LOGINSINABUNUTAN ni Renese ang sariling buhok nang mabasa ang panibagong notice na nag-pull out na ang isa na namang investors niya sa kaniyang fashion brand na Danzari.
Sa loob ng tatlong araw ay nawalan na siya ng pitong investors out of ten investors na isang taon niyang niligawan para lang mag-invest sa brand niya. “Hey, calm down, Rera. Everything will be alright,” pagpapakalma sa kaniya ng kaibigang si Shoelie. Shoelie Torres is her fellow model slash party buddy and best friend since eighteen years old. Now that they’re twenty-five years old—pitong taon na nilang pinagsasawaan ang mukha ng isa’t isa. Kulang na lamang ay magpalit sila ng mukha dahil palagi silang magkasama. “I’m so stressed, Shoelie! Sino ba kasi ang Pontio Pilatong nag-leak ng portfolio ko online?! And excuse me—me? Ako raw ang manggagaya? Those are my designs, my original sketches! Sila ang magnanakaw!” Renese fumed, her voice shaking with disbelief and rage. Kasalukuyan kasing treading sa iba’t ibang social media platform at fashion blogs ang scandal na ginaya niya raw ‘di umano ang Spring collection ng isang sikat na French fashion house na Maison Durellé. Naniwala kaagad ang mga tao dahil ‘di hamak na mas malaki na ang fashion brand na iyon kaysa sa Danzari na kakasimula pa lang two years ago. They even released so-called ‘evidence’ comparing their unreleased sketches to Renese’s designs from her recent launch. Dahil sa tagpong ito ay pinuputakti na tuloy ang brand niya ng mga tao at nagsisialisan ang mga investors niya. Maging ang ibang brands na kumuha sa kaniya para maging ambassador ay nag-te-threaten na rin na tatanggalin siya sa kagustuhang hindi madamay. “Renese!” Humahangos na pumasok sa loob ng opisina niya si Vilmie—ang manager slash secretary niya. “What?!” Renese snapped. Vilmie handed another paper to her. Hindi pa man niya nababasa ang nakasulat doon ay nararamdaman niya na ang mas lalong pagkulo ng dugo niya. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa mga oras na ito. “Why don’t you ask help to Tita Roxanne and Tito Charles, Rera? I know they can do something about this,” nag-aalalang tanong sa kaniya ni Shoelie. Renese rolled her eyes. “No way! If I did that, it would be like proving to them that I can’t stand on my own two feet and if that happened, they’d pass down our hotel and restaurant company to me, and that’s exactly what I don’t want to happen!” Renese was only into fashion. Fashion alone. At ang hotel and restaurant business nila ay malayong-malayo sa fashion na gusto niya at interesado siya. Ano naman ang bibihisan niya doon kung iyon ang magiging career niya? Mga lamesa at upuan? She can’t even imagine herself to have another career aside from fashion! Nagkaroon kasi sila ng kasunduan ng magulang niya dalawang taon na ang nakakaraan. Kapag naging successful ang Danzari sa loob ng limang taon ay hindi na siya ng mga ito papakialaman pero kapag bumagsak ito nang hindi umaabot sa oras na pinagkasunduan nila ay wala na siyang magagawa kung hindi i-manage ang hotel and restaurant business nila sa ayaw at sa gusto niya. “Ano’ng gagawin natin?” nag-aalalang tanong ni Vilmie at saka umupo sa puting couch na nasa loob ng opisina ni Renese. “I don’t know, okay? I’m also trying to think of a way. I can’t just fall like this. I won’t allow it,” she said, standing up from her swivel chair. Nagsalin siya ng rose champagne sa kaniyang champagne glass na nasa ibabaw ng center table bago nilagok iyon na parang tubig. Umaga pa lang pero nakakalahati niya na iyon dahil sa sobrang stress na nararamdaman niya. She hadn’t had a proper night’s sleep in days because she kept emailing the investors who had pulled out, hoping she could convince them to talk. She wanted to explain her side, but no one wanted to listen to her! Ang tunog ng kaniyang cellphone ang umakupa sa tensyonadong opisina. Nakakunot noong kinuha niya iyon sa ibabaw ng kaniyang lamesa. It’s her mom. Renese took a deep breath and answer the call. “Mom…” bungad niya. Muli siyang umupo sa swivel chair at pinaikot iyon patalikod sa mga kasama niya. “How are you, dear?” her mom greeted. “I’m doing fine, mom,” she lied. Pinasigla niya ang kaniyang boses para mas kumbinsihin ang ina na ayos lang siya. “Narinig ko ang mga nangyayari ngayn sa Danzari, baby. Do you want us to do something about it?” Her mother’s voice was so soft that she was tempted to ask her for help. She’s a mama’s girl and a spoiled. Kahit ano’ng hilingin niya ay nakukuha niya ng walang kahirap-hirap. Isang pitik lang ng daliri ng magulang niya ay wala na siyang gagawin kung hindi ang mag-relax, but not this one. Pinili niya ang landas na ‘to kaya kailangan niyang panindigan. “Thank you for the offer, mom, but no. I can do something about this. Don’t worry,” she said. Her mom took a deep breath from the other line. “Hindi mo ‘ko mapipigilang mag-alala sa’yo, Rera. Bakit ba kasi ayaw mong pumayag na—” “Mom,” she cut her mom off. “You give me five years, right?” “Yes pero—” “Then wait until five years passed, Mom. Kung sa mga oras na iyon ay wala pa rin akong napapatunayan, ako mismo ang lalapit sainyo ni Daddy, okay?” Pagkatapos nilang mag-usap ay ina ay inabala na lang muli ni Renese ang sarili sa pag-iisip ng paraan para malinis ang kalat na ito. Ang kaibigan niyang si Shoelie ay nagpaalam na dahil may photoshoot pa raw itong kailangang puntahan samantalang ang secretary niya naman na si Vilmie ay nagpaalam na rin para bumili ng lunch niya. Abala siya sa pagtitipa ng email nang may tatlong email na sabay-sabay pumasok sa account niya. Muli na namang bumalik ang inis sa mukha niya nang mabasa sa dalawang email na tuluyan nang nag-pull out ang dalawa pang natitirang investors ng Danzari. Sa sobrang inis na nararamdaman niya ay binato niya ang bote ng rose champagne na iniinom niya pa lang kanina dahilan upang magkalat sa sahig ang natitira pang champagne doon at mga bubog. “Damn it!” she screamed. Nangingilid ang luhang binuksan niya naman ang isa pang email na pumasok sa account niya. Before the tears could even fall from her eyes, they widened in shock as she read the contents of the email.Subject: Confidential Business OpportunityThere is a way to save your company. But not through traditional means.La Perla Lounge. Tonight. 8PM. Come alone. Don’t be late.— Sent via secured server. Do not reply. Hindi niya alam kung kanino iyon nagmula dahil random lang ang email na ginamit pero kahit gano’n ay umusbong ang pag-asa sa puso niya.HINGAL NA HINGAL at tagaktak ang pawis si Zoren nang makarating sa St. Raphael Medical Center na pinakamalapit na hospital sa pinangyarihan ng aksidente. May mga humarang na sa kanyang media upang makibalita ngunit hindi niya ang mga ito pinaunlakan. He needs his wife and nothing else! Nang makarating siya sa emergency room na naka-pula pa rin ang ilaw ay nakita niya roon sina Vilmie, na sekretarya ng asawa niya, at ang kaibigan nitong si Shoelie, na parehong namumutla at bakas ang pag-aalala sa mukha. “What happened?!” he asked immediately. “M-Mr. Voss…” Vilmie muttered. “I said, what happened?!” he roared, starting to lose control because of anxiety. Shoelie stood up. “Mr. Voss, can you please calm down? We’re in front of the emergency room, and Renese is inside. Baka makaistorbo tayo sa loob,” seryosong saway sa kanya ni Shoelie. Zoren took a deep breath and massaged the bridge of his nose. He put his hand on his waist in a manly way, trying to calm himself first while walki
TAHIMIK LANG si Renese habang nakatitig sa labas ng bintana papunta sa restaurant kung saan niya kikitain ang boyfriend ni Ravisse. It’s been two weeks since they started to investigate Ravisse’s past, and it’s harder than they ever imagined. Hindi naging madali para sa kanilang kumbinsihin ang boyfriend ng kapatid niyang makipagkita sa kaniya. They tried to talk to him many times ever since they found his address, but they got rejected many times as well. So she didn’t expect him to call her last night and tell her that he wanted to meet and talk. Hindi niya kasama si Zoren ngayon dahil nagkaroon ng malaking problema sa kumpanya nito na hindi maaaring ipagpabukas. Gustuhin man nitong samahan siya, pero pinigilan niya ito. She can handle herself. Tsaka sigurado naman siyang hindi siya mapapahamak kagaya ng pinag-aalala nito dahil dalawang sasakyan ba naman ang ibinigay nito sa kanya na puro guards. Naputol ang malalim na iniisip ni Renese nang binalot ng malakas na ringtone ng phon
“RENESE, DARLING! You look tired. Manila life is wearing you down, I see. Come in, come in! I have so many pasalubong to show you fresh from Europe!” excited na bunga sa kaniya ng ina niyang si Roxanne nang makapasok siya sa mansion nila.Bumungad sa kaniya ang sala na punong-puno ng mga paper bag na may tatak na mamahaling brands. Well, iyan lang naman ang luho ng ina niya—ang mag-shopping hanggang sa maubos na ang dala nitong pera.Kakagaling lang kasi nito mula sa isang buwang bakasyon sa Europe, specifically from Switzerland, France, and Italy.“Ang dami naman nito, Mommy,” puna niya at saka kumuha ng isang paper bag bago sinilip ang laman. It was the limited edition Fall-Winter Collection of Chanel.Roxanne chuckled. “Paris, Milan, Rome—I raided them all, darling! Chanel, Prada, Gucci—well, you name it, I bought it.”“You shouldn’t have, Mom. I have a lot of this in my condo. Wala nang space,” aniya.“Nonsense. A little luxury never hurt anyone. Besides,” Roxanne’s eyes twinkled,
RENESE FELT heavy as she entered her husband’s car, which had been waiting for her for a while. She’s overwhelmed and heartbroken by her father’s words, which are much more painful than the ones she receives from social media. “How was it, wife?” Zoren smiled but instantly vanished when he saw her distress. “What’s wrong? May nangyari ba?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya. She bit her lower lip and threw herself on Zoren’s arms. Nabigla naman ang asawa dahil sa ginawa niya ngunit ‘di nagtagal ay niyakap din nito ang babae na humihikbi. “What’s happened, baby?” Zoren muttered. Renese spoke, sobbing, “He... he blames me, too. My dad. He said... terrible things and it hurts...” Zoren rubbed her back to calm her down. Panay ang halik nito sa tuktok ng ulo niya na para bang sinasabing nandito lang ito. “Shh, don’t listen to him. He’s wrong. I’m here for you always, ‘kay? He’s blinded by his feelings for Lilithas,” he hushed. Nang kumalma na siya ay sinalaysay niya kay Zoren ang la
NANGINGINIG ang kamay na binaba ni Renese ang phone niya pagtapos niyang kausapin si Franky na pinaliwanag sa kaniya ang lahat ng nalaman nito sa pag-iimbestiga.Zoren was standing behind her while rubbing her back to calm her down.“Calm down, wife. I’m here. Relax,” Zoren said.She shook her head and held the edge of the table tightly. “I can’t calm down. Nag-aalala ako na baka si Dad... baka may mangyaring masama kay Daddy,” bulong niya.Hindi siya natatakot para sa sarili niya. Natatakot siya para sa daddy niya. Kahit naman kasi may hindi pagkakaunawaan sa kanilang mag-ama ay hindi niya pa rin naman mababago ang katotohanang tatay niya pa rin ito. Magalit man siya rito, tatay niya pa rin ito. Magunaw man ang mundo, tatay niya pa rin ito.Hindi na niya kailangang magtanong kung anong motibo ni Lilithas para gawin ang lahat ng ito sa kaniya. It was because of the sole person—Ravisse, Lilithas daughter with her father.Lilithas also blames her for Ravisse’s death, just like how she b
“BAKIT hindi mo kaagad pinakilala ang sarili mo sa’kin kung matagal mo na pala akong kilala?” mahinang tanong ni Renese kay Zoren habang hinahaplos ang tattoo nito sa dibdib na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang ginawa nito. Nakaunan siya sa braso ni Zoren habang parehas na walang saplot sa ilalim ng makapal na kumot. She closed her eyes when he gently combed her hair with his fingers. “Because I think it still wasn’t the right time, wife. I didn’t want to scare you. If I told you everything from the start, you would’ve run away from me and called me a creep,” sabi nito. “But all this time, you were watching over me?” she asked. “Always, even when you didn’t know.” Renese winced. “And you think that wasn’t creepy?” pangbabara niya rito na ikinatawa naman ng binata. Ano’ng nakakatawa? “I know what you’re thinking, wife. I’m not a stalker, all right? More like...” Hinawakan nito ang baba na para bang nag-iisip. “More like a very concerned guardian angel.” Renes







