Share

Chapter 36

Author: ElizaMarie
last update Last Updated: 2025-03-31 16:41:19

Parang tinik na bumara sa lalamunan ni Bella ang narinig. Hindi niya alam kung dapat ba siyang sumagot o manahimik na lang.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako galit," dugtong ng ginang na tila nabasa ang iniisip niya. "Nagulat lang ako. Alam mo namang hindi sanay ang anak ko sa ganitong bagay, hindi ba?"

Napayuko si Bella at marahang tumango. Oo nga po, hindi ko rin po alam paano nangyari ‘to! sigaw niya sa isip niya.

"Pero gusto kong marinig mula sa’yo, Isabella. Ano ba talaga ang nangyari?"

Dito na siya napalunok. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoo—na hindi iyon isang tradisyunal na kasal, kundi isang kasunduang ginawa lang dahil sa sitwasyon niya. Pero hindi rin siya pwedeng magsinungaling, lalo na sa isang taong halatang may malakas na pakiramdam.

"H-hindi ko rin po alam paano nangyari," sagot niya sa pinaka-safe na paraan. "Nagdesisyon lang po si Rafael na pakasalan ako… para protektahan ako at ang baby."

Nagtagal ang katahimikan. Tila sinusuri ni Amieties ang bawat
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
may plano yam kc totoo kasal nyo eh
goodnovel comment avatar
cris'7
baka may plano yan na magpasaya dayo hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Principal's Affair    Chapter 37

    Naiwan si Bella sa sala, nakatitig sa kinaroroonan ni Rafael bago ito tuluyang naglaho sa loob ng kanyang opisina. Hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan o hindi. Matagal pa bago siya nakapagbuntong-hininga.Napatingin siya sa kanyang mga kamay. Huwag kong hayaan na ako lang ang nag-a-adjust. Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang sinabi ni Amieties. Pero paano niya gagawin ‘yon? Kahit gusto niyang magsalita, kahit gusto niyang iparating kay Rafael ang mga nararamdaman niya—wala naman siyang karapatan, ‘di ba?Napailing siya at bumalik sa kusina para uminom ng tubig. Pagdating niya roon, naabutan niya ang dalawang kasambahay na nag-uusap, pero nang makita siya ay agad siyang binati.“Ma’am Bella, nagustuhan n’yo po ba ang bisita kanina?” tanong ni Minda, ang medyo mas matanda sa kanila.Ngumiti si Bella. “Okay naman po siya. Ang bait niya.”“Oo naman! Napakabait ni Ma’am Amieties. Pero kung may ayaw siya sa isang tao… naku, wag na lang,” sabat naman ni Myra, ang mas bata sa k

    Last Updated : 2025-04-01
  • The Principal's Affair    Chapter 38

    "Adrian?" Kapwa sila napalingon. Doon, nakatayo si Rafael. At sa itsura ng kanyang asawa, halatang hindi ito natutuwa sa nakita niya. Napako ang tingin ni Bella kay Rafael, tila ba hindi makapaniwala sa timing ng pagdating nito. Bakit ngayon pa? At bakit parang hindi ito natutuwa? Samantala, nagtagpo ang mga mata nina Adrian at Rafael, ngunit sa halip na tensyon, isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Adrian. "Rafael." anito, tila hindi na nagulat at agad na lumapit upang makipagkamay sa lalaki. "Matagal na tayong hindi nagkikita, kaibigan." Nagtaas ng kilay si Rafael ngunit tinanggap ang kamay ng kausap. "Mabuti naman at nandito kana pasensya pala at di ako makarating nong namatayan ka condolences pala, pre." Napapitlag si Bella. Pre? Kaibigan?! Pinilit niyang iproseso ang narinig. Magkaibigan sina Adrian at Rafael? Kailan pa? Paano? Bakit? "Salamat pre, at saka tapos na yun wag munang intindihin yon alam ko naman na busy ka kaya naiintindihan ko, pero mukhang madalas akong n

    Last Updated : 2025-04-02
  • The Principal's Affair    Chapter 39

    Pagka alis ni Rafael ay agad naman siyang tumingin kay Adrian, agad siyang sinalubong ng seryosong mukha nito. “Let me explain, Adrian,” sabi ni Bella, ang boses ay mas malakas na ngayon. “Pero magkakilala pala kayo ni Rafael?” “Oo,” sagot ni Adrian, ang mukha’y tila nag-aalangan. “Matagal na kaming magkakilala ni Rafael.” “Magkaibigan pa kayo?” tanong ni Bella, ang boses ay puno ng pagtataka. “Oo,” sagot ni Adrian at tumango. “Pero hindi iyan ang dapat nating pag-usapan ngayon. Ang dapat nating pag-usapan ay kung bakit ka nandito sa Pilipinas, at kung bakit hindi mo sinasabi sa pamilya mo ang totoo at bakit dito pa mismo sa bahay ni Rafael kita makikita?” Napalunok si Bella. Ito na nga ba ang kanyang kinakatakutan. “Adrian, please, huwag mong sabihin kina mama at papa,” “Hindi ko alam kung kaya ko ‘yon,” sagot ni Adrian, ang mga mata’y puno ng pag-aalala. “Ang totoo, Bella, nag-aalala ako sa’yo.” “Alam ko,” sabi ni Bella, ang mga luha’y nagbabadyang tumulo. “Pero pakiusap,

    Last Updated : 2025-04-03
  • The Principal's Affair    Chapter 40

    Tahimik ang gabi, tanging ang mahinang tunog ng aircon ang maririnig sa loob ng kwarto ni Bella. Mahimbing siyang natutulog nang biglang may kumakatok mula sa labas ng kwarto. Napabalikwas siya ng gising. Kumunot ang noo niya habang pilit iniintindi kung nagkamali lang ba siya ng rinig. Pero nang muli niyang marinig ang katok, bumuntong-hininga siya at inabot ang cellphone sa tabi niya.12:30 AM."Hating gabi na… Sino naman ang kakatok ng ganitong oras?" mahina niyang bulong, habang padilat-dilat na bumangon.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, at halos hindi siya nakagalaw nang bumungad sa kanya si Rafael."Bakit—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil agad siyang hinila ng lalaki sa isang mainit na halik.Nanlaki ang mga mata niya. "Mmpph—!"Napaangat ang kanyang mga kamay upang itulak ito, pero masyadong mapusok si Rafael, mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang baywang. Lalong lumalim ang halik nito, na tila ba may pananabik, may gutom.Hindi niya alam kung paano, pero bago n

    Last Updated : 2025-04-03
  • The Principal's Affair    Chapter 41

    “Aray ko po, Lord,” wika ni Bella matapos mabangga ang noo niya sa pintuan ng ref. Dali-dali niyang binalik ang tingin sa ref at kunwari sobrang interesado siya sa loob nito. "Pang-ilang beses mo nang binuksan ‘yang ref?" Tanong ni Rafael sa kanya. ‘Giiiilk!’ mahinang wika niya na siya pang ang nakarinig. Parang napako siya sa kinatatayuan niya. PUTIK. Pilit niyang nilunok ang kaba at sinara ang ref, bago bumaling kay Rafael. "A-Ah… e… nag-iisip pa kasi ako kung ano ang gusto kong kainin!" Tumaas ang isang kilay ng lalaki. "Kung wala ka namang kukunin, umupo ka na lang." ‘Hala, hala! Tatabi ba ako sa kanya?! May choice ba ako?! Wala! ARGH!’ Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa na parang may pasaning isang toneladang hiya. Hindi siya pwedeng tumingin nang diretso kay Rafael. Hindi niya kaya. Kumuha siya ng baso ng gatas at mabilis na iniinom ‘yon. Malamang! Buntis siya, dapat gatas lang! Pero putik, bakit parang… parang mas lalo lang siyang naging awkward?! Naramdaman niyang

    Last Updated : 2025-04-04
  • The Principal's Affair    Chapter 42

    Habang naglalakad sila sa loob ng mall, hindi mapakali si Bella. Hindi lang dahil sa sobrang dami ng pinamili nila, kundi dahil halos lahat ng turo ni Amieties ay agad na binibili!"Ma'am, tama na po yata ‘to…" aniya habang nakatingin sa isang bundle ng baby clothes na may sobrang taas na presyo. "Ang mahal po kasi, baka po masyadong magastos—""Sus! Ano ka ba, Bella? Hindi tayo nagtitipid para sa apo ko!" natatawang sagot ni Amieties habang iniaabot sa saleslady ang mga gamit. "Dapat lahat ng best, para sa baby mo. Hindi pwedeng basta-basta lang."Bella bit her lip. Diyos ko, ang dami na nito! Ilang taon bago ko mapapantayan ang ganitong klaseng shopping spree?!"Ma'am, baka hindi naman po natin kailangan lahat ng ‘to agad—"Amieties raised a brow at her, amused. "Hija, wala kang kawala sa akin! Kapag sinabing bibilhin, bibilhin. Walang kontra-kontra!"Bella sighed, alam niyang wala na siyang laban. Kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang ngumiti at sumunod na lang sa ginang habang

    Last Updated : 2025-04-04
  • The Principal's Affair    Chapter 43

    Pagkalabas ni Bella ng mall, nag-abang siya sa harap habang hawak ang ilang paper bag ng pinamili nilang gamit para sa baby. Maya-maya lang, huminto ang isang pamilyar na itim na sasakyan sa tapat niya. Bumaba ang bintana, at sumilip si Rafael—seryoso ang mukha, tulad ng dati.“Sakay na,” malamig niyang sabi.Ngumiti si Bella at mabilis na sumakay sa passenger seat. Habang nagda-drive si Rafael, hindi niya napigilan ang pagiging madaldal.“Alam mo ba, ang saya ni mama kanina! Kung pwede lang bilhin lahat ng nasa mall, ginawa na niya! Tapos, may mga cute na damit doon na gusto kong bilhin pero grabe ang presyo! Ang mahal! Tapos, tawang-tawa ako kasi—”“Bella,” putol ni Rafael, hindi inalis ang tingin sa kalsada.“Ha?”“Ang ingay mo.” Anya nito sa kanya.Napanguso si Bella, pero hindi niya napigilang tumawa. “Eh, wala eh, masaya lang ako! Hindi mo ba ako namimiss?” pabirong tanong niya sabay tawa.Hindi sumagot si Rafael, pero bahagyang gumalaw ang sulok ng kanyang labi—parang pilit na

    Last Updated : 2025-04-05
  • The Principal's Affair    Chapter 44

    “Bella?!”Napalingon siya at nanlaki ang mata sa gulat. “Ha?! Ikaw?!”Isang pamilyar na lalaking may matamis na ngiti at gwapong tindig ang nakatayo sa harapan niya. Kaya na patayo siya tumayo na rin si Rafael. Napako sa kinatatayuan si Bella habang nakatitig sa lalaking nasa harapan niya. Gwapo, matangkad, at may aura ng isang taong sanay sa buhay sa ibang bansa. May dala itong maletang mukhang bagong dating pa lang.“Bella, hindi ako makapaniwala! Ikaw nga!” masayang bati ng lalaki bago siya niyakap nang mahigpit.Napatulala si Bella. Hindi agad siya naka-react, pero agad niyang naalala kung sino ang kaharap niya.Siya.Ang kaibigan niya mula noon. Ang lalaking minsang naging parte ng kanyang buhay.At ngayon, nasa harapan niya ito… habang kasama niya si Rafael.Dahan-dahang tumingin si Bella kay Rafael na nakatayo lang sa tabi niya. Tulad ng inaasahan niya, walang ekspresyon ang mukha ng asawa. Pero may kakaibang lamig sa mga mata nito na hindi niya maipaliwanag.Napalunok siya. N

    Last Updated : 2025-04-05

Latest chapter

  • The Principal's Affair    Chapter 104

    Matapos ang tanghalian, inayos ni Bella ang mga pinggan habang si Erica naman ay nagpaalam na babalik na sa kanyang klase. Ngunit si Natnat ay hindi na sumunod, dahil halfday lang ang pasok niya. Tulad ng mga nakaraang taon, dito na siya sa silid ni Bella tumatambay tuwing hapon. At kahit hindi siya opisyal na estudyante ng kanyang mama, si Natnat ay palaging nakikihalubilo sa mga bata. Tumutulong magbura ng pisara, sumasagot sa mga tanong, at minsan pa nga ay siya ang tagapagpakilala ng "word of the day." Parang isa na rin siyang batang guro sa murang edad. Habang muling humarap si Bella sa klase niya, naroon si Natnat sa isang sulok, tahimik na nagsusulat sa kanyang notebook habang pinapanood si Bella magsimula muli ng lesson. Tila ba bawat kilos ng kanyang ina ay nagsisilbing inspirasyon sa kanya—sa isip ni Natnat, ang pagiging guro ay hindi lang trabaho, ito ay isang pangarap na sinusuot araw-araw, gaya ng kanyang maliit na uniporme. Sige, Kai! Heto na ang kasunod na eksena sa

  • The Principal's Affair    Chapter 103

    Maliwanag ang classroom, sinalubong ng liwanag ng araw mula sa mga bintana na binuksan niya kanina. Sumayaw sa hangin ang mga makukulay na banderitas na siya mismo ang naggupit at nagdikit isang linggo bago magsimula ang pasukan. Isa-isang pumasok ang mga bata, may ilan ay may bitbit na bagong bag, ang iba’y parang ayaw bitawan ang kamay ng kanilang mga magulang. Mayroong tahimik na umuupo, may ilang umiiyak, at meron ding masiglang nagkukuwento na para bang hindi ngayon lang muling nakakita ng kalaro. Mula sa gilid ng silid, nakatayo si Bella, pinagmamasdan ang bawat bata na tila ba kilala na agad niya kahit wala pang pormal na pagpapakilala.“Mabuhay, mga bata! Ako si Teacher Bella,” ngumiti siya habang pinupunasan ang pisara. “Excited na ba kayong mag-aral?”May ilang sumagot ng “Opo!” habang ang iba ay tumango lang. Ngunit kahit pa hindi sabay-sabay ang kanilang sigla, ramdam ni Bella na ito ang tahanan niya—ito ang silid kung saan siya may misyon.“Alam niyo ba,” panimula ni Be

  • The Principal's Affair    Chapter 102

    years Later. "Nat-nat! Anak! Bilisan mo na diyan, ha? Naghihintay na si Ninang Erica mo sa baba, baka maiwanan pa tayo—sige ka, magta-tricycle tayo papuntang school!" malambing ngunit may halong pagmamadali ang sigaw ni Bella mula sa sala habang inaayos ang huling gamit sa kanyang malaking tote bag.Ika-5 ng Hunyo. Unang araw ng klase. Ngunit higit pa sa unang araw ng pasukan ang pakiramdam ni Bella ngayon—ito rin ang unang araw na sabay na silang papasok ng anak niyang si Nathalie Addison sa iisang paaralan.Hindi pa rin siya makapaniwala kung paano lumipas ang anim na taon. Parang kahapon lang na nasa sinapupunan pa niya ang kanyang anak.Ngayon, heto na si Nathalie, anim na taong gulang na, matalino, makulit, at higit sa lahat, sobrang bait. Isang batang punong-puno ng enerhiya, ngiti, at kabighanian—parang sinag ng araw sa gitna ng lahat ng pinagdaanan niya."Yes po, Mama! Coming na po! Naglalagay pa ako ng notebook ko sa bag ko!" sigaw pabalik ng bata mula sa itaas, habang patak

  • The Principal's Affair    Chapter 101

    Sa isang maluwag at pribadong opisina sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, tahimik na naglalaro ang liwanag ng lampshade sa ibabaw ng mamahaling desk ni Albert Grafton. Nasa harap niya ang brown envelope na naglalaman ng mga larawan—larawan ng isang sanggol, maputla, tila natulog at hindi na magigising, isang mukha ng pagkawala, isang simbolo ng kasinungalingan na kanyang pinlano ng maingat. Naglagay siya ng brandy sa kristal na baso at naupo sa upuan na tila trono, habang tinitigan ang larawan sa ibabaw ng mesa na para bang isang tropeyo ng matagumpay na panlilinlang. Pumasok si Kian, suot ang karaniwang polo ngunit bakas sa anyo nito ang hindi maipinta ang kabiguan—hindi dahil sa ginawa nila, kundi dahil sa tila lalong lumulubog ang kapatid nilang si Rafael sa sarili nitong bangungot. “Magaling ang mga nakuha mong larawan,” sambit ni Albert, malamig ang boses habang pinipihit ang baso ng brandy sa kanyang kamay. “Parang totoo talaga. Kahit ako, napaniwala.” Ngumiti si Kian,

  • The Principal's Affair    Chapter 100

    Isang malalim na gabi, lasing na naman si Rafael. Mag-isa sa madilim na parte ng bahay niya, nakaupo sa bar counter, hawak ang basong may natitirang yelo at alak na halos wala nang tama sa kanya. Tila ba kahit ilang shot pa ang inumin niya, hindi pa rin iyon sapat para patahimikin ang nagugulo niyang isipan.“Isa pa,” mahina niyang bulong sa sarili, habang isinasalin muli ang alak sa baso.Araw-araw mula nang mawala si Bella, tila nawalan na ng saysay ang lahat. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang bigat sa dibdib niya. Oo, totoo — kasunduan lang ang lahat dahil na buntis niya ito. Oo, may kontrata. Pero bakit parang may hinahanap siya sa bawat sulok ng bahay nila, sa bawat pag-uwi niya mula sa trabaho, sa bawat gabing dumarating nang tahimik?Bakit parang may kulang?At bakit siya, na sanay sa kontrol at katiyakan, ay ngayon parang nauupos na kandila?Nang una siyang pumunta sa bahay ni Bella, dala-dala niya ang kumpiyansa. Akala niya'y madali lang kakausapin niya, k

  • The Principal's Affair    Chapter 99

    “Noah?” Napakunot ang noo ni Bella, hawak pa ang walis. “Bella,” mahinang tawag ni Noah, parang nag-aalangan. “A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ni Bella, hindi maitago ang pagdududa sa tono. Nagkamot ng batok si Noah, halatang nahihiya. “Nagtanong-tanong ako sa pamilya mo. Sabi ng mama mo, baka raw nandito ka kay Erica.” Medyo ngumiti siya, pero awkward, parang hindi sigurado kung dapat ba siyang ngumiti talaga. Napabuntong-hininga si Bella. Hindi ko sila masisisi, bulong niya sa sarili. Sa pagkakaalam ng kanyang pamilya, wala namang masama kay Noah — matagal na rin nilang kilala ito bilang mabuting kaibigan, halos parang kapatid na. “Ah, ganun ba...” mahinang sagot niya, iniayos ang hawak sa walis. “Sige, pasok ka na. Wala si Erica, nasa trabaho.” Pumasok si Noah, tahimik, at umupo sa maliit na upuan malapit sa pinto. Hindi niya pinilit umabante pa, tila iginagalang ang espasyo ni Bella. Saglit na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa

  • The Principal's Affair    Chapter 98

    Nang matapos ang hapunan, si Bella na mismo ang nagprisintang magligpit ng mga pinggan. Kahit pinipigilan siya ni Erica, nagpumilit siya — kailangan niya ng kahit kaunting paraan para makabawi man lang.Tahimik niyang nililigpit ang mga plato, habang si Erica naman ay abala sa pag-aayos ng ilang gamit sa sala. Si Vincent, nakaupo pa rin sa hapag, nakatingin lang sa isang sulok ng mesa, hawak-hawak ang baso ng tubig na matagal nang wala nang laman.Pakiramdam ni Bella, bawat tunog ng kutsara at plato sa kusina ay parang palakol na bumabagsak sa pagitan nila ni Vincent, mabigat, mabangis, nakakatakot.Hindi niya alam kung paano sisimulan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpaliwanag, o magmakaawa.Kaya nag-ipon siya ng lakas. Huminga siya ng malalim, at dahan-dahan, lumapit siya kay Vincent, hawak pa rin ang basang basahan sa kamay.“Vincent...” mahinang tawag niya, halos pabulong.Hindi gumalaw si Vincent. Hindi man lang lumingon. Pero hindi nagpadala si Bella sa kaba. Lumapit pa

  • The Principal's Affair    Chapter 97

    Pagkababa nila mula sa sasakyan, agad na inalalayan ni Erica si Bella papunta sa maliit pero maaliwalas na kwarto na inihanda nila.May kabang sumisiksik sa dibdib ni Bella habang inaayos ang mga gamit niya hindi dahil sa lugar, kundi sa damdaming parang bumalik siya sa umpisa, nagsisimula ulit.“Oy, salamat ah,” ani Bella, ngiting pilit habang pinupunas ang kaunting pawis sa noo.“Sus, wala ‘yon! May kasabihan ka nga diba — what are friends are for!" sabay tawa ni Erica, habang kinukuha ang huling bag mula sa kama. "Tapos, para na rin kitang kapatid, aside sa future cousin-in-law kita!"Napangiti si Bella sa biro. Somehow, kahit hirap pa siyang huminga sa bigat ng mga nangyayari, gumagaan ang pakiramdam niya kapag si Erica ang kausap.“Ah susss… Kailan ba kasal niyo ni Vincent? Tagal niyo na rin kasi eh. At saka napaka-swerte ng pinsan ko sayo — yang si Vincent pa, ganyan-ganyan lang yan pero mabait yan,” biro ni Bella habang inaayos ang mga tupi ng damit sa drawer.Tumawa si Erica,

  • The Principal's Affair    Chapter 96

    Sa unang pagkakataon, matapos ang matagal na panahon, naramdaman ulit ni Bella ang yakap ng isang tunay na pamilya.At sa gitna ng kanilang yakapan, muling tumunog ang cellphone niya sa loob ng bag. 0Hindi niya kinuha. Hindi niya sinagot.Dahil ngayong gabi, alam niyang nasa tamang lugar siya — hindi sa pera, hindi sa pangarap na hindi kanya, hindi sa pagmamahal na hindi buo — kundi sa piling ng mga taong kahit kailan, hindi niya kailangang bilhin ang pagmamahal.Tahimik ang hapunan nila nang gabing iyon.Hindi tulad ng mga nakaraang araw na puro tanong, puro lungkot ang umiikot sa bawat kibot ng kubyertos, ngayong gabi, may kung anong katahimikang parang naghihintay lang ng pagsabog.Si Bella, pinagmamasdan ang pamilya niya habang tahimik na kumakain. Sa bawat pagnguya niya, nararamdaman niya ang bigat ng nilulunok niya — hindi pagkain, kundi mga salitang matagal na niyang kinikimkim sa puso.Hindi niya kayang palipasin ang gabing ito na hindi nagsasabi.Pagkatapos ng hapunan, nang n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status