Share

CHAPTER 11

ANONG IBIG NIYANG SABIHIN?

Habang nakatayo ako rito sa gilid malapit sa pinto ay hindi ko maiwasang titigan si Alexis. Napakaseryoso ng mukha niya ngayon, kumpara kanina na may sinusupil pang ngiti sa mapupula niyang labi.

Sa bawat lingon niya sa katabi niya, at sa bawat pagsagot niya sa mga katanungan ng kapwa niya businessman ay sinusundan ko rin ng tingin. Hanggang ngayon tuloy ay iniisip-isip ko pa rin ang mga salitang sinabi niya sa akin...

Na hindi niya pahihintulutang may manakit sa akin. Na siya lang ang may karapatang gawin 'yon kung sakali. Pero kung kailan at sa anong dahilan... hindi ko rin alam.

Iba talaga ang awra ng mga mayayaman. Hirap nilang basahin.

Napabuga na lang ako ng malalim na paghinga bago muling tinitigan si Alexis.

Ultimo ang simpleng paghawak niya sa ballpen at pagpirma ay hindi ko maiwasang hindi sundan ng tingin. Bawat kibot ng labi niya, pag iling, at ngiti... putakte, lahat ng gestures niya ay memoryado ko na yata. At isa pa, ang sarap niya sa eyes!

S
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status