Share

CHAPTER 4

THE ONE-YEAR CONTRACT

CHAPTER 4

APPLE'S POV

Kabadong kabado ako kaya hindi pa ako nakuntento. Pinagbabato ko s'ya ng ice candy na kumalat sa kotse. Nakakita rin ako ng asong tumatango-tango sa unahan kaya dinampot ko rin iyon at sa kaniya'y ibinato. Tumama iyon sa kaniyang matangos na ilong. 

"What the hell?! Stop right now!"

Biglang pumasok sa utak ko ang mga ginawa ko kaninang madaling araw. Sa malamang ay nakita na n'ya 'yung ketchup sa banyo saka ang nagkaralat na shampoo, pati 'yung tsinelas n'yang pina-shoot ko sa inidoro. Hindi pa ba sapat na kabayaran ang sapatos na iniwan ko sa bahay nila? Pwede naman na iyong...ano ngang tawag doon? Price...offering? Oo, price offering nga.

Pero hindi! Hindi dapat ako magpatinag! Kapag naglamya-lamya ako, hindi s'ya matatakot sa'kin! Ang susi para lubayan n'ya ako ay ipakita ko sa kanya ang dahilan kung bakit ako ang tinaguriang pinakasigang ice candy bendor sa Tondo!

"Ipapakita ko sa'yo kung paano ako magalit!"

Lumakdang ako papunta sa likod at sinunggaban s'ya, kaagad na itinulak at dinaganan. 

"What the fuck are you doing?! Get off!" sigaw n'ya. Nakakaawa sana kasi namumula na ang mukha n'ya. Ikaw ba naman ang hampasin ng styrofoam na may lamang ice candy sa mukha, pinaulanan pa ng matitigas na ice candy at tinamaan ng asong tumatango-tango sa ilong. Pero, hindi! Hindi dapat ako maawa!

Hinawakan ko ang magkabilang tenga n'ya at hinila paitaas.

"Ikaw! Alam ko na ang binabalak mo! Pinuntahan mo ako doon para ituloy na ang binabalak mong ibenta ang laman-loob ko sa mga dayuhan! Ipapakatay mo ako na parang manok na walang kalaban-laban! At ngayon tinatakot na kita para hindi mo na ako magalaw kailanman!" pananakot ko sa kanya, na mukhang gumagana kasi papikit-pikit na s'ya, malamang ay dahil sa sakit.

"Aalis ka o-o ipapakita ko rin sa'yo kung paano ako magalit?!"

"Ha-ha-ha. Takot ako. Gaga! Ayoko ng puro kuda!"

Nabitawan ko ang tenga n'ya nang bigla n'ya akong duraan sa mukha. Bwisit! Hindi ba s'ya tinuruan ng right manners and good conduct?! Nawala ako sa pokus kaya nakatayo s'ya, at ako naman ang kaniyang itinulak. Napalakas ang untog ko sa bintana kaya hindi agad ako nakabangon.  

Mammmaaaa!

Hinawakan n'ya ang magkabilang kamay ko at ipinuwesto sa itaas. Itinaas n'ya rin ang dalawang paa ko sa upuan bago ako dinaganan. Takte ang bigat!

Sisigaw na sana ako nang bigla n'ya akong subuan ng ice candy, hindi lang isa kundi dalawa yawa! Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko, at ramdam ko ang napakamatatalim n'yang tingin. Nasusugatan ako! Deep inside nasusugatan ako!

"Sa lahat ng babaeng nakasalamuha ko, ikaw pa lang ang nangahas na tratuhin ako ng ganito," madiin n'yang sambit.

"Mind your own business. Mind your own business.  Be professional," paulit-ulit na sinasabi ng drayber na sa halip na awatin kami ay nagpapatuloy lang sa pagmamaneho.

Nagpupumiglas ako pero hindi hamak na mas malakas s'ya kaysa sakin. Madaya e! Malakas ang tulak n'ya sa'ken kaya nauntog ako ng malakas!

Ginalaw-galaw ko ang bibig ko para iluwa ang ice candy na tumataas-baba sa aking bunganga. Mailuluwa ko na sana iyon pero diniinan n'ya ulit. Muntik na akong mabilaukan. Kapag ako nakawala dito papatayin ko na talaga ang kumag na ito!

"Tsss. Wala ka pala. Nasaan na ang angas mo?" mayabang n'ya pang tanong.

Muli akong nakaisip ng ideya. Napapanood ko ito sa mga pelikula. Matigas naman ang bungo ko kaya, kakayanin ko ito!

Bumilang muna ako ng tatlo sa isip bago iniuntog ang sarili kong noo sa noo n'ya. Nabungaw pa ako ng konti pero tagumpay naman! Nahulog s'ya mula sa upuan. Nakakaawa ang itsura n'ya dahil sikip s'ya sa medyo maliit na siwang sa pagitan ng upuan at sandalan sa unahan, pero kinuha ko na ang pagkakataong iyon para umayos ng upo. Nakahawak pa s'ya sa noo nang sinunggaban ko ulit sya. Dahil sa kakamadali ay nahawakan ko ang kaniyang ano na labis n'yang ikinabigla. Nabigla rin ako syempre! Pero hindi nga dapat ako padadaig!

"M-Move your hands off m-my-d-damn! Jeffrey! Get her off me!"

"Mind my own business. Mind my own business. Be professional. Be professional," paulit-ulit pa ring sinasambit ng drayber. Nag-oorasyon ba s'ya? Kanina pa 'yan actually. May sayad din? Hays. Mana s'ya sa amo n'yang timang na nga, gago pa. Dahil sinubuan n'ya ako ng ice candy, kinuha ko naman ang takip ng styrofoam at iyon ang inihampas ko ulit sa pisngi n'ya. Kapag ito napatay ko, edi patay! 

Inalis ko rin ang puyod ko sa buhok at gamit ang isang kamay, kinuha ko ang dalawang kamay n'ya. Hindi s'ya masyadong makalaban dahil hawak ko pa rin ang ano n'ya. Kahinaan nila ito, hindi ba? Ang pinakamatibay na depensa laban sa masasamang loob ay ang atakihin ang kahinaan nila. Ginagawa ko lang naman ang itinuro sa amin ng titser namin sa Tondo!

"D-Damn it! L-Let my precious junior go!"

Hindi ako nakinig. Gamit pa rin ang isang kamay ay ipinuwesto ko rin sa itaas ng ulo nya—

Ulo sa taas, okay?

Ulit. Itinaas ko ang dalawang kamay n'ya sa itaas ng kaniyang ulo at mistula siyang pinosasan gamit ang puyod ko. Nahirapan pa ako dahil ang likot n'ya pero sadyang mapamaraan lang ako. Lamang pa rin ako sa kan'ya. Mas diniinan ko pa ang pagkakahawak sa ano n'ya, dahilan para mapasigaw pa s'ya.

Taas-noo kong inilapit ang mukha ko sa kan'ya, at ako naman ang nagmayabang.

"Ano ka ngayon? Nasaan din ang angas mo? Hhmmm?"  madiing tanong ko sabay tingala at tumawa. Napatingin ako sa bintana, at nawala agad ang ngiti sa labi ko nang makita ko sila.

May batang lalaki, babae, saka lalaki ulit. Nakatapat pala ang kotse namin sa isang bus. Nakatingin sila sa gawi namin habang nanlalaki ang mga mata. Dahan-dahang inangat ng lalaki ang phone n'ya at itinutok sa gawi namin. Kaagad tuloy akong napatingin sa unahan. Traffic! Nang ibalik ko ang tingin ko sa bus ay hala! Ang dami nang nakasilip sa bintana! 

Pero ano bang pakialam nila?! Ngayon pa lang ba sila nakakita ng nagpapatayan sa loob ng kotse?!

"Nangangamoy scandal," biglang saad ng drayber nitong kotse.

__________

"Update?"

"Hindi sila pumayag na maghanap ng kapalit mo."

"Darn. How can I do my job there kung ganito ang itsura ko? Am I the only model that they have? Tsk!"

"Well, we all know that your charismatic presence primarily hooks the public."

"May sasabihin—"

"Shut up or I'll blow your head off!"

Ayan na naman iyan sa English-English na iyan! Urgh!

"Hiro! Anong sinabi n'ya?"

"Manahimik ka raw dahil kung hindi, hihipan n'ya ang ulo mo," sagot ni Hiro sabay tawa. 

Isang metro ang layo ko sa kanilang tatlo. Kina Hiro at Kio, pati na rin sa timang na iyon na may hawak na yelo at nakapatong sa noo niyang may bukol. Bakit? S'ya lang ba ang may bukol? Meron din kaya ako!

Idinampi ko ang kamay ko sa aking noo. Hmm, flat na. Nasaan na ang bukol ko? Nagtatampo rin pala ang bukol?

Bukol. Balik ka na. Mapapahiya ako. Ang sabi ko meron akong bukol pero wala ka. Tsk. Ano bang pwede kong gawin para balikan mo ako bukol?

Napagawi ang tingin ko sa pader. Hhmm. Tatayo na sana ako nang biglang magsalita si Hiro.

"Huwag kang tatayo. Sasabog ka," paalala niya na ikinalaki ko ng mga mata at ikinalunok ng laway.

"K-Kailangan ko nang umuwi. Ay mali." Humarap ako kay Drav. "Ikaw. Bayaran mo muna ang mga danyos mo."

"Hindi ka uuwi," sabi n'ya lang nang tumingin na naman sa akin ng masama.

"Talagang hindi ako uuwi hangga't hindi mo binabayaran ang mga nasayang kong ice candy."

"Fuck.  Ako ba ang may kasalanan ng pagkasayang ng mga ice candy mo?! Did I even tell you to slam that fuckin' styrofoam on my face?!"

"Hiro! Translate!"

"Tsss. Sinabi n'ya raw ba sa'yo na ihampas mo sa mukha n'ya 'yung styrofoam."

"Hindi. Hindi mo sinabi. Pero iyang pagmumukha mo ay halatang iyon ang nais na gawin ko! Limampiso kada ice candy iyon. Tapos singkwenta piraso. Teka! Magkokompyut ako!"

Itinikom ko ang aking dalawang kamay at nagsimulang magbilang.

"Five, ten, fifteen, twenty, twenty-five, thirty, thirty—aish! May calcutalor ka ba d'yan Hiro?!"

Naiinis na ako, at ayoko nang madagdagan pa. Kapag pinagpatuloy ko pa ang pagkokompyut, lalo lamang iinit ang ulo ko.

"Calcutalor? I don't have—"

"'Wag mo akong Inglisin!"

"I mean wala akong calcutalor. Calculator lang."

"Calculator nga! Ano bagang sabi ko?! Kompyut mo ang bayaran sa akin ng timang na kasama n'yo!"

"Hiro. Kio. Leave the both of us now," sabat ng timang.

"Pinauuwi na kami ng timang mo," sabi ni Hiro na binato ni timang ng tsinelas na panloob.

"Ha? Teka, sasabay ako. Sa daan mo ikompyut—"

"Hindi. Ka. Aalis."

Sinamaan ko s'ya ng tingin. Tataas talaga ang blood pressure ko dito!

"Aalis ako kung kailan ko gusto."

"Sa tingin mo ba, sa lahat ng ginawa mo sa'kin ay papayag pa akong pakawalan ka? Huh. Never."

Sa tingin mo ba...papayag na pakawalan...

Napatingin ako sa magkabilang kamay ko, pati na rin sa paa saka napalunok ng laway.

"'Yung totoo. May tali ba ang mga kamay at paa ko na hindi ko nakikita?"

Inilapag ni Drav ang icebag at tumayo. Tumingin s'ya kina Hiro at Kio. Biglang inaya ni Hiro si Kio na aalis na sila. Ha? Wala namang sinasabi si Drav na umalis na silang dalawa. Paanong—

M-Mind cleaner din 'yung dalawa? Mind cleaner silang tatlo?!

"T-Teka, hintayin n'yo ako! Sasama na ako—"

"Huwag kang tatayo," puno na naman ng pagbabantang saad ni Drav.

"T-Tatayo ako kung kelan ko gusto, at u-uuwi ako k-kung kelan ko—"

Natigilan ako nang bigla n'yang hubarin ang isa n'ya pang tsinelas, at nagsimulang maglakad palapit sa'kin. 

"Don't move or else, pasasabugin kita."

Kahit na hindi ko nagets ang unang sinabi n'ya ay hindi na ako gumalaw. Nang malapit na s'ya sa'kin ay iniunat ko ang aking kanang paa upang pigilan s'ya.

"D-D'yan ka lang! Di'ba, b-bawal akong lumapit sa'yo?! Isang metro hindi ba?!"

Sa halip na huminto ay nagpatuloy lamang siya. Itinulak n'ya ang paa ko paibaba, dahilan para lumagapak ulit iyon sa sahig. Lumapit pa s'ya ng lumapit hanggang sa isandal na n'ya ang magkabilang kamay sa sandalan nitong inuupuan ko. Inilalapit n'ya pa ang kaniyang mukha sa'kin, dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay at pinihit ang ulo ko para mapaharap muli sa kan'ya.

"O-ono bong, k-kolongon mo?!"

Isinubo n'ya sa akin ang tsinelas n'yang panloob. Urgh! Wala talagang ugali! Bastos! 

"January to March. Maid. April to June. Personal assistant."

Kinunutan ko na naman lang s'ya ng noo. Ano na naman bang idinadada nito? Maid? Personal assistant? Tapos, anong meron sa buwan?

"That will be your task 'til the half of this year. If you don't fail, you'll advance 'til the end of the contract."

Tinanggal ko ang tsinelas sa aking bibig at pati na rin ang kamay n'yang nakahawak sa pisngi ko. Masakit ah!

"Ilang beses ko pa bang dapat na sabihin sa'yo na huwag mo akong ini-English?" naiinis kong wika na ikinahilamos n'ya ng mukha. At s'ya pa talaga ang may ganang mainis?!

"Damn! Maid. Katulong. Personal assistant. Alila ko."

"Teka nga! Wala akong natatandaan na nag-apply ako sa'yo bilang katulong mo saka alila."

"Pumerma ka. Nakalimutan mo na ba?"

"Huh! Huwag mo akong niloloko. Walang nakalagay na alila at katulong doon!"

"Ako ang mas nakakaunawa kaya ako ang mas nakakaalam ng mga nakalagay doon. Besides, ako rin ang gumawa."

"Paano kung ayaw ko?"

Iniurong ko ang aking ulo nang mas ilapit n'ya pa ang ulo n'ya sa akin, at napapikit ako nang as in malapit na! Bakit ba kasi hindi ako makalaban ngayon?! K-Kasi, kinakabahan ako?! Natatakot ako?! A-At kelan pa ako natakot sa timang na ito?!

"Hinding hindi mo magugustuhan kapag sinuway mo ang utos ko," bulong n'ya sa'kin saka kinagat ang tenga ko, na mas nakapagpakilabot sa akin.

A-ang ibig bang sabihin,

"K-Kakainin mo ako kapag hindi ako s-sumunod?"

"Tsss. No. Kakainin na kita ngayon."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status