Home / Romance / The Night Before I DO-With You / CHAPTER THREE:Where are You SERENA

Share

CHAPTER THREE:Where are You SERENA

Author: BERRYWRITES
last update publish date: 2026-09-07 09:52:27

ADRIAN'S POV

Wala na siya.

Iyon lang ang paulit-ulit na umiikot sa isip ko habang nakatayo ako sa harap ng altar.

Ang mga bulaklak.

Ang mga upuan.

Ang mga taong nag bubulungan.

Lahat ng iyon naging blanko sapandinig ko

Nanlalambot at tila nanlabo Ang mga mata ko ng mapagtantong dino matutuloy ang kasal na pinaka hihintay ko.

Ilang oras na ang lumipas nang malaman kung hindi siya darating.

Tumakas siya!

Hindi ko alam kung saan siya pumunta

Hindi ko alam kung bakit.

At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko.

"Adrian."

Narinig ko ang boses ng kaibigan kong si Lucas mula sa likuran.

Hindi ako lumingon.

"Hanapin mo siya."

"Pero baka may dahilan siya?"

Napa kuyom ako Ng kamao at galit na hinarap siya.

"Lucas!."

Tumaas ito Ng kamay senyales na suko ito

"Hanapin mo lang siya."

Tumango siya.

Naiwan akong mag-isa sa harap ng altar.

Sa lugar kung saan dapat sana'y maririnig ko ang mga pangakong matagal naming hinihintay.

Sa halip, katahimikan ang sumalubong sa akin.

Ibinaba ko ang tingin sa kamay ko.

May maliit na gasgas sa relo ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala ang gabing iyon.

Ang ulan.

Ang madilim na kwarto.

At Siya.

Napapikit ako.

Hindi ko dapat siya nakita.

Hindi dapat kami nagkita.

Pero nang gabing iyon, hindi ko siya kayang iwan.

"Adrian."

Napa lingon ako sa ina ko na nag-aalala

"Okay kalang ba anak?, May di ba kayo pagkakaunawaan ni Serena?"

Hindi ako sumagot at napayuko na lamang

At napa luha ako nang yakapin niya ako.

Cancel muna ang wedding namin ni Serena

Itutuloy nalang namin ito pag nahanap ko siya

Pagbalik ko sa bahay ay dismayado akung napa upo habang nakahawak sa ulo ko.

"Adrian."

Muling nagsalita si Lucas.

Ngayon ay nasa tabi ko na siya.

"Nahanap mo naba siya?"

Umiling ito.

"Hindi pa."

Madiin kong ipinikit ang mga mata ko

Tiim bagang na binaling ang atensyon Kay Lucas Ng mag salita ito.

"Wala pa akong clue kung nasaan siya."

Huminga ako nang malalim.

Bumalik sa isip ko ang mukha ni Serena.

Ang ngiti niya.

Ang paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko.

At ang mga pangakong binitawan namin sa isa't isa.

Hindi ko maintindihan.

Kung mahal niya ako...

Bakit niya ako iniwan?

May nangyari ba?

May nalaman ba siya?

Biglang bumigat ang dibdib ko.

Hindi!.

Hindi niya maaaring malaman.

Hindi pa.

Napatayo ako at diretsong pumunta sa kwarto ko, madilim ang buong paligid.

Hindi ko binuksan ang ilaw.

Sa ibabaw ng mesa ay naroon pa rin ang isang maliit na bagay na hindi ko kayang itapon.

Isang litrato namin ni Serena.

Kinunan iyon ilang buwan na ang nakalipas.

Nakayakap siya sa akin habang nakangiti.

Napahawak ako sa larawan.

"Serena..."

Ang tahimik na silid ang sumagot sa akin.

Umupo ako sa gilid ng kama.

At doon ko muling naalala ang gabing matagal ko nang hinihintay.

Ang gabing pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko.

Ang gabing hindi ko kailanman makakalimutan.

Bakit para skanya baliwa lang ang lahat?.

Pero para sa akin...

Hindi iyon ganoong kasimple.

Isang gabi noon bago ang kasal.

Hindi ko alam kung bakit ako pumunta roon.

Siguro dahil kailangan ko siyang makita.

Siguro dahil may mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa kanya habang nakatingin ako sa mga mata niya.

Nagsimula na akong pumasok sa Isang silid kung saan ko siya matatagpuan ito Ang tinuro ni Lucas na Lugar kung nasaan si Serena.

Maingay ang paligid.

Hindi ako napansin ng mga kaibigan ni Serena.

Hinanap agad nang mata ko si Serena.

At nang makita ko siya, alam kong mali ang desisyon kong pumunta.

Nabaling ang atensyon ko nang tumunog ang cellphone ko.

May isang bagong mensahe.

Mula sa isang hindi kilalang numero.

Binasa ko Ang mensahe.

"Tatakbo siya. Tulad ng inaasahan."

Nanigas ako.

Mabilis akong tumayo.

Binasa ko ulit ang mensahe.

Sino ito?

Mabilis akong nag-reply.

"Sino ka?"

Walang sagot.

Muli akong nag-type.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Wala pa rin.

Ilang segundo ang lumipas.

May pumasok na bagong mensahe.

"Hindi mo ba sasabihin ang katotohanan?"

Nanlalamig ang mga kamay ko.

Katuhanan.

Anong katutuhanan?

May alam ba ang taong ito?

Tungkol sa amin?

Tungkol sa gabing iyon?

O tungkol sa dahilan kung bakit tumakas si Serena?

Napatingin ako sa litrato niya.

May kakaibang pakiramdam na hindi ito simpleng pagkakataon.

May isang taong nagmamasid.

At mas nakakatakot...

Mukhang mas marami siyang alam kaysa sa akin.

Kinabukasan, pumunta ako sa lugar kung saan ko siya unang nakita.

Isang maliit na café.

Hindi ko alam kung bakit doon ako dinala ng mga paa ko.

Siguro dahil gusto kong makahanap ng sagot.

Pumasok ako.

Diritso akong pumunta sa counter.

Para makapag order pansin kung parang may nakamasid sa akin.

Pero isinawalang bahala ko nalang ito.

Pagkatapos ko makuha ang binili kung kape ay agad na akong umalis.

Paglabas ko ng café, agad kong tinawagan si Lucas.

"May kailangan akong malaman."

"Ano?"

"Hanapin mo kung saan pumunta si Serena."

"Adrian, ginagawa ko na—"

Pinutol ko agad Ang sasabihin Niya.

"Huwag lang kung nasaan siya alamin mo rin kung sino ang kasama niya."

Tahimik sa kabilang linya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tumingin ako sa kalsada.

May mga sasakyang mabilis na dumadaan sa harap ko.

"Masama ang kutob ko na baka may masamang balak Ang lalaking yun."

"Anong lalaki?"

May pagtatakang tanong niya sa akin.

Hindi ako agad nakasagot.

Dahil yun din ang bagay na ayokong marinig kahit mula sa sarili kong bibig.

"Isang lalaki..."

Huminga ako nang malalim bago pinag patuloy Ang sinasabi ko.

"...na hindi dapat makalapit sa kanya."

Nang gabing iyon, mag-isa akong nakaupo sa silid.

Paulit-ulit kong tinitingnan ang litrato namin

hanggang sa napansin ko ang isang bagay

sa likod ng larawan ay may maliit na sulat.

Sulat ni Serena.

"Kahit saan tayo dalhin ng buhay, pipiliin pa rin kita."

Napangiti ako ng mapait.

"Pero pinili mong tumakbo."

Mahina at may paglulumong sabi ko.

Ibinaba ko ang larawan.

Hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat.

Pero isang bagay ang sigurado.

Hindi ako titigil.

Hindi dahil ayokong mawala ang kasal

At dahil ayokong mawala ang pangalan ko sa tabi ng pangalan niya

Kundi dahil alam kong may isang bagay na mali.

At kung tama ang hinala ko...

Ako mismo ang tatama nito.

Tumayo ako at kinuha ang relo ko.

Napatingin ako sa maliit na gasgas sa gilid nito.

Dahan-dahan kong hinaplos iyon.

bumalik sa isip ko ang mga alaala.

Ang kamay ni Serena.

Ang mga daliri niya na mahigpit na nakakapit sa akin.

At ang mahinang boses niya habang nakapikit.

"Adrian..."

Napapikit ako.

Hindi niya alam.

Hindi pa.

Pero balang araw...

Malalaman din niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER FORTY THREE: TARGET: SERENA

    ADRIAN’S POVKinabukasan “Get the car ready. We’re leaving.”Hindi na hinintay ni Lucas ang pangalawang utos. Agad siyang lumabas para tawagin ang mga tauhan niya.Nasa loob pa rin ng maliit na opisina ang lalaking nahuli namin. Hindi pa rin nito sinasabi kung sino ang nag-utos sa kanila, pero sapat na ang sinabi niya para maintindihan ko ang isang bagay.Hindi na lang ebidensiya ang habol ng mga kalaban namin.Si Serena na mismo ang target nila.At hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya.“Adrian.”Lumingon ako. Nakatayo si Serena sa tabi ng mesa, hawak ang litrato nila ni Sebastian.“Hindi tayo puwedeng magtago habang may ibang taong puwedeng masaktan,” sabi niya.“I know.”“Then stop treating me like someone you need to lock away.”Napahigpit ang panga ko.Gusto kong sabihin na ginagawa ko lang iyon dahil ayokong mawala siya. Pero alam kong hindi na sapa

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER FORTY TWO: THE HUNT BEGINS

    SERENA’S POVHindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa litrato nina Sebastian at Nate.Tatlong araw bago namatay ang kapatid ko. At tatlong araw na din kaming walang pahingang nag hahanap sa katotohanan.Kung alam lang naming iyon na pala ang huling mga araw niya, sana hindi namin hinayaang mag-isa siya.“Serena.”Napatingin ako kay Adrian. Nasa harap niya ang mga dokumentong nakuha namin sa lumang Salvatore archives. Si Lucas naman ay abala sa pag-check ng phone ni Nate.“May nakita ka?” tanong ko.Tumango si Lucas. “May huling mensahe si Nate. Galing kay Daniel.”Inilapag niya ang phone sa mesa.11:18 PM. Huwag kang pupunta roon. Alam nilang nasa iyo ang kopya.Napahigpit ang hawak ko sa litrato.“Pero pumunta pa rin siya,” sabi ko.“Because he was trying to protect Sebastian,” sagot ni Adrian.Hindi na ako nakipagtalo. Pagod na akong makarinig ng mga paliwanag. Ang k

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER FORTY ONE:

    SERENA’S POV“I saw who was still alive when I left that room.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Adrian.Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makapagsalita. Para bang may humawak sa lalamunan ko at unti-unting pinipiga iyon habang hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.“Who?” mahina kong tanong.Hindi siya sumagot agad.“Adrian, who was still alive?”Napatingin siya sa akin. Kita ko ang pagsisisi sa mukha niya, pero sa pagkakataong iyon, wala akong pakialam kung gaano siya nagsisisi.I needed answers.“Daniel.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.“Your brother?”Tumango siya.“Pagdating ko sa lugar na iyon, wala na si Sebastian. Pero nakita ko si Daniel. May sugat siya, pero buhay siya. He was the only person there who could tell me what happened.”“Then why didn't you tell the police?”“Because he thr

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER FORTY:

    ADRIAN'S POV: Continuation Shit.Bumaling ako kay Serena.“Kapag sinabi kong tumakbo ka, diretso ka sa likod ng pinto. Huwag kang lilingon.”“What about you?” mahigpit akong hinawakan nito sa braso, napangiti ako dahil sa pag-aalala niya para sakin, Isa lang ang pumasok sa isip ko may pag-asa pa akong mapatawad ni Serena.I kissed her forehead saka ngumiti ulit sa kanya.“ Don't worry about me, I'll follow behind.”“Adrian—”Kita ko ang pag di sangayon nito sa sinabi ko.“Serena, please.”Sa unang pagkakataon nang gabing iyon, nakita ko ang takot sa mga mata niya. Hindi para sa sarili niya kundi para sa akin.Sapat na iyon para lalo akong magpasyang hindi siya hahayaang mapahamak. Nahinti ako sa pagiisip ng may narinig kaming yabag na papalapit.Nang makita kong pumasok ang unang lalaki sa silid, mabilis akong kumilos.Hinampas ko ang braso niyang may hawak na baril at itinul

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER THIRTY NINE:

    ADRIAN’S POVHindi ko gusto ang katahimikan ni Serena.Mas gugustuhin ko pang sigawan niya ako, sampalin, o sabihin sa mukha ko kung gaano niya ako kinamumuhian kaysa makita siyang nakaupo sa tabi ko nang walang imik.Dahil alam kong sa bawat segundong lumilipas, lalo siyang lumalayo sa akin.At wala akong karapatang sisihin siya.I lied to my wife. I had helped conceal the truth about Sebastian's death, believing I could keep her safe by keeping her ignorant. Pero ngayon, isa-isang namamatay ang mga taong may alam sa nangyari, at wala na akong ideya kung paano ko siya poprotektahan nang hindi siya tuluyang mawala sa akin.“Two minutes,” sabi ni Lucas mula sa passenger seat. “Malapit na tayo sa lumang archives building.”Hindi sumagot si Serena.Sa halip, nakatingin lamang siya sa memory card na hawak niya.“Serena.”Bahagya siyang lumingon.“Hmm?”“Once we're inside, stay beh

  • The Night Before I DO-With You    CHAPTER THIRTY EIGHT:

    SERENA’S POVHindi ko pa rin matanggap na wala na si Nate.Ilang minuto na ang nakalipas mula nang tuluyan siyang mawalan ng hininga sa harap ko, pero sariwa pa rin sa isip ko ang huling tingin niya sa akin. Parang may gusto pa siyang sabihin, may gustong ipaalam, pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon.At ang pinakamasakit?Namatay siyang sinusubukang tulungan ako.“Serena.”Mahinang tawag ni Adrian ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan.Nakatayo ako sa tabi ng katawan ni Nate habang hawak nang mahigpit ang memory card. Gusto kong lumapit ulit sa kanya, pero alam kong wala na akong magagawa.“Let's go. We need to get you out of here.”Umiling ako.“Hindi natin siya puwedeng iwan dito.”“I know.”“Adrian, hindi natin siya puwedeng basta iwan!”Lumapit siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.“Hindi natin siya iiwan nang walang gagawin, Serena. Tatawag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status