Lunes ng umaga. Ang araw ay bagong sibol, at ang buong paaralan ay unti-unting nagiging buhay muli—may halakhak ng mga bata, may yabag ng mga guro, at may sipol ng hangin na sumasabay sa tunog ng bell.Sa gitna ng malawak na quadrangle, nagsisiksikan ang mga bata sa kani-kanilang pila, may ilan pang inaantok, may ilan namang hyper na parang nakain ng tsokolate bago pumasok. Si Bella ay nakapwesto sa harap ng pila ng mga mas maliit na bata, nakasuot ng simpleng blouse at slacks, habang abalang inaayos ang mga linya. Sa tabi niya si Erica, nakasalamin at mukhang puyat.“Ano ba ‘yan, parang di ka na natulog?” tanong ni Bella, bahagyang nakangiti.“Hindi talaga… nanood kami ni Vincent ng horror kagabi tapos ayun, ako lang ang di makatulog,” sagot ni Erica habang hinihikab.“Sana all may horror kaya pala ang ingay niyo ka gabi. Habang Ako kasi, real life horror ang pinapanood araw-araw,” biro ni Bella sabay irap ng kaunti, pero pilit na tinatago ang bigat sa dibdib.Bago pa sila makapag-us
Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang tik-tak ng wall clock sa kusina. Sa labas, may kahol ng aso, may iilang kuliglig, at ang bugso ng hangin na sumasayad sa mga dahon ng mangga sa bakuran. Sa loob, isang ilaw lang ang nagsindi—lampshade sa may sulok ng sala, nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid.Sa sofa, nakaupo si Bella, nakasandal, hawak ang mug ng malamig na tsaa. Wala na siyang gana uminom, pero hindi niya ito mabitawan. Sa tabi niya, si Erica—nakabihis pambahay na may headband pa, bagong ligo at amoy baby powder, pero halatang napagod din sa buong araw ng pakikipag-date kay Vincent."Erica," mahina pero punong-puno ng bigat ang boses ni Bella. "Di ko na alam kung anong gagawin ko."Napatingin si Erica. Hindi na niya kailangan tanungin pa kung tungkol saan. Kilala niya ang kaibigan niya, at sa bawat pagbuntong-hininga nito, alam na niyang may malalim na binubuhat sa dibdib."Si Rafael?" tanong niya habang umuupo ng ayos at inabot ang throw pillow.Tumango si Bella.
Sabado ng umaga. Ang araw ay dahan-dahang sumisilip sa pagitan ng mga dahon ng kalachuchi sa harap ng bahay. Tahimik ang buong lugar, maliban sa musika mula sa YouTube na umiikot sa mga usong kanta sa 2024—isang chill R&B beat na sinasabayan ni Bella habang hawak ang walis tambo."Nat, 'yung likod ha," sabi ni Bella habang pinupunasan ang ibabaw ng mesa. Nakasuot siya ng simpleng cotton shorts at oversized shirt—pangbahay, pero maaliwalas tingnan.Si Natnat naman ay masigla na kumikilos, hawak ang basahan, at panay ang kwento habang nagsasabon ng sahig. "Mama, pagkatapos nito, pwede na po tayo mag-YouTube Kids ha? Gusto ko ‘yung si T-Rex na pula!""Oo na, oo na," nakangiting sagot ni Bella, pero halatang pagod. "Mamaya pag natapos na tayo, magpopopcorn pa tayo."Tahimik ang lahat—hanggang sa tumunog ang doorbell. Napahinto si Bella. Napatingin siya sa gate na anim na talampakan ang taas, may design na geometric iron bars. Ang doorbell na iyon, minsan ay parang musika ng kabastusan pa
Tahimik na gabi. Ang katahimikan ng gabi sa probinsya ay tila balewala sa mga boses na nagsisigawan sa loob ng bahay. Sa loob ng sala, parang may bagyong pumasok—hindi sa anyo ng ulan, kundi ng matitinding salita, ng galit, at ng matagal nang kinikimkim na hinanakit.Tumayo na si Rafael. Nabitawan niya ang baso ng tubig at tumilamsik ito sa sahig. Basag.“Rafael, kumalma ka nga. Gabi na. Baka mapano ka pa,” mariing sabi ni Amieties habang pilit na hinahawakan ang braso ng anak. “Bukas mo na siya puntahan… o hanapin kung saan man ang bahay nila rito.”Ngunit si Rafael, tila baga hindi na marunong makinig sa oras na iyon. Halos manginig ang mga kamay niya. Hindi niya maipinta ang galit na nararamdaman niya—galit sa kanyang ama, sa sarili niya, at sa panahong nawala na hindi na niya maibabalik.Si Amieties, kahit nahihirapan, pinilit ilihis ang atensyon ni Rafael. “Ikaw naman, Albert,” malalim ang boses at puno ng pagod, “Ayoko muna makita yang pagmumukha mo. Umalis ka na. Wala kang kara
Albert Luis Grafton, ang lalaking minsang naging dahilan ng mga luhang itinagong mabuti ni Bella, ang lalaking may titig na parang yelo noon sa tuwing nakikita siya, ang lalaking hindi kailanman nagustuhan ang presensya niya sa buhay ni Rafael.Tumitig si Albert sa batang nakabangga sa kanya. Hindi siya agad nakapagsalita. Napatitig lang siya, para bang may biglang kumislot sa puso niya. Sa maamong mukha ni Natnat. Sa ngiti nitong bitin pero magalang, at sa mga mata nitong parang may kakilala siyang hindi maipaliwanag kung bakit.“Ahm… sorry po talaga,” ulit ni Natnat, bahagyang yumuko.Mabilis ang naging reaksyon ni Bella. Agad siyang lumapit, hinila si Natnat palapit sa kanya, itinulak ito sa likuran niya na parang isang ina nagpapa kondisyon sa isang paparating na bagyo. Humarap siya kay Albert, at ang mga mata niya ay walang bahid ng takot—tanging determinasyon lamang.“Pasensya na po,” mahinahong sabi niya, ngunit may paninigas ang tinig. “Nagkabanggaan lang po, hindi sinasadya.”
Pagkatapos ng masaganang tanghalian, unti-unting humupa ang sigawan ng mga bisita at ang dagundong ng mga kutsara’t tinidor sa mga pinggan. Nabawasan na ang laman ng mga kaldereta, halos wala nang laman ang tray ng barbeque, at ang malamig na inumin ay natunaw na sa yelo. Si Bella ay tahimik lang na nakaupo sa gilid ng isang mesa, hawak ang plastic cup ng gulaman, habang tanaw mula sa di kalayuan si Natnat—masayang naghahabulan kasama ang ilang batang na-meet lang niya kanina.“Mama, lalaro lang po ako ha?” paalala ni Natnat bago ito tumakbo kanina, halos hindi maalis ang ngiti sa mukha habang dala ang isang maliit na toy na galing kay Sir Aljon.“Sige anak, basta wag lalayo ha? Dito ka lang sa may bakuran.”Pumayag si Bella, kahit may kaunting kaba sa dibdib. Pero ayon kay Sir Aljon, safe naman ang lugar. May gate, may tanod pa sa labas, at karamihan sa mga bata ay anak ng co-teachers niya. Kaya ngayon, habang nakasandal siya sa upuan, sinisikap niyang pakalmahin ang sarili.Napapan
Tahimik ang buong araw para kay Bella—pero hindi ‘yung tahimik na nakakapanatag. Bagkus, ito ‘yung klase ng katahimikan na puno ng kaba, ‘yung tipong parang anytime, may darating na unos.Kahit paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na “focus lang,” hindi pa rin mawala sa isip niya ang naging tagpo kaninang umaga. Hindi pa rin humuhupa ang tibok ng puso niya tuwing naaalala niyang nagkatagpo sila ni Rafael at Natnat—sa pinaka hindi niya inaasahang oras.Pero sa kabila noon, buong araw niyang pinilit ang sarili na manatiling propesyonal. Isa siyang guro. May tungkulin siyang kailangang gampanan. Hindi siya pwedeng malunod sa kaba o pangamba. Habang nagkaklase siya, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili. “Wag ka muna mag-panic. Di pa siya nagtatanong. Baka sakali…”At salamat sa Diyos, natapos ang klase ng walang Rafael na nagpakita. Walang biglang tawag. Walang tanong. Walang usapan. Wala siyang nakita kahit anino nito.Nakahinga siya ng malalim sa wakas. Isa na namang araw na ligtas. I
Mainit-init pa ang hapon at halos bakante na ang buong paaralan. Katatapos lang ng klase ni Bella at abala pa rin siya sa pakikipag-usap sa ilang magulang sa classroom. Sa kabilang banda, si Natnat naman ay nakaupo sa isang sulok, pinipigilan ang tyan na kanina pa kumakalam.Pilit niya munang tiniis, pero nang marinig ang huni ng bell mula sa canteen—parang palatandaan na pwede nang bumaba ang mga bata para bumili—napatingin siya kay Bella at marahang lumapit.“Mama...” bulong ni Natnat, sabay tingin sa bag na parang may iniisip. “Pwede po ba akong bumili sa canteen? Gutom na po ako... please... promise po hindi ako tatagal.”Napatingin si Bella sa anak—nakita niya ang paraan ng paghawak nito sa tiyan, ang maamo nitong mukha na parang may sinadyang puppy eyes. Hindi na siya nakatanggi.“O, sige na. Pero diretso balik dito ha? Ingat ka sa pagbaba. At wag makikipaglaro, gutom lang ‘yan,” sabi ni Bella habang inaabot ang ilang barya mula sa kanyang pitaka.Hindi na nag alala si Bella dah
“Ma, mag Jollibee tayo please?” bungad ni Natnat habang nakasandal sa braso ni Vincent, hawak-hawak ang stuffed toy na binigay nito noong huling birthday niya.“Hmm... ang lambing mo ngayon ah,” nakakatawang sagot ni Vincent habang tiningnan si Bella na noon ay kakatapos lang ligpitin ang mga lesson plan niya.Napatingin si Bella sa anak, tapos kay Vincent na agad naman na ngumiti. “Sige na, libre ko na kayo. Matagal-tagal na rin tayong ‘di nakalabas nang apat”“Yay!” sigaw ni Natnat habang tumalon pa sa tuwa. “Thank you, Daddy Vincent!”Hindi nagtagal, nasa loob na sila ng paboritong kainan ng bawat batang may simpleng kaligayahan—Jollibee. Sa isang sulok ng fast food restaurant, naupo sila sa table na may pula at dilaw na motif, habang si Natnat ay abalang pinipili kung ano ang toy sa kanyang kiddie meal.“Chickenjoy po with fries and juice,” sabay taas ng dalawang daliri ni Natnat na tila nag o-order sa isang fancy restaurant.“Ang arte mo na talaga kumilos,” biro ni Bella habang p