Napanood ni Marcus sa telebisyon ang katatapos pa lamang na contract signing ni Snow sa Sandstorm. Tahimik itong nakatitig sa screen ng tv habang palihim naman nakamasid si Demetri sa reaksiyon ng kapatid. Inilapag ni nay Lucelle ang tinimplang kape sa mesa para sa kanila. Kapwa naman silang napalingon sa kanilang ama na kabababa pa lamang ng hagdan. Umupo ito sa gitna at napatingin rin sa screen." Naririyan pala s'ya. Mukhang masaya pa yata s'yang pinagtaksilan ka para lamang s'ya sumikat " komento ni Don Demetruis bago sumimsim ng kape.Nag-alangan naman si Marcus na magsalita dahil may kasalanan rin naman s'ya kay Snow." O, baka naman ikaw ang nagtaksil? " Natigilan naman si Demetri sa paghigop ng kape at napalingon sa kan'yang ama.Tila namutla si Marcus." Sabi mo nga, hindi magagawa ni Snow ang pagtaksilan ka. Siguro, panahon na para ikaw naman ang tanungin ko Marcus " pagpapatuloy nito.Kabado naman humigop ng kape si Marcus. Palihim na umarko ang labi ni Demetri." H-Hindi
SABIK na gustong makita ni Snow ang kan'yang nobyo lalo na't mag-iisang linggo silang hindi nagkasama. Naging abala s'ya sa isang taping ng movie na ipapalabas sa susunod na dalawang buwan. Panghuling taping nila 'yon kaya nakahinga s'ya ng maluwag at sa wakas ay makakapagpahinga na s'ya kahit mga ilang araw lamang.Baguhan lamang s'ya sa showbiz ngunit hindi naman s'ya nanghihinayang na isuko ang kan'yang nagsisimulang career para sa isang relasyon. Ang gusto n'ya lamang talaga ay maging isang professional writer ng mga nobelang p'wedeng i-adapt at ipalabas sa television. Wala sa ideya n'ya ang pumasok sa pagiging artista ngunit napasubo s'ya noong nag-request ang kan'yang ina sa kaibigang director nito na isali s'ya bilang ekstrang tauhan sa isang teleserye. Labis na ikinatuwa ng kan'yang ina ang pagpayag n'ya dahil matagal na nitong pinapangarap na magkaroon ng isang anak na artista.Hindi naman maipagkakaila na may talento s'yang tinatago kagaya ng pagkanta at mahilig sa musical in
" Miss Snow, s'ya po si sir Demetri. S'ya po ang nakatatandang kapatid ni sir Marcus " pakilala ni Sed sa kan'yang panibagong amo habang nasa biyahe sila.May pagkabiglang napalingon s'ya sa g'wapong binata. Sandali s'ya nitong binalingan ng tingin. Medyo may pagka-intimidating ang klase ng bawat titig nito sa kan'ya." Nice to meet you " alanganing bati n'ya sa binata." Ako nga pala si Snow Hidalgo. I am Marcus, fiancee " dagdag n'ya pa sabay lahad ng kamay.Napatitig naman si Demetri sa nakaabang na palad nito bago tuluyang napadako ang kan'yang mga mata sa dibdib ng dalaga. Manipis na puting sleeves ang suot ni Snow at nabasa iyon ng ulan kanina kaya bumakat ang kan'yang suot na pulang bra at cleavage ng kan'yang dibdib.Napansin naman kaagad ni Snow ang pasaring na tingin nito sa kan'yang suot kaya napaayos siya ng upo bago tumikhim. Nagulat s'ya sa sunod na ginawa nito. Hinubad nito ang suot na coat at ibinigay sa kan'ya." Malamig kaya kailangan mo 'yan " malumanay na wika nito.
NAGKAROON ng isang simpleng party sa mansiyon ng mga Sylvestre. Dumalo ang mga kaibigan at kasosyo sa negosyo ni Marcus at iilang kaibigan naman ni Snow ay dumalo rin. Habang nasa gilid siya, tahimik na nakaupo kasama ang ibang kakilala ng kan'yang ama, hindi n'ya naman maiwasang mapatitig sa kinaroroonan ng magkasintahan. Abala ang mga 'to sa pakikisalamuha sa mga bisita." Kailan ka? " tanong ni Wrent habang hawak ang basong may alak. Hindi n'ya napansin ang pagsulpot nito sa kan'yang likuran. " Tingnan mo ang kapatid mo. Kailan lang ay uhugin pa 'yang nakikipaglaro sa alaga ninyong aso, ngayon ay magpapakasal na " dugtong nito bago uminom ng alak. Hindi naman s'ya umimik at abala lamang na nakatitig sa likuran ni Snow.Hindi n'ya talaga magawang iwaksi paalis sa kan'yang isipan ang babaeng 'yan. Bakit masyado nitong naaagaw ang kan'yang atensiyon kahit wala naman itong ginagawa?" Amigo, h'wag mong nanaisin ang pagmamay-are na ng iba " komento naman nito noong mapansin s'yang nakat
" HINDI ka ba pupunta sa bayan?" tanong ni manang Lucelle sa kan'ya. Tahamik s'yang nagkakape sa balconahe." Habilin pa naman sa'kin ng iyong ama na dumalo ka sa fiesta. Marami s'yang palaro sa mga kabataan doon at may pa-raffle pa. Alam mo naman na muling tatakbo bilang Gobernador ang iyong papa. Gusto n'ya lamang makasigurado kung may mga tao pa bang gustong sumuporta sa kan'ya doon sa susunod na eleksiyon " dagdag pa ng mayordoma." Naroroon din ba si Marcus? "" Palagi s'yang kasama ng iyong papa sa mga lakad n'ya. May balak rin kasing tumakbo bilang Mayor si Marcus sa mga susunod na eleksiyon " tugon naman nito. Maikli s'yang napangiti bago sumimsim ng kape." Siguro naroroon rin ang fiancee n'ya " hinuha n'ya." Syempre, bayan ni Snow ang may fiesta kaya nararapat lang na naroon s'ya. Lalo na't Kapitan ang kan'yang tiyuhin sa bayan na 'yon. "Agaran naman s'yang napatayo. Pupunta s'ya roon dahil naroroon si Snow. Gusto n'ya itong makita lalo na't laman ito ng kan'yang panaginip
MAG-ISANG sinukat ni Snow ang wedding gown sa loob ng kan'yang kwarto. Nakangiti s'yang nakatitig sa kan'yang repleksiyon mula sa kaharap n'yang salamin. Sakto ang damit sa kan'ya lalo na't kuhang-kuha nito ang kurba ng kan'yang balingkinitang katawan. Habang nasa galak ang kan'yang puso sa imahinasyong tumatakbo sa kan'yang isip ay s'ya namang pagsulpot ni Ice sa kan'yang likuran." Hala ka! Bakit mo sinukat? " Gulat na wika ng kan'yang nakababatang kapatid. Namulagat s'ya ng mata at napalingon rito." Bawal ba? Ang ganda 'di ba? Bagay na bagay sa'kin " masayang aniya sa kapatid." Ate, baka hindi matuloy ang kasal ninyo ni kuya Marcus " nag-aalalang ika nito.Mahina naman s'yang natawa." Pamahiin lang 'yan. Paano ko malalaman kung kasya sa'kin kung hindi ko naman isusukat? " Kontra niya naman rito." O, sige na. Bahala ka " tanging sagot nito bago humiga sa kama." Dalawa nalang pala kami ni mama ang maiiwan dito sa bahay. Nakakalungkot naman " panimula nito at mukhang magd-drama na
" PARA saan 'to? " tanong n'ya kay Marcus noong may inabot itong invitation card sa kan'ya." Pinapabigay ni dad para sa gaganaping Masquerade Ball sa susunod na araw " tugon naman nito." Gusto ko ikaw ang partner ko " nakangiting dugtong naman nito." Wala akong maisusuot " nahihiyang sagot n'ya rito." Ano ka ba, love. Si Feurene na ang bahala sa isusuot mo. S'ya na rin ang umako sa ipapasuot n'yang jewelry para sa'yo." Umikot ito at niyakap s'ya mula sa likuran." Gusto ko, ikaw ang pinaka-magandang dilag na makikita ko sa party " ani nito bago s'ya kinintilan ng halik sa kan'yang braso. Hindi n'ya namang maiwasang hindi mapangiti." Kailangan ko nang mauna. May pupuntahan pa ako " paalam nito sa kan'ya.Inihatid n'ya ito sa may gate." Ingat ka " aniya at kumaway rito.Noong nakalayo na ang sasakyan nito at saka naman n'ya napansin sa kalayuan ang isang itim na sasakyan. Mabilis itong umarangkada at nag-minor ng takbo noong malapit na sa kinaroroonan n'ya.Lumabas si Mang Sed at p
MASQUERADE PARTY...PAGKATAPOS s'yang inayusan ng dalawang nakatukang tauhan na galing sa glam squad ni Feurene ay nakahanda na s'yang magtungo sa Grand Hall sa isang mamahaling Hotel. She's wearing a champagne-beaded black evening dress with a shimmering black Venetian lace metal mask. Kahit kinakabahan s'ya, pipilitin n'yang kumalma. Ayaw n'yang mapahiya sa mga bigating bisita sa party lalo na't Sylvestre ang nag-host sa enggrandeng event na 'yon.Pagkalabas n'ya ng building kung saan s'ya inayusan, nakabungad na pala si Mang Sed sa labas. Ilang minuto na itong nag-aantay sa kan'ya." Miss Snow, ako po ang pinapunta rito ni sir Marcus para ihatid po kayo sa Sapphirean Grand Hotel " wika nito. Nag-alangan naman s'ya at sumilip sa loob noong binuksan nito ang passenger seat. Nakahinga s'ya ng maluwag noong wala sa loob si Demetri." Nasa Grand Hotel na po si sir Demetri " pansin nito noong parang may hinahanap s'ya sa loob." Akala ko kasi naririto na naman s'ya " tugon n'ya sa drive