THE ONE-YEAR CONTRACT
CHAPTER 1.
Apple's POV
"Ninety-eight, ninety-nine, five hundred."
Muli akong tumingin sa pinto, pero hindi pa rin iyon bumukas. Hayst! Nauto na naman yata ako! Mag-iisang oras na akong nakaupo rito sa sofa, at ang sabi nung Hiro na hindi naman superhero na mukhang adik ay huwag daw akong tatayo dahil kapag tumayo raw ako ay sasabog daw ako. Hintayin ko na raw muna si Drav.
Naalala ko tuloy. Nung tinanong ko sila kung kamag-anak ba ni Drav ang may-ari ng GRAB, tinawanan lang niya ako habang yung isa, Kio nga yata ang pangalan, ay sumunod agad doon sa lalaking lumabas at nag-walk in. Ang dami kong tinanong sa kanila tulad ng, ano ba talagang gagawin ko? Bakit kailangan kong samahan 'yung Drav ng isang taon? Saan ko s'ya sasamahan? Saan ba s'ya nagpapasama? Siguro naman magaling s'yang magmaneho kasi ang pangalan n'ya malapit sa drayber. Drav. Drayber. Malapit hindi ba? Samantalang ako 'ni bike nga ay hindi ako marunong. Edi, maglalakad lang kami patungo sa mga pupuntahan namin?
Saka, sino ba talaga 'yung Drav?
Isip...
Isip...
Isip...
Aha! Alam ko na! Baka bata! Daycare na estudyante na kailangan kong samahan papasok ng school saka pauwi ng bahay! Tama, tama! Edi, magiging ano ako, ano na ngang tawag doon?
Baby...babyyyyy... baby...runner? Babyrunner nga yata iyon. Pero, hindi eh. Ang baby naman hindi pa p'wedeng pumasok ng school. Uhm, ano nga bang tamang tawag doon?
Ano na ngang Ingles sa bata?
Ahh, kid. Magiging kidrunner ako. Pero, bakit ako? Mukha na ba akong nanay sa paningin nila? Saka, ayos pa naman ang benta ko sa pagtitinda ng ice candy. Kanina lang nagpapraktis pa ako ng jingle ko tapos ngayon nandito na ako sa, med'yo malaking bahay na ito. Med'yo lang kasi wala namang second floor. Mga kasinlaki lang ito ng bahay ng panganay na anak ni aling Marites na kapitbahay namin noon sa Bicol.
Pero talaga! Sinungaling sila! Ang sabi ni Hiro magbilang daw ako ng one to five hundred at pagkatapos daw n'on ay darating na si Drav. Tapos ko na ang one to five hundred kaya dapat nandito na s'ya pero—
*Ccrrreeaakkkk*
Natigilan ako sa pag-iisip. Pati sa paghinga ay napatigil din ako. Bigla kasing may tumunog, parang 'yung pinto kapag binubuksan. Hala! Lampas nang five hundred kaya hindi 'yan si Drav, sigurado! Edi, ano iyon?
Magnanakaw?!
Waaa magnanakaawww!
Tatayo na sana ako pero naalala kong sasabog ako kapag tumayo qkaya nanatili akong nakaupo. May narinig na akong mga yabag kaya napapikit nalang ako ng mariin at napahawak nang mahigpit sa laylayan ng aking t-shirt.
"Maging imbisibol ka, Apple. Maging imbisibol ka, maging imbisibol ka, maging imbisibol ka, ajujujujujuju aklengklengklengkleng tsugtsugtsugtsug ratatatatatat, imbisibol, imbisibol, imbisibol—"
"What are you doing?"
Muli akong natigilan. Teka, 'yung boses. Pamilyar 'yung boses. Iminulat ko ang isang mata ko para tingnan kung sino iyon, at nakahinga na ako ng maluwag matapos gawin iyon.
"Aahhh. Ikaw lang pala mamang may sayad," saad ko matapos kong bumuntong-hininga. "Akala ko magnanakaw na, pero mabuti na ring ikaw ang dumating. May naiwan ba sina Hiro? Pakikuha na lang kung meron. Hindi kasi ako p'wedeng tumayo. Pagkakuha mo, makakaalis ka na. May hinihintay din kasi akong Drav daw. Ilang taon ba si Drav? Four? Five? Six? Kilala mo ba s'ya? Ahh, baka may pasok pa ano? Pero saan ko ba s'ya susunduin? Saang school?" dere-deretsong dagdag ko.
"What the hell are you talking about? Tsk. And why am I even bothering myself to talk to you?" mukhang inis na namang sambit n'ya bago tumalikod. Pero bago pa man s'ya makaalis, sinigawan ko na ulit s'ya.
"Hoy! Ikaw! Mamaya lang! Pwede bang pakitanong si Hiro kung puwede na akong tumayo dito?!"
Humarap ulit s'ya sa'kin nang nakakunot ang noo at mukhang mas naiinis na kaysa kanina.
"Then why don't you do it?!"
"Tagalog lang, pwede ba?!"
"Kailangan ko pa bang ipatawag si Hiro para lamang makatayo ka?! Nasa kan'ya ba ang mga paa mo?!"
"Hala! Hindi mo ba nakikitang nasa akin ang mga paa ko? May sayad ka talaga huhu! Isa pa, ang sabi n'ya kasi sasabog daw ako kapag tumayo ako nang wala pa si Drav! Ayokong sumabog, noh!"
Kahit na med'yo malayo s'ya mula sa'kin, kitang-kita ko kung paano gumalaw ang bibig n'ya nang may sabihin pero walang boses na lumabas. Sa asta ng pagkakasabi n'ya, hindi maikakailang ang sinabi n'ya ay "Ganda n'ya". Pero bakit naiinis s'ya? Inkesyur (Insecure) ba s'ya sa ganda ko?
"Seriously? At naniwala ka talaga?" hindi makapaniwalang tanong n'ya.
"Aba! Buhay ko na ang pinag-uusapan dito! Hindi mo ako maiintindihan lalo na at hindi naman ikaw ang nasa posisyon ko ngayon. Pakitawagan na si Hirrrooo! Saka si Drav! Susunduin ko pa s'ya sa school n'ya! Baka umiiyak na iyon!"
"Come here and let's talk."
"Tagalog nga, hindi ba?!"
"Tatayo ka at maglalakad o ako na mismong magpapasabog sa'yo?!"
"Hindi nga pwede kasi sasabog ako at wala pa si Drav!"
"Nandito na si Drav, goddamn it! Move your f*ckin' ass out of that sofa and make your way to the kitchen!" galit nang sigaw n'ya. Tumayo ako agad, hindi dahil sa takot ako kundi dahil nandito na raw si Drav!
"Talaga?! Nandito na s'ya?! Nasaan?!"
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay naglakad na s'ya palayo. Hindi kaya, inuuto lang din ako 'non?
H-Hala! Baka nga niloloko lang din ako! Waaaaa!
Agad akong napaupo ulit sa sofa. Ayokong sumabog! Ayoko! Ayo—
Teka. Tumayo na ako kanina pero hindi naman ako sumabog. Ibig sabihin, nandito na talaga si Drav. Pero, n-nasaan s'ya?
Napalunok ako ng laway nang may biglang sumagi sa isip ko. Siniguro ko pa kung tama nga ba ito o mali pero baka nga tama ang hinala ko!
H-Hindi kaya...
"M-Mamang may sayyaadd! Huwag mong sabihing multo na si Drraaavvv?!"
"What the f*ck?!" biglang sigaw n'ya na ikinatakip ko ng tenga.
"Kanina ka pa sa what the pak na 'yan ha! Sabihin mo na kasi ang totoo! Multo na ba ang gusto ninyong pabantayan sa akin?! Paano ko naman maihahatid-sundo sa eskwelahan iyon, aber?!"
Muli siyang lumabas ng kusina, pero may dala na s'yang walis-tambo. A-Aanuhin n'ya iyan? Maglilinis s'ya?
"Nagtatanga-tangahan ka lang ba o sad'yang tanga ka talaga?!" sigaw na naman n'ya. Urgh kairita!
"Wow! Makatanga! Ikaw nga d'yan may sayad! Bubulong-bulong kahit na rinig naman! Oh ayan! Mag-walk in ka na naman! Sige na! Walk in ka na! Ibigay mo nalang sa akin ang address nina Hiro. Pupuntahan ko sila."
"Damn. I wished for a challenge but not like this," bulong na naman nya pero narinig ko na naman.
"Mabuti sana kung naiintindihan ko. Akin na nga ang address nila! Pupuntahan ko na si Drav na kamag-anak ng may-ari ng GRAB!"
"I am Drav, you stupid!"
I...am...Drav...
Wait, loading pa.
Kapag nagpapakilala kami noon, I am Apple.
I am Drav.
"Aahh, sinasabi mong ikaw si Drav? Wow! Sa laki mong iyan daycare ka pa rin? Teka, bakit ba kasi wala kang yaya? Saka ano—"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko mula sa pagtawa nang bigla ko syang ma-imagine na nakaupo sa maliit na upuan at kalahati nalang ng puwet n'ya ang nakaupo! O kaya naman, 'yung nasa unahan mga maliliit na bata tapos s'ya mala-higante sa likod! Tapos kapag naglalaro sila sa slide na maliit, kapag umuupo s'ya, nasisira 'yung slide! Tapos waaaa! Kapag nakapila sila para sa flag ceremony, naka-bend s'ya para pumantay s'ya sa maliliit na bata!
"Anong itinatawa-tawa mo?!"
"K-Kasi ano, a-ang pangit mong maging daycare! Mukha kang timang!"
Naupo ako sa sahig dahil sa kakatawa, hanggang sa napansin kong patakbo na s'yang lumapit sa akin habang dala ang walis na hawak n'ya. Kaagad ko iyong ikinatayo at ikinatakbo palibot ng bahay. Nababaliw na ba s'ya?!
"Come here you stupid brat!" malakas na malakas na sigaw n'ya saka lumundag palapit sa'kin.
_____
Napapakagat ako sa labi sa tuwing naaalala ko ang paghabol n'ya sa akin kanina ng walis tambo. Pero kahit muntik ko nang ikamatay iyon ay natatawa pa rin ako.
"Kinakausap kita," saad niya na ikinatingin ko sa kisame.
"Ha? May sinasabi ka?"
Bigla niyang hinila ang tenga ko na naging dahilan upang mapatingin na ako sa kan'ya.
"Eyes on me, not on the ceiling," seryosong saad n'ya. Hays. Eyes, me, saka not lang ang naintindihan ko.
"Ano? Dukatin ko mata mo?" tanong ko sa kan'ya na mas ikinadiin n'ya sa aking tenga. "A-Aray! Masakit na! Idedemanda na talaga kita ng child abuse!" d***g ko.
"Tsss."
Binitawan n'ya na ang tenga ko at sunod na ipinakita ang drawing kong teddy bear na may karas.
"B-Bakit? May, problema ba sa perma ko? Dapat ba puso? Puso na talaga 'yung una kong naisip kaso namiss ko magdrawing ng teddy bear kaya 'yan nalang ginawa ko," pagpapaliwanag ko.
"Binasa mo ba ang mga nakasaad dito?"
"Uh, h-hindi. Gusto mo basahin ko para sa'yo? Akin, babasahin ko, makinig ka."
Hinablot ko sa kan'ya ang papel at iniharap sa akin. Tsk. Puro English. Pero, marunong naman akong magbasa. Grade one lang ang natapos ko pero marunong akong magbasa.
"Ehem. T-Terms, a-and, po-li-si-si-es? Terms and polisies. One. Yo-u m-must s-taaaayyy w-wit meh w-wit-in one ye-ahr. I will beh, t-t-te? Te bossss—"
Hindi ko na naituloy ang pagbabasa nang bigla n'yang kunin ang papel.
"Teka lang! 'Wag mo munang kunin! Nagbabasa pa ako!"
"You must stay with me within one year. I will be the boss. My house, my rules. You are not allowed to go outside of this house unless I give you my permission..."
Ano ba 'yan? Nagtatalumpati ba s'ya? Dere-deretso lang ang basa n'ya sa mga nakasaad doon sa papel. Ipinatong ko nalang ang aking dalawang braso sa lamesa at nakinig. Kapag tumitingin s'ya sa akin ay tumatango ako para ipakitang naiintindihan ko iyon kahit na kunwari lang. Napapahikab pa ako habang nagbabasa s'ya. Ang boring talaga kapag may speech.
"And lastly, make me fall for you. Is everything clear?"
Tumango lang ulit ako. Tumingin na naman s'ya sa'kin e.
"Good. Now that we're settled, prepare yourself. Uuwi na tayo."
"Yyeeeyyy!" saad ko sabay tayo agad, pero nang may maalala ako'y muli akong umupo. Patayo na sana siya pero kaagad ko s'yang pinigilan.
"Teka, teka, sandali."
"Ano na naman?"
"Teka, upo ka muna. May itatanong lang."
"What is it?"
Ang ibig bang sabihin n'on ay anong itatanong ko?
"Ahm, ano... Ano 'yung, tinalumpati mo kanina?"
Kumunot na naman ang noo n'ya.
"'Yung mga, sinabi mo kanina hehehe. Pwedeng, paki-Tagalog lahat? Simula't simula? Hindi ko kasi, naintindihan."
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 27KAIRO's POV"Wow.""So Ms. Vienna, this will be your training ground."Inangat n'yang masyado ang ulo n'ya para tingnan ako. She is wearing a black cap and a black shades, same as mine. For safety, as she insisted."Training ground? So, dito ako sa mall magp-practice?""Yeah. Is there something wrong with that?""Meron. Ang daming tao rito. Paano ako makakapagpractice rito? Isa pa, paano kapag nahalata nila na ikaw si Kairo Theodore Easton na nakikita nila sa magazine ng Bel Cíélo? Pagkakaguluhan ka. Tapos kasama mo pa ako. Mas pagkakaguluhan ka..."Natigilan s'ya, at muling yumuko. "Tapos...mapipicturan na naman tayo na magkasama tapos—"Bago pa man n'ya tapusin ang sinasabi n'ya ay hinawakan ko na ang kamay n'ya at nagsimulang maglakad. I am still getting bothered whenever she said such things, maybe because I want her to forget whatever the hell happened in the past three months, including Dravour. Why? Maybe because, I just care about her? But, why
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 26KAIRO's POV—Evening, 7:00 PMI am reading some fitness guides nang mapansin ko si Vienna. Nasa isang sulok s'ya ngayon, tumitingki saka naglalakad. Inaayos n'ya rin ang posture n'ya. She's standing straight, chin up, stomach in, then walking in a tiptoe manner. Pfft. What is she doing, anyways? I mean, what's into her?I heard her as she cleared her throat, then started talking to the wall in front of her."Good evening. I am Ap—I mean, Vienna. I am 18 years old and I live in, uh," she stoped for a while and held her chin. "Ano nga palang sasabihin kong address? Saka apilyedo? Hindi naman pwede ang Tondo. Saka, hindi rin pwede ang Banana."She looked up and continued. I admit this is quite fascinating to watch. "Mama, hindi naman sa ikinakahiya ko ang lahi natin ha? Proud na proud ako na kasapi ako sa pamilya la'Banana pero kasi, hindi ba, kailangan ko nang magbagong buhay para maiwanan na ang madilim na nakaraan ko..."So, Banana talaga ang real surn
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 14KAIRO's POV"Uy, may pupuntahan ka pa ba?" tanong ni Xenon nang pumasok na rin s'ya sa dressing room ko. Ah. At last. Another tiring day of work is fcking over."Nah. I'll go home now. Magpahinga ka na rin. Sa malamang ay hinihintay ka na ni Melody."Melody is Xenon's girlfriend."Sus, hayaan mo 'yun. Malaki na 'yun.""Pfft. Don't be too harsh to your girl, man."He laughed. "S'yempre biro lang. Alam ko namang hindi ko matitiis iyon. Kahit na maya't maya ang talak 'nun ay mahal na mahal ko iyon."I couldn't help but smile again upon hearing that. Such a cliché, cheesy remark coming from a hulk like him."At ikaw naman, Kai," he said with a teasing tone."What about me now, Xenon?""Akala mo ba hindi ko napapansin? Simula nang mag-hire ka ng maid dalawang linggo na ang nakalilipas ay halos hindi ka na mapakali pagkatapos ng photoshoot. Atat na atat umuwi palagi. Ang sabi mo sa akin noon ayaw na ayaw mo ng maids pero anong meron sa maid na ito at parang
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 24DRAVOUR's POVThree months later."Yes, mom? Good morning," I greeted her over the phone."Good morning, my dear son. How's your sleep? Nakatulog ka ba ng mahimbing? Kumain ka na ba? Sabi ko naman kasi sa'yo dumito ka na muna sa bahay.""Don't worry, mom. I'm fine. In fact, I'm getting ready for work."I placed my phone on the table for a while and turned on the speaker, then continued fixing my suit."Are you really sure that you're ready for work now?""Yes, mom. I had enough rest. Time for me to get back on business.""Glad to hear that. I'll call you later, okay? Take care, honey. I love you.""I love you too, mom."I ended the call and put my phone in my pocket. After fixing myself in front of the mirror, I sighed deeply."You'll gonna be fully fine soon, Drav," I said while staring to myself."I'm sorry, mom, I... I can't..."I can't give her up, yet, I also can't bear to see my mom in such situation..."W-What do you mean, y-you can't? You are c
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 23DRAVOUR's POV"Tsss. Drav, hindi tayo nararapat para sa isa't isa. Hindi tayo ang nakatadhana—"I hold her hands as tight as I could and stare directly into her eyes."No, Apple. I won't believe in anything that you'll say. Maniniwala lang ako sa katotohanang ikaw at ako ay—""Katotohanang ikaw at ako ay gawa-gawa mo lamang. Paalam na, Drav. Hanggang sa muli nating pagkikita."My tears fall even harder when she starts to gradually disappear. She smiles weakly at me before uttering the word 'bye' without voice."No! Apple! The h*ck! You can't do this to me!""Drav—""No!"Napaupo ako sa kama. My heart aches so bad along with my heavy breat,h, that's why I even put my palm on my chest to catch my breath. I feel something that lands on my shoulder. Gumalaw din ang kama, animo'y may umupo sa tabi ko."Drav, please calm down. You're at home now."I face her, and I am right. She's the girl at the hospital. She's staring at me which makes me to focus my eyes
CHAPTER 22KAIRO's POV*Flashback*___________"May sarili ka rin palang driver? Pare-parehas pala kayo ni Drav. Si Kio ba meron ding driver?"__________"Hiro, talaga bang nakainom ka ng muriatic acid tapos nasunog na lalamunan mo kaya hindi ka na nagsasalita d'yan?"___________"Aaaahhhh! S-Sino kkkaaaaa?!"____________"T-Totoo nga ang naiisip ko?! Na—aaaahhhhh! Sinasabi ko na nga ba! Ipapakatay n'yo na ako pero hindi sa hospital?! Saan?! Sa abandonadong bodega?! Aaaahhhhhh!"______________"Huwag ka nang magsalita! Hindi kita kilala! Saka anong brother? Kuya ‘yan hindi ba?! ‘Ni wala nga akong kuya! Saka sinong Peachie?! Pababain mo na ako rito! Nagkakamali ka lang! Isa itong malaking pagkakamali!"_____________"H-Hindi po totoo ang mga kumakalat na balita tungkol sa sc*ndal na sinasabi nila. ‘Y-Yung tungkol po sa video, h-hindi po si Mr. Dravour ang kasama ko no’n. B-Boyfriend ko po iyon. At ‘yung t-tungkol po sa mga litrato, e-edited lang po iyon. A-Ang totoo po, hindi ko p-po s
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 21APPLE’s POV"Tsss. Kapag nakalabas na tayo, I'll teach you some basic English, nang hindi na ako natat*nga sa'yo,” saad niya na ikinairap ko."At ikaw pa talaga ang nat*tanga sa'kin? Ako nga ang dapat na nat*tanga sa'yo kasi ako ang madalas na hindi nakakaintindi sa'yo. Una, sabi mo mananagalog ka na, at kailan pa naging Tagalog ang English, aber? Ikalawa. Wala ka na ba talaga sa tamang katinuan at pumayag kang magpakulong? At ikatlo. Naliligaw ka pa nga talaga pagdating sa pagmamahal. Hindi kasi iyan hinahanap. Kusa iyang dumarating. A-Ako, kailan mo lang ako nakilala. Saka, h-hinanap mo ako. Kaya hindi ako ang—""If that's really the case when it comes to love, then kusa kang dumating. Sleep now. Good night."If that's really the case when it comes to love, then kusa kang dumating...Ako? K-Kusang duma—"Tsk! Hindi mo naman ako makikilala kung hindi mo ako pinahanap hindi ba? Kung hindi mo ako hinanap? Kaya hindi iyon kusang dumating. Magkaiba ang hi
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 20APPLE’s POVPiniga na niya ang tuwalyang hiniram niya sa mga mamang—este papang pulis kanina. Papa kasi mga lalaki sila. Humiram din s'ya ng planggana na may tubig saka sabon. Nang tinanong ko s'ya kanina kung maliligo ba s'ya dito sa loob, pinitik n'ya lang ang noo ko at nat*nga na naman ako. Ang tino n'ya talagang kausap. Sa sobrang tino ay ang ganda-ganda n'ya nang ipapatay.Akmang pupunasan na sana niya ng tuwalya ang mukha ko nang pigilan ko s'ya."Tsss. Ako na. Kaya ko na. Hindi na ako bata," walang emosyon kong saad sa kan'ya. Hindi ba ang sabi ko kanina ay magtitino na ako? Hindi na ako magpapat*nga-t*nga? Sisimulan ko na ngayon, at kay Drav ko sisimulan.Kinuha ko ang tuwalya sa kan'ya at tinalikuran siya. Humarap ako sa pader habang pinupunasan ang mukha ko ng tuwalya. Tsk. Bakit nga ba nagpahid ako ng uling sa mukha?Ah. Kasi gusto kong hindi n'ya ako makilala. Kaso sablay. Dapat kasi idinikit ko nalang sarili ko sa kisame.Pero, marami pa r
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 19PEACHIE's POV"I really can't believe it, tita. I-I already saw that girl, actually. And sa unang tingin ko palang sa kan'ya, I already knew that she's not good," I said to tita Georgia, Drav's mom na sobrang malapit sa akin ever since mga bata pa kami.Actually, this is not the visit that I've planned. Balak ko sanang bisitahin sila ni Drav after ng contract signing to surprise tita na rin since she doesn't know na nandito na ako sa Pilipinas one week ago pa. Actually, walang nakakaalam sa kanilang lahat. And pati yata si Drav ay hindi pa alam. ‘Ni hindi nga niya ako nakilala there in the hospital eh. Tsss. Did I have a major transformation para hindi n'ya ako makilala? Mas naging sexy lang naman ako, blooming, and uh, prettier."So you'd seen her already? Where? When?""Uhm, it's, actually a long story, tita. Don't worry na. What's important is that she's in the hands of the authority now. Pagbabayaran na n'ya ang mga kasalanan n'ya kay Drav."She si