Share

Chapter 42 (2/2)

Sa gitna ng pagkalasing ay parang nawala ang katinuan ni Cressida. Ang lalaking bumungad naman sa kanya ay talagang nanabik sa babae.

"Gaia..." huminga ng malalim si Stelo. Pinipilit na huwag patulan ang babae kahit na hinahalik-halikan na siya nito sa buong mukha niya. "U-Umuwi ka na siguro."

"Gusto kita e. Ang gwapo mo kaya sa panaginip ko noong nakaraan..." humagikhik ang babae bago mariing kumapit sa balikat ni Stelo na hindi na alam ang gagawin sa kanya. Gusto niya man itong ihatid na dahil magkatabi lang naman ang kanilang bahay pero ayaw niyang malapit ito sa lalaki na kinakasama nito lalo na sa ganitong lagay.

"Gaia! Bakit ka ba nagkakaganito? Tumigil ka na!"

"Gusto kita e..." Sinundot-sundot pa nito ang pisngi nito na pinigilan naman ng lalaki kaagad.

Napiling na lamang si Stelo at ginaya ito paloob ng kanilang bahay, halos buhatin pa niya ito papunta sa kwarto dahil ni hindi nito inihahakbang ang paa.

Nang marating nila ang kwartong ginagamit ni Raul ay agad na pinahiga ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status