Share

Chapter 22

Sa pagdating ng araw ay wala na akong naabutang tao sa tabi ko. Sinikap kong makatayo mag-isa dahil bumibigat na rin ang aking tiyan. Sumisilip na sa bintana ang tindi ng sikat ng araw kaya naman nang mapatigin ako sa orasan ay sinasabi nitong tanghali na ako nagising!

Halos takbuhan ko na ang banyo para makapag-ayos ng sarili bago bumaba at kumain. Wala naman akong pupuntahan pero nakalimutan kong may kailangan pala akong inuming vitamins para sa anak pagkatapos ng agahan pero paano ko na 'yon gagawin ngayon kung tanghali na?!

Alas dyes pa lang naman pero tanghali na rin 'yon.

Didiretso na sana ako sa kusina ng may nakita akong dalawang bulto ng lalaki na nakaupo lamang sa sofa. Isinantabi ko ang balak na pagpunta sa kusina para lumapit sa kanila.

Ngayon ko lamang sila nakita. Nakuha ko kaagad ang atensyon nila dahil sa aking presensya. Mabuti na lang at makapal na damit ang suot ko ngayon at itim pa kaya hindi halata ang umbok ng tiyan ko. Naka-on kasi ang aircon ni Stelo sa k
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status