HINDI maipinta ang mukha ni Zoren habang nakaupo sa backseat ng sasakyang patungo sa Ritz Paris Hotel kung saan gaganapin ang last day ng Vision in Motion Fashion week ng luxury brand na VERRON—ang sikat ngayon na fashion brand sa buong Europe at Asia.
“You owe me for this, Malik…” nakakunot noong bulong ni Zoren sa sarili. Hindi naman talaga dapat siya ang lilipad papunta sa Paris upang dumalo sa fashion week na ito kung hindi lang dahil sa matalik niyang kaibigan na si Malik Vergara na inatake ng allergy nito kahapon. Kung hindi lang nito nilagyan ng limang milyon ang bank account niya ay hindi talaga siya papayag na pumunta rito. ‘It’s a waste of time’ ika nga niya. Mas pipiliin pa niyang magbasa ng mga dokumento sa opisina niya at makipag-usap sa mga shareholders kaysa pumunta rito upang magsayang ng oras. Five million pesos is just loose change for him, to be honest. Kayang kitain iyon ng higit pa ng kumpanya niya sa loob ng isang oras. Pumayag lang talaga siya sa favor ng kaibigan dahil marami na rin naman itong nagawang favor para sa kaniya. “We’re here, Mr. Voss,” anunsiyo ng driver niya. Pagkababa niya sa sasakyan ay bumungad sa kaniya ang nakakalulang ganda ng Ritz Paris Hotel na matatagpuan sa Place Vendôme. Ang gusali ay may classic French neoclassical design. May nalalapad ba bintana, detailed stone carvings and wrought-iron balcony. Zoren was in the real estate field and had knowledge in architecture, which is why he noticed the designs of the buildings in front of him. Ang nakakapangit lang ng paningin niya ay ang maraming tao na nasa harapan ng gusali na bakas ang excitement sa mukha para sa magaganap na fashion show. “The event was about to start, Mr. Voss,” paalala sa kaniya ni Felix—ang secretary niya. “You go inside first. Susunod ako,” aniya at tumingin sa kaniyang Rolex. Kaagad namang tumalima si Felix at hindi na nagtanong pa. Nang makita ni Zoren na humalo na ito sa mga tao ay tumalikod na rin siya upang magtungo sa malapit na coffee shop para magpalipas ng oras. He doesn’t want to sit and watch a boring fashion show. Ano namang mapapakinabangan niya roon? Good sense of fashion? Please. Kahit punit-punit ang suot niya, lamang pa rin siya sa lahat—ganon siya kagwapo, period. Hindi niya nga alam kung bakit nagkaroon ng interest ang kaibigan niya sa mga ganitong bagay. Pumasok siya sa coffee shop at omorder ng triple shot espresso bago umupo sa katabi ng glass wall na tanaw ang Eiffel tower. He took out the iPad he was carrying and began working. Mabuti na lamang ay tahimik ang coffee shop kung nasaan siya kaya makakapag-focus siya sa trabaho niya. He’s currently the CEO of Voss Prime Estate. Dalawang taon niya pa lang hawak ang kumpanya ng pamilya niya at hindi niya masasabing nasa tuktok na siya ng tagumpay ngunit hindi niya rin naman sinasabing nasa baba siya. It’s just that he’s not yet satisfied with where he is right now, so he needs to put in double the effort to reach the success he dreams of. “You’re late again! Why did you only get here just now?” Malakas na boses ng isang babae ang nakapagpawala sa focus ni Zoren sa ginagawa. Nakakunot ang noo niya habang sinusundan ng tingin ang dalawang babaeng nakatalikod na papalabas na ng coffee shop. “It’s not my fault I had a hard time booking a car, okay!” the woman said in a sassy tone before they finally stepped out of the coffee shop. Hindi pa rin inaalis ni Zoren ang tingin sa dalawang babae at hindi niya rin alam kung bakit. Ang isang babae ay matangkad na tila pinapagalitan ng kasama pa nitong babae na may bitbit na iPad. Zoren took a deep breath and slightly shook his head. Pinagpatuloy niya na lamang ang kaniyang ginagawa. Three hours flew by without him noticing—or maybe he just didn’t care. He was in no rush to sit through a show he never wanted to attend. Kung hindi pa siya tinawagan ni Felix upang ipaalam na malapit nang matapos ang event ay hindi niya pa maaalala ang dahilan kung bakit ba talaga siya pumunta sa Paris. “Have you seen, Mr. Monnier?” bungad niya kay Felix nang makita niya itong seryosong nanonood ng fashion show. Tumuwid naman ito sa pagkakatayo at saka tumikhim. “Nakita ko siya kaniya sa guest area, Mr. Voss.” Mr. Noa Monnier is the owner of VERRON, and he is actually the main reason Malik asked him to go to Paris. Malik wanted to personally hand Mr. Monnier a special gift—so special, in fact, that he couldn’t entrust it to anyone else aside from him. “Where is it? Give it to me,” aniya at hiningi ang paper bag na naglalaman ng regalo ni Malik kay Mr. Monnier. Felix, ever-efficient in his signature pinstripe suit, handed him the paper bag. Walang paalam na iniwan niya doon si Felix at nagtungo sa lugar na malapit sa runway. Nasa dulo kasi nito ang front row kung saan nakaupo ang mga mahahalagang bisita. He spotted Mr. Monnier talking with his companions. Nabo-bored na siya sa totoo lang at gusto na niyang umuwi kaya naghahanap siya ng pagkakataon na lapitan na ang pakay para matapos na siya. He looked at his watch and look at the ongoing fashion runway. His gaze lands on a woman walking confidently, elegantly and unapologetically, like she owns the runway. Zoren is visibly affected. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang alisin ang paningin sa dalagang may shoulder length na unat na buhok at nakakasilaw na ngiti. “Who is she?” Zoren whispered to himself. Zoren caught his breath when their eyes met. The woman winked at him and give him a flying kiss before turning her back to the crowd. He gulped. Tumatak sa isip niya ang beauty mark nito na nasa baba ng right eye nito at ang wing eyeliner nito na tila ilang minuto ginawa upang maging pantay. Hanggang sa mawala na ito sa paningin niya ay hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa direksiyon kung saan ito nawala. And from that moment on, he knows that he’s screwed. Big fucking time.“GIVE me the latest report, Nyro,” sabi ni Zoren habang nakadikit sa tainga niya ang kanyang phone, kung saan kausap niya ang kaibigang si Nyro Halden na isang Chief of Police.“We’ve caught the person who put drugs in your wife’s drinks, bud. Good thing there’s CCTV at Virmillion’s bar, so we were able to quickly identify his identity,” paliwanag ni Nyro.“May nag-utos ba na gawin iyon sa asawa ko? What’s his motive?” tanong niyang muli.Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo mula sa pack na nasa ibabaw ng center table sa may patio kung nasaan siya.“Sabi niya, gustong-gusto niya raw kasi ang asawa mo. Wala raw siya sa tamang katinuan kaya noong nakita niya raw ang asawa mo na lasing at sumasayaw—he took advantage of it,” dagdag pa ni Nyro.“Damn it!” bulong ni Zoren sabay kuyom ng kamao, dahilan upang madurog ang hawak niyang sigarilyo.“Relax, dude. Paparusahan namin siya ng naaayon sa batas,” kalmadong sabi ni Nyro.
NAGISING si Renese sa pamilyar na amoy ng panlalaking pabango. She slowly opened her eyes. Sa puti at modern tray ceiling design na may LED strip lights unang tumama ang kanyang paningin. Dahan-dahan siyang umupo sa itim na kama. Bahagya pa siyang napangiwi dahil tila tumitibok ang ulo niya dahil sa hangover.Nilibot niya ang kanyang paningin sa kwarto. Hindi masyadong madilim sa silid pero hindi rin masyadong maliwanag dahil sa kurtina na nakaharang sa may glass wall. This room wasn’t familiar to her. This isn’t Shoelie’s room.“W-Where am I?” tanong niya sa sarili.Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi. Tila isang naka-2.0x speed na video ang biglang nag-play sa utak niya ang mga nangyari. Music, dancefloor, and more alcohol. Ang iba ay hindi na masyadong malinaw sa utak niya dahil paniguradong lasing na lasing na siya sa mga oras na iyon.‘Where the hell is Shoelie? Don't tell me she took me with her man last night?!’Aali
TAHIMIK sa loob ng sasakyan. Tanging ang tunog lamang ng malamig na air conditioning at ang malalim na paghinga ni Zoren na tahimik na nagmamaheno ang naririnig ni Renese. She shifted uncomfortably in her seat, her skin growing warmer by the second for an unknown reason. Her vision became in motion because of too much alcohol in her system. “Shit…” Renese whispered as she fanned herself using her hand. “It’s so hot,” she added. Zoren glanced at her with narrowed eyes. “The AC is on full blast. Are you okay?” Hindi siya agad sumagot. Malalim ang kanyang paghinga. Her fingers were trembling slightly, and her cheeks flushed unusually red. Her body was overheating. “D-Do you have water?” tanong niya sa mahinang boses. Zoren quickly reached into the glove compartment and handed her a black tumbler. Kinuha niya iyon at halos masamid na siya sa pagmamadaling uminom. “Sobrang init
SALUBONG ang kilay na pumasok si Renese sa loob ng kanyang Mercedes-Benz sports car na nakaparada sa parking lot at malakas na sinara ang pinto no’n. She’s fuming mad as she leaves the Voss Prime Estate building. “Ugh! He’s so annoying talaga!” she frustratedly screamed as she pounded the steering wheel in annoyance. Ipinarada niya muna ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada at saka kinuha ang cellphone na nasa passenger seat. She dialed Shoelie’s number. “Hell—” “Let’s go out tonight. My treat. I need noise, drinks and attention—preferably all from attractive men,” putol niya sa sasabihin ng kaibigan. Shoelie laughed from the other line. “Finally! You’re in a mood, ah. Akala ko ayaw mo na no’n eh. What’s the occasion?” “No occasion. I just want to flirt.” “That's my girl. Say less, Rera. I’m already grabbing my heels as we speak.” Pagkatapos nilang pag-usap
“IT’S FIVE hundred twenty-five thousand three hundred fifty-six pesos in total, madam,” nakangiting sabi ng cashier matapos nitong i-punch at ibalot ang lahat ng mga pinamili niya.Renese smiled sweetly and handed her the black card.“Thanks,” sabi niya nang ibalik na nito sa kanya ang card.“Thank you for purchasing, madam. Come again,” the cashier said politely.Hindi na siya sumagot dito at binitbit na lamang ang limang paper bag na naglalaman ng mamahaling brand ng bag. Malawak na ngiti ang nakapaskil sa labi niya habang nililibot ang paningin sa paligid ng mall.Kaninang pagkagising niya ay ang una niya talagang ginawa ay gumayak upang mag-shopping gamit ang Centurion card na binigay sa kanya ni Zoren kagabi sa pamamagitan ni MiuMiu. Since he chose to marry her eh ‘di maigi nang maging useful naman ito sa buhay niya hindi iyong palagi na lang itong nagiging dahilan ng stress niya!Napagdesisyunan niyang dumaan muna sa The Fi
“YOUR mom knew?” Renese asked in disbelief. Nakaupo pa rin siya sa sofa at hawak ang mangkok na punong-puno ng popcorn. Tumaas naman ang kilay ni Zoren na para bang napakawalang kwenta ng tanong niya. “Uh-huh. What’s the matter?” nagtatakang tanong nito. “Nakalimutan mo na ba ang pinag-usapan natin? We agreed to keep this marriage a secret for five fucking years!” nanlalaki ang matang sabi ng dalaga at saka tumayo. “And we are. From your world. Not from my world,” ani nito. Diniinan talaga nito ang salitang ‘your’ at ‘my’. Mariin siyang napapikit. “You know that’s not what I mean, right?” nagpipigil niyang turan. “No, I don’t,” he said which made her fume even more. “I can’t believe this!” hindi makapaniwala na turan ng dalaga. “I’m not coming!” walang pagdadalawang isip na sabi niya at tumalikod. “If we don’t show up, my mom might take it personally. You don’t want that,” paalala nito. Mas