Share

CHAPTER 14

AATRAS, O AABANTE?

Hindi ko rin alam! Kanina pa ako nakatayo sa bukana ng pinto kung saan mariing nakatitig sa akin si Alexis na hanggang ngayon ay naghihintay sa pagpasok ko. Prenteng nakaupo pa rin siya sa kama at naka-live showing pa rin ang abs niya sa insosente kong mga mata.

Napalunok ako at pilit na inignora na lang ang kakisigang taglay niya. Kahit na kasi saksakan pa siya ng guwapo at may kaakit-akit na katawan, alam na alam ko pa rin ang karakas ng h!ndot na 'yan.

"Hindi ba puwedeng mag damit ka na muna?" tanong ko sa kanya. "Nauumay kasi ako sa bilbil mong nakabalandra. Kapag ikaw kinabagan, kubeta ang bagsak mo niyan," giit ko pa.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi, hindi ko alam kung dahil sa sinusupil na ngiti o baka asar. Ah basta! Bakit ba kailangan ko pang alamin ang lahat sa kanya? Ano siya, gold?!

"I said come in," baliwalang saad niya naman na kasing lamig yata ng loob ng kuwarto. "Don't make me repeat it, Minzi."

"Ito na nga oh, nanginginig pa!" inis ko namang sabi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status