Share

CHAPTER 12

MASAKIT ANG ULO KO!

Hindi lang ulo ko ang masakit kun'di pati na rin ang balakang ko. Para bang nalamog na hindi ko mawari. Nang dahan-dahan kong imulat ang mga mata ko'y ang magandang mukha ng isang babae ang bumungad sa akin.

"How are feeling?" nag-aalalang tanong niya.

Inilibot ko ang aking paningin sa lugar kung nasaan ako. Pakiramdam ko kasi ay papunta na ako sa langit dahil sa puting kisame at magandang mukha ng babae.

"Are you okay now?" muli niyang tanong. "Tell me, may gusto ka ba? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo?"

Teka nga, ano bang nangyari? Bakit ba ang daming tanong ng babaeng ito sa akin? At isa pa, tapos na ba ang meeting ni Alexis?

"Alexis..." Napamulagat ako ng mga mata saka napabalikwas ng bangon nang maalala ko ang hinayupak na 'yon. "Hala! Nasaan na ang boss ko?!"

"Hey, easy..." Inalalayan ako ng babae saka siya bumaling sa ginang na nasa bandang gilid at prenteng nakaupo lang sa pang isahang upuan. "She's okay now Mrs. Montemayor."

Lumapit sa gawi nami
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status