Share

Chapter 128

Author: ElizaMarie
last update Last Updated: 2025-05-26 20:07:18

Tahimik pa rin silang nakaupo ni Rafael sa tabi ng bonfire, pero may kakaibang init na ang bumabalot sa pagitan nila. Hindi na ito init ng apoy—kundi ng damdaming matagal nang nakatago at ngayo’y unti-unting lumilitaw sa ibabaw.

Humangin ng banayad. Kumaluskos ang mga dahon sa paligid. Napasinghap si Bella, bahagyang nanginig sa lamig.

Nakita iyon ni Rafael. Dahan-dahan siyang lumapit, at kahit may kaba sa bawat kilos, tinanong niya sa mahinang boses, “Pwede ba kitang yakapin?”

Hindi agad sumagot si Bella. Tumingin muna siya sa apoy, saka dahan-dahang sumandal sa dibdib ni Rafael—walang salita, pero sapat na ang kilos para sumagot ng “oo.” Dahan-dahan naman na yumakap si Rafael. Mahigpit. Parang ayaw ng pakawalan.

Sa unang pagkakataon matapos ang mga taon ng pananahimik, nagtagpo ang kanilang puso sa simpleng yakap—hindi marahas, hindi padalos-dalos, kundi puno ng pang-unawa, at pagnanais na ayusin ang lahat ng nawasak.

Bumulong si Rafael sa buhok ni Bella. “Na-miss kita. Araw-araw.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
konting konti nalang balik na sa kayo na buo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Principal's Affair    Chapter 131

    Tila kay bilis nga ng pag-ikot ng mundo. Parang kahapon lang nang mangyari ang eksena sa mall—na para bang isang himalang tinahi ng tadhana. Ngunit ngayon, sa araw na ito, mas masigla, mas makulay, at mas ramdam ang saya sa paligid. Dumating na ang party para kay Natnat.Isang maliit ngunit eleganteng handaan ang inihanda ni Amieties sa malaking garden ng bahay nila Rafael. May mga palamuti ng pastel pink at lavender na tila sumasayaw sa hangin. Sa gitna ng hardin ay may inflatable castle na hindi halos mawalan ng bata. Ang mga lobo ay parang ulap sa paligid, at may isang malaking tarpaulin sa may bandang entablado na may nakasulat: “Happy Birthday, Princess Natnat!”Isa-isang dumarating ang mga bisita—mga kaibigan ni Bella, ang kanyang mga co-teachers na may kasamang anak, pati ang mga business partner ni Rafael na bihis na bihis at may dala pang mga regalo. Naroon si Vincent, kasama si Erica na masigla at nagkukuwento sa isang grupo. Hindi rin nagpa-huli si Noah, na tahimik lang sa

  • The Principal's Affair    Chapter 130

    “Ma? Anong ginagawa n’yo dito?” tanong ni Rafael habang bahagyang sumikip ang dibdib niya, isang halong gulat at kaba ang bumalot sa boses niya.Nasa gitna pa rin nila si Natnat, bitbit ang kahon ng bagong Barbie doll, habang si Bella ay nananatiling tahimik sa kanyang kinatatayuan—kalmado sa panlabas, pero ang puso’y tila may tambol na walang humpay sa loob.Saglit na katahimikan. Sapat para maramdaman ang bigat ng tensyon sa paligid. Hanggang sa tumugon si Amieties, nakatingin lamang kay Natnat, hindi kay Rafael.“Narito lang kami upang mamasyal, anak… pero hindi ko inaasahan na dito rin namin kayo makikita.” Bahagyang nanginginig ang boses niya, hindi sa galit kundi sa damdaming matagal nang kinikimkim.At sa unang pagkakataon, tumitig siya ng diretso sa bata.“Rafael… siya na ba ang iyong anak?” tanong niya, mababa at maingat ang boses, tila takot masira ang isang napakagandang panaginip.Hindi agad nakapagsalita si Bella. Nanginginig ang palad niyang hawak ang strap ng shoulder b

  • The Principal's Affair    Chapter 129

    Pagdating ng SUV sa harap ng main gate ng paaralan, agad bumaba si Rafael at tinulungan si Natnat na buhatin ang maliit niyang backpack na may design ng mga bituin at unicorn. Nakalugay ang buhok ni Bella, bitbit ang laptop at lesson plan folder, habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid.Marami nang estudyanteng naglalakad sa pathway. Ilan sa mga guro ay naroon na rin, may bumabati, may nakatingin lang. Hindi maiiwasang may mga matang mausisa. At bagamat tahimik si Bella, hindi maitatago sa mga mata niyang may alinlangan pa rin—ngunit pilit isinusubside ng ngiti.Si Erica ang unang bumaba sa sasakyan ng huminto ito. Tila ba siya ang pinaka-kampante sa kanilang tatlo.“Bes, mauna na ako ha. Baka abutan pa ako ni Ma’am Rowena sa attendance log,” sabi niya habang inilalagay sa balikat ang bag. Saka siya yumuko at hinalikan sa pisngi si Natnat. “Good girl ka sa class natin, ha? I’ll see you inside.”“Okay po, Tita Erica!” tugon ni Natnat na parang may bitbit pang saya mula kagabi.Tuma

  • The Principal's Affair    Chapter 128

    Tahimik pa rin silang nakaupo ni Rafael sa tabi ng bonfire, pero may kakaibang init na ang bumabalot sa pagitan nila. Hindi na ito init ng apoy—kundi ng damdaming matagal nang nakatago at ngayo’y unti-unting lumilitaw sa ibabaw.Humangin ng banayad. Kumaluskos ang mga dahon sa paligid. Napasinghap si Bella, bahagyang nanginig sa lamig.Nakita iyon ni Rafael. Dahan-dahan siyang lumapit, at kahit may kaba sa bawat kilos, tinanong niya sa mahinang boses, “Pwede ba kitang yakapin?”Hindi agad sumagot si Bella. Tumingin muna siya sa apoy, saka dahan-dahang sumandal sa dibdib ni Rafael—walang salita, pero sapat na ang kilos para sumagot ng “oo.” Dahan-dahan naman na yumakap si Rafael. Mahigpit. Parang ayaw ng pakawalan.Sa unang pagkakataon matapos ang mga taon ng pananahimik, nagtagpo ang kanilang puso sa simpleng yakap—hindi marahas, hindi padalos-dalos, kundi puno ng pang-unawa, at pagnanais na ayusin ang lahat ng nawasak.Bumulong si Rafael sa buhok ni Bella. “Na-miss kita. Araw-araw.”

  • The Principal's Affair    Chapter 127

    Sa malamlam na ilaw ng kusina, habang ang hangin mula sa bukas na bintana ay bahagyang pinapasok ang gabi, dahan-dahang uminom ng malamig na tubig si Bella mula sa baso. Pero kahit malamig ang tubig, hindi iyon sapat para tabunan ang bigat ng kaba sa kanyang dibdib. Tila may hinahabol ang kanyang isip—mga alaala, mga pangamba, at mga tanong na kahit ilang beses niya nang tinanong sa sarili ay hindi pa rin niya masagot.Nakatulala siya, hawak pa rin ang baso, nang biglang sumulpot si Erica sa likod niya. Suot nito ang maluwag na puting t-shirt at pajama, nakapusod ang buhok, at may dalang mangkok ng chichirya sa kamay.“Hoy,” sabay pitik sa balikat ni Bella, “Ano ba, bat tulala ka diyan? Parang naubusan ka ng buhay. Di ka ba sasama sa larong ‘mag-ama mo’ sa labas? Ang cute nila kaya tingnan, parang commercial ng laundry soap.”Napakunot ang noo ni Bella, pero hindi siya sumagot agad. Itinabi niya ang baso at napasandal sa lababo. Dahan-dahang lumingon siya kay Erica.“Erics… natatakot

  • The Principal's Affair    Chapter 126

    Tahimik pa rin ang paligid. Tanging ang mahinang instrumental na musika mula sa speaker ng restaurant ang naririnig, ngunit para kay Bella, tila walang ibang tunog kundi ang mabilis at mabigat na tibok ng puso niya.Unti-unting tumayo si Rafael mula sa upuan, lumapit sa kanya. Dahan-dahan, inilapat niya ang hinalalaki sa pisngi ni Bella, marahang pinapawi ang luhang patuloy na dumadaloy. Sa likod ng mapanatag na kilos ay ang pusong wasak—isang pusong sugatan pero handang magmahal muli."Bella," bulong niya, halos walang tunog pero puno ng damdamin. "Please stop crying. Hindi na natin kayang ibalik ang nakaraan… pero kaya nating buuin ang ngayon, kung papayag ka. At wag kang matakot nandito ako kaya ko kayong ipaglaban."Hindi agad nakakibo si Bella. Hanggang sa maramdaman niya ang bisig ni Rafael sa kanyang likod—mahigpit, mainit, at totoo. Napaakap na rin siya. Sa unang sandali, may alinlangan pa, pero sa kasunod na segundo, buo ang yakap. Parang buong taon niyang pinigilan ang pagy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status