공유

CHAPTER TWO: SORRY

작가: BERRYWRITES
last update 게시일: 2026-09-07 09:49:25

SERENA'S POV 

Tatlong oras na akong nasa loob ng sasakyan, pero hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta.

Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong makalayo.

Malayo kay Adrian.

Malayo sa pamilya ko.

Malayo sa simbahan na dapat sana'y naging saksi sa pagsisimula ng buhay naming dalawa.

At higit sa lahat, malayo sa sarili kong konsensya.

Tahimik akong nakatingin sa bintana habang unti-unting napapalitan ng madilim na kalsada ang mga pamilyar na gusali sa paligid namin.

Nasa passenger seat ako, habang si Mara, ang matalik kong kaibigan, ang nagmamaneho.

Hindi siya nagtatanong.

Siguro dahil alam niyang kahit anong tanong niya, hindi ko rin kayang sagutin.

Mahigpit kong hinawakan ang engagement ring ko.

Hindi ko ito hinubad.

Hindi ko kayang gawin.

Kahit tumakas ako sa kasal namin, kahit iniwan ko si Adrian nang walang paliwanag, hindi ko kayang alisin ang singsing na ilang buwan niyang inilagay sa daliri ko.

"Serena."

Napatingin ako kay Mara.

"May gusto ka bang sabihin?"

Umiling ako.

"Pagod lang ako.”

Pagsisinungaling ko

Napa buntong hininga ito alam kung alam ni mara na nagsisinungaling lamang ako

Pero hindi na siya nag tanong pa.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko.

At gaya ng ilang beses nitong mga nakaraang araw, bumalik na naman ang alaala ng gabing iyon.

Madilim.

Umuulan sa labas.

Isang lalaki.

At dalawang brasong mahigpit na yumakap sa akin.

Napapikit ako nang mas mariin.

Ayokong maalala.

Pero habang pilit kong tinataboy ang alaala, mas lalo itong naging malinaw.

Ang init ng katawan niya, ang bigat ng kamay niya sa baywang ko.At ang boses niya.

Mababa.

Mahina.

Pamilyar.

"Huwag kang matakot."

Bigla akong napadilat.

Huminga ako nang malalim.

Hindi.

Hindi iyon si Adrian.

Ang lalaking iyon ay isang estranghero.

At iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko mula nang gabing iyon.

Isang estranghero.

Isang pagkakamali.

Isang gabing dapat kong kalimutan.

"Serena?"

Napalingon ako kay Mara.

"Ayos ka lang?"

"Oo."

"Sigurado ka?"

Tumango ako.

Pero hindi ko na sinabi ang totoo.

Hindi ako sigurado sa kahit ano.

Makalipas ang halos isang oras, huminto kami sa isang maliit na café sa gilid ng highway.

"Kumain ka muna," sabi ni Mara. "Hindi ka pa kumakain buong araw."

Wala akong gana, pero bumaba pa rin ako.

Tahimik kaming pumasok.

Mabango ang loob ng café—ito Yung café na pinupuntahan ko dati.

Umupo ako sa pinakadulong mesa.

Habang hinihintay ang pagkain, nakatingin lang ako sa labas.

Hanggang sa may dumaan na lalaki sa likuran ko.

At biglang nanigas ang buong katawan ko.

Isang pamilyar na amoy.

Mabango.

Malinis.

Bahagyang woody na may halong citrus

Napalunok ako.

Pamilyar iyon.

Sobrang pamilyar.

Dahan-dahan akong lumingon.

Isang lalaki ang nakatalikod sa akin habang papunta sa counter.

Hindi ko makita ang mukha niya.

Pero ang pabango niya...

Hindi ko alam kung bakit, pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ganito ang amoy ng lalaking kasama ko noong gabing iyon.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Hindi.

Imposible.

Maraming lalaki ang gumagamit ng parehong pabango.

Hindi ibig sabihin na—

"Serena?"

Napatingin ako kay Mara.

"Okay ka lang?"

Tumango ako agad.

"Ahh.. Oo naman."

Pero hindi ko na maalis ang tingin ko sa lalaki.

Bago ko pa siya masundan ng tingin, lumabas siya ng café.

At hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong nagtulak sa akin na sundan siya.

Tumayo ako.

"Serena, saan ka pupunta?"

"Mag papahangin lang."

Dali-dali akong lumabas

Pero pagdating ko sa labas, wala na siya.

Tanging mga sasakyang dumadaan sa highway ang nakita ko.

"Nag-iimagine lang ba ako?"

Pagtatakang sabi ko.

Kinagabihan, natulog kami sa isang maliit na inn.

Hindi ako agad nakatulog.

Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame.

Kinuha ko ang cellphone ko.

May dose-dosenang missed calls.

Mama.

Papa.

Mga kamag-anak.

At—

Adrian.

Nagdadalawang isip man na buksan Ang message na galing sa kaniya binuksan ko parin.

May isa siyang mensahe.

"Serena, sabihin mo lang kung nasaan ka. Hindi kita pipilitin umuwi. Gusto ko lang malaman na ligtas ka."

Nanginginig ang kamay ko.

Bakit ganoon?

Bakit kahit iniwan ko siya, hindi man lang siya nagalit?

Bakit mas lalo akong nasasaktan sa kabaitan niya?

Pinatay ko ang screen.

Hindi ko kayang harapin siya.

Hindi pa.

Makalipas ang ilang minuto, may panibagong notification.

Isang unknown number.

Binuksan ko ito.

"Ayaw mo bang harapin Ang katotohanan."

Nanlamig ako.

Tinitigan ko ang mensahe.

Sino ito?

Nag-type ako agad.

"Sino ka?"

Ilang segundo ang lumipas.

Walang sagot.

Sinubukan kung tawagan ang numero

Pero hindi na ito ma contact.

Napaupo ako.

Hindi ako makahinga ng maayos.

May nakakaalam.

May nakakaalam tungkol sa gabing iyon.

Bandang alas-dose ng gabi, bumangon ako para uminom ng tubig.

Nang dumaan ako sa salamin, napahinto ako. May maliit na marka sa leeg ko

Halos hindi na makita.

Gawa ito sa kasalanang nagawa ko nang gabing iyon. Napaluha ako ng maalala ko na naman iyon.

Ang kamay ng lalaki.

Ang mga daliri niya sa buhok ko.

At ang boses niya.

"Serena..."

Napa kuyom ako sa galit.

Galit para sa Sarili ko dahil ito sa katangahan ko.

Napapunas ako nang luha ng malala ko na may suot itong relo.

Itim.

Simple.

At sa gilid nito, may maliit na gasgas bigla kong naalala ang relo ni Adrian.

Binuksan ko agad ang cellphone ko.

May larawan kami ni Adrian noong nakaraang buwan.

Zinoom ko Ang litrato.

Napatingin ako sa relo nito, nanlalamig ang mga kamay ko

May maliit na gasgas sa gilid noto.

Eksaktong katulad ng nasa alaala ko.

"Hindi..."

Umiling ako.

Baka coincidence, lang pag kumbinsi ko sa Sarili ko.

Mabilis kong isinara ang cellphone

Pero hindi maalis sa isipan ko Ang mga sinaryong iyon.

Sa unang pagkakataon mula nang gabing iyon, hindi ko na kayang tawagin ang lalaking iyon na estranghero.

Dahil may mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng pagkakataon.

Ang pabango.

Ang boses.

Ang relo.

At ang kakaibang pakiramdam na parang kilala ko siya bago pa man kami nagkita.

Napatingin ako sa engagement ring sa daliri ko.

At isang tanong ang dahan-dahang sumagi sa isip ko.

Paano kung ang lalaking pinagsisisihan kong kasama noong gabing iyon

ay hindi pala isang estranghero?

Napahawak ako sa bibig ko.

At sa unang pagkakataon, natakot ako sa sagot na maaaring matuklasan ko.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER FOUR:THE QUESTION

    SERENA'S POVPagdating ko sa bahay, agad kong isinara ang pinto sa likuran ko.“Serena?”Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mara mula sa kusina.“Yeah?”Lumabas siya at napatingin sa akin.“Bakit namumutla ka hinabol ka ba ng multo?”Birong sabi nito,napangiti ako nang kaunti.“Gaga Wala toh.”“Sure?”Tumango ako.Ayoko munang sabihin sa kanya yung tungkol sa mga messages. Baka sabihin niyang nag-o-overthink lang ako. At honestly, baka ganoon nga.Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan yung dalawang mensahe.Hindi ka dapat pumunta rito.Umuwi ka na, Serena.Sino ang nagpadala noon?At paano niya nalaman ang pangalan ko?“Halika na. Kain ka muna,” sabi ni Mara.Sumunod ako sa kanya papunta sa kusina.Habang kumakain, tahimik lang ako. Napansin yata iyon ni Mara dahil ilang beses niya akong tining

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER FOUR: UNKNOWN

    SERENA'S POV Kinabukasan paglabas ko Ng kwarto kita ko si Mara na nag hahain Ng almusal napansin Niya ako kaagad."Oh andiyan kana pala, halika kain muna tayo"Pag aaya nito sa akin napangiti ako Saka tumango at sinaluhan Siya sa pagkainPagkatapos nagligpit na ako ng kinainan namin."So Anu na balak mo ngayon?"Panimulang tanong Niya Sakin habang tinulungan Niya ako nang mga pinag kainan papuntang kusina para hugasan "Wala pa pumapasok sa utak ko kung Anu gagawin"Nanlulumong tugon ko dito."Bakit dimo sabihin Ang dahilan mo Kay Adrian kung bakit dika sumipot sa kasal Nyo, for sure nababaliw na yun kakahanap Sayo.""Gusto ko rin namang sabihin sa kanya Yung pagkakamali ko pero" pinutol ko Ang sasabihin ko dahil sa na guguilty ako."Pero Anu?, dahil ba takot ka nakamuhian ka Niya?, Sis Anu kaba obviously magagalit talaga yun Ikaw ba naman Malaman mo na nakipag one night Yung fiance mo Isang G

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER THREE:Where are You SERENA

    ADRIAN'S POV Wala na siya. Iyon lang ang paulit-ulit na umiikot sa isip ko habang nakatayo ako sa harap ng altar. Ang mga bulaklak. Ang mga upuan. Ang mga taong nag bubulungan. Lahat ng iyon naging blanko sapandinig ko Nanlalambot at tila nanlabo Ang mga mata ko ng mapagtantong dino matutuloy ang kasal na pinaka hihintay ko. Ilang oras na ang lumipas nang malaman kung hindi siya darating. Tumakas siya! Hindi ko alam kung saan siya pumunta Hindi ko alam kung bakit. At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko. "Adrian." Narinig ko ang boses ng kaibigan kong si Lucas mula sa likuran. Hindi ako lumingon. "Hanapin mo siya." "Pero baka may dahilan si

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER TWO: SORRY

    SERENA'S POV Tatlong oras na akong nasa loob ng sasakyan, pero hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta.Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong makalayo.Malayo kay Adrian.Malayo sa pamilya ko.Malayo sa simbahan na dapat sana'y naging saksi sa pagsisimula ng buhay naming dalawa.At higit sa lahat, malayo sa sarili kong konsensya.Tahimik akong nakatingin sa bintana habang unti-unting napapalitan ng madilim na kalsada ang mga pamilyar na gusali sa paligid namin.Nasa passenger seat ako, habang si Mara, ang matalik kong kaibigan, ang nagmamaneho.Hindi siya nagtatanong.Siguro dahil alam niyang kahit anong tanong niya, hindi ko rin kayang sagutin.Mahigpit kong hinawakan ang engagement ring ko.Hindi ko ito hinubad.Hindi ko kayang gawin.Kahit tumakas ako sa kasal namin, kahit iniwa

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER ONE:WHO ARE YOU

    SERENA'S POVHindi ko alam kung kailan nagsimulang maging mali ang gabing iyon.Siguro nang tanggapin ko ang unang baso.O nang tumawa ako kasama ng mga kaibigan ko na para bang wala akong kasal na kailangan harapin kinabukasan.O baka matagal nang may mali sa akin.Dahil kahit dapat ay isa sa pinakamasayang gabi ng buhay ko, may kung anong bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.Bukas, ikakasal na ako.Bukas, magiging asawa ko na si Adrian.At ngayong gabi, dapat ay nagdiriwang ako kaya pumunta ako sa party ni Mara ang best friend ko.Hindi para kalimutan ang kasal.O para gumawa ng kalokohan.Gusto ko lang sanang magkaroon ng huling gabi kasama ang mga taong malapit sa akin bago tuluyang magbago ang buhay ko.Hindi ko alam na ang gabing iyon ang sisira sa lahat."Serena! Dito!"Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mara nakita ko siyang kumakaway sa gitna ng

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status