Share

Chapter 9

Hayop.

Uri ng nilalang na hindi tao pero maaring gamitin para sa tao.

Demonyo.

Para sa mga tao na hindi nakaakyat sa langit pero ginagamit rin para sa taong nabubuhay.

Ang dalawang salita na yan ay gagamitin ko para ilarawan ang mga lalaking muntik na akong babuyin.

Mga hayop sila! Wala silang kaluluwa katulad ng demonyo!

"Gaia! Lumabas ka na diyan kung ayaw mong masaktan." Si Stelo ay sigaw ng sigaw sa labas ng kwarto ko dahil hindi ko pinagbubuksan at ninakaw ko kay Manang Lolita ang spare key nito.

Ayoko makipag-usap sakanya. Napakawalang hiya niya! Demonyo siya! Hayop siya!

Kagabi lang nangyari yun at sigurado akong hindi ko makakalimutan.

Yung mga kaibigan niya na akala mo ay inom lang ang inaatupag pati pala sa paghuhubad ng di nila kilalang babae ay ginagawa nila.

"Bro, ang bagal naman niyang bagong dala mo. Mukha na ngang manang, hindi pa alam ang gagawin."

"Hubaran na yan!" Sigaw ng isa at agad na lumipad papunta sa harap ko.

"Hey, Miss." Bulong niya at kumindat pa. Hal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status