dahan-dahan akong bumangon at don ko napansin na hindi ito ang kwarto ko napatingin ako sa paligid. Isang hotel room. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. At saka ko narinig ang tunog ng tubig. Shhhhh…. Napalingon ako sa p***o ng banyo. May tao roon. May naliligo. Bigla akong nanigas sa kama. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang gusto nitong kumawala sa dibdib ko. Tumingin ako sa sarili ko. Magulo ang buhok, nagkalat Ang damit sa baba ng kama. Napa sabunot ako sa buhok ko, hindi ko man lang maalala kung paano ako nakarating dito. At doon pumasok sa isip ko ang tanong na ayaw kong itanong sa sarili ko. Ano ang ginawa ko kagabi? Pinilit kong alalahanin. Party. Alak. Mga ilaw. Malakas na tugtog. Mga taong nagtatawanan. At isang lalaki. Napapikit ako. May naalala akong mga pira-pirasong sandali, pero kahit anong pilit ko, hindi ko mabuo ang buong pangyayari. Walang mukha. Walang pangalan. Wala akong makapitan na kahit isang malinaw na alaala ang alam ko lang May isang lalaki. Isang estranghero. Napahawak ako sa kumot. "No! Hindi pwede to." Kaba ang maririnig sa mahina kung boses ayokong isipin kung ano ang ibig sabihin nito. Pero habang patuloy kong naririnig ang tubig mula sa banyo, lalo lang akong kinakabahan. May tao sa likod ng pintong iyon isang lalaking hindi ko kilala, at ayokong malaman kung sino siya. Dahil baka kapag nakita ko ang mukha niya, tuluyan nang magbago ang lahat. Mabilis kong kinuha ang nagkalat na damit ko sa ibaba. Dali-dali ko itong isinuot. Halos hindi ko na nga alam kung tama pa ba ang mga ginagawa ko. Basta gusto ko nang umalis. Tahimik akong tumayo at inayos ang sarili ko sa abot ng makakaya ko. Bago ako lumabas, napatingin ulit ako sa p***o ng banyo. Sandali akong nagdalawang-isip. Paano kung hintayin ko siya? Paano kung makita ko ang mukha niya? Baka sakaling maalala ko. Pero hindi ko magawa. Mas nanaig ang takot. Tumalikod ako at lumabas ng kwarto, hindi na ako lumingon. Paglabas ko ng hotel, agad kong kinuha ang cellphone ko. At doon ko nakita ang dose-dosenang missed calls. Karamihan ay mula kay Adrian. Napapikit ako. Nanikip ang dibdib ko. Isa-isa kong binuksan ang mga mensahe niya. Adrian: Where are you? Adrian: Serena, please call me. Adrian: I'm waiting for you. At ang huling mensahe niya— Adrian: I love you. See you tomorrow. Napatingin ako sa screen nang matagal. Tomorrow. Ngayon ang araw ng kasal namin. Napatingin ako sa engagement ring na nasa daliri ko. Kanina lang, ordinaryong singsing lang iyon. Ngayon, parang ang bigat-bigat na. Napaluha ako. Paano ako haharap kay Adrian? Paano ako pupunta sa altar? Paano ko siya haharapin at sasabihing I do na parang walang nangyari kagabi? Habang alam kong may ibang lalaki akong nakasama? Hindi ko alam kung sinadya ko. Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Pero alam kong may nangyari. At kahit hindi ko maalala ang lahat, sapat na iyon para maramdaman kong niloko ko siya. Pinagtaksilan ko ang lalaking pinakamamahal ko. Tinawagan ko si Mara. Ilang ring muna bago niya sinagot. "Serena! Saan ka? Kanina pa kita hinahanap!" "Mara..." Nanginginig ang boses ko. "Ano'ng nangyari?" Hindi ko alam kung paano sisimulan. "Nasa hotel ako." Biglang na tahimik si Mara. "Ano?" "Nakauwi ako sa hotel... kasama ang isang lalaki." "Serena..." "Hindi ko siya kilala." Ilang segundo siyang hindi nagsalita. "Sigurado ka?" "Pagkagising ko, nasa bathroom siya." Napahawak ako sa bibig ko habang pinipigilan ang panibagong hikbi. "Hindi ko nakita ang mukha niya." "Serena, baka—" "May nangyari sa amin." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. "Hindi ko alam kung paano. Hindi ko maalala. Pero alam kong may nangyari." "Umuwi ka. Pag-usapan natin." "Hindi ko kayang umuwi." "Pero Serena..." Bumigat ang boses ni Mara. "Kasal mo ngayon." Mas lalo akong napaluha. Napatingin ulit ako sa engagement ring. "Iyon nga ang problema.”ADRIAN’S POVKinabukasan “Get the car ready. We’re leaving.”Hindi na hinintay ni Lucas ang pangalawang utos. Agad siyang lumabas para tawagin ang mga tauhan niya.Nasa loob pa rin ng maliit na opisina ang lalaking nahuli namin. Hindi pa rin nito sinasabi kung sino ang nag-utos sa kanila, pero sapat na ang sinabi niya para maintindihan ko ang isang bagay.Hindi na lang ebidensiya ang habol ng mga kalaban namin.Si Serena na mismo ang target nila.At hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya.“Adrian.”Lumingon ako. Nakatayo si Serena sa tabi ng mesa, hawak ang litrato nila ni Sebastian.“Hindi tayo puwedeng magtago habang may ibang taong puwedeng masaktan,” sabi niya.“I know.”“Then stop treating me like someone you need to lock away.”Napahigpit ang panga ko.Gusto kong sabihin na ginagawa ko lang iyon dahil ayokong mawala siya. Pero alam kong hindi na sapa
SERENA’S POVHindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa litrato nina Sebastian at Nate.Tatlong araw bago namatay ang kapatid ko. At tatlong araw na din kaming walang pahingang nag hahanap sa katotohanan.Kung alam lang naming iyon na pala ang huling mga araw niya, sana hindi namin hinayaang mag-isa siya.“Serena.”Napatingin ako kay Adrian. Nasa harap niya ang mga dokumentong nakuha namin sa lumang Salvatore archives. Si Lucas naman ay abala sa pag-check ng phone ni Nate.“May nakita ka?” tanong ko.Tumango si Lucas. “May huling mensahe si Nate. Galing kay Daniel.”Inilapag niya ang phone sa mesa.11:18 PM. Huwag kang pupunta roon. Alam nilang nasa iyo ang kopya.Napahigpit ang hawak ko sa litrato.“Pero pumunta pa rin siya,” sabi ko.“Because he was trying to protect Sebastian,” sagot ni Adrian.Hindi na ako nakipagtalo. Pagod na akong makarinig ng mga paliwanag. Ang k
SERENA’S POV“I saw who was still alive when I left that room.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Adrian.Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makapagsalita. Para bang may humawak sa lalamunan ko at unti-unting pinipiga iyon habang hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.“Who?” mahina kong tanong.Hindi siya sumagot agad.“Adrian, who was still alive?”Napatingin siya sa akin. Kita ko ang pagsisisi sa mukha niya, pero sa pagkakataong iyon, wala akong pakialam kung gaano siya nagsisisi.I needed answers.“Daniel.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.“Your brother?”Tumango siya.“Pagdating ko sa lugar na iyon, wala na si Sebastian. Pero nakita ko si Daniel. May sugat siya, pero buhay siya. He was the only person there who could tell me what happened.”“Then why didn't you tell the police?”“Because he thr
ADRIAN'S POV: Continuation Shit.Bumaling ako kay Serena.“Kapag sinabi kong tumakbo ka, diretso ka sa likod ng pinto. Huwag kang lilingon.”“What about you?” mahigpit akong hinawakan nito sa braso, napangiti ako dahil sa pag-aalala niya para sakin, Isa lang ang pumasok sa isip ko may pag-asa pa akong mapatawad ni Serena.I kissed her forehead saka ngumiti ulit sa kanya.“ Don't worry about me, I'll follow behind.”“Adrian—”Kita ko ang pag di sangayon nito sa sinabi ko.“Serena, please.”Sa unang pagkakataon nang gabing iyon, nakita ko ang takot sa mga mata niya. Hindi para sa sarili niya kundi para sa akin.Sapat na iyon para lalo akong magpasyang hindi siya hahayaang mapahamak. Nahinti ako sa pagiisip ng may narinig kaming yabag na papalapit.Nang makita kong pumasok ang unang lalaki sa silid, mabilis akong kumilos.Hinampas ko ang braso niyang may hawak na baril at itinul
ADRIAN’S POVHindi ko gusto ang katahimikan ni Serena.Mas gugustuhin ko pang sigawan niya ako, sampalin, o sabihin sa mukha ko kung gaano niya ako kinamumuhian kaysa makita siyang nakaupo sa tabi ko nang walang imik.Dahil alam kong sa bawat segundong lumilipas, lalo siyang lumalayo sa akin.At wala akong karapatang sisihin siya.I lied to my wife. I had helped conceal the truth about Sebastian's death, believing I could keep her safe by keeping her ignorant. Pero ngayon, isa-isang namamatay ang mga taong may alam sa nangyari, at wala na akong ideya kung paano ko siya poprotektahan nang hindi siya tuluyang mawala sa akin.“Two minutes,” sabi ni Lucas mula sa passenger seat. “Malapit na tayo sa lumang archives building.”Hindi sumagot si Serena.Sa halip, nakatingin lamang siya sa memory card na hawak niya.“Serena.”Bahagya siyang lumingon.“Hmm?”“Once we're inside, stay beh
SERENA’S POVHindi ko pa rin matanggap na wala na si Nate.Ilang minuto na ang nakalipas mula nang tuluyan siyang mawalan ng hininga sa harap ko, pero sariwa pa rin sa isip ko ang huling tingin niya sa akin. Parang may gusto pa siyang sabihin, may gustong ipaalam, pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon.At ang pinakamasakit?Namatay siyang sinusubukang tulungan ako.“Serena.”Mahinang tawag ni Adrian ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan.Nakatayo ako sa tabi ng katawan ni Nate habang hawak nang mahigpit ang memory card. Gusto kong lumapit ulit sa kanya, pero alam kong wala na akong magagawa.“Let's go. We need to get you out of here.”Umiling ako.“Hindi natin siya puwedeng iwan dito.”“I know.”“Adrian, hindi natin siya puwedeng basta iwan!”Lumapit siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.“Hindi natin siya iiwan nang walang gagawin, Serena. Tatawag







