Share

Chapter 42 (1/2)

Sa isang katok pa lamang ay binuksan na ni Stelo ang pintuan ng kanilang bahay dahil kanina pa siya naghihintay para sa babae.

Malalim na rin ang gabi ng pumunta si Cressida. Hinintay niya pa kasing makatulog si Theodore bago niya lisanin ang kanilang bahay at mangapit-bahay kila Stelo.

"Magandang gabi," paunang pagbati niya na na halos bumulong na lamang siya.

"Good Evening. Ask about what you want to know about and I'll talk about it."

Nagulat ito sa inakto ng lalaki, mukhang gusto ng madaliin ang kanilang pag-uusap. Pagod na rin kasi ito sa mga ginawa maghapon at gusto nang magpahinga, hindi pa nakatulong na hindi siya nilulubayan ni Damiana. Gusto ng kanyang ina na matapos ang kanyang mga pinapagawa kaagad dahil kung hindi ay baka mahuli sila ng mga awtoridad kahit wala naman sa bansa ang kanilang 'negosyo'.

"Hindi mo man lang ba ako pauupuin?" Namungay ang mga mata ng lalaki nang makalimutan na parehas pa pala silang nakatayo.

"Ahh. Sorry. Upo ka..."

Iginaya niya ito sa upuang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status