Katalina’s point of view
Tumigil ako sa harap ng elevator, hinihingal at medyo basa pa ang buhok mula sa ambon kanina. Bitbit ang paper bag na may laman na paboritong chocolate cake ni Miguel at ang maliit na box ng regalo ko sa kanya—isang relo na pinag-ipunan ko ng tatlong buwan.
“Advance happy birthday mahal ko,” masayang bulong ko sa sarili habang pinipindot ang floor number ng condo niya. Kanina ko pa pinapractice sa Taxi ang gagawin kong pagbati sa kanya. Planado na sa aking isip lahat.
Mag-aala-siete na ng gabi, pero gusto ko siyang i-surprise. Pagod ako galing trabaho, pero mas nangingibabaw ang excitement. Bukas kasi ang mismong birthday niya, hindi kami makakapag-celebrate ng maayos dahil may meeting siya sa clients. Kaya naisip kong puntahan siya ngayon. Saming dalawa ako talaga ang mahilig mang surprise, mag-effort. Sweet and supportive kasi akong girlfriend.
Pagbukas ng elevator agad akong lumabas. Habang papalapit ako sa unit niya, unti-unting bumigat ang hakbang ko. There was a strange unease growing in my chest. Why was I nervous? Was it just because I was excited about the surprise? Or… was there another reason behind this feeling?
"Katalina, calm down. It’s just a surprise," I whispered softly to myself.
Umiling iling ako saka huminga ng malalim binalewala ang kabang nararamdaman.
Pagdating sa pintuan ng condo, kinuha ko ang spare key na matagal ko nang tinago sa bag ko. Nakita ko ito sa kwarto niya noon saka ko kinuha at tinago. Ayaw niya kasi ako bigyan ng spare key kaya palihim kong kinuha at tinago.
Hindi ko alam bakit ayaw niya ako bigyan, Oh well. hindi naman siguro siya magagalit ‘di ba? Girlfriend naman niya ako. Saka ngayon ko lang naman gagamitin dahil gusto ko siya isurprise at makita ang mukha niyang magulat kapag nakita ako.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob saka maingat na pumasok.
Tahimik.
Tahimik sa loob. Walang ilaw sa sala. Marahan kong sinara ang pinto.
Nandito kaya siya? Pero sabi niya kanina uuwi siya ng maaga at hindi naman siya aalis.
Napansin kong nakaawang ang pinto ng kwarto niya.
Ah baka nagpapahinga na siya,
Ngumiti ako at marahang naglakad papunta ro’n. Pero bigla rin akong napatigil ng marinig ang kakaibang ungol. Nanlamig ang buo kong katawan. Bigla akong dinamba ng kaba.
Dahan-dahan akong lumapit.
Hanggang sa dumungaw ako sa awang ng pintuan.
At doon ko nakita ang hindi kanais-nais na eksena.
Si Miguel.
Hubo't-hubad, Nakaupo sa kama. And on top of him was a woman grinding against him. I couldn’t see her face at fir—wait—no—I know her. Even from behind, I knew exactly who it was.
Trina.
His co-worker.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanginginig ang kamay ko sa aking nasasaksihan.
Bumagsak ang hawak kong paper bag.
Ang tunog ng paper bag sa sahig ang naging hudyat para mapalingon silang dalawa sa gawi ko.
Nagulat si Trina. “K-Katalina?!”
“M-Mahal ko—Kat!” Si Miguel, mabilis na itinulak si Trina palayo, at nagtakip ng kumot.
Pero huli na.
Nakita ko na ang lahat.
“Now I understand why you’re always working overtime,” mahina kong sabi, halos paos. “Turns out, hindi ka naman talaga pagod sa trabaho… kundi sa babae mo.”
“K-Kat, please let me explain—”
“Explain what?” Tumawa ako ng mapait. “Kitang kita ko ang kababuyan niyong dalawa. Ano pang ipapaliwanag mo? Huwag mo na akong gawing tanga.”
“Let me explain, please. Hindi mo naiintindihan—”
“Tama. Hindi ko maintindihan kung paano mo nagawang lokohin ako pagkatapos ng limang taon!” Galit na singhal ko sa kanya.
Tumulo ang luha ko. Hindi ko na napigilan. Ito pala ang dahilan bakit ako biglang kinabahan kanina.
Ginawa ko ang lahat para sa kanya pero ito ang sinukli niya? Tiniis ko ang lahat, inintindi ko siya sa lahat ng bagay, Kahit na minsan masakit na.
Tahimik si Trina. Nakayuko. Hindi man lang makatingin sa’kin.
Wow! May hiya pa pala siya sa lagay na 'yan?
Pagkatapos niyang pumatol kay Miguel na alam niyang may girlfriend? Kung matino siyang babae kahit anong landi ng walanghiyang Miguel, hindi siya papatol.
Gusto ko sila saktan, gusto ko magwala pero pinipigilan ko ang sarili. Hindi ko ibababa ang sarili sa mga katulad nilang walang kwenta,
“Akala ko ba seryoso ka, Miguel?” nanginginig ang boses ko. “Why? Dahil hindi ko pa binibigay ang katawan ko, humanap ka na ng iba? Gano’n ba ang basehan mo sa pagmamahal? Akala ko ba kaya mong maghintay? Bakit mo ginawa sa akin ‘to?”
“Kat... I’m sorry.”
“Sorry? Gano’n na lang? Wow.” Hinugot ko ang susi ng condo niya mula sa bag ko at dinampot ang paper bag saka lumapit sa kanya at malakas na hinagis sa kanyang dibdib.
“Happy birthday. I thought I was going to surprise you, but it turns out I’m the one who got surprised. It’s over now, Thank you, Miguel. Sana maging masaya kayo, Goodbye!”
Tumalikod ako saka mabilis lumabas ng condo. Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng building. Kung paano ako nakatawid ng kalsada. Basta ang alam ko lang, basang basa ng luha ang mukha ko.
***
Pagpasok sa apartment, hindi ko na napigilang humagulgol. Sinarado ko ang pinto at dahan-dahang dumausdos sa sahig, yakap-yakap ang sarili kong mga tuhod habang umiiyak.
Ang sakit.
It felt like my heart was being stabbed over and over again. Like a part of me had shattered—something that could never be put back together.
Why?
Why me?
Why was it so easy for him to destroy the five years we spent together?
“Mali ba akong magmahal? Mali bang hindi ko binigay ang sarili ko sa kanya? Gusto ko ibigay ang sarili ko sa kanya kapag kinasal na kami. Gusto kong iregalo ang sarili ko sa kanya ng buo at birhen.” Umiiyak kong kausap sa aking sarili.
Humagulhol ako.
Si Miguel.
Ang lalaking akala ko, pakakasalan ko. Ang lalaking minahal ko ng totoo, pinangarap makasama habang buhay.
Minahal ko siya higit pa sa sarili ko.
At si Trina?
Ang babaeng pinili niya at pinalit sa limang taon naming pagsasama. Mas pinili niya ang babaeng ilang buwan pa lang niyang nakilala kesa sa limang taon naming relasyon.
Matapos ang halos isang oras ng pag-iyak, tumayo ako. Nangangatog ang tuhod pero pinilit kong tatagan ang sarili.
Lumapit ako sa salamin. Saka pinagmasdan ang sarili na halos hindi kona makilala.
Namamaga ang mata, magulo ang buhok, at namumula ang ilong.
“Hindi ganito ang dapat mong itsura, Kat,” bulong ko sa sarili. “Hindi ka ito. Hindi ka ganyan kahina.”
Huminga ako nang malalim at nagdesisyong gawin ang bagay na dapat kong gawin.
Move on.
Acceptance.
Hindi ko sinasabing kakalimutan ko agad ang lahat. Pero sa gabing ito, magsisimula akong piliin ang sarili ko.
Pumasok ako sa banyo at naligo. Habang bumabagsak ang tubig sa likod ko, pumikit ako.
Iniisip ang mga pagkakataong tinitiis ko ang lahat at binabalewala niya ako.
Kung paanong palagi siyang may rason—meeting, OT, company trip—at kung paanong palagi akong nauuwi sa pag-unawa at pag-intindi sa kanya.
Tanga tanga ko.
Ngayon ko na-realized ang katangahan ko, nasa harap ko na lahat ng sign ng pagiging red flag ni Miguel pero binalewala ko lang at nag-bulag bulagan ako. Nakakatanga pala talaga ang pag-ibig.
Paglabas ko ng banyo, diretso ako sa closet. Binuksan ko ang bottom drawer—doon nakatago ang mga damit na sabi niya ay “too much” para sa isang babae.
Mga dress na masyadong sexy daw. Mga kulay na “masyadong daring.” Mga heels na “masyadong intimidating.”
Tonight?
Tonight, I’ll wear them.
I chose a deep red bodycon dress—one that hugged every inch of me. Simple, elegant, deadly. Sinabayan ko ng blackheels at light makeup—pero with red lipstick.
The same red lipstick Trina wore.
Pero sa akin, mas bagay because I’m prettier than her.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, tumayo ako sa harap ng salamin at tiningnan ang kabuuan ko.
For the first time in a long time, I felt… dangerous.
Hindi dahil gusto kong maghiganti.
Dahil gusto kong maalala kung sino ako bago pa niya ako sirain at wasakin.
Bago ko pinayagan si Miguel na gawing maliit ang mundo ko.
“Hindi ko na siya iiyakan,” mahinang sambit ko, buo at malinaw na boses.
“Simula ngayon… ang sarili ko naman.”
Saglit akong tumingin sa orasan. Alas dies pa lang ng gabi.
Kinuha ko ang cellphone ko. May ilang missed calls and text si Miguel.
Miguel: “Kat, please. Hindi ko sinasadya. Hindi kita kayang mawala.”
Miguel: “Please talk to me.”Binura ko lahat.
Wala na akong pakialam.
Ayoko na.
Hindi ko na kayang pakinggan ang mga kasinungalingan niya.
Tinawagan ko si Jemalyn. Hindi pa naman siguro siya tulog? Yayayain ko sila ni Sofia mag-bar para may kasama ako. I need my girls tonight.
“Hello, Kat? Napatawag ka? Anong balita sa surprise mo kay Miguel?” tanong nito.
Napabuntong hininga ako.
“Jem… gusto ko uminom.” Sambit ko, hindi ko sinagot ang tanong niya.
“Wait—ano? As in… ngayon? Why?” Naguguluhang tanong nito.
“Yeah, ngayon. Bar. Music. Dancing. Gusto kong magpakalasing at magsayaw hanggang mawala ‘yung sakit.”
Saglit na katahimikan ang namayani sa kabilang linya bago siya muling nagsalita.
“What happened? Anong ginawa ni Miguel?” seryosong tanong niya.
“Caught him. With Trina. Sa Condo.” Walang pag-aalinlangan kong sagot.
“PUTANG I—ay, sorry, Lord. Pero ANO?! That son of a—Kapal ng mukha niyang gunggong siya! Nagawa pa talaga niyang magloko?! Ano, gusto mong puntahan natin ‘yan at sabunutan ‘yung babae?” Galit na bulyaw nito sa kabilang linya.
Napabuntong hininga ako.
“No, ayoko ng gulo pa. Gusto ko lang makalimot kahit ngayong gabi. gusto kong magsaya. Gusto kong magpakalasing. Ayoko umiyak at magmukmok dito sa bahay. Please?”
“Alright. Alright. Tatawagan ko lang si Sofia then punta na kami d’yan, ok?” Seryosong sagot niya.
“Thank you, Jems..”
“Alright, hintayin mo kami. Magaayos lang ako..”
Pagkababa ng tawag, huminga ako nang malalim at pinilit ngumiti. Ayokong tapusin ang gabing na umiiyak.
Kalahating oras ang lumipas. Nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Jemalyn.
“Girl, were here, Lumabas ka na diyan bago pa namin sirain 'yang pinto mo,” banta niya.
Ngumiti ako nang bahagya. Mga loka-loka talaga.
“Coming.”
********
Tahimik lang kami habang bumababa ang elevator. Pero nararamdaman ko ang panaka-nakang tingin niya. Pagbukas ng elevator door, marahan niyang hinila ang kamay ko, sabay kaming naglakad papunta sa parking lot kung saan naka park ang sleek na black car niya. “Hop in,” maikli niyang sabi habang binuksan niya ang pinto ng passenger para sa akin. Tipid akong ngumiti saka pumasok sa loob, Pagkaupo ko, naamoy ko agad ang pamilyar na scent ng leather seats at faint perfume na siya lang talaga ang meron. Pagpasok niya sa driver seat, hindi niya agad pinaandar ang kotse. Imbes, saglit niya akong tinitigan. Yung klase ng titig na parang tinatanong kung okay na ba talaga ako.“Katalina,” mababa ang boses niya. “Don’t let him get to you.” Napairap ako, sabay buntong-hininga. “E paano, Zach? Parang siya pa ang may karapatan magalit. Parang ako pa ang mali. Nakakainis.” Huminga siya nang malalim, saka ngumisi nang bahagya—pero hindi ngisi ng pang-aasar, kundi ng tipong ngisi na parang nag
Katalina’s point of view Paglipas ng ilang minuto, natapos din ang briefing at meeting. Tumayo ako para i-guide sila papunta sa magiging office nila sa side wing ng floor. Akala ko ako lang ang maghahatid, pero nagulat ako nang sumama rin si Zach. Pinakita namin ang office space, sinabihan sila na pwede nilang ayusin muna kung ano ang kailangan, at kung okay na sila, pwede na silang umuwi at ituloy na lang bukas ang iba. Pagkatapos noon, iniwan na namin sila roon. Habang pabalik kami ni Zach sa office niya, hindi ko na napigilan. Tumingin ako sa kanya saka nagtanong.“Bakit mo ginawa ’yun?” Lumingon siya, halatang clueless. “Alin?”“Don’t act like you don’t know.” seryoso kong sagot. “Bakit mo hinawakan ’yung kamay ko sa harap nila, at sa oras ng meeting pa? Hindi ba kapag trabaho, trabaho muna?”Medyo huminto siya sa paglakad, tiningnan ako nang seryoso.“Tsaka ano ’yung tension kanina sa inyo ni Miguel?” tanong ko ulit, Bumuntong-hininga siya, “I did that so Miguel
Mabilis siyang bumalik sa table niya saka pinindor ang intercom. Binalik ko naman ang atensyon sa ginagawa. “Hello?” seryosong sagot niya. “Sir Vaughn, the representatives for the collaboration project are on their way up,” sabi ng receptionist. Agad akong napaangat ng ulo. Collaboration project? Ngayon ba ang araw ng balik nila? At paglilipat ng gamit para ayusin ang magiging opisina nila dito? Pagkakaalam ko may meeting and briefing din. Pero bakit parang late naman ata sila? Bumuntong-hininga si Zach. “Okay, Thank you.” Kalmado niyang inayos ang necktie niya, bago bumaling sa akin. “Today’s the start of their stay here. Fixing their things here and bringing them over. They'll be working with us for the next few weeks.” Tumango ako kahit may kaba sa dibdib. Magkikita na naman kami ni Miguel dahil kasama siya sa representative. Kung wala sana ang lalaking ‘yun hindi ako kakabahan o maiilang n
Katalina’s point of view Akala ko tapos na ang pagiging “spoiled” mode niya. Pero mali pala ako. Bandang alas-dos, tumayo siya ulit. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, basta nagpaalam lang siya:“I’m just going out. I’ll be right back.”Nagtaas ako ng kilay. “Bakit? Saan ka pupunta? May meeting ka ba?” “Secret,” sambit niya sabay kindat. Naiwan naman akong tulala, Jusko, saan ba pupunta ‘yun? Parang hindi ko siya boss kung umasta..Napailing na lang ako saka pinagpatuloy ang ginagawa.After 15 to 20 minutes, bumukas ang pinto ng opisina kaya napatingin ako don, at ayun nalaman ko na ang dahilan ng pag labas niya. May hawak-hawak siyang dalawang cup ng coffee at isang maliit na box.“Here,” nakangiti niyang nilapag sa table ko ang kape at box.“Ano ‘to?” Tanong ko kahit obvious naman.“Your afternoon coffee. And brownies.”“Brownies?” “Yes. I figured baka gusto mo ng something sweet habang nagtatrabaho.”Binuksan ko ang box—at ayun nga, neatly packed brownies na mukhang gal
Natigilan siya, kitang kita ko ang pagbabago ng emosyon sa kanyang mukha, napalitan ng kaba. “S-so, w-what’s your answer? Pumapayag kaba o hindi?” Ramdam ko ang kaba sa kanyang boses, hindi niya rin inaalis ang tingin sa akin. Ilang segundo kaming nagtitigan bago ako nagsalita. “Yes, I agree.” Finally, Nasabi ko din! Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Sino ba namang hindi magugulat, Bigla ko ba naman siningit ‘yung tungkol sa panliligaw tapos ngayon pumapayag na ako. “W-what did you say? Can you repeat it?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. “Yes. I’m… allowing you to court me.” nakangiti kong sabi.Natigilan siya. Tulala. Hindi pa rin makapaniwala sa narinig niya.“Katalina…” halos pabulong na sambit niya sa pangalan ko. “You mean… seriously? As in… pumapayag ka ng ligawan kita?” Natawa ako ng mahina, panliligaw pa lang ‘to, pero ‘yung reaksyon niya parang sinagot kona siya. “Oo nga, pumapayag na akong ligawan mo. Let’s get to know each
Katalina’s point of viewKINABUKASAN I took a deep breath before stepping again in front of the building. Just like yesterday, I prepared myself for the whispers and malicious gossip. Pero laking pagtataka ko nang sa pagbukas ng glass door at pagpasok ko sa lobby, walang bulungan ang sumalubong sa akin. Walang mapanghusgang mga tingin. As in wala. People were busy with their cellphones, walking toward their respective departments, talking about work. The receptionist was busy answering calls… No one was looking, no one was laughing while staring at me. Napakunot noo tuloy ako habang naglalakad. Ganitong-ganito ‘yung kahapon ‘e. Akala ko nagkataon lang. Tumigil ako sa harap ng elevator saka pinindot ang arrow pataas, habang naghihintay napaisip ako. Hindi agad mamamatay ang tsismis ng gano’n kadali, hmmm. I think Zach has something to do with this. Habang naghihintay, may narinig akong dalawang empleyado na nag-uusap hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.“Seryoso ba ‘yun kahapon