Chapter 3: Kung Alam Mo Lang
Pagkarating ng Gobernador sa kanyang bahay ay agaran niyang tinawag ang babaeng nagngangalang Gaia. Ngunit hindi kaagad ito lumabas kaya naman ay bumakas sa kanyang mukha ang pagkairita.
"Gaia!" Pagsigaw niya ulit. Nang ginawa niya 'yon ay iniwan na siya ng kanyang mga body guard ang naiwan na lamang sa kanyang tabi ay si Raul.
Hinubad ni Stelo ang gamit na suit na sinalo naman ni Raul habang naglakad papunta sa kwarto ni Gaia si Stelo. Ang kanyang kanang-kamay ay napabuntong-hininga na lamang dahil alam na niya na hahanapin na naman nito sa Gaia at maaring pagbantaan ang dalaga kung hindi niya kaagad makita.
Sumunod lamang si Raul hanggang sa kwarto ni Gaia at walang dalaga na nadatnan doon. Sisigaw na sana ulit si Stelo ng dumating sa kanyang harapan ang pinakamatagal niyang katulong na si Manang Lolita.
"Iho, este, Sir, si Miss Gaia ay nasa likod lamang po ng inyong bahay. Magtatanim daw po siya roon sa bakuran."
Pagpapaalam nito sa nito. Agad naman na kumalma ang mukha nito. "Salamat, Manang Lolita. Magluto na lamang ho kayo ng sinigang para sa panaghalian natin."
"Oho, Sir. Masusunod po."
Umalis na ang matanda sa kanyang harapan kaya naman ay pumihit ito at bumaba sa hagdan para puntahan si Gaia sa likod ng kanyang bahay. Nakasunod pa rin sa kanyang likuran si Raul.
"Raul, can you stop following me around? Nasa bahay lang tayo."
Tila nabigla ang lalaki, nanlalaki pa nga ang mga mata nito sa gulat. "Ha? Opo, Gov."
"I can handle Gaia at wala naman akong gagawing masama sakanya kaya pwede mo nang itigil ang pagsunod mo saakin." Dagda pa ni Stelo.
"Noted, Gov. Alis na po ako kung ganun... Makikita niyo lang po ako sa salas."
Ngumiti pa ito ng pagkalaki-laki bago tumalikod at pumunta sa salas kung saan matiwasat siyang nagpahinga habang nanood ng boxing na palabas sa telebisyon.
Napailing na lamang si Stelo bago niya pinuntahan si Gaia sa likurang bahagi ng bahay na hindi naman nagkamali ang katulong na si Lolita sa pagsabi sakanya ng impormasyon.
Natagpuan niya si Gaia na nasa ilalim ng malaking payong na itinayo para hindi siya mainitan habang nagtatanim sa gitna ng mainit na panahon ng mga bulaklak na ipinabili pa ng dalaga sa mga tauhan ng Gobernador kanina.
Magsasalita na sana si Stelo ng marinig niya itong kinakausap ang mga bulaklak sa paraan ng pagkanta. Kahit na malayo pa naman siya sa dalaga ay napahakbang siya ng isa patalikod at napagdesisyunan na pagmasdan muna ang dalaga sa ginagawa nito.
Walang anu-ano'y may isang katulog na lumapit sakaniya at binulungan siya kung bakit ginagawa yun ni Gaia.
"Sir, sabi ni Miss Gaia kanina susubukan niya na lang po niyang magtanim tutal hindi naman po siya pinapayagan ni Manang Lolita na gumawa ng gawaing bahay dahil baka raw po magalit kayo at ayaw po ni Miss Gaia na mainip sa kanyang kwarto kaya napag-isipan niya pong na magpabili ng mga bulaklak na itatanim niya."
Sinulyapan siya ni Stelo. "Okay. Thank you for your information."
"Ay walang ano man ho, Sir." Isinabit pa ng babaeng katulong sa likod ng kanyang tenga ang ilang hibla ng kanyang buhok na tila ba ay nagpapansin na sa amo.
Napansin 'yon ni Stelo kaya kinunutan niya ito ng noo sabay sabing; "Leave."
Tila nabalik sa katinuan ang katulong kaya agad itong umalis sa harapan ni Stelo. Siya naman ay tuluyan ng lumapit kay Gaia na ikinabigla naman ng dalaga kaya agad itong napatayo mula sa damuhan.
"Anong kailangan mo?" Kaagad na tanong ni Gaia kay Stelo.
Kumislot ang isang bahagi ng labi ni Stelo. "I didn't know that you're into gardening."
"Hindi mo naman kailangang malaman."
Walang siglang pakikipag-usap ng dalaga.
Tumaas ang dalawang kilay ng binata habang tinitignan siya nito. "Kung sana ay sinabi mo na gusto mo ng mga halaman sana ay kinuha na lamang kitang taga alaga ng hardin ko. May sweldo ka pa."
Sarkastikong bumuntong-hininga si Gaia. "Sweldo? Talaga ba? Sa tingin ko ay mas mabuti na pauwiin mo na lamang ako saamin."
Nagbago kaagad ang timpla ng mukha ni Stelo. "Aren't you still happy that I didn't put you in the basement? Aren't you happy that you're back at living like a highness here?"
Totoo ang kanyang sinabi na hindi niya inilagay sa basement ang dalaga katulad ng plinano niya kasi naalala niya na may phobia ang dalaga sa masisikip na lugar at maari siyang mamatay ng dahil lamang doon at ayaw niya 'yung mangyari dahil magiging madali ang lahat at mauuwi sa wala ang kanyang plinano.
"Hindi. Hindi kailanman ako magiging masaya sa bahay na ito at ano? Highness? Sa tingin mo ganun katiwasay ang buhay ko rito dahil wala akong ginagawa? Nagkakamali ka! Para akong namumuhay kasama ang demonyo dito."
"Really? I'm so glad to hear that. Mamuhay ka hangga't gusto mo rito pero hindi ka makakatakas sa hawak ko!"
"Napakademonyo mo talaga! Wala kang kasing sama!"
Nagsimula na naman silang dalawa na magsigawan. Sinabuyan pa ni Gaia ng lupa si Stelo sa kanyang mukha na kaumlat din sa kanyang damit na mas lalong ikinagalit nito.
Napilitan siyang hawakan si Gaia sa kamay para hindi na muling makagawa ng kung ano man sakanya sa mga oras na 'to.
"Allesandra Gaia, kung matapang ka man ngayon, kung nalalabanan mo man ako ngayon darating ang araw na hindi mo na magagawa yan."
Ipinalandas pa ni Stelo ang kanyang daliri sa mukha ni Gaia na pilit namang lumalayo sakanya.
"Kung malalaman mo ang lahat ay baka kaawaan mo pa ako. Kaya habang nakakapagtimpi pa ako ay pumasok na tayo sa loob at kumain."
May diin ang bawat letra na kanyang binibigkas niya. Kinilabutan naman si Gaia pero binalewala na lamang ito at walang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kung ano ang gusto nito.
Nagpaunang pumasok sa loob ng bahay si Stelo para makapagpalit pa ng damit dahil nalagyan ng lupa at si Gaia naman ay iniligpit at naghugas ng kamay bago pumasok, katulad ni Stelo ay napagdesiyunan niya rin na mapalit ng damit.
Kaya naman lagpas alas dose na sila nakakain kasama ang mga kasamahan sa bahay.
Pagkatapos ay nagpresinta si Gaia na maghugas ng mga pinggan. Katulad ng dati ay aangal sana si Manang Lolita pero tumayo at nagdesisyon si Stelo sa dapat gawin ng dalaga sa kanyang pamamahay.
"Manang, hayaan mo na siya sa gusto niyang gawin. Kung gusto niyang tumulong sa mga gawaing bahay dito ay hayaan niyo siya. Kung niyang mahirapan, hayaan niyo."
Iyon lamang ang kanyang lintana bago umalis sa hapag para mag siesta bago pumunta sa munisipyo para sa kanyang pang-hapong meeting.
Para sakanya ay mas mabuti na lamang na gawin ni Gaia ang gusto nito kaysa ang maisipan nitong tumakas at isiwalat siya sa sangkatauhan.
Habang natutulog ay hindi maiwasan na hindi siya dalawin ng masamang panaginip mula sa kanyang nakaraan.
Kakatapos lang ulit ng meeting ni Stelo sa senado at hindi pa rin naso-solusyonan ang kanilang pinoproblema dahil maraming dumagdag na mga mungkahi at may ilan na gusto nila iyong sa kanila ang masusunod. Nang may biglang babae na sumalubong sa kanya ng buong ngiti.Estudyante sa kolehiyo ang babae dahil sa kanyang suot na uniporme at ID na nakasabit sa kanyang leeg."Senator!" Pagtawag niya at muntik pang magmano sa nakasalubong na lalaki. Nanlaki naman ang mata ni Stelo sa gulat at hindi agad alam ang maaaring sabihin sa estudyante kaya hinayaan niya itong makapagsalita. "Senator! Pasensya na po at sinadya kita rito pero hindi po ako matatahimik hangga't hindi ako nakakapagpasalamat sa iyo ng personal!""Ha? Bakit? Tungkol saan?""Ahhh dahil po sa batas na ipinatupad niyo nakita ko na po ang mga hinahanap kong magulang sa tulong nun. Kuya ko lang po kasi ang nagpalaki sa akin at ang lola ko. Simula po noong bata ay hinahanap ko na ang mga magulang ko pero wala naman pong sinasabi
"I'm sorry Senator Reyes but I beg to differ. Yes, I know may point ka pero don't you think it's nonsense? Really? We are experiencing both poverty and inflation at the moment tapos sasabihin mo na we need to rise the taxes of the people habang tumataas ang mga bilihin sa bansa? We need a better solution than rising the people's taxes.""I agree.""He has point. Anyone who have suggestion for a better solution may now speak.""Senator Gallardo, ikaw naman ang nagsabi, pwede rin ata na ikaw na rin ang unang sumagot sa better solution mo na yan." Pag-segunda ni Senator Reyes.Napangisi si Stelo. Alam niya na maraming maiinit ang mata sa kanya sa senado at isa na roon si Senator Reyes."Well, I suggest for us do to the customs and import duties, and instead of generating individual tax we'll raise tax sa mga business industry."Nagkaroon ng pagkagulo na naging sanhi ng pag-ingay sa senado pagkatapos ng sinabi ni Stelo. Mayroong hindi sang-ayon sa sinabi niya pero natapos ang kanilang ses
Sa clinic ng doktora ay halos himatayin si Stelo sa kanyang narinig na balita tungkol sa kalusugan ng anak. Exaggerated man ay iyon talaga ang totoo, mukhang ano mang minuto ay lilipasan ito ng malay-tao. Namumutla na kasi siya. Sa kanyang likod ay naroon si Raul na hinahawakan lamang ang kanyang balikat para pakalmahin siya. "Mr. Gallardo, you'll sign the waiver of consent first and we'll run the tests that needed," sinabi ng doktora bago ito tumayo at tinawag ang kanyang assistant para ayusin ang kanyang makailangan kasama ang isang nurse. "Okay, Doc.""Upo ka muna, Stelo." Iginaya niya na si Stelo para umupo dahil napatayo ito at mas lumapit sa doktorang nagpaliwanag sa sakit ng kanyang anak. Huminga ng malalim si Stelo para kalmahin ang kanyang sarili bago tinignan ang anak na naglalaro sa mini-playground ng clinic na pinalibutan ng puzzle mats at malalambot na bagay. "Anong gagawin ko, Raul? Paano na lang kung malala ang sitwasyon niya?""Huwag ka nga mag-isip ng ganyan! Magi
Stelo's POV It sounds so selfish but I'm tired. I made a promise for myself that I will no longer pursue Gaia.Tangina, tama na. Pagod na ako."Stelo, baba na. Nandito na tayo. Nakauwi na tayo... Bakit ka ba natutulala diyan?"Natauhan ako sa kapapanood sa labas habang bumabyahe, inaantok ako pero hindi ako makatulog. Si Gaida ay pinaubaya ko naman kay Raul. I'm just too tired from everything but I know I needed to get a grip, pagod ako pero kailangan kong kumayod. Gawin ang mga nararapat na gawin. Sa isa kong bahay kami tutuloy ngayon dahil nalaman ko na naroon sila Mama Damiana sa malaking bahay. I just can't handle her in this time, hindi pa ako handa sa mga maari niyang italak sa akin. Pero ang iba naming gamit ay idederetso na roon para hindi na marami ang aming dala."Ahh. Sorry. I'm just too tired." Bumaba ako sa kotse bago binuksan ang pintuan ng bahay. Kaming tatlo ulit ang magkakasama, walang mga bodyguard, at walang mga katulong."Edi magpahinga ka muna. Natutulog naman
Sa gitna ng pagkalasing ay parang nawala ang katinuan ni Cressida. Ang lalaking bumungad naman sa kanya ay talagang nanabik sa babae."Gaia..." huminga ng malalim si Stelo. Pinipilit na huwag patulan ang babae kahit na hinahalik-halikan na siya nito sa buong mukha niya. "U-Umuwi ka na siguro.""Gusto kita e. Ang gwapo mo kaya sa panaginip ko noong nakaraan..." humagikhik ang babae bago mariing kumapit sa balikat ni Stelo na hindi na alam ang gagawin sa kanya. Gusto niya man itong ihatid na dahil magkatabi lang naman ang kanilang bahay pero ayaw niyang malapit ito sa lalaki na kinakasama nito lalo na sa ganitong lagay."Gaia! Bakit ka ba nagkakaganito? Tumigil ka na!" "Gusto kita e..." Sinundot-sundot pa nito ang pisngi nito na pinigilan naman ng lalaki kaagad. Napiling na lamang si Stelo at ginaya ito paloob ng kanilang bahay, halos buhatin pa niya ito papunta sa kwarto dahil ni hindi nito inihahakbang ang paa.Nang marating nila ang kwartong ginagamit ni Raul ay agad na pinahiga ni
Sa isang katok pa lamang ay binuksan na ni Stelo ang pintuan ng kanilang bahay dahil kanina pa siya naghihintay para sa babae. Malalim na rin ang gabi ng pumunta si Cressida. Hinintay niya pa kasing makatulog si Theodore bago niya lisanin ang kanilang bahay at mangapit-bahay kila Stelo."Magandang gabi," paunang pagbati niya na na halos bumulong na lamang siya. "Good Evening. Ask about what you want to know about and I'll talk about it."Nagulat ito sa inakto ng lalaki, mukhang gusto ng madaliin ang kanilang pag-uusap. Pagod na rin kasi ito sa mga ginawa maghapon at gusto nang magpahinga, hindi pa nakatulong na hindi siya nilulubayan ni Damiana. Gusto ng kanyang ina na matapos ang kanyang mga pinapagawa kaagad dahil kung hindi ay baka mahuli sila ng mga awtoridad kahit wala naman sa bansa ang kanilang 'negosyo'."Hindi mo man lang ba ako pauupuin?" Namungay ang mga mata ng lalaki nang makalimutan na parehas pa pala silang nakatayo."Ahh. Sorry. Upo ka..."Iginaya niya ito sa upuang