LOGINSANDRA'S POV
Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan niya ay agad niya akong sinuotan ng seatbelt. Napatitig ako sa kaniya habanv ginagawa niya iyon, ang isipan ko ay tumutukoy sa iisang dahilan lamang kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. "May gusto ka ba sa akin? Oo o hindi lang ang pwedeng i-sagot, sir." Sambit ko dahilan upang mag-angat siya ng tingin sa akin. Nanatili ng ilang segundo ang kaniyang mga mata habang tinititigan ang kabuuan ng aking mukha. Tinapos niya ang pagsusuot sa akin ng seatbelt saka bumalik sa kaniyang pagkakaupo ng maayos sa driver's seat saka nagsalita. "I don't know, I never been in love before," mahina siyang natawa habang nakatingin sa manibela ng sasakyan. "But, I am certain that this is the very first time that I feel this distinct feelings for you." Sagot niya at tumingin na sa akin. "Binabalaan kita, hindi ito ang unang pagkakataong sinabi ko ito sa'yo pero, wala sa bokabularyo ko ang makipagrelasyon lalo na sa uri ng trabahong mayroon ako." Sambit ko sabay tingin sa labas ng bintanang nakabukas. "Okay then, I still don't know what is this so you don't have to conclude," muli siyang natawa nang mahina at binuhay na ang makina. Sa buong biyahe ay wala kaming naging pag-uusap. Nagulat na lamang ako na pumarada kami sa garahean ng pinakamalapit na mall. Ngumiti lamang siya at pinagbuksan ako ng pintuan. "Let's go on a shopping, kunin mo ang lahat ng gusto mo, ako na ang bahala." Habang papasok kami ng mall ay may mga kababaihang nagpapapicture sa kaniya. At dahil ayaw kong ma-issue, ay ako na ang tumabi upang makakuha pa sila ng litrato kasama siya. Ngumingiti lamang siya sa mga humihiling na makasama siya sa litrato at nang matapos na ay naglakad na kami sa nakikinita naming boutique na para sa lalaki at babae. Nang mag-angat ako ng tingin ay hindi ako halos makaggalaw sa aking kinatatayuan nang makita ang napakalaking poster niya sa labas nito. Nakasuot siya ng simpleng blue polo shirt, white jeans, white shoes, at messy ang kaniyang buhok roon. May silver watch din siyang suot at kita ang kwentas niya na may cross pendant dahil nakabukas ang dalawang butones ng polo. "Is that Arthur Mercer?" Rinig kong bulungan ng mga sosyaling babae sa paligid namin. "Yeah, it's him! Let's ask him for a picture!" Sagot naman ng isa. At muli siyang dinagsa ng mga tao, mapabata, matatanda, at ibang nakakakilala sa kaniya. Napatabi ako sa gilid habang hinihintay silang matapos habang muling napapatingin sa malaking poster niya sa itaas ng store. Napakagwapo niya rito, makinis na makinis at maputing-maputi ang kutis niyang yayamanin, at halatang mamahalin ang mga suot. Nang basahin ko ang pangalan sa ibaba niya ay nakalagay din doon ang mga titulong nakamarka sa kaniyang pagkatao. Zaniel Arthur Dy Mercer Brand Model/CEO/Singer-Songwriter/Painter Napapamaang ako sa mga titulong mayroon siya. Totoo nga ang sinabi niyang isa siyang multi-billionaire dahil na rin sa napaka-successful niyang karera. Hindi na ako magugulat kung sa next update ng poster niya ay isa na siyang artista. "Thank you so much, Arthur!" Nagpaalam ang mga tao na dumagsa kanina nang matapos sa pagpapapicture sa kaniya kaya naman tinignan niya ako. Mga nagtatanong na mga tingin ang ipinukol ng mga taong nakakita sa amin ang aking napansin, nang hawakan ako ni Arthur sa bewang upang hilahin papasok ng boutique. "Who is that girl?" "Is she's Arthur's girlfriend?" "That's impossible! His manager said in an interview na Single pa si Athur." "Really? That's a relief!" "Maybe a relative or a sibling?" "I hope so." Humihina na ang kanilang mga bulungan nang makapasok na kami nang tuluyan. Umupo si Arthur sa sofa na naroroon sa gilid at kinuha ang newspaper na nakalapag sa babasaging table. Sinenyasan niya akong pumili, ngunit umiling ako. "Okay lang, may mga masusuot pa naman ako." Sambit ko, ngunit tinawag niya ang isa sa nga saleslady kaya napilitan akong sumama rito. Sinabihan niya rin ang saleslady na kunin ang lahat ng mga damit na sa tingin nito ay babagay sa akin, kaya ang nangyari ay halos mga damit na naglalaro sa mga kulay na pula, itim, blue, green, at ang ang kulay na hindi ko masyadong sinusuot ay ang kulay puti. Ang kulay na sumisimbolo sa kalinisan at pagiging puro, ngunit napangiti ako nang mapakla dahil hindi na naaayon sa akin ang mga katangiang iyon. Ibinalot iyon lahat ng bagger at binayaran lahat ni Arthur. Hindi niya hinayaang ako ang magdala ng lahat ng iyon, bagkos ay parang prinsesa ako na naglalakad habang dala-dala niya ang lahat ng mga damit na pinamili. "Let's take a bite, I'm sure you're hungry now." Hindi niya hinintay na makasagot ako at siya na ang nagdesisyon na kumain kami sa isang mamahaling restaurant sa loob ng mall. Inabot niya sa akin ang menu at ang pinakamura ang aking inorder, dinagdagan niya naman ito na tinanggihan ko pero nagpumilit pa rin siya. May mga appetizer na i-senerve at iyon ang una kong pinapak habang si Arthur ay nakangiting nakatingin sa akin. "Anong problema? May dumi ba ang mukha ko?" takang tanong ko sa kaniya, ngunit umiling lamang siya. Maya-maya ay dumating na ang aming mga inorder at laking gulat ko nang sabay-sabay na pinalibutan kami ng mg serview crews at ang isang lalaking may natatanging uniform ang may dala ng cake na may nakasinding kandila. Sabay-sabay silang kumanta dahilan upang hindi ko mapigilan na mapangilidan ng luha. "Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you! Happy 20th birthday, Sandra!" Sabay-sabay na bati nila. Oo nga pala, kaarawan ko ngayon. Wala akong natanggap na pagbati mula sa mga kasamahan ko sa Rowen's Club, lalong-lalo na kay Madam Rowena. Nang maggising ako kanina ay hindi ko naalala ang araw ng aking kapanganakan dahil nasanay na ako sa nagdaang halos apat na taong hindi nagdiriwang. Hindi ko na rin maalala ang huling pagkakataong nagsimba ako upang ipagpasalamat sa nadagdag na taon ng aking buhay rito sa mundong ibabaw. "As I have said, alam ko ang lahat ng personal information mo at hindi ko kayang palampasin ang araw na ito na hindi ka nababati... Happy Birthday, Sandra." Sa mga oras na iyon ay ramdam ko ang napakalakas na tibok ng aking puso nang marinig iyon mula kay Arthur. Gusto kong maiyak dahil mula nang mamatay ang family ko ay ito ang unang pagkakataon na may nag-greet sa akin sa araw ng birthday ko, at ang lahat ng ito ay planado ni Arthur. "Make a wish," nakangiti siya, ang mga mata ay nakatitig pa rin sa akin. Pumikit ako at humiling. Isang kahilingan na alam kong nakasalalay sa akin ang pagkatupad nito. Nagdilat ako ng mga mata at hinipan ang kandila saka nagpalakpakan ang lahat ng staffs, kita ko rin na nakangiti ang mga customers na nakasaksi ng tagpong iyon. Muling dumapo ang mga mata ko sa lalaking may pasimuno ng lahat ng ito. Sa bawat ginagawa niyang mga bagay na bago sa akin ay pakiramdam ko, unti-unti na niyang tinutunaw ang bloke-blokeng mga yelo na pumapalibot sa aking puso. "S-Salamat, Arthur." Sambit ko, sa unang pagkakataon ay natawag ko siya sa kaniyang pangalan. Nginitian niya ako at walang pagdadalawang-isip na pinatakan nang magaan na halik ang aking noo, dahilan upang tuluyan na ngang mahulog ang aking puso. Ang aking puso na ilang araw nang nakakaramdam ng hindi normal na pagtibok dahil sa kaniya.SANDRA’S POVBago pa man kami tuluyang makalabas ng court room ay naalerto kami nang may isang lalaki na nakaitim ang nahuli ng mga pulis. Pinadapa ito sa gitna habang pinoposasan.“Nautusan lang ako, pakawalan niyo po ako!” Sigaw ng lalaki.“Ano ang nangyayari dito?” Tanong ng hukom.“Nagbabalak po sanang pasabugin ang lugar na ito, mabuti nalang nabantayan at nahuli agad.” Sagot ng pulis na nagpoposas dito.“Sino ang nag-utos sa iyo?” Tanong ng hukom.At inginuso ng lalaki si Emily Mercer na nanlalaki ang mga mata. Itinanggi pa sana niya pero isinumbong na rin siya ng pulis na intern na nakarinig sa pakikipag-usap ni Emily sa telepono bago ang hearing. Ngunit, bago pa man makaalis si Emily ay binangga niya sa balikat sina Madam Rowena at Tita Mirazel na parehong mga nakayuko, habang ako naman ay matalim ang titig niya. Si Arthur naman at si Zillian ay parehong nakayuko habang nakasunod sa mga pulis kasama ang mga magulang nila na masasadlak na sa kulungan.Fives days later…“Ito an
SANDRA’S POV“Ako po si Benjamin Alburo, ang nautusang patayin ang pamilya ng yumaong si Ignacio Asuncion,” wala akong kurap habang nakatitig sa lalaking nakasuot ng kahel na damit, nakaposas ang mga kamay, habang hindi makatingin ng diretso sa madla.Napatingin naman ako sa kabilang hilera at doon ko namalayan na umiiyak ang kaniyang asawa. Ngunit, ang iyak ay hindi dahil nalulungkot ito dahil masasadlak sa kulungan si Benjie, kun’di dahil nasasabi na ni Benjie ang ilang taong pasanin habang hinahabol ng konsensiya.Napatingin sa akin ang ginang at agad na nag-iwas ng tingin nang titigan ko ito. Nakasuot siya ng lumang bestida at sandalyas, nakalugay ang buhok niya, at maputla. Sa tabi nito ay isang batang payat. Sa itsura pa lamang nito ay malalan nang sakitin.“Can you tell us why did you commit the crime? And who were the master minds of the mass killing?” saad ni Ninong Rey. Siya pa rin ang tumatayong abogado ng kaso.Napatingin si Benjie sa mag-asawang Mercer na nakaposas ang da
THIRD PERSON’S POV“Walang hiya talaga iyang mga kapatid mo! At talagang kakalabanin nila tayo?!” Gigil na sigaw ni Emily sa asawang si Zygue na tahimik lamang na nakaupo sa tapat niya.Inis na nag-angat ng tingin si Zygue at matalim na tinitigan ang asawa. Natigilan si Emily at nagulat sa ekspresyon na ipinukol ni Zygue sa kaniya.“Anong gusto mong gawin ko?” Sa wakas ay sumagot na siya sa asawa na kanina pa dada nang dada.“Ano ba sa palagay mo? You need to do something! Ayokong makulong! They will probably be the witnesses and I don’t want that to happened!” Sigaw ni Emily.“Wala na tayong magagawa—”hindi naggawang tapusin ni Zygue ang sana at sasabihin niya nang mapatayo si Emily at iduro siya.“This isn’t the life that you promised me, Zygue… I don’t want to live behind bars!” Sigaw nito na mas lalong nagpainis kay Zygue.Simula nang mahalin niya si Emily ay ginawa niya ang lahat upang mapasaya ito, kahit paman guma
SANDRA’S POVPagkapasok namin ni Sidro sa loob ng gusali ng korte ay agad kong naramdaman ang amoy ng malamig na hangin na sumalubong sa amin, halong antiseptic at papel, amoy na parang nagpapaalala kung gaano kalupit at kalinaw ang katotohanan sa mundong ito. Ang bawat tunog ng mga yabag namin ay tila tumatama sa dibdib ko, para bang bawat hakbang ay isa pang pintig ng puso na hindi ko alam kung tatagal pa ba.Pagliko namin sa hallway, agad kong nasilayan si Tita Mirazel at Madam Rowena. Nakatayo sila sa gilid, magkatabi, at parehong nakayuko, mahigpit ang kapit sa kani-kanilang mga bag. Pero nang makita nila kami, bigla silang tumindig nang diretso, at sa mga mata nila ay naroon ang isang lakas na hindi ko inakala na mailalabas nila para sa amin.“Sandra…” mahinang tawag ni Tita Mirazel, at para akong tinamaan ng isang bagay sa dibdib.Hindi ko mapaliwanag kung bakit nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit kami. Siguro dahil hanggang ngayo
SANDRA’S POVKinabukasan, madaling-araw pa lang ay gising na kami ni Sidro. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil talagang hindi na ako nakatulog nang maayos, pero pagdilat ko, agad kong naramdaman ang lamig sa dibdib ko. ‘Yong lamig na galing sa takot, sa pangambang baka hindi pumabor sa amin ang araw na ito, at sa bigat ng katotohanang ito na ang pinakahihintay naming sandali, ang pagharap sa mga taong sumira ngbuhay namin.Tahimik rin si Sidro habang iniaabot niya sa akin ang mainit na tasa ng kape. Madilim pa sa labas ngunit rinig na namin ang mga sasakyang paroo’t-parito, nagsisimula na sa kanila-kanilang mga araw.“Ate… uminom ka muna, ang putla mo po,” mahinang sabi niya, pero ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Halatang pinipilit niyang maging matatag para sa aming dalawa.Umupo ako sa tabi niya sa munting mesa sa kusina. Pareho kaming hindi nag-uusap sa loob ng ilang segundo, na para bang hinihintay namin na kusa nang gumaan ang loob namin. Pero hindi ganoon ang buhay
SANDRA’S POVNatutulog pa rin si Arthur nang matapos na akong makapag-shower at makapagbihis. Ang isiping ito na ang huling sandali na nagtabi kami sa kama ay labis na nagpapadurog ng puso ko. May mga bagay na hindi na kailangang pilitin, lalo na kung ito na ang mismong dahilan ng unti-unti mong pagkakawasak.Bago ako makaalis ay gumalaw siya at umungol. Habang nag-iisa kami kanina ay amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang bibig, at alam kong lasing siya, lutang, at pagod sa lahat ng nangyari. Malamlam ang kaniyang mga mata na halatang walang tamang tulog at pahinga. Lalong sumikip ang dibdib ko.Alam kong nasaktan ko siya nang sobra, at alam ko ring hindi niya kasalanan na anak siya ng mga taong sumira ng buhay ko.“Mahal kita, Arthur,” mahinang bulong ko, sabay patak ng banayad na halik sa kaniyang noo.Hindi siya nagising. At tulad nang sinabi niya kanina, ayaw niyang gisingin ko siya kapag aalis na ako at kapag iiwan ko na siya.Pagkababa ko ng Solace Condominiums ay agad akong suma







