Share

CHAPTER 3

THE ONE-YEAR CONTRACT

CHAPTER 3

Apple's POV

"Ahhh! Heaven!" saad ko nang maubos ko na ang kanin at tuyo na aking niluto sa almusal. Phew! Akala ko talaga hindi na ako makakauwi. Buti nalang ay likas akong matalino. 

*Flashback*

Naupo na muna ako sa tabi ng kalsada. Nasaan na ba kasi ako?! Kanina pa ako naglalakad sa kalyeng ito na puro bahay kaliwa't kanan ang nakikita ko. Madalang ang mga sasakyan. May mangilan-ngilan na taxi pero wala naman akong sapat na pamasahe para sumakay!

Hinawakan ko ang aking tiyan nang bigla na itong kumulo. Nagkakagulo na ang mga alaga ko!

"Pagpasensyahan n'yo na si mama ha? Didiskarte ako ng makakain nating mag-irina. Huwag kayong mag-alala," mangiyak-ngiyak kong sabi. 

Lumingon ako sa paligid at nakakita ako ng basurahan. Agad akong tumayo at lumapit doon. Madalas na may pagkaing tira-tira sa basurahan e! Wala na akong pake kung tira lang, ang mahalaga ay makakain kami ng mga anak ko! 

Hinalughog ko ang basurahan, at may nakita akong balat ng borger na nakaumbok. Waaaaa! Borrgeerrr! Agad ko iyong dinampot, pero nang akin nang buksan ito'y binalot ako ng pagkalumo.

"B-Bakit plastic din ng borger ang laman?!" inis na sigaw ko kasunod ng mas malakas na pagkulo ng aking tiyan. Talagang nagwawala na sila!

"Aaahhhh!" sigaw ko saka napaupo muli. Dahan-dahan akong tumingala kasabay naman ng pagsilay ng liwanag. Derektang tumama sa mga mata ko ang sinag na nagmumula sa araw na med'yo natatabingan pa rin ng mga ulap. Ang ganda naman nito, parang kinukuha na ako ni Lord.

"Papa Jesus, kukunin n'yo na po ba ako?" itinaas ko ang aking dalawang kamay, "Please po, huwag po muna, marami pa po akong ice candy na ititinda huhu! Tulungan n'yo po akong makakain! Oh jusko! Nagugutom na po talaga ako huhu! Please po! Tulungan n'yo po ako!"

Tila may narinig akong kumakanta, theme song ng FPJ's Ang Probinsyado ni Coco Martin. Mas nalulungkot tuloy ako!

Patulo na sana ang luha at sipon ko nang biglang may pumatong na kung ano sa aking kanang kamay na nakataas pa rin. Tumigil rin sa pagkanta 'yung mga anghel na naririnig ko.

"Sana makatulong itong isandaan," ani tinig ng isang lalaki. Ikinangiti ko kaagad ito ng pagkalapad bago tumayo sa pagkakaupo at nagpasalamat.

"Maraming salamat po! Hulog po kayo ng langit kahit na hindi ko kayo nakitang inihulog ng langit!" mangiyak-ngiyak na wika ko.

"Walang anuman. Nawa'y makatulong iyan," tugon n'ya saka umalis na. Muli akong napatingin sa isandaan, at halos kasabay naman niyon ang pagsulpot ng isang taxi na papunta sa aking gawi. Kaagad ko itong pinara, at huminto naman ito. Kung sinuswerte ka nga naman talaga! Uuwi na lang ako at sa bahay kakain!

"Saan ka, iha?" tanong ng driver.

"Sa bahay ko po, manong."

"Saan ba ang bahay mo?"

"Sa Tondo po."

Muling nanumbalik ang aking kasiyahan nang makaalis na ang taxi. Masaya ako dahil malayo na ako sa Drav na iyon at masya ako dahil makakakain na ulit ako ng toyo. Ngunit nang aking maalalang isandaan nga lang pala ang pera ko, tatanggapin kaya ito ni manong?

Nagsimula na akong kinakabahan, pero may naisip kaagad akong paraan. Hindi ko ugaling manloko ng tao pero, kailangan ko kasi talagang gawin ito e. Papa Jesus, patawarin n'yo po sana ako huhu. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata saka may pilit na inalala. Makalipas ang ilang minuto ay idinilat ko na ang mga ito saka nagsimulang isakatuparan ang aking balak.

"M-Mama kkooooo!" sigaw ko habang umiiyak. "Mammmaaaa kkkooo!"

"Iha, ayos ka lang ba?" agad na tanong nung drayber.

"Yung mama ko po kasi, naalala ko si mama ko. May sakit po s'ya at malubha na. Mag-isa ko lang po s'yang inaalagaan. Wala s'yang kasama sa bahay! Isandaan na lang ang pera ko tapos kailangan ko pang bumili ng mga gamot n'ya. Paano na po iyon, mamang drayber?"

"Ano bang sakit ng mama mo?"

"Cancer po, stage seven."

"Ano?! Stage seven?!" sigaw n'ya na ikinagulat ko. Bakit? Wala bang stage seven na cancer at gulat na gulat s'ya?

"B-Bawasan n'yo po ng, apat. Stage three po," tugon ko saka mas humagulhol. Mabuti nang mas sigurado kaya binawasan ko.

"Tsk tsk tsk. Ikaw na nga yata ang sinasabi sa horoscope ko na may mabuting loob na kailangan kong tulungan. Oh s'ya, huwag mo na akong bayaran. Libre na ang sakay mo sa akin."

Ayos na sana kaso med'yo sumablay si manong e!

"S-Sa taxi n'yo naman po ako sumakay hindi sa inyo huhu!"

"S-Sabi ko nga. Basta, ipapanalangin kong gumaling na ang mama mo mula sa cancer na stage seven—este stage three."

"Waaaa maraming salamat ppoo! Hulog po kayo ng langit kahit na mukhang nagmula kayo sa impyerno!"

"Anong sabi mo?"

"Joke joke lang po huhu. Waaa mammaaa! May pambili na tayo ng gamot mmmooo!"

*End of Flashback*

May talento talaga ako sa pag-arte. Pwedeng pwede nang maging artista.

"Pasaway kang bata ka," rinig kong sambit ng isang tinig na ikinalaki ng mga mata ko. Napalunok ako nang si mama kaagad ang naalala ko.

"M-Mama, sorry kung dinouble dead kita," tumingin ako sa dingding dahil naroon ang litrato namin ni mama. "Pramis hindi ko na uulitin ha? Love you mama."

Namimiss ko na si mama. Bata palang ako ay namatay na s'ya. Ayokong magkwento. Huwag n'yo akong paiyakin please?

Pero ganito kasi. Bumunggo ang sinasakyan naming bus noon sa kasalubong nitong truck. Gabi iyon nangyari. Masyado pa akong bata kaya wala pa akong masyadong kamuwang-muwang. Mula nang mamatay s'ya ay sa tita ko na ako tumira, pero lumayas ako noong eleven years old na ako kasi palagi nila akong inaalila doon. 

Nakahanap ako ng bakanteng bahay sa Tondo. Kahit na sinasabi nilang may multo raw doon, tumira pa rin ako ng mag-isa doon. At ito na nga. Paniwala akong may multo, pero ayos lang. Si mama naman iyon kaya hindi na ako natatakot. Maraming gustong umampon sa akin noon pero hindi ako pumayag. Natakot na akong baka maulit lang ang naranasan ko kina tita. Kaya naman bata palang ako ay batak na ang aking buto. Gusto ko sanang mag-aral kaso nahihiya ako. Ganito na ako kalaki tapos siyempre babalik ako sa Grade two. Pagtatawanan lang nila ako.

"Di'ba mama? Hindi na ako takot? Saka di'ba kahit hindi na ako pumasok kahit na gusto ko?" tanong ko sa picture. Nakangiti lang si mama sa akin, pero kaagad akong napalabas ng bahay nang bigla akong taasan ng kilay ni mama na nasa litrato.

"Waaaa multttoooo!"

________

"Ice candy kayo riyan,

Nang init ay maibsan,

Siguradong masarap,

'Di n'yo pagsisisihan.

Ice candy kayo riyan,

Nang init ay maibsan,

Ice candy kayo riyan,

Ice candy, buko, mangga, 

Li-li-li-li-li-li-li-limang piso lang, aw!" praktis ko sa aking jingle. 'Pag nagtitinda ako ng ice candy, palagi ko iyang kinakanta. Pampaakit din 'yan ng customers at epektib naman mas'yado kasi marami akong naaakit. Magaling na nga akong kumanta at sumayaw, ubod pa ng ganda!

"Psst! Apple!" tawag sa'kin ni Elena, anak ni aling Marites.

"Uy! Elena! Ano iyang tinitingnan mo? Bold na naman iyan ano?" intriga ko kaagad. Hmp. Palagi ko 'yang naaabutang may tinitingnan sa mga brochure, mga lalaki. Mga endorser ng brief, at sa baba palagi siya nakatingin. Mukha lang iyang inosente pero kung nakakabuntis lang ang pagtitig n'ya sa mga iyon, higit isang dosena na ang anak niyan.

"Shh, ano ka ba? Retired na ako roon. May bago akong papa. Tingnan mo, bilis!"

"Mamaya na, papa-papa ka pa d'yan e hindi mo naman 'yan ama. Sabi ko naman kasi sa'yo, sugar plum na ang hanapin mo."

"Sugar plum? Gaga. Sugar daddy. Pero tingnan mo nga, bilis!"

"Basta bili ka ng ice candy ko."

"Oo, oo. Bili ako lima. Tingnan mo!"

Padabog akong lumapit sa kan'ya at tiningnan ang magazine. May lalaking nakaupo sa sahig tapos nakasandal sa batong malaki.

"Hmm, may kamukha ito," saad ko matapos ituro ang lalaking bumungad sa aking naggagandahang mga mata.

Kamukha s'ya nung Drav na timang na tinakasan ko—wait.

Drav?

"Ha? Kilala mo ito? Si Dravour Ichigo Forestier?"

Dravour? Drav? Magkalayo naman hindi ba? Naku. Imposible. Hindi pwedeng iyan 'yung Drav na tinakasan ko kanina. Timang kaya iyon, e itong nasa picture mukhang matino.

"Huy! Tinatanong kita!"

"Hindi. Hindi ko iyan kilala. Kamukha lang kasi nung timang na nakasalubong ko kahapon sa ilalim ng tulay. Muntik nang magpakamatay. Magpapakalunod daw s'ya e ang tubig naman hanggang tuhod lang. Tanga ano?"

"Hmm. Timang nga," pagsang-ayon n'ya saka tumango.

Hindi ko namalayan ang pagkuha n'ya sa ice candy mula sa styrofoam na inilapag ko sa upuan. Nakita ko s'yang kakagatin na sana ang ice candy pero agad ko s'yang pinigilan.

"Huy! Tinuruan na kita ng tamang pagkain niyan, hindi ba? Dapat pagkasubo, s****p lang muna nang hindi ka mangilo, hindi 'yang deretso kagat. Masasaktan mo 'yung plastic. Sabi nga hindi ba, gentle lang? Paikutin mo dila mo tapos namnamin mo ang sarap sa bawat katas na lumalabas—"

Natigilan ako sa pananalta nang hinampas n'ya sa aking pagmumukha ang magazine. Masakit ha!

"Tumigil ka na nga! Dumi ng utak nito!" bulyaw n'ya sa'kin.

"Tinuturo ko lang naman sa'yo ang tamang pagkain ng ice candy! Paanong nadumihan ang utak ko doon, aber?!"

Sasagot pa sana s'ya nang tawagin ako ni Bimby, anak naman ito ni aling Kikay na suki ko rin sa ice candy.

"Bakit Bimby? Bibili ba si mama mo ng ice candy?"

"Hindi ate Apple. May naghahanap po sa'yo, bibili raw ng ice candy."

Tumango na lang ako, saka hinampas ng takip ng styrofoam si Elena bago hinablot ang magazine na hawak n'ya at itinakbo.

"Hoy! Walang'ya ka! Bahala ka! Hindi kita babayaran!" sigaw pa n'ya na hindi ko na muna pinansin.

Tumigil ako sa pagtakbo nang narating ko na ang pwesto ko. May nakahintong kotse rin dito, pero wala namang tao. Hmm. Niloloko lang kaya ako ni Bimby? Nasaan ang bibili?

Bumusina ang kotse na kinunutan ko ng noo. Nilapitan ko iyon saka tinitigan. Tumingin din ako sa bumper n'ya. 'Yung ilaw n'ya parang mata n'ya tapos yung bumper 'yung bibig. Napalunok ako.

"'W-Wag mong sabihing ikaw ang bibili ng ice candy ko?" takang tanong ko sa kotse.

Napaangat ako ng tingin nang may parang kumatok. Ah, 'yung drayber. Nakatingin sa akin saka sinenyasan akong pumunta sa gilid ng kotse. Papunta na sana ako sa may pwesto ng bintana n'ya nang sumenyas ulit s'ya na sa kabila ako pumunta, kaya sumunod naman ako. Binuksan n'ya ang pinto at, teka.

Bakit pinauupo n'ya ako?

"Bibili po ba kayo? O 'yung kotse n'yo ang bibili?"

"Mamimili ako. Umupo ka rito para makita ko ang tinda mo."

Napagawi pa ang mga mata ko sa isa pang lalaki na may binabasa sa likod, pero hindi naman s'ya ang bibili kaya dedma. Dahil gusto kong magkabenta, sumakay ako, ngunit nagtaka na ako nang sinara ng drayber ang pinto sa may sa'kin at kasunod niyon ang pagsalita ng lalaking nasa likod.

"Let's go," saad ng lalaking nagbabasa, kasunod ng pag-andar ng kotse.

"T-Teka, Hindi ba mamimili ka lang sa ice candy na tinda ko? Maaliwalas naman sa pwesto ko!"

"Shut up," ani lalaki, na ikinalingon ko na naman sa kan'ya. Sumakit pa ang batok ko dahil sa biglaang paglingon.

"Ikaw! You, ano, uh, h-hinto t-the, ay mali, t-this k-kotse!"

Sa halip na sumagot ay sinamaan n'ya lang ako ng tingin. At nang dahil sa gulat, naihampas ko ang buong styrofoam sa pagmumukha n'ya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status