로그인SERENA'S POVPagdating ko sa bahay, agad kong isinara ang pinto sa likuran ko.“Serena?”Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mara mula sa kusina.“Yeah?”Lumabas siya at napatingin sa akin.“Bakit namumutla ka hinabol ka ba ng multo?”Birong sabi nito,napangiti ako nang kaunti.“Gaga Wala toh.”“Sure?”Tumango ako.Ayoko munang sabihin sa kanya yung tungkol sa mga messages. Baka sabihin niyang nag-o-overthink lang ako. At honestly, baka ganoon nga.Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan yung dalawang mensahe.Hindi ka dapat pumunta rito.Umuwi ka na, Serena.Sino ang nagpadala noon?At paano niya nalaman ang pangalan ko?“Halika na. Kain ka muna,” sabi ni Mara.Sumunod ako sa kanya papunta sa kusina.Habang kumakain, tahimik lang ako. Napansin yata iyon ni Mara dahil ilang beses niya akong tining
SERENA'S POV Kinabukasan paglabas ko Ng kwarto kita ko si Mara na nag hahain Ng almusal napansin Niya ako kaagad."Oh andiyan kana pala, halika kain muna tayo"Pag aaya nito sa akin napangiti ako Saka tumango at sinaluhan Siya sa pagkainPagkatapos nagligpit na ako ng kinainan namin."So Anu na balak mo ngayon?"Panimulang tanong Niya Sakin habang tinulungan Niya ako nang mga pinag kainan papuntang kusina para hugasan "Wala pa pumapasok sa utak ko kung Anu gagawin"Nanlulumong tugon ko dito."Bakit dimo sabihin Ang dahilan mo Kay Adrian kung bakit dika sumipot sa kasal Nyo, for sure nababaliw na yun kakahanap Sayo.""Gusto ko rin namang sabihin sa kanya Yung pagkakamali ko pero" pinutol ko Ang sasabihin ko dahil sa na guguilty ako."Pero Anu?, dahil ba takot ka nakamuhian ka Niya?, Sis Anu kaba obviously magagalit talaga yun Ikaw ba naman Malaman mo na nakipag one night Yung fiance mo Isang G
ADRIAN'S POV Wala na siya. Iyon lang ang paulit-ulit na umiikot sa isip ko habang nakatayo ako sa harap ng altar. Ang mga bulaklak. Ang mga upuan. Ang mga taong nag bubulungan. Lahat ng iyon naging blanko sapandinig ko Nanlalambot at tila nanlabo Ang mga mata ko ng mapagtantong dino matutuloy ang kasal na pinaka hihintay ko. Ilang oras na ang lumipas nang malaman kung hindi siya darating. Tumakas siya! Hindi ko alam kung saan siya pumunta Hindi ko alam kung bakit. At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko. "Adrian." Narinig ko ang boses ng kaibigan kong si Lucas mula sa likuran. Hindi ako lumingon. "Hanapin mo siya." "Pero baka may dahilan si
SERENA'S POV Tatlong oras na akong nasa loob ng sasakyan, pero hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta.Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong makalayo.Malayo kay Adrian.Malayo sa pamilya ko.Malayo sa simbahan na dapat sana'y naging saksi sa pagsisimula ng buhay naming dalawa.At higit sa lahat, malayo sa sarili kong konsensya.Tahimik akong nakatingin sa bintana habang unti-unting napapalitan ng madilim na kalsada ang mga pamilyar na gusali sa paligid namin.Nasa passenger seat ako, habang si Mara, ang matalik kong kaibigan, ang nagmamaneho.Hindi siya nagtatanong.Siguro dahil alam niyang kahit anong tanong niya, hindi ko rin kayang sagutin.Mahigpit kong hinawakan ang engagement ring ko.Hindi ko ito hinubad.Hindi ko kayang gawin.Kahit tumakas ako sa kasal namin, kahit iniwa
SERENA'S POVHindi ko alam kung kailan nagsimulang maging mali ang gabing iyon.Siguro nang tanggapin ko ang unang baso.O nang tumawa ako kasama ng mga kaibigan ko na para bang wala akong kasal na kailangan harapin kinabukasan.O baka matagal nang may mali sa akin.Dahil kahit dapat ay isa sa pinakamasayang gabi ng buhay ko, may kung anong bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.Bukas, ikakasal na ako.Bukas, magiging asawa ko na si Adrian.At ngayong gabi, dapat ay nagdiriwang ako kaya pumunta ako sa party ni Mara ang best friend ko.Hindi para kalimutan ang kasal.O para gumawa ng kalokohan.Gusto ko lang sanang magkaroon ng huling gabi kasama ang mga taong malapit sa akin bago tuluyang magbago ang buhay ko.Hindi ko alam na ang gabing iyon ang sisira sa lahat."Serena! Dito!"Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mara nakita ko siyang kumakaway sa gitna ng







