Share

Chapter 8

"Miss Gaia, gising na po. Isasama raw po kayo ngayon ni Sir Stelo sa kanyang pupuntahan."

Pinilit kong buksan ang mata ko para makita si Manang na ginigising ako. Nang mabuksan ko ang mga mata ko ay nakita ko may inililigpit siya sa gilid na lamesa. Yung pinagkainan ko pala yun kagabi.

Isang araw na mula nung nabalik ako dito sa puder ni Stelo at hindi ako lumalabas ng kwarto na ibinigay niya ulit saakin. Buong akala ko ay mas magiging marahas ang trato niya sa akin ngayon pero hindi pa naman. Siguro dahil na rin yun sa nakita niya nung sinundo niya ako saamin na umiiyak.

"Saan daw po, Manang Lolite?" Umiling lang siya at binitbit sa kanyang kamay ang tray na may pinagkainan ko. "Manang naman, sabihin niyo na po."

"Eh hindi ko rin alam. Basta sabi niya gisingin ka at sabihan na sumama ka sa kanya ngayon."

Tumango na lang ako at tumayo. Akala ko ay aalis na siya pero nagtaka ako na nandoon pa rin siya. Tinignan ko naman dahil baka may kailangan pa siya pero hindi niya nasasabi.

"May ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status