Share

CHAPTER 15

At 'yon na nga, bago pa ako tuluyang atakihin dahil sa kalandian, pumunta na ako sa mahabang mesa kung saan may mga nakabantay na empleyado rito sa hotel. Naiilang pa akong mamili ng pagkaing una kong kukuhanin, mabuti na lang talaga at mababait sila at sila na rin mismo ang nagsandok para sa akin.

May ibang tao rin na kumakain, 'yong iba ay grupo sa iisang mesa na panglimahan, habang ang iba naman ay parang nag d-date.

Naupo ako sa pang-isahang upuan na nasa tabi lang ng glass wall. Kitang-kita ko tuloy ang ganda ng view sa labas, tanaw rin mula sa kinalulugaran ko ang dagat ng Bataan.

Nang tignan ko ang plato ko ay napangiwi ako. Naghalo-halo na kasi ang menudo, kaldereta, at adobo na sinandok sa akin ng nag se-serve kanina. Daig ko pa ang nagutuman dahil sa tambak na pagkaing nasa plato ko. Pero keri lang, bawal mag aksaya ng grasya.

"Unang subo ay para sa Mama ko na malamang ay tuyo na naman ang ulam," pabulong kong sabi at inumpisahan ko na nga ang chibugan.

In fairness, masarap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status