Share

Chapter 12

NABIBIGHANI na yata sa akin ang kolokoy na ito.

Gustong mapahagikgik ni Pamela sa naisip niya. Ilang araw na silang paikut-ikot ni Yuan sa bundok na iyon. Sa katunayan ay ubos na ang baon nitong pagkain, maging ang isang kilong bigas na dala niya ay matagal nang said. Ngunit kahit maubos pa ang mga dala nilang pagkain ay hindi sila gugutumin sa dami ng mga pagkain sa paligid. Iyon ang ikalabing-dalawang araw nila sa bundok na iyon.

Hindi pa rin niya batid magpahanggang ngayon kung ano ba ang hinahanap nito pero hindi pa nito nakikita iyon. Paborable naman iyon sa kaniya na magtagal pa sila doon sa bundok. Paano ay habang tumatagal sila roon ay lumalaki rin ang perang ibabayad nito sa kaniya. Iyon nga lang, nakakaramdam na siya ng pagkailang rito. May kung anong pader na biglang nabuo sa pagitan nila mula noong umaga may anim na araw na ang nakakalipas. Tahimik siyang naliligo noon sa batis nang bigla na lamang itong dumating. Nakita siya nito nang wala ni anumang saplot sa k
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status