Share

Chapter 17

Author: ElizaMarie
last update Last Updated: 2025-03-21 20:15:01

Nang makalabas ito, saka pa lang nakahinga nang maluwag si Bella. Lumingon siya kay Adrian at sa batang babae.

"Okay ka lang?" tanong niya.

Ngumiti nang bahagya si Adrian, ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata. "Oo. Pero ang tanong... siya kaya, okay lang?" sabay haplos sa buhok ng bata.

Nagkatinginan sila ni Bella, parehong iniisip ang iisang bagay—hindi na nila hahayaang maranasan ng batang ito ang pakiramdam ng pagiging nag-iisa.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pamilya nila, minabuti ni Bella na umuwi na rin. Tahimik siyang nakaupo sa likod ng sasakyan habang ang kanyang ama ang nagmamaneho pauwi. Wala siyang imik di na rin niya pinapansin ang pag uusap ng kanyang ina at ama.

Buong magdamag, hindi siya makatulog. Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga pangyayari ang gulong nangyari sa pamilya ni Adrian, ang masalimuot na relasyon nilang lahat, at higit sa lahat, ang kawalan ng kasiguraduhan sa hinaharap niya.

At doon niya naisip hindi siya maaaring manatiling gani
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
crist
sana mahanap mo na ana ang sagot
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
naghahanapsn kayo dalawa pero nagkaharap na
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Principal's Affair    Chapter 18

    Nanigas siya sa kinatatayuan.Dahan-dahan siyang humarap.Halos lumakas ang pintig ng puso ni Bella habang dahan-dahan siyang lumingon upang harapin ang may-ari ng boses na tumawag sa kanya.‘Ito na ba? Siya na ba ang lalaki na hinahanap niya?’Sa harapan niya, isang matangkad na lalaki ang nakatayo, nakasuot ng dark blue na polo at may matalim na titig na nakatutok sa kanya. Hindi niya ito kilala—o iyon ang akala niya.Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nila. Halos naririnig niya ang mahinang tugtog ng musika sa paligid, pero parang lumabo ang lahat sa pandinig niya.Maya-maya, inilabas ng lalaki ang isang bagay mula sa loob ng kanyang coat. Isang kwentas—isang pamilyar na kwentas.Nanlaki ang mga mata ni Bella."Hinahanap mo ba ito?"Dumagundong ang kanyang puso. Hindi maaring magkamali.Ang kwentas na iyon...Sa kanya iyon.At iyon ang iniwan niya noong gabing iyon.Napalunok siya, hindi alam kung paano magrereaksyon."P-Paano mo nakuha 'yan?" halos pabulong niyang tanong.Muling

    Last Updated : 2025-03-21
  • The Principal's Affair    Chapter 19

    Hindi makapaniwala si Bella sa nakita. Nanatili siyang nakatayo, hindi makagalaw, habang nakatingin sa lalaking ngayon ay nasa harapan niya. Hindi niya inasahan ito. Hindi niya inaasahan na siya ang lalaking darating.“S-Sir?” tila pabulong na sabi niya, hindi makapaniwala.Walang iba kundi si Rafael Luis Grafton.Ang kanyang PRINCIPAL.Para bang biglang nagkulang ang hangin sa loob ng silid. Napalunok siya, pilit na inuunawang mabuti ang nangyayari.“Bakit…?” Napakaliit ng boses niya, halos hindi niya nakilala ang sarili.Tiningnan siya ni Rafael nang diretso, ang matatalas nitong mata ay parang pilit siyang binabasa. May bahagyang kunot sa noo nito, ngunit may kakaibang lamig sa ekspresyon ng mukha."Ikaw pala," malamig na sabi nito, tila hindi nagugulat sa kanyang presensya. Parang inaasahan siya nito.Mas lalong naguluhan si Bella. Bakit ganito ang tono nito? Bakit parang… may alam ito na hindi niya alam?Lumingon siya sa detective, nagbabakasakaling mali lang ang iniisip niya. Ba

    Last Updated : 2025-03-22
  • The Principal's Affair    Chapter 20

    Tahimik ang buong paligid habang naglalakad sila papasok sa isang mamahaling restaurant. Halos mapaatras si Bella nang makita kung gaano ito ka-elegante—mula sa marble flooring, magagandang chandelier, hanggang sa mahihinang classical music na tumutugtog sa background.Ngunit ang mas kinabahala niya ay ang reaksyon ng mga staff nang makita si Rafael."Good evening, Sir Grafton," agad na bati ng isang manager, na tila alerto sa presensya ng kanyang principal. "Your usual private table is ready."Nagtaas siya ng tingin kay Rafael, na tila walang pakialam at deretsong lumakad papunta sa loob. Ganun ba siya ka kilala rito?Lihim siyang napalunok nang dalhin sila sa isang table na nasa ipinagkaloob—isang sulok kung saan walang ibang makakarinig sa kanila. May kaunting privacy ngunit hindi naman siya nakakulong.Naupo si Rafael sa upuang nakaharap sa kanya, saka sumandal nang bahagya. Naka-cross ang mga braso nito sa dibdib, at kitang-kita sa ekspresyon ng mukha nito ang lamig at pagsusuri.

    Last Updated : 2025-03-22
  • The Principal's Affair    Chapter 21

    "Kailan mo pa ito inihanda?" mahina niyang tanong. Bahagyang ngumiti si Rafael, pero walang saya sa mga mata nito. "Noong umagang nagising akong wala ka na sa tabi ko." Napasinghap siya. Ibig sabihin, simula pa lang noon, inisip na ni Rafael na may posibilidad na magkita ulit sila—at pinaghandaan na nito ang lahat. "Hindi mo man lang ako tinanong kung ano ang gusto ko?" may bahagyang panginginig sa boses niya. Bahagyang bumaba ang tingin ni Rafael sa kanyang tiyan bago bumalik sa mga mata niya. "At ikaw? Tinakasan mo ako nang hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko." Hindi siya nakaimik. "Huwag mong isipin na wala akong pakialam, Bella. Hindi ako ang tipo ng lalaking iiwas sa responsibilidad. Pero ikaw, ikaw ang umalis. At ngayon, gusto kong siguraduhin na hindi mo magagawa ulit iyon." Tumikhim siya at muling tinignan ang kontrata. "Nakasaad dito na hindi ko pwedeng ilihim sa'yo ang bata. Na kailangan nating pareho siyang palakihin." Tumango si Rafael. "Oo. Gusto kon

    Last Updated : 2025-03-23
  • The Principal's Affair    Chapter 22

    Isa na namang Grafton ang dumating.Napapitlag si Bella sa malalim na boses na biglang sumingit sa pagitan nila. Mabilis niyang itinaas ang tingin sa bagong dating na lalaki matangkad, makisig, at may presensya na kasing bigat ng kay Rafael. Halos magkapareho ang kanilang tindig, ngunit may kakaibang kapilyuhan sa mga mata ng lalaki, tila ba nasisiyahan ito sa tensyon sa pagitan nila."Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo, Rafael," anang lalaki habang marahang tinatapik ang balikat ng kanyang kapatid.Kapatid.Doon lang napagtanto ni Bella kung sino ito—si Kian Grafton, isa sa mga kapatid ni Rafael.Nagtagis ang bagang ni Rafael bago tumingin sa kapatid. "Wala kang pakialam, Kian. May pinag-uusapan kami."Bahagyang tumawa si Kian at umiling. "Relax, bro. Napadaan lang ako. Pero mukhang interesting ang usapan niyo..." Bumaling ito kay Bella, na biglang nanigas sa kinauupuan. "...At mukhang interesting din ang kasama mo."Napahigpit ang hawak ni Bella sa kanyang palad, pero nagulat s

    Last Updated : 2025-03-24
  • The Principal's Affair    Chapter 23

    Pagkatapos ng kanilang ‘meeting,’ umuwi na rin siya sa wakas. Pagod ang kanyang katawan, pero higit pa roon, magulo ang kanyang isipan. Hindi ko inaasahan na sa unang araw pa lang ng paghahanap ko sa kanya, ay makikita ko na agad siya.Ngunit higit na mas nagpapabigat sa kanyang loob ang tanong na bumabagabag sa kanya. Ano ang plano ni Rafael? Ano ang sasabihin ko sa pamilya ko? Paano ko ipapaliwanag ang lahat ng ito?Ayon kay Rafael, hanggang sa manganak siya, dapat siyang manatili sa puder nito. Pero paano ko ipapaliwanag iyon sa kanila? Sa kakaisip, hindi na niya namalayan na nakatulog na siya.Nagising na lang siya nang maramdaman ang marahang pagyugyog sa kanyang balikat."Ate, ate, gising ka nga. May bisita ka sa baba. Hinahanap ka," anang tinig ng kanyang nakababatang kapatid.Napamulagat siya. Bisita?"Sino daw?" tanong niya habang pinipilit bumangon."Principal niyo raw po,” sagot nito.Nanlaki ang mga mata ni Bella."Ano?!"Mabilis siyang bumangon, kinuha ang tuwalya, at hal

    Last Updated : 2025-03-24
  • The Principal's Affair    Chapter 24

    Kakatapos lang ni Bella sa banyo, basa pa ang kanyang buhok habang tinutuyo ito ng tuwalya. Pakiramdam niya ay kahit malamig ang tubig na bumuhos sa kanya kanina, hindi pa rin nawawala ang init ng kanyang pisngi. Awkward. Sobrang awkward. Habang tinatahak niya ang daan papunta sa kwarto, narinig niya ang mababang boses ng kanyang ama at ni Rafael mula sa sala. Napahinto siya. "Hindi naman magiging problema 'yon," narinig niyang sabi ng kanyang ama. "Basta malinaw ang plano mo." "Hindi ko hinayaang maging malabo ang kahit na anong bagay, Mr. Zamora," sagot ni Rafael sa malamig at tiyak na tono. Napakunot ang noo ni Bella. Ano na naman itong pinag-uusapan nila? "Bella," tawag ng kanyang ama, dahilan upang mapatingin siya sa dalawa. "Halika muna rito sandali." Napakagat siya sa labi at naglakad papalapit. Doon niya napansin ang maingat ngunit matigas na ekspresyon ni Rafael—tila ba hindi ito sanay makipag-usap ng may pagpapaliwanag. Si Rafael ang unang nagsalita. "Kailangan kong h

    Last Updated : 2025-03-25
  • The Principal's Affair    Chapter 25

    Nakatayo pa rin si Bella sa gilid ng sasakyan, hindi makagalaw. Hindi pa rin niya matanggap ang narinig niya kanina. Bahay daw ‘to ni Rafael? Hindi. Hindi siya makapaniwala. Seryoso ba ‘to? Hindi ba siya tinutukso lang? Pero sa itsura ni Rafael, parang hindi naman ito nagbibiro. Napatingin siyang muli sa napakalaking bahay sa harapan niya. Kung mansion lang ang pag-uusapan, ito na siguro ang pinakamarangyang bahay na nakita niya sa buong buhay niya. Mas malaki pa ito sa eskwelahan nila, at mukhang mas mamahalin pa ang tiles kaysa sa sahig ng bahay nila. Lumingon siya sa gawi ni Rafael na kalmado lang na nakatayo malapit sa pintuan. Wala itong kahit anong bahid ng excitement o kung anong emosyon. Para bang wala lang ito sa kanya. Pero sa isip ni Bella, ‘Ano ba ‘to?! Hindi man lang ako na-prepare emotionally!’ Huminga siya ng malalim, saka pumikit ng mariin. ‘Okay. Relax lang. Hindi ka naman kakainin ng bahay na ‘to.’ Tumingin siyang muli kay Rafael, nagpipigil ng iritasyon. "Hoy.

    Last Updated : 2025-03-25

Latest chapter

  • The Principal's Affair    Chapter 109

    Habang nasa parking area na sila, tahimik lang si Bella. Saktong binubuksan na ni Erica ang pinto ng sasakyan nang may marinig silang pamilyar na tinig mula sa likuran.“Isabella.”Napalingon agad si Bella. At nang makita kung sino, saglit siyang hindi nakakapagsalita.“Sir Grafton,” tugon niya, pormal at may ngiting walang damdamin. “Magandang gabi po.”“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Rafael, malamig ang boses pero halatang may tinatagong init sa dibdib.Tahimik lang si Erica, pero halata sa kanyang postura na hindi siya aalis hangga’t walang kasiguruhan. Ngunit ng magtagpo ang mata nila ni Rafael, nakabasa agad siya ng senyales—isang tahimik na pakiusap. Tumango si Erica at lumakad palayo, pero lumingon-lingon pa rin, sinisigurong okay si Bella.Nang makalayo na si Erica, muling nagsalita si Rafael.“Tungkol sa atin, Isabella.”Biglang napawi ang ngiti ni Bella. Hindi niya alam kung anong mas masakit—ang tawagin siyang Isabella o ang marinig muli ang salitang atin.“Wala na ta

  • The Principal's Affair    Chapter 108

    Naglakad ang lalaking nakasuot ng puting long sleeves paakyat sa maliit na entablado. May tikas ang bawat hakbang. Maka tindig-balahibo. Para bang alam niyang lahat ng mata ay nakatutok sa kanya, pero hindi siya nagpaapekto. Sa halip, ang kanyang ngiti ay kalmado—mapagkumbaba pero may halong kumpiyansa. Isang ngiting alam mong may karanasan at lalim.Si Bella, kahit pa kasabay ng mga palakpak, ay tila nabingi sa lahat. Parang bumagal ang paligid. Parang may humigop sa hangin sa paligid niya. Napako siya sa kinauupuan. Hindi siya makapaniwala sa kung sino ang nakikita niya.“Magandang gabi po sa inyong lahat,” saad ng lalaki mula sa mikropono, magalang at banayad ang boses. “Ako po ang inyong magiging bagong principal dito sa Sampaguita Elementary School. Rafael Luis Grafton. Masaya po akong maging parte ng inyong paaralan.”Parang gumuho ang katahimikan sa dibdib ni Bella. Si Erica naman na kanina pa kinikilig sa mga palipad-hangin, biglang napalingon kay Bella."Uy... Bella? Okay ka

  • The Principal's Affair    Chapter 107

    Pagkapasok nila sa venue, agad silang tinuro ng isang usher patungo sa isang mesa na malapit sa harapan. Hindi niya inaasahan na sa dami ng guro sa eskwelahan, ay sa pinakaharap sila mailalagay—na para bang nakatakda silang makita ang lahat ng mangyayari sa gabing iyon, walang lusot."Good evening Ma’am Bella and Ma’am Erica!" bati ng isa sa kanilang co-teacher—si Ma'am May, ang masayahing adviser ng Grade 4."Good evening din po, Ma’am May," sagot ni Bella sabay ngiti, pilit na inaayos ang suot niyang blouse. Si Erica naman ay kumaway din sabay sabing, "Ay buti nalang umabot tayo.""Oo nga! Buti hindi pa nagsisimula. Akala ko nga late na kayo, e.""Anong oras daw magsisimula?" tanong ni Bella habang binubuksan ang maliit niyang pouch bag, kunwari’y busy para mapawi ang kaba."Eight daw, sabi sa group chat, pero hinihintay pa yata ‘yung bagong principal. First appearance niya daw ‘to.""Ah, ganun ba… sige, salamat Ma’am May," tipid na sagot ni Bella habang tinapik ang mesa nang maraha

  • The Principal's Affair    Chapter 106

    Dumating na ang araw ng pa-farewell party ni Ma’am Risa. Parang kailan lang, pero ang bilis talaga ng takbo ng panahon sa buhay ni Bella. Akala niya tahimik lang ang buhay sa probinsya, pero ngayon ay tila may paparating na panibagong yugto, at hindi pa niya alam kung anong klaseng pagbabago ang dala nito.Sabado ng hapon. Ang sikat ng araw ay tila humihikab na sa likod ng mga ulap. Sa loob ng bahay ni Bella, abala siya sa harap ng salamin habang inaayos ang kanyang buhok—simple lang ang ayos niya, pero may konting lipstick at konting pulbos, sapat lang para magmukhang presentable sa gabing iyon.Sa dining table, nakalatag ang mga pagkaing ilalagay niya sa food tray—pansit, lumpia, at konting dessert. Mahilig talaga si Bella sa ganitong simpleng handa, pero classy pa rin sa dating.“Erica, pakitignan nga kung okay na ‘yung pinadala ko sa tray?” sigaw niya mula sa kwarto.“On it, madam!” sagot ni Erica habang nag-aayos din ng kanyang long blouse na bagay sa kanyang maong na jeans.Pagl

  • The Principal's Affair    Chapter 105

    Mabilis ang pagtakbo ng mga buwan sa Sampaguita Elementary School. Mag-iisang taon na rin si Bella bilang guro sa kindergarten at masasabi niyang medyo nasasanay na rin siya sa agos ng buhay—sa lesson plans, sa kantahan tuwing circle time, at sa likot ng mga batang palaging may tanong at kwento.“Teacher Bella! Teacher Bella!” sigaw ng isang batang lumapit habang hawak-hawak ang kanyang gawaing papel.Ngumiti si Bella at tinanggap ito. “Wow, ang galing mo naman. Very good ka dito ha.”Nagpatuloy ang klase ng buong umaga na puno ng sayawan, tawa, at konting iyakan. Pero kahit may pagod, hindi na siya tulad noon—sanay na siya sa pagdadala ng mga bata, at alam na rin niya kung kailan tatahimik at kailan magpapalipad ng papel na eroplano.Nang tumunog na ang bell ng dismissal, isa-isa nang nagsilabasan ang mga bata, sumasabay sa hiyawan ng bell na parang musika sa hapon. Si Natnat, na half-day lang ang klase, ay kanina pa naglalaro sa playground—tumatawa habang nagpapaikot sa maliit na sl

  • The Principal's Affair    Chapter 104

    Matapos ang tanghalian, inayos ni Bella ang mga pinggan habang si Erica naman ay nagpaalam na babalik na sa kanyang klase. Ngunit si Natnat ay hindi na sumunod, dahil halfday lang ang pasok niya. Tulad ng mga nakaraang taon, dito na siya sa silid ni Bella tumatambay tuwing hapon. At kahit hindi siya opisyal na estudyante ng kanyang mama, si Natnat ay palaging nakikihalubilo sa mga bata. Tumutulong magbura ng pisara, sumasagot sa mga tanong, at minsan pa nga ay siya ang tagapagpakilala ng "word of the day." Parang isa na rin siyang batang guro sa murang edad. Habang muling humarap si Bella sa klase niya, naroon si Natnat sa isang sulok, tahimik na nagsusulat sa kanyang notebook habang pinapanood si Bella magsimula muli ng lesson. Tila ba bawat kilos ng kanyang ina ay nagsisilbing inspirasyon sa kanya—sa isip ni Natnat, ang pagiging guro ay hindi lang trabaho, ito ay isang pangarap na sinusuot araw-araw, gaya ng kanyang maliit na uniporme. Sige, Kai! Heto na ang kasunod na eksena sa

  • The Principal's Affair    Chapter 103

    Maliwanag ang classroom, sinalubong ng liwanag ng araw mula sa mga bintana na binuksan niya kanina. Sumayaw sa hangin ang mga makukulay na banderitas na siya mismo ang naggupit at nagdikit isang linggo bago magsimula ang pasukan. Isa-isang pumasok ang mga bata, may ilan ay may bitbit na bagong bag, ang iba’y parang ayaw bitawan ang kamay ng kanilang mga magulang. Mayroong tahimik na umuupo, may ilang umiiyak, at meron ding masiglang nagkukuwento na para bang hindi ngayon lang muling nakakita ng kalaro. Mula sa gilid ng silid, nakatayo si Bella, pinagmamasdan ang bawat bata na tila ba kilala na agad niya kahit wala pang pormal na pagpapakilala.“Mabuhay, mga bata! Ako si Teacher Bella,” ngumiti siya habang pinupunasan ang pisara. “Excited na ba kayong mag-aral?”May ilang sumagot ng “Opo!” habang ang iba ay tumango lang. Ngunit kahit pa hindi sabay-sabay ang kanilang sigla, ramdam ni Bella na ito ang tahanan niya—ito ang silid kung saan siya may misyon.“Alam niyo ba,” panimula ni Be

  • The Principal's Affair    Chapter 102

    years Later. "Nat-nat! Anak! Bilisan mo na diyan, ha? Naghihintay na si Ninang Erica mo sa baba, baka maiwanan pa tayo—sige ka, magta-tricycle tayo papuntang school!" malambing ngunit may halong pagmamadali ang sigaw ni Bella mula sa sala habang inaayos ang huling gamit sa kanyang malaking tote bag.Ika-5 ng Hunyo. Unang araw ng klase. Ngunit higit pa sa unang araw ng pasukan ang pakiramdam ni Bella ngayon—ito rin ang unang araw na sabay na silang papasok ng anak niyang si Nathalie Addison sa iisang paaralan.Hindi pa rin siya makapaniwala kung paano lumipas ang anim na taon. Parang kahapon lang na nasa sinapupunan pa niya ang kanyang anak.Ngayon, heto na si Nathalie, anim na taong gulang na, matalino, makulit, at higit sa lahat, sobrang bait. Isang batang punong-puno ng enerhiya, ngiti, at kabighanian—parang sinag ng araw sa gitna ng lahat ng pinagdaanan niya."Yes po, Mama! Coming na po! Naglalagay pa ako ng notebook ko sa bag ko!" sigaw pabalik ng bata mula sa itaas, habang patak

  • The Principal's Affair    Chapter 101

    Sa isang maluwag at pribadong opisina sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, tahimik na naglalaro ang liwanag ng lampshade sa ibabaw ng mamahaling desk ni Albert Grafton. Nasa harap niya ang brown envelope na naglalaman ng mga larawan—larawan ng isang sanggol, maputla, tila natulog at hindi na magigising, isang mukha ng pagkawala, isang simbolo ng kasinungalingan na kanyang pinlano ng maingat. Naglagay siya ng brandy sa kristal na baso at naupo sa upuan na tila trono, habang tinitigan ang larawan sa ibabaw ng mesa na para bang isang tropeyo ng matagumpay na panlilinlang. Pumasok si Kian, suot ang karaniwang polo ngunit bakas sa anyo nito ang hindi maipinta ang kabiguan—hindi dahil sa ginawa nila, kundi dahil sa tila lalong lumulubog ang kapatid nilang si Rafael sa sarili nitong bangungot. “Magaling ang mga nakuha mong larawan,” sambit ni Albert, malamig ang boses habang pinipihit ang baso ng brandy sa kanyang kamay. “Parang totoo talaga. Kahit ako, napaniwala.” Ngumiti si Kian,

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status