Share

Chapter 8

Author: ElizaMarie
last update Last Updated: 2025-03-18 22:00:46

Pagdating ni Bella sa McDonald’s, nadatnan niya si Vincent na nakaupo na at nakataas pa ang paa sa upuan. Nakataas ang kilay nito habang ngumunguya ng fries.

"Ang tagal mo, Bella. Akala ko nagbago na isip mong ilibre ako,” salubong nito sa kanya. Napairap si Bella at umupo sa tapat niya.

"Excuse me? Ako pa ba? Ikaw nga itong dahilan kung bakit ako natanggap sa trabaho. Siyempre, deserve mong ilibre," sagot ni Bella.

"Oh? Natanggap ka na? Ang bilis naman," parang hindi makapaniwala na wika ni Vincent.

"Yup! Kakatawag lang nila kanina. Start ko na next week!" Excited na wika ni Bella.

"Wow! Congrats, pinsan! Galing-galing mo naman. Dapat yata ako na lang ang kunin mong manager, baka sakaling may libreng McDo ako buwan-buwan." Biro naman ni Vincent.

"Haha! Loko. Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ko nalaman na hiring dun at saka everyday na tayo magkikita, kaya libre kita ngayon. Pero next time, ikaw na ang manlilibre, ha?” pabiro na sabi ni Bella.

"Tingnan natin. Kung may sweldo ka n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
sana magig smooth lang ang trabaho mo walang maiinggit
goodnovel comment avatar
alejado
sana nga bella magkasundo kayo pra walang gulong maganap
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Principal's Affair    Chapter 116

    Albert Luis Grafton, ang lalaking minsang naging dahilan ng mga luhang itinagong mabuti ni Bella, ang lalaking may titig na parang yelo noon sa tuwing nakikita siya, ang lalaking hindi kailanman nagustuhan ang presensya niya sa buhay ni Rafael.Tumitig si Albert sa batang nakabangga sa kanya. Hindi siya agad nakapagsalita. Napatitig lang siya, para bang may biglang kumislot sa puso niya. Sa maamong mukha ni Natnat. Sa ngiti nitong bitin pero magalang, at sa mga mata nitong parang may kakilala siyang hindi maipaliwanag kung bakit.“Ahm… sorry po talaga,” ulit ni Natnat, bahagyang yumuko.Mabilis ang naging reaksyon ni Bella. Agad siyang lumapit, hinila si Natnat palapit sa kanya, itinulak ito sa likuran niya na parang isang ina nagpapa kondisyon sa isang paparating na bagyo. Humarap siya kay Albert, at ang mga mata niya ay walang bahid ng takot—tanging determinasyon lamang.“Pasensya na po,” mahinahong sabi niya, ngunit may paninigas ang tinig. “Nagkabanggaan lang po, hindi sinasadya.”

  • The Principal's Affair    Chapter 115

    Pagkatapos ng masaganang tanghalian, unti-unting humupa ang sigawan ng mga bisita at ang dagundong ng mga kutsara’t tinidor sa mga pinggan. Nabawasan na ang laman ng mga kaldereta, halos wala nang laman ang tray ng barbeque, at ang malamig na inumin ay natunaw na sa yelo. Si Bella ay tahimik lang na nakaupo sa gilid ng isang mesa, hawak ang plastic cup ng gulaman, habang tanaw mula sa di kalayuan si Natnat—masayang naghahabulan kasama ang ilang batang na-meet lang niya kanina.“Mama, lalaro lang po ako ha?” paalala ni Natnat bago ito tumakbo kanina, halos hindi maalis ang ngiti sa mukha habang dala ang isang maliit na toy na galing kay Sir Aljon.“Sige anak, basta wag lalayo ha? Dito ka lang sa may bakuran.”Pumayag si Bella, kahit may kaunting kaba sa dibdib. Pero ayon kay Sir Aljon, safe naman ang lugar. May gate, may tanod pa sa labas, at karamihan sa mga bata ay anak ng co-teachers niya. Kaya ngayon, habang nakasandal siya sa upuan, sinisikap niyang pakalmahin ang sarili.Napapan

  • The Principal's Affair    Chapter 114

    Tahimik ang buong araw para kay Bella—pero hindi ‘yung tahimik na nakakapanatag. Bagkus, ito ‘yung klase ng katahimikan na puno ng kaba, ‘yung tipong parang anytime, may darating na unos.Kahit paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na “focus lang,” hindi pa rin mawala sa isip niya ang naging tagpo kaninang umaga. Hindi pa rin humuhupa ang tibok ng puso niya tuwing naaalala niyang nagkatagpo sila ni Rafael at Natnat—sa pinaka hindi niya inaasahang oras.Pero sa kabila noon, buong araw niyang pinilit ang sarili na manatiling propesyonal. Isa siyang guro. May tungkulin siyang kailangang gampanan. Hindi siya pwedeng malunod sa kaba o pangamba. Habang nagkaklase siya, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili. “Wag ka muna mag-panic. Di pa siya nagtatanong. Baka sakali…”At salamat sa Diyos, natapos ang klase ng walang Rafael na nagpakita. Walang biglang tawag. Walang tanong. Walang usapan. Wala siyang nakita kahit anino nito.Nakahinga siya ng malalim sa wakas. Isa na namang araw na ligtas. I

  • The Principal's Affair    Chapter 113

    Mainit-init pa ang hapon at halos bakante na ang buong paaralan. Katatapos lang ng klase ni Bella at abala pa rin siya sa pakikipag-usap sa ilang magulang sa classroom. Sa kabilang banda, si Natnat naman ay nakaupo sa isang sulok, pinipigilan ang tyan na kanina pa kumakalam.Pilit niya munang tiniis, pero nang marinig ang huni ng bell mula sa canteen—parang palatandaan na pwede nang bumaba ang mga bata para bumili—napatingin siya kay Bella at marahang lumapit.“Mama...” bulong ni Natnat, sabay tingin sa bag na parang may iniisip. “Pwede po ba akong bumili sa canteen? Gutom na po ako... please... promise po hindi ako tatagal.”Napatingin si Bella sa anak—nakita niya ang paraan ng paghawak nito sa tiyan, ang maamo nitong mukha na parang may sinadyang puppy eyes. Hindi na siya nakatanggi.“O, sige na. Pero diretso balik dito ha? Ingat ka sa pagbaba. At wag makikipaglaro, gutom lang ‘yan,” sabi ni Bella habang inaabot ang ilang barya mula sa kanyang pitaka.Hindi na nag alala si Bella dah

  • The Principal's Affair    Chapter 112

    “Ma, mag Jollibee tayo please?” bungad ni Natnat habang nakasandal sa braso ni Vincent, hawak-hawak ang stuffed toy na binigay nito noong huling birthday niya.“Hmm... ang lambing mo ngayon ah,” nakakatawang sagot ni Vincent habang tiningnan si Bella na noon ay kakatapos lang ligpitin ang mga lesson plan niya.Napatingin si Bella sa anak, tapos kay Vincent na agad naman na ngumiti. “Sige na, libre ko na kayo. Matagal-tagal na rin tayong ‘di nakalabas nang apat”“Yay!” sigaw ni Natnat habang tumalon pa sa tuwa. “Thank you, Daddy Vincent!”Hindi nagtagal, nasa loob na sila ng paboritong kainan ng bawat batang may simpleng kaligayahan—Jollibee. Sa isang sulok ng fast food restaurant, naupo sila sa table na may pula at dilaw na motif, habang si Natnat ay abalang pinipili kung ano ang toy sa kanyang kiddie meal.“Chickenjoy po with fries and juice,” sabay taas ng dalawang daliri ni Natnat na tila nag o-order sa isang fancy restaurant.“Ang arte mo na talaga kumilos,” biro ni Bella habang p

  • The Principal's Affair    Chapter 111

    Sa isang sulok ng gym, sa lilim ng mahabang bubong, tahimik na nakaupo sina Rafael at Natnat sa isang kulay abong bench na gawa sa kahoy. Humuhuni ang bentilador sa kisame, habang sa paligid ay nagtatawanan at naghahabulan pa rin ang ibang bata. Ngunit sa gitna ng ingay, tila bumagal ang oras sa pagitan ng dalawa.Maingat na inilabas ni Rafael ang puting panyo mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Malinis ito, amoy fabric softener pa, at may simpleng bordang "RG" sa sulok. Pumikit si Natnat nang dahan-dahang ipinunas iyon sa natamong galos sa tuhod."Aray…" impit ng bata, sabay pikit habang iniipit ang damit sa kamay. Pero wala siyang reklamo. Taimtim lang na nakatitig sa ginagawang pag-aasikaso ng lalaki.“Pasensya ka na, ha. Medyo mahapdi lang ‘to ng kaunti. Tatanggalin lang natin ‘yung mga balas para hindi ma-infect,” ani Rafael, mahina ang tinig, halos parang inaamo ang sarili.Matapos ang ilang segundo ng katahimikan, nagtanong siya sa tonong malumanay, parang ayaw gulatin ang bata.

  • The Principal's Affair    Chapter 110

    Pagdating nila sa tapat ng bahay nina Lei at Noah, bumaba agad si Erica. Huminga nang malalim si Bella bago rin bumaba. Inayos niya ang buhok niya gamit ang mga daliri, pilit na nilalagay ang ngiti sa labi, kahit alam niyang may bigat pa rin sa dibdib niya.Pagbukas ng gate, agad lumabas si Lei, naka-ngiti, at may bitbit pang maliit na kumot.“Oh, andiyan na kayo!” masiglang bati ni Lei. “Tulog na tulog si Natnat, kanina pa. Hindi na nagising kahit pinapatugtog namin ng Baby Shark.”Sumunod na lumabas si Noah, buhat-buhat si Natnat, nakapulupot ang maliit na braso ng bata sa leeg niya, tila ayaw paawat sa mahimbing na tulog.“Salamat talaga sa inyo,” sabi ni Bella, buong pasasalamat ang tinig kahit pagod ang mukha. “Pasensya na talaga ha, ginabi kami.”“Ano ka ba, walang anuman,” sagot ni Noah, habang maingat na inaabot si Natnat kay Bella. “Napakabait ng anak mo. Hindi iyakin, hindi maarte, hindi rin pihikan sa pagkain. Parang hindi anim na taon, parang mini-adult.”Napatawa si Erica

  • The Principal's Affair    Chapter 109

    Habang nasa parking area na sila, tahimik lang si Bella. Saktong binubuksan na ni Erica ang pinto ng sasakyan nang may marinig silang pamilyar na tinig mula sa likuran.“Isabella.”Napalingon agad si Bella. At nang makita kung sino, saglit siyang hindi nakakapagsalita.“Sir Grafton,” tugon niya, pormal at may ngiting walang damdamin. “Magandang gabi po.”“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Rafael, malamig ang boses pero halatang may tinatagong init sa dibdib.Tahimik lang si Erica, pero halata sa kanyang postura na hindi siya aalis hangga’t walang kasiguruhan. Ngunit ng magtagpo ang mata nila ni Rafael, nakabasa agad siya ng senyales—isang tahimik na pakiusap. Tumango si Erica at lumakad palayo, pero lumingon-lingon pa rin, sinisigurong okay si Bella.Nang makalayo na si Erica, muling nagsalita si Rafael.“Tungkol sa atin, Isabella.”Biglang napawi ang ngiti ni Bella. Hindi niya alam kung anong mas masakit—ang tawagin siyang Isabella o ang marinig muli ang salitang atin.“Wala na ta

  • The Principal's Affair    Chapter 108

    Naglakad ang lalaking nakasuot ng puting long sleeves paakyat sa maliit na entablado. May tikas ang bawat hakbang. Maka tindig-balahibo. Para bang alam niyang lahat ng mata ay nakatutok sa kanya, pero hindi siya nagpaapekto. Sa halip, ang kanyang ngiti ay kalmado—mapagkumbaba pero may halong kumpiyansa. Isang ngiting alam mong may karanasan at lalim.Si Bella, kahit pa kasabay ng mga palakpak, ay tila nabingi sa lahat. Parang bumagal ang paligid. Parang may humigop sa hangin sa paligid niya. Napako siya sa kinauupuan. Hindi siya makapaniwala sa kung sino ang nakikita niya.“Magandang gabi po sa inyong lahat,” saad ng lalaki mula sa mikropono, magalang at banayad ang boses. “Ako po ang inyong magiging bagong principal dito sa Sampaguita Elementary School. Rafael Luis Grafton. Masaya po akong maging parte ng inyong paaralan.”Parang gumuho ang katahimikan sa dibdib ni Bella. Si Erica naman na kanina pa kinikilig sa mga palipad-hangin, biglang napalingon kay Bella."Uy... Bella? Okay ka

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status