Share

Numinous

 

 

“Si Isa. Wala nang iba. Lou-Isa-Na.. Sebastiano. Tama? Si Isa nga yun. Bakit? May problema ba?” tanong ni Leonard sa walang imik na si Euphie. Napa-iling lang siya at nanatiling tikom ang bibig.

“Wala. walang problema.” Umiling at ngumiti lang siya ng bahagya kay Leonard at muling itinuon ang tingin sa dalawang taong nasa harapan nila ngayon.

Ngayong araw, Hindi niya aakalain na makilala at makikita niya ang Lolo Dan niya na nagkataon namang kaibigan pala nitong si Leonard na suspetya naman niyang dating karelasyon ng Lola niya.. at nagkataon naman ding si Isa pala.

Hindi man siya makapaniwala sa mga nangyayari ay naintindihan niya na rin sa wakas ang ilang mga bagay. Tulad na lang siguro ng dahilan kung bakit magaan ang loob niya kay Isa at parang pamilyar ito sakaniya ay dahil siya pala ang Lola Louisana niya na matagal na niyang hinahanap.

Ngunit akala ni Euphie ay mabibigyan na ng linaw ang dahilan kung bakit siya napunta dito kapag nakita na niya ang Lola niya.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status