LOGINKatalina’s POV
Lunch BreakNasa pantry ako, nakaupo sa isang sulok habang nakatingin sa lunch kong chicken teriyaki. Favorite ko ’to, pero this time, hindi ko magawang kainin. Wala akong gana.
I want to call my friends right now. Kanina ko pa talaga sila gustong tawagan. Alam kong pareho silang nasa trabaho ngayon—si Jem, Head ng HR, at si Fia, Fashion Entrepreneur—pero kasi... kailangan ko ng kausap. Kailangan kong may mapagsabihan.
Baka nasa break naman sila.
Ays, bahala na nga. Kung hindi nila sagutin, mamaya ko na lang ikukuwento kapag nakauwi ako. Pero ngayon, susubukan ko muna.
Kinuha ko agad ang phone ko at binuksan ang Messenger group chat namin nila Jem at Fia.
Ni-loudspeaker ko na rin kasi wala akong dalang earpods. Halos wala naman ang lahat dito dahil sa baba sila kumain.
Calling: TeaMates ☕
Tsk. Until now, naloloka pa rin ako sa pinangalan ni Fia sa GC namin. Para raw sa tsismisan at life updates over “tea.”
Tatlong ring lang, si Fia agad ang sumagot. Naka-earpods siya, pero halatang may ginagawa.
“Yes, girl? Break mo? Wait lang, let me mute my Spotify sa Ipad—Ayan okay na. So, Anong chika?”
Tsk. Alam na alam agad niya kung bakit ako tumawag. Tsismosa talaga ’to.
Seconds later, pumasok si Jem sa call—naka-earpods din, at nasa maliit na cubicle. Background niya parang white wall at filing cabinet lang.
Agad nangunot ang noo nito at mas lumapit sa screen ng phone niya.
“Kat? Okay ka lang ba? You look tense. What happened?” tanong ni Jem, ramdam agad ang concern sa boses niya. Wala pa akong sinasabi pero alam niyang may something.
Kilalang-kilala talaga nila ako.
Pumikit ako saka huminga ng malalim.
“Girls...we have a new CEO and guess what—it’s Zach... ’yung lalaking naka-one-night-stand ko.”
Walang paligoy-ligoy kong sabi.
May dalawang segundong katahimikan. Tapos—
“WHAT?!!!” sabay nilang sigaw.
“Shhh!” Napalingon ako sa paligid, “Baka may makarinig. Baka may nakabalik na galing lunchbreak e.’ Nasa pantry ako. ‘Wag kayong sumigaw.”
Hindi mapakali si Fia sa kabilang linya. Hindi man lang pinansin ang sinabi ko.
“Wait, wait, wait—the hottie guy na naka-one-night-stand mo... siya ang bago n’yong CEO?! BOSS mo na siya?!”
Napairap ako. “Sabing ’wag maingay, e. Baka may makarinig sabi. Yes, siya ’yon. He’s the Acting CEO.”
Si Jem, na ngayon lang naka-recover, napa-‘tsk.’
“Kaya pala ang hot ng description niyo sa lalaki that night, bagong CEO pala ng kumpanyang pinapasukan mo, Kat.”
“Hindi ko din inaasahan, well sa itsura naman niya that night halatang mayaman ‘e. Hindi ko lang inaasahan na anak siya ng boss ko at magiging acting CEO ng kumpanyang pinapasukan ko.”
“Sis, this is karma—but like, premium karma with glitter and drama. Shocks!” singit naman ni Fia.
Huh? Anong karma sinasabi nitong babaeng ‘to.
“Anong sabi niya?” tanong ulit ni Jem. “Kilala ka ba niya?”
Napahawak ako sa sentido. Hindi ko akalain na ganito ang bubungad sa pagbabalik ko ng trabaho.
“Hindi kami nag-usap. Nasa boardroom kami kanina kasi nga pinakilala siya bilang acting CEO. His father will be on a three-month medical leave.. As in, deadma siya. Professional mode ang peg kanina. Parang hindi niya ako kilala. Pero, girl... nakita ko kung paano siya tumingin. Alam ko. Nakilala niya ako.”
Tumili si Fia. “Girl, ganyan’yung novel plot sa mga story e! biglang magiging boss‘yung naka one-night stand tapos magmamatigas kunwari wala lang, pero deep inside… affected. Nakakaloka! My One-Night Stand Is Now My Boss?! Sino ka sa Goodnovel universe at bakit ka binigyan ng ganitong plot twist, Girl?! Di ako ready!”
Napailing ako. Umiral na naman ang kadaldalan ni Fia.
“Paano ka niyan sa trabaho?” ani ni Jem, nag-aalalang nakatingin sa akin. “Magkakatrabaho kayo. May history kayo? Na super secret pa?”
“Ayun nga, e. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Halo-halong emosyon, girl. Hindi ako maka-focus sa work dahil sa hindi inaasahan na pagkikita namin ni Zach. Akala ko, hindi ko na siya makikita pa ulit. Pilit kong kinakalimutan ’yung nangyari kasi, ’yun nga—One Night Mistake lang naman. Kaso ngayon, paano na? Araw-araw ko siyang makikita, edi maalala ko rin ’yung gabing may nangyari? Haler! Siya ang first ko…”
“Mahirap nga 'yan, pero hanggang kaya mo maging professional sa harap niya, gawin mo. Like, parang wala lang din,” ani Jem habang seryoso. “Alam kong hindi madali, lalo na kung siya 'yung first mo, Ganto gawin mo–Una, huminga ka. Pangalawa, focus sa trabaho. Kung iwasan mo man siya, ‘wag obvious. Kung kausapin ka, sagutin mo nang tama. Basta wag mong hayaan na presensya niya ang sisira ng mood mo sa office. Kaya mo ’yan, Kat. Patunayan mo sa sarili mo na kaya mong i-handle ‘to.”
Napangiti ako ng tipid, kaya mas maganda talagang nakausap ko sila.
“Whoooo! The best talaga ang friend natin mag-payo! Kaya love na love ka namin Jem ‘e.” Nangising singit ni Fia. Natawa naman ako.
“Thanks girls, Thanks sa time niyo.” Mahina kong sabi tapos wala sa sariling pinakita ko sa kanila ’yung untouched kong pagkain.
“Ni hindi ko nga din magalaw lunch ko, guys. Para akong may acid sa tiyan.”
“Luh? Hindi mo kinain?!” Fia gasped. “Girl. That’s when I know shit is serious. Kasi kahit ’yung heartbreak mo kay Miguel, nag-foodtrip pa tayo sa apartment mo at sa unit ni Jem!”
Tumawa ako ng bahagya. “Wala talaga akong gana. Maloloka ako. Mas stress pa ako sa new boss kaysa sa ex kong si Miguel.”
“Maloloka ka talaga niyan! Ikaw ba naman, lagi mong makikita si Hottie guy e,” natatawang komento ni Fia.
Ping.
Napatigil ako ng may mag-pop up na email notification.
Nang tignan ko kung kanino galing, Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Galing sa boss ko kay Zach.
“Wait lang girls... speaking of—may email siya…” Wala sa sarili kong sabi.
“Huh? Bakit sa’yo nag email?” Nagtatakang tanong ni Fia.
“Kinonek ko kanina sa phone ko ‘yung email ng M.D kasi ang dami kong kailangan ireview.” Mahina kong sagot.
“Oh, okay! Basahin mo na!”
“Check mo na kung anong email sa’yo.” Turan naman ni Jem.
Pinindot ko agad ang email habang ramdam ko ang pagkabog ng puso ko.
From: Zachary Matthew Vaughn
Subject: Follow-up Meeting – 3:00 PM TodayTo: Katalina Leigh SuarezMs. Suarez,
Please proceed to my office at exactly 3:00 PM for a brief discussion regarding the marketing department’s current performance reports. Kindly bring your monthly projections as well. —Z.M.V.“Sht...” Mahina kong mura, Muntik ko nang mabitawan ang phone ko.
“Sis?!” sambit ni Fia. “Ano sabi?!”
“Pinapatawag niya ako,” sagot ko, pilit kinakalma ang boses. “For a brief discussion regarding the marketing department’s current performance reports…”
Si Fia literal na napasigaw. “Omg. Omg. Omg. kayong dalawa lang sa office niya? Shocks!”
“Tangina...” bulong ko. “Bakit parang mas lalo akong kinakabahan ngayon kaysa nung first time naming magkita?”
“Because now you’re seeing him with the lights on and a nameplate on his desk,” sagot ni Jem. “CEO, sis CEO..In other words...Boss mo ”***
Pagkatapos ng tawag, pilit kong pinakalma ang sarili habang naglalakad pabalik sa workstation ko. Hindi ko talaga nagalaw ang pagkain ko. Ang nasa isip ko lang ay ang email ng boss ko.
May ilang oras pa... pero parang gusto ko nang magpalamon sa lupa.
Zachary Matthew Vaughn.
Hindi na siya ‘yung lalaking nakilala ko lang sa bar.
Boss ko na siya ngayon.
“Okay… okay…” bulong ko sa sarili habang marahang humihinga. Professional lang ‘dapat Kat. You're his Marketing Manager. This is normal. Tama lang na makipag-align siya sa’yo. This means nothing… right?
Pero habang naghahanda ako—nag-retouch ng konti ng powder, siniguradong maayos ‘yung blazer ko, at inadjust ang watch sa wrist ko—alam kong hindi ko kayang lokohin ang sarili ko.
This isn’t just nothing.
*******
Bumalik ako sa Marketing floor na ramdam pa rin ang init ng yakap at titig ni Kael.Parang may naiwang bakas sa balat ko. Bawat kilos niya kanina sa opisina nakatatak sa isip ko. Dumiretso ako sa desk ko, nakaupo sa upuan niya si Chase na katabi lang ng akin, nang maupo ako bumaling siya sa akin. “Ready for the next set of revisions?” tanong niya, medyo nakangiti, unaware sa bagyong naramdaman ko ilang minuto lang ang nakalipas. “Yes,” sagot ko, pilit ang ngiti. “Let’s go over the social media calendar for next week.” Tumango si Chase, sabay lapit at sabay open ng laptop. Habang nagsisimula kaming magtrabaho, pakiramdam ko ay mas malaki ang focus ko sa mga numero at analytics. Sa bawat click, sa bawat comment na ginagawa ko, pilit kong iniwasan ang alalahanin tungkol kay Kael. I mean ang mga pinag-usapan namin kanina. “Ma’am Cataleya?” tanong ni Chase, mahina at magalang. “Hmm?” sabay tingin sa kanya, pilit kalmado. “About the Thompson rollout… do you want to anchor mo
Continuation.. Nag-unat ako matapos naming i-finalize ang isang file. Ramdam ko ang paninigas ng balikat ko matapos ang halos tuloy-tuloy na oras ng pag-upo at pagre-review. “Lunch break na,” sabi ni Chase, sabay sandig sa gilid ng mesa ko. “Let’s go?” Napatingin ako sa orasan sa screen. Halos tanghali na pala. Kapag nakatutok talaga ako sa trabaho hindi ko namamalayan ang oras. “Well,” sabi ko, bahagyang ngumiti, “we need to eat para may lakas. Let’s go.” Tumayo ako saka kami sabay na naglakad patungo sa elevator at bumaba sa cafeteria. It’s normal. Nothing unusual. That’s just how it is in the office…people eating together, whether they’re on the same team or not. And honestly, I’m already used to this kind of routine. Umupo kami sa isang bakanteng mesa sa gilid, malapit sa bintana. Maliwanag. Maaliwalas. May mahinang ingay ng mga empleyadong nagkukwentuhan, nagtatawanan, nagmamadali. Habang kumakain kami, katulad ng lagi naming ginagawa trabaho pa rin ang topic.
CATALEYA’s point of view Mira leaned in again, whispering, “You’re really not the joking type. We all know you’re loyal to Sir Kael. Anyway… he asked if you’re handling the new campaign personally. And… he offered to help.” Napalingon ulit ako kay Mira. Napakurap ako, tila sinisiguro kung tama ang narinig ko. “Offer to help?” ulit ko. “Seriously?” “Yes,” sagot niya agad. “And he seems… really interested.” “Very,” singit ni Benedict mula sa gilid namin, pilit tinatago ang ngiti pero halatang aliw na aliw. “Like, really interested.”Napatawa ako nang mahina, at napailing na lang sa kanilang dalawa. “Okay,” sabi ko, sabay kibit-balikat. “First day pa lang niya, and he’s already being proactive. Good for the team, I guess.”“Oh, speaking of—” biglang sambit ni Mira, sabay ayos ng tayo sa tabi ko. “He’s here. Palapit siya, Ma’am Cataleya.” Napalingon ako sa direksyong tinitingnan niya. At doon ko siya nakita ang bagong Marketing head.Matangkad. Maayos ang tindig. Main
Cataleya’s Point of View Monday mornings were usually predictable.Coffee. Emails. Meetings. Deadlines.But this Monday?This Monday felt different.Maybe it was because one month and weeks had already passed since Kael officially started courting me. Or maybe it was because everything had been going… too smoothly. Too calm. Too happy. Too steady.And I was starting to realize something.When life becomes quiet, it usually means something is about to shift.I just didn’t expect it to start the moment I stepped into the office. Pagpasok ko sa Vaughn Building, agad kong naramdaman ang kakaibang energy sa paligid. Hindi naman tense… mas parang… curious. May mga matang palihim na sumusulyap pa rin, may mga pabulong na usapan na biglang tumitigil kapag napapadaan ako.At sanay na ako roon. Isang buwan mahigit na silang ganon simula ng mangyari ang client incident. For a whole two or three weeks after Kael’s formal visit to my family, ako ang naging unofficial topic ng office. Dahil
CATALEYA’s point of view Pumasok ako sa office niya. Nakita ko siyang nakasandal sa swivel chair, sleeves rolled up, unbuttoned collar ng polo, maluwag ang polo. Medyo magulo ang buhok, pero… fresh at commanding pa rin. Ang aura niya, kahit pagod at busy, parang hindi nawawala… malakas, confident, at may halong init na nakakapanatag. “Close the door then come here and sit down,” sabi niya, calm pero may edge sa tono. Sinunod ko siya. I walked across the carpeted floor of the office, feeling as though every step weighed heavily on my chest. I sat down on the chair in front of his desk, still hesitant, even though I knew I was safe in his presence. Hindi siya nagsalita agad. Tumayo siya, hinila yung swivel chair niya papalapit sa akin, at naupo sa aking tapat. Ang titig niya…steady, focused, parang sinusuri hindi lang ang pagkatao ko kundi pati ang nararamdaman ko.“Leya,” simula niya, mababa at mahinahon, “unang-una, okay ka lang ba?” Napabuntong-hininga ako. I could feel th
The meeting happened that afternoon.Heavy. Intense.But clear. Kael took full accountability. He explained the rationale behind the changes, apologized for the misalignment, and clarified that my team executed based on approved directives. Walang paligoy-ligoy. By the end of it, the client agreed to stay conditionally. May revisions ulit. May pressure pa rin.Pero buo at malinis ang pangalan ko at ng team. Paglabas ng boardroom, ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. Doon ko lang narealize kung gaano kabigat ang araw na ito.Kael walked beside me hanggang sa hallway.“You okay?” tanong niya, mahina.Tumango ako, kahit nangingilid ang luha dahil ko lang na-experience ‘yung ganitong kabigat na problema.“Thank you,” sabi ko. “You didn’t have to—”“Yes, I did,” sagot niya. “Because I’m courting you and I love you. And this is part of it.”Huminto siya sa harap ko.“But you also need to know something,” he continued. “There will be days like this… messy, complicated. And I won’t







