Share

CHAPTER 2

THE ONE-YEAR CONTRACT

CHAPTER 2

Dravour's POV

*Flashback*

"Ang sabi ko ay gusto kong ma-challenge dahil pare-parehas lamang ang personalities ng mga babaeng nirerecommend n'yo sa'kin. But, that kind of girl? Ginagago n'yo ba ako? Babae ba talaga iyan? The heck, Hiro!"

"What? We already told you. Pinagbigyan lang namin ang hiling mo. And sa nakikita ko, mukhang mapapalaban ka talaga sa isang ito."

Napahilamos ako sa aking mukha. Yes. This is not the first, the second, and even the third time na nagpaperma ako ng kontrata sa babae. Damn it. 

"Come to think of it, Drav. Malay mo, s'ya na talaga. I mean, she's unique. Cheerful. Mabunganga. And, she's a good singer and dancer, right Kio?"

Kio shrugged.

"And you are expecting me to fall for that kind of girl? 'Ni hindi nga yata maalam magbasa iyan!"

"We don't know what will happen next. None of us know. Besides, that would be the last, right? You told us na kapag hindi pa rito nag-work ang mga, med'yo tagilid na plano mo, titigil ka na at tatanggapin nalang ang pagkatalo laban sa mama mo. Just give it a try. 'Ni hindi ka pa nga nagsisimula tapos umaatras ka na."

Inalala kong muli ang itsura n'ya. She's wearing a plain white t-shirt and maong pants, with her rubber shoes na halatang luma na. Nakalugay lang din ang buhok n'ya. Walang kaayos-ayos ang mukha. Walang class. Kung ang isip ko lang talaga ang masusunod, hinding hindi ako papayag. Pero sa ginagawa ko, hindi isip ang pinaiiral ko, kundi ang puso ko. My heart is still silent right now. I'm waiting for its response, but there's still none.

"Ano na? Papayag ka na ba? Susunod ka na lang ba sa gusto ng mama mo? Kahit na alam naman nating lahat na ayaw na ayaw mo sa gusto niya?"

I faced at Hiro who's staring at me.

"Pauuwiin na ba namin si Apple? Hindi na natin itutuloy ang kontrata n'yo? Hindi ka kaya magsisisi na hindi mo man lang hinayaan ang sarili mong kilalanin itong kahuli-hulihang babae na hinanap namin para sa'yo? Hindi mo kaya—"

"Of course I won't terminate the contract, but find someone else, not her. And, have you forgotten? I also have the power to end the contract even though the year has not ended yet. I can also do that. I'll end the contract between me and that girl the moment you find another."

"Silly. Gumawa ka pa ng kontrata." Hiro chucked and tapped my shoulder. "If you want that kind of setup, then go and find yourself a woman. But the 'not so nice' thing is, they'll know what you're up to."

*End of Flashback

Tsk. Dang. Parusa ko na ba ito? Karma na ba ito? I am just looking for someone na maihaharap ko kay mama, para hindi na n'ya ituloy ang pinaplano n'ya! Masama ba iyon?

But of course, I'll make sure na ang babaeng mapipili ko ay, ang talagang gusto ko. I only have one year left bago matapos ang usapan namin ni mama. This is the last year that I have for my great search. And unfortunately, the girl that they gave me is,

"Mamang may sayyaadd! Huwag mong sabihing multo na si Drraaavvv?!"

Dang. Hindi ko alam kung saang lupalop ba ng mundo s'ya nagmula. Hindi ko rin alam kung saan ba gawa ang utak n'yang mukhang binabalot na ng kalawang. Kung nakakapagreklamo lamang ang tenga, sa malamang ay ilang beses nang nagreklamo ang sa akin. 

Naupo na ako sa aking kama at saglit na inalala ang mga nangyari kagabi.

*Flashback*

"Drav? Malayo pa ba tayo?" tanong niya sa akin pero hindi ko s'ya sinagot. Nawawalan ako ng lakas. I thought she'll finally rest in peace but she starts saying nonsense bullshits again.

"Kanina pa yan. Hindi ko na nga s'ya pinatulan kanina nang sungitan na naman ako imbes na tagalugin ang mga pinagsasasabi n'ya tapos ngayon gaganyanin n'ya ako? Baka hindi n'ya nakikilalang ako si Apple Martinez! Ang pinaka-siga at pinakasikat sa lahat ng ice candy bendor sa aming lugar! At ang sinumang kumakalaban sa akin ay namamatay! Sa sakal! Na may kasamang, pagmamahaal! Hayah!"

"Will you shut up?!" I shouted. Dang it. I think I broke a nerve. 

"Inaano ka ba? Nananahimik na nga ako! At isa pa, ini-English mo na naman ako! Kung magsasalita ka lang ng Ingles, sarili mo na lang ang kausapin mo! Saka, isa pa, nasaan na ba tayo? Hindi ito ang daan pauwi sa amin—"

She abruptly stopped talking. I glanced at her on the rear mirror, seeing that her eyes were literally widened with her silly random thoughts, probably. She caught me staring at her through the mirror, making me to divert mine from hers. My heart almost jumped out from my ribcage when she shouted three times louder than what she used to do.

"Fvck! Ano bang problema mo, babae?! Kanina ka pa!"

"Ikaw ang problema ko! Hindi ako ang may problema! Ikaw! Ibebenta mo ang laman-loob ko?! At sa tingin mo papayag ako?! Bababa na ako! Bilis! Ibaba mo ako!"

"Ibebenta—what the hell are you talking about?! Pucha! Manahimik ka riyan kung ayaw mong totohanin ko ang sinasabi mo!"

_________

"Wow," saad n'ya nang makapasok na sa aking bahay. "Ang ganda naman ng shadnelir n'yo hehe. Magkano 'yan?" tanong n'ya pa. Nang akin s'yang lingunin ay nakatingala siya habang nakanganga't nakatingin sa chandelier. 

"It's chandelier, stupid," pagtatama ko sa sinabi n'ya bago siya tinalikuran.

"Tsk. Hindi mo na naman sinagot ang tanong ko. Walang kwenta talagang kausap," nanggagalaiting saad n'ya na muli kong ikinalingon. Nakaupo na s'ya sa sahig. She's murmuring something that I can't hear from here. Oh, come on. Is there anyone else in this world who is weirder than this one?

Annoyance greeted me as she glanced at me. She rolled her eyes immediately and leaned against my glass table, bowed her head down and started talking to herself again. Tsk. Should I be afraid right now? Para siyang sinasapian. 

Instead of heading upstairs, I went to the kitchen and get some water from the fridge. I need to refresh myself from these crazy happenings tonight. Nang matapos na akong uminom at makabalik sa sala ay naabutan ko s'yang nakatayo sa harapan ng pinto.

"And where do you think you're going?" I asked. She didn't respond, instead, she held the doorknob, making me to rush over her and pressed the door for her not to open it. 

"Rule number two. You are not allowed to go outside of this house unless I give you my permission. I am not allowing you to go outside so you'll stay. Have you forgotten? You signed the contract. Meaning to say, you'll be mine for one year. And what's mine, is under my control."

She faced me again with her furious look.

"Alam kong ginagalitan mo ako. Sinasabi mo sa akin na huwag kong hahawakan ang doorknob mo o ang kahit na ano sa bahay mo. Kaya nga hindi na ako umupo sa sofa mo hindi ba? Kasi gagalitan mo ako. Kanina ba ginagalitan mo rin ako kasi umupo ako sa sahig mo? Tsk. Huwag kang mag-alala. Hindi na ulit ako hahawak ng kahit na ano dito kasi uuwi na ako at hindi na ako babalik. Kaya hala! Pagbuksan mo ako ng pinto at lalayas na ako!" 

I really can't believe this. She can't understand even a basic English. Madalas na luwag ang turnilyo ng kaniyang utak. May sakit ba ito sa pag-iisip? Is it really normal to be this stupid from birth? Her stares even made her to look funnier. Hindi ko na tuloy napigilan ang matawa nang bahagya. 

"Anong nakakatawa?! Sinasabi ko na nga ba! Nababaliw ka na! O napapaasawa? Basta! Kahit na anong rason mo, aalis na ako rito kaya hayaan mo na akong lumaya at mamuhay ng mapayapa!"

I became serious again, hoping that she'll be scared once more. I think that this would not be effective but still, I made my stares as sharp as it could be.

"Again. Rule number one. My house, my rules. Welcome to my life, Ms. Mansanas."

*End of Flashback*

Dang. Ginulo ko ang aking buhok. Enough with that nonsense bullshits, Drav. She's not worth your time.

I stood up from my bed and fixed my beddings. Dumeretso na rin muna ako sa banyo to clean myself. I noticed that the house is silent, malayong malayo sa sitwasyon dito kagabi. Maybe, she's still asleep sa sofa?

Maybe that's really the case.

Matapos linisan ang aking sarili ay bumaba na ako ng kwarto. Nakakapanibago dahil last week, mayroon pang sumasalubong sa akin, binabati ako ng goodmorning and inaaya na kaagad ako sa kusina. But now, nakalabas na ako ng kwarto ay walang sumalubong sa akin.

Pfft. Another thing. Hindi kaya sa kanila uso ang magazine? I think nah. Because if it is, she'll surely realize how lucky she is and she'll beg me to forgive her. Tsk. Damn. Enough with these morning thoughts with that girl. She doesn't deserve this. Right, Dravour?

Oh yes, you're right.

G*go. Kailan ko pa natutunang kausapin ang sarili ko?

Tsss. Nevermind. Nang makarating na ako sa sala ay wala na akong naabutang Mansanas. I mean, the girl. Wala s'ya roon. Sarado naman ang front door. Sinilip ko rin ang labas, and sarado rin ang gate. Dumeretso ako ng kusina at tumingin sa pinto ng restroom na malapit lamang dito. Nakita ko ang sapatos n'ya sa labas ng pinto niyon. Tsss. She's in there. And dahil hindi ko ugaling bumati sa kung sinuman every morning, I didn't bothered myself to speak.

Napansin ko ang tubig sa dining table kaya doon na ako pumunta. The hell. Did I gave her the permission to touch anything in my house? This is supposed to be in the refrigerator, not here on the dining table! Tsk. Kumuha nalang ako ng baso to drink some water. Hindi pa s'ya lumalabas mula sa banyo, and it's very quiet. 'Wag n'yang sabihing sa banyo s'ya natulog. Stupida.

Nagsalin na ako ng tubig sa baso para uminom, na agad ko ring naibuga dahil, bakit ang asim?! 

Gumawi ang tingin ko sa lababo, at nandoon ang bote ng suka na wala nang laman. Damn it! So she put a bottle of a fvckin' vinegar sa tubig?! 

Nang dahil sa panggigigil ay nabitawan ko ang baso, dahilan para mabasag iyon. I did my best to calm myself. Tumingala ako at pumikit. As much as possible ayoko ng nagagalit ako. But because of that freakin' woman, hindi ko alam kung palagi ko bang kakayaning magtimpi!

"Get the hell outta there, stupid!" galit na sigaw ko, pero wala akong sagot na natamo.

"Apple!" I shouted once again, but still, no response. Nang hindi na ako nakatiis ay binuksan ko na ang pinto and, the fvck?!

Nagkalat ang shampoo sa sahig. And, may ketchup sa dingding? And my slipper, nasa inidoro ang tsinelas ko! May nakasulat ding 'BLE' sa salamin gamit ang ketchup.

Dang!

"Aapplleee!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status