로그인Tungkulin ni Celine Rodriguez na magligtas ng buhay. Bilang isang doktor, naniniwala siyang bawat buhay ay mahalaga at walang sinuman ang may karapatang kumitil nito. Ngunit paano kung ang lalaking nakatakdang magpabago sa kaniyang mundo ay isang taong kabaligtaran ng lahat ng pinaniniwalaan niya? Si Dominico Alfonso ay isang kilalang lider ng sindikato—makapangyarihan, walang awa, at walang kinatatakutan. Sa mundong ginagalawan niya, ang awa ay kahinaan at ang pagpatay ay bahagi ng kaniyang pang-araw-araw na buhay. Walang taong kayang sumuway sa kaniyang mga utos. Hanggang sa isang hindi inaasahang aksidente ang magtatagpo sa kanilang landas. Sa una, inakala ni Celine na isa lamang mayabang at aroganteng lalaki si Dominico. Ngunit nang malaman niyang may nagtangkang manira sa preno ng kaniyang sasakyan, unti-unti siyang nasangkot sa mapanganib na mundo ni Dominico. Mga banta, pagdurukot, pagtataksil at mga lihim tungkol sa kaniyang pagkatao ang sunod-sunod na susubok sa kaniyang buhay. At habang pilit niyang iniiwasan si Dominico, lalo naman itong nagiging bahagi ng kaniyang mundo. Sa kabila ng magkaibang paninindigan, unti-unting nahuhulog ang isang doktor sa isang lider ng sindikato. Ngunit paano kung ang pag-ibig na kanilang natagpuan ay may kapalit na kasalanang hindi kayang patawarin? Paano kung dumating ang araw na kailangan pumili ni Celine sa pagitan ng kaniyang sinumpaang tungkulin at ng lalaking minamahal niya? At paano kung si Dominico mismo ang maging dahilan upang labagin niya ang lahat ng kaniyang pinaniniwalaan? Magkaibang mundo. Magkaibang hangarin. Dalawang pusong pinagtagpo ng tadhana. Sa mundong puno ng dugo, panganib at pagtataksil, ano ang mananaig? Tungkulin o Pag-ibig?
더 보기POV: Celine
Hindi ko kailanman inaasahan na ang isang simpleng araw na papauwi na ako ay magiging simula ng isang komplikadong kuwento ng buhay ko. Ako si Celine Rodriguez, tatlumpu't limang taong gulang at isang palaban na doktora. "BOOOOOOGSH!" Nagulat ako sa lakas na yumanig sa harapang bahagi ng sasakyan ko. At napahawak ako nang mahigpit sa manibela. Tumilapon ang cellphone ko sa upuan ng pasahero habang ang mga gamit ko ay nagkalat sa loob ng sasakyan. Ilang segundo akong natigilan bago ko napagtantong nabangga ako. At ang mas nakakainis? Isang mamahaling itim na sasakyan ang nasa harapan ko. Napatingin ako sa bahagyang yupi nitong harapang bahagi. Halatang hindi maliit ang naging banggaan namin. "Napakagaling naman!" inis kong bulong. Mabilis kong kinuha ang aking bag at bumaba ng sasakyan. Hindi ko alintana ang bahagyang sakit ng ulo ko. Ang una kong ginawa ay puntahan ang kabilang sasakyan. Bumukas ang p***o nito. Isang lalaking nakasuot ng itim na polo ang bumaba. Matangkad, malapad ang balikat at may mukhang tila hindi sanay na pinaghihintay o sinisigawan. Dalawang segundo ko siyang tinitigan. Gwapo. At mukhang nasa mid 30's na sya. Iyon ang unang pumasok sa isip ko. Pero agad kong itinaboy ang kaisipang iyon. Hindi dahilan ang pagiging gwapo para hindi siya managot sa ginawa niya! "Ikaw ba ang nagmamaneho niyan?" matalim kong tanong. Tiningnan niya ang sasakyan ko bago ako binalingan. "Malinaw namang ako." "Kung ganoon, alam mo bang may preno ang sasakyan?" Bahagyang umangat ang isang kilay niya. "Alam ko." "Eh, bakit hindi mo ginamit?" "Ikaw ang biglang lumiko." Napanganga ako. "Excuse me? Ako ang biglang lumiko?" "Oo, Ikaw!." "Hindi mo ba nakita ang ilaw ko? Naka-signal ako bago ako lumiko!" "At hindi mo ba nakita ang sasakyan kong paparating?" Napahawak ako sa noo. "Grabe! Ikaw na nga ang bumangga, ikaw pa ang may ganang makipagtalo!" Sa halip na magalit, bahagya lamang siyang ngumisi. "Palagi ka bang ganito makipag-usap sa mga hindi mo kilala?" "Kapag may nakabangga sa akin, oo!" Ilang sandali niya akong tinitigan. Para bang pinag-aaralan niya ang bawat ekspresyon ng mukha ko. "Matapang ka." "At ikaw, mayabang!" Napangiti siya. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko. "Alam mo ba kung sino ang kausap mo?" Napairap ako. "Sa totoo lang, wala akong pakialam. Ang alam ko lang, kailangan mong bayaran ang pinsala sa sasakyan ko." "Magkano?" "Ha?" "Magkano ang kailangan kong bayaran?" Napakurap ako. Hindi ko inaasahang ganoon kadali siyang papayag. "Depende sa magiging gastos sa pagpapagawa." Tumango siya at kinuha ang kanyang cellphone. "Sabihin mo sa tauhan ko ang halaga." Napakunot ang noo ko. "Sandali. Hindi mo ba kayang makipag-usap nang maayos nang hindi ka tumatawag ng ibang tao?" Napatingin siya sa akin. "May problema ba?" "Oo! Ang problema, ikaw ang nakabangga sa akin. Hindi mo kailangang umasta na parang lahat ng tao ay tauhan mo!" Saglit siyang natahimik. Pagkatapos ay tumawa siya nang mahina. "Interesante." "Ano'ng interesante?" "Wala pa akong nakikilalang babaeng gaya mo." "At wala rin akong nakikilalang lalaking gaya mo. Nakakainis!" Muli siyang ngumiti. Bago pa ako makapagsalita, bigla siyang napahawak sa tagiliran. Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo. "Nasaktan ka ba?" tanong ko. "Wala." "Sigurado ka?" "Oo." Ngunit nang bahagya siyang gumalaw, nakita kong may bahid ng dugo ang gilid ng kanyang damit. Agad akong lumapit. "Sandali. May sugat ka." Mabilis niyang hinawakan ang aking pulso. "Huwag kang makialam." Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. "Bitawan mo ako." Hindi siya agad kumilos. "Sinabi kong huwag kang makialam." "At sinabi ko ring bitawan mo ako!" Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya. "Doktor ka ba?" tanong niya. Napakunot ang noo ko. "Oo. Bakit?" Tiningnan niya ang bahid ng dugo sa kanyang damit. "Kung ganoon, huwag kang mag-alala. Hindi ako mamamatay dahil lamang sa maliit na sugat." "Oh, di bahala ka!" Hindi ko alam kung paano ko matitiis ang lalaking ito. Pagkatapos ay pumasok sya sa loob ng sasakyan nya at may kinuha. "Oh, ito ang tseke! Sapat na siguro yan para mabayaran ko ang pinsala diyan sa sasakyan mo." Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang halaga ng pera na nakalagay sa tseke. "250,000!", bulong ko sa sarili ko. At agad ko rin naalala na hindi man lang sya humingi ng pasensya sa nangyari. "Hoy! Hindi ka ba marunong humingi ng pasensya?" Dahan-dahang ibinaling ng lalaki ang tingin sa akin. "Anong gusto mong marinig?" "Pasensiya na." "Pasensiya na." Napakurap ako. Napakasimple. Napakadali. Pero bakit parang napilitan pa siyang sabihin iyon? "Masaya ka na?" Napasinghap ako. "Napakawalang-galang mo talaga!" Bahagya siyang ngumiti. "May iba ka pa bang kailangan?" "Oo! Sana matuto kang magmaneho nang maayos!" Hindi na siya sumagot. Sa halip, tumalikod siya at pumasok sa kanyang sasakyan. Naiwan akong nakatayo sa tabi ng sasakyan ko. "Napakayabang!" bulong ko. Ngunit bago pa ako makabalik sa loob ng sasakyan, bumaba muli ang bintana ng itim na kotse. "Doktora!" Napalingon ako. Nakatitig sya sa akin. "Ano na naman?" "Anong pangalan mo?" Napakunot ang noo ko. "Ha?" "Ang pangalan mo. Hindi mo pa sinasabi." Napairap ako. "Para saan? Para may mailagay ka sa listahan ng mga taong binabangga mo?" Bahagya siyang ngumiti. "Para maalala kita." "Celine Rodriguez." Ilang sandali niya akong tinitigan. "Celine Rodriguez," ulit niya. "Oo. At sana hindi na tayo magkita ulit!" Tuluyan nang umangat ang bintana ng sasakyan. Bago ito umalis, nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Napailing ako at bumalik sa sasakyan ko. Akala ko roon na magtatapos ang lahat. Isang aksidente. Isang mayabang na lalaki. At isang sasakyang kailangang ipaayos. Ngunit kinagabihan, habang nasa bahay ako at inaayos ang mga papeles na kailangan ko kinabukasan, biglang tumunog ang aking cellphone. Isang hindi kilalang numero. Hindi kilala: Magandang gabi, Doktora Celine. Napakunot ang noo ko. Sino naman ito? Ako: Sino ito? Agad na dumating ang sagot. Hindi kilala: Ang lalaking nakabangga sa iyo kanina. Napasinghap ako. Siya na naman! Napakunot ang noo ko. Hindi ko pa naipapadala ang mensahe ng bigla ulit syang nagpadala ng mensahe. Hindi kilala: Dominico Alfonso. Napahinto ako. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang pakiramdam ko nang mabasa ang pangalan niya. Ngunit bago pa ako makapag-isip, may isa pang mensaheng dumating. Dominico: May maliit tayong problema, Doktora. Hindi aksidente ang nangyari sa sasakyan mo kanina. Napatayo ako. Ano??? Ngunit bago pa ako makapagreply ay may panibagong mensahe mula sa kanya. Dominico: May nangialam sa preno ng sasakyan mo. At kung hindi ako ang nakabangga sa iyo kanina, baka hindi ka na nakauwi nang buhay. Nanghina ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot. Ang katotohanang muntik na akong mamatay… O ang katotohanang ang lalaking kinainisan ko buong araw ang maaaring naging dahilan kung bakit buhay pa ako. At sa huling mensaheng natanggap ko, tuluyan akong natigilan. Dominico: Bukas, magkita tayo. Marami kang kailangang malaman tungkol sa taong gustong pumatay sa iyo.POV: Celine “Kung ganoon, paano nangyari na pareho ang petsa ng ating kapanganakan?” tanong ko.“Hindi pa natin alam.”“Paano kung magkapatid nga tayo?”Nakita kong bahagyang tumigas ang kaniyang panga.“Celine, hindi tayo gagawa ng konklusyon batay lamang sa isang lumang dokumento.”“Pero paano kung totoo?”“Kung totoo, haharapin natin.”Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinabahan sa sagot niya. Hindi ko man lubos na kilala si Dominico, ayaw kong isipin na maaaring may ganoong ugnayan kami.“Gusto kong malaman ang lahat,” sabi ko.“Malalaman natin.”Makalipas ang ilang minuto, muling tumawag ang tauhan ni Dominico.“Boss, nakuha na namin ang orihinal na dokumento mula sa lumang imbakan.”“Ipadala mo rito.”“May isa pa po kaming natuklasan.”“Ano iyon?”“May pangalan pong binura sa kopyang nakita natin kanina. Pero sa orihinal na dokumento, malinaw pa ang nakasulat.”“Sabihin mo.”“Ang pangalan
POV: Celine “Si Marianne Alfonso ang tunay mong ina, Celine.”Hindi mawala sa isip ko ang mga salitang iyon. Para akong binagsakan ng napakabigat na bato. Ilang minuto na akong nakatitig sa lumang litrato habang mahigpit na hawak ang kamay ni Mama.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Galit? Lungkot? O pagtataka?Buong buhay ko, ang alam ko ay ako ang nag-iisang anak nina Mama at Papa. Sila ang nagpalaki sa akin, nag-aruga at nagmahal sa akin. Hindi ko kailanman naisip na may ibang babaeng nagsilang sa akin.“Ma, bakit hindi mo sinabi sa akin?” Nanginginig ang boses ko.“Patawarin mo ako, anak.”“Patawarin? Buong buhay ko, naniwala akong kayo ang tunay kong mga magulang!”“Minahal ka namin na parang tunay naming anak.”“Pero hindi ninyo sinabi ang totoo!”Napahagulgol si Mama. Gusto ko siyang yakapin, pero hindi ko alam kung kaya ko pa. Napakasakit malaman na may malaking bahagi ng buhay ko ang itinago sa akin.“Bakit ninyo a
POV: Celine“Kung gusto mong makita pang buhay ang ina mo, huwag kang magtiwala kay Dominico Alfonso.”“Celine.”Narinig ko ang boses ni Dominico, pero hindi ako sumagot.“Anong nakalagay sa mensahe?”Iniabot ko sa kanya ang cellphone.Binasa niya iyon at biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha.“May alam ka ba tungkol dito?” tanong ko.“Wala.”“Sigurado ka?”“Celine, kung may balak akong saktan ang pamilya mo, hindi ako mag-aaksaya ng oras para protektahan ka.”“Paano ko malalaman kung nagsasabi ka ng totoo?”Hindi siya agad sumagot. Sa halip, ibinalik niya ang cellphone ko.“Hindi mo kailangang magtiwala sa akin. Pero sa ngayon, kailangan mong sumama sa akin.”“Uuwi ako! Kailangan kong puntahan si Mama!”“Hindi ka makakauwi nang walang kasamang seguridad.”“Hindi mo ako mapipigilan!”Naglakad ako patungo sa pintuan, ngunit humarang siya sa dadaanan ko.“Makinig ka muna.”“Wala akong panahon para makinig sa
POV: Celine Hindi ko maalis ang tingin ko kay Dominico habang hawak niya ang cellphone sa tenga.“Ulitin mo ang sinabi mo,” malamig niyang utos sa kausap.“Boss, sigurado kami. May nakita kaming lumang litrato ni Miss Celine sa gamit ng suspek. May kasama pa itong isang pirasong papel na may pangalan niya.”Napahawak ako sa dibdib.Pangalan ko?Bakit may litrato ako noong bata pa ako sa gamit ng isang lalaking hindi ko naman kilala?“Nasaan ang litrato?” tanong ni Dominico.“Nasa amin po. Nasa lumang sobre kasama ng iba pang dokumento.”“Walang gagalaw sa mga iyan. Papunta na ako.”Pinatay niya ang tawag at ibinalik ang cellphone sa bulsa.“Ano'ng ibig sabihin no'n?” tanong ko.“Malalaman natin kapag nakita na natin ang mga dokumento.”“Dominico, hindi ako makapaghihintay nang walang nalalaman. Bakit may litrato ako sa gamit ng taong nagtangkang pumatay sa akin?”Tinitigan niya ako.“Hindi ko pa alam.”“Pero may hinala






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.