Share

KABANATA 3

Author: Maria Anita
Lunes ng tanghali, nagkita kami ni Diane at ibinigay niya sa akin ang paper bag mula sa isang mamahaling brand. Naguguluhan ko siyang tiningnan.

“Sabi ni Mommy ay ibigay ko raw sa ‘yo iyan. Bagay na bagay daw sa ‘yo ‘yan at hindi naman daw niya magagamit,” nakangiti pang sabi nito.

Binuksan ko ang paper bag at naroon ang perfume na ginamit ko noong Gala Ball. Ngumiti ako nang malapad. Gustung-gusto ko ang perfume na ‘to at bahagi ito ng pinakamagandang gabi ng buhay ko. Sana lang, hindi ako magka-HIV disease bilang souvenir! Nagpasalamat ako kay Diane at tatawagan ko na lang ang kanyang Mommy mamaya. Sinabi ko rin sa kanya na tatawag ako sa clinic para magpa-schedule ng mga test.

Nang makatawag sa clinic ay sinabihan ako na kailangan ko ng request mula sa doktor para magpa-test gamit ang aking health insurance. Mabuti na lang may health insurance ang kumpanya namin, dahil kung wala, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi naman kasi kataasan ang sahod ko, at ang natitira pagkatapos ng mga gastusin ko sa university ay napupunta naman sa bahay. Isang housewife lamang si Mama at si Papa naman ay maliit lang ang kinikita bilang driver.

Nagpa-appointment ako sa doktor, pero dalawang linggo pa bago ang available na schedule kaya naman hindi mawala ang kaba sa dibdib ko. At habang lumilipas ang mga araw, mas lalo akong kinakabahan.

Ginawa ni Diane ang lahat para kumalma ako. Sa araw ng appointment ko ay sinamahan pa niya ako. Tatlong linggo na ang lumipas mula noong party nang magawa ko ang mga test. Pagkalipas ng limang araw, dumating na ang results at bumalik kami sa doktor. Syempre, kasama ko pa rin si Diane.

Tiningnan ng doktor ang mga resulta at seryosong tiningnan ako sa mata.

“Miss Isabelle, maayos naman ang kalusugan mo. But starting today, I need you to take better care of yourself.”

Napahinga nang maluwag sa narinig. Pero sesermunan ba ako ng doktor dahil nakipagtalik ako sa isang estranghero nang walang condom? Well, kung oo, deserve mo rin naman dahil naging tanga ako. Pwede akong magkasakit sa hindi paggamit ng condom.

Nagpatuloy ang doktor. “Congratulations, buntis ka! Ire-refer kita sa isang OB-GYN para magpa-prenatal check-up..."

Tila ba nabingi ang mga tainga ko at ang tanging naririnig ko ay ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala! Buntis? Paano ko ito ipapaliwanag kina Papa?

Hindi pwede!

Ako na isang dalagang pilipina, ang laging maingat, na laging iniisip ang kahihinatnan ng mga desisyon ko—ngayon, sa unang pagkakataong sumuway ako sa katwiran, nabuntis ako, at hindi ko man lang alam kung sino ang ama!

Hinawakan ni Diane ang kamay ko at ulit-ulit na sinabi, “Kumalma ka muna, Belle. Maaayos din ang lahat!”

Paano magiging maayos ang lahat? Ni hindi ko alam kung sino ang ama! Shit! Kailangan kong sabihin ito sa mga magulang ko. Panigurado ay madi-disappoint sila at kagagalitan ako at palalayasin sa bahay. Paano ko ipapaliwanag na hindi ko alam ang itsura ng ama ng anak ko? Nagsisimula na akong mag-hyperventilate. Bigla, hinawakan ako ng doktor sa kamay.

“Miss Isabelle, please calm down. Alam kong hindi maganda ang sitwasyon mo, pero hindi ka pwedeng mag-panic. Makakasama sa baby mo. You need to take care of yourself for your baby. Sigurado akong susuportahan ka ng mga taong nagmamahal sa'yo. Huwag kang matakot. Do you understand me?”

Tiningnan ko ang doktor. Petite ito, , maputi ang buhok, medyo mabilog, at naka-salamin. Sa huli ay napatango ako. Kahit papaano, napa-kalma niya ako, marahil dahil sa kanyang mga matang puno ng kabaitan at pang-unawa na bihira na lamang ngayon. Inutusan niya ang kaniyang secretary na magdala ng chamomile tea at ininom ko iyon habang pinapakalma ang sarili. Pinaalalahanan din ng doktor si Diane at nagbigay ng mga impormasyong kakailangin namin sa pagbubuntis ko.

Nang makaalis sa clinic ay dinala ako ni Diane sa isang cafe. Aniya ay kailangan muna naming kumain. Pag-upo ko pa lang ay nag-uunahan na ang mga luma sa aking mga pisngi. Niyakap ako ni Diane at sinabing hindi ako nag-iisa.

Napatingin ako sa kaniya. “Ang sumasagi lang sa isip ko ngayon, gusto ko na ikaw at si Lucas ang maging ninong at ninang ng anak ko, kasi alam kong susuportahan niyo siya at mamahalin nang husto."

Nagliwanag ang mga mata niya at saka umiyak nang malakas, sabay hikbi.

“Ano ka ba! Magiging best Ninang ako sa buong mundo. Palagi akong nasa tabi ng baby mo. Sigurado ako na matutuwa si Lucas.”

Kinlaro niya na hindi ako magiging mag-isa sa lahat, pati sa pagharap sa mga magulang ko. Sina Mama at Papa… Napagdesisyunan kong hindi ko na ito ililihim pa sa kanila. Mamayang gabi ay sasabihin ko na sa kanila. Hindi na muna ako papasok sa university.

“Tara Belle, sasamahan kita magsabi sa kanila.”

Simpleng tao lamang ang mga magulang ko. Matangkad si Papa at malakas ang pangangatawan, samantalang si Mama naman ay parang mas matandang version ko, pero pareho silang may matibay na prinsipyo na lagi nilang pinapasa sa akin. Mariing sinabi sa akin ni Papa na nagkamali ako, dahilan para lalong bumigat ang dibdib ko. Nalaglag na lamang ang mga luha ko.

“Alam ko, Papa. Naging iresponsable ako. Pero nandito na, wala na akong magagawa pa. Hihinto na lang muna ako sa kolehiyo para maalagaan ang anak ko. At mag-iimpake na ako ng mga gamit ko—"

"Mag-iimpake? Mali ka nang husto kung akala mo palalayasin ka namin sa ganitong kalagayan. Oo, nagkamali ka, nasaktan mo kami, pero mahal ka namin, Belle. Malalampasan natin ito, at tutulungan ka namin. Hindi ka nag-iisa, anak! At pati ang batang dinadala mo!" ani Papa. Biglang napuno ng pag-asa ang puso ko.

“Pero, Pa. Pinahiya ko kayo…”

“Belle, hindi ikaw ang una at huling single mother sa mundo. Siyempre, mas gusto naming iba ang nangyari sa'yo, na hindi ganito kahirap. Responsable kang anak. Pero kung ito na ang nangyari kaya haharapin natin. Hindi ka hihinto sa pag-aaral mo. Ngayon pa ba? Mas kailangan mong magtagumpay sa buhay para sa anak mo. Napakalaki ng responsibilidad mo bilang single mother pero tutulungan ka namin, at kahit mahirap, magiging maayos din ang lahat."

Maging si Diane ay umiiyak na rin. “Tito Hector, Tita Cynthia, nandito rin ako para tumulong sa inyo! Ninang na ako ng baby ni Belle, at para na rin kaming magkapatid kaya hindi ko sila pababayaan.”

Tumingin ang mga magulang ko sa kanya nang puno ng pasasalamat ang mga mukha. Tiningnan ko silang tatlo, ramdam na ramdam ko kung gaano ako kaswerte na kasama ko sila sa buhay ko. Mahal na mahal ko sila at pati na rin ang batang nasa sinapupunan ko na ngayon ko lamang nadiskubre.

Kahit mahirap maging solo parent, hindi ko pa rin itatanggi na ang gabing iyon sa Gala Ball ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Hindi ko malilimutan ang mga kulay hazel na mata ng lalaking ‘yon na gandang-ganda sa akin habang nagtatalik kami, at lahat ng naramdaman ng katawan ko noong gabing iyon. Mananatili sa akin ang magandang alaalang iyon.

Mahirap ang mga sumunod na buwan. Itinago ko ang dress, sandals, maskara, at ang perfume na regalo sa akin ng Mommy ni Diane sa isang kahon. Kapag nahihirapan ako, binubuksan ko iyon at binabalikan ang nangyari sa Gala Ball.

Kahit maayos ang pagbubuntis ko, mahirap tiisin ang mga tsismis at masasakit na salita ng mga tao laban sa akin. At para sa mas ikahihirap ng sitwasyon ko, matapos ikasal ng ex at pinsan ko ay tumira sila sa mga magulang nito na kapitbahay lang naman namin! Sinasadya nilang insultuhin ako sa tuwing magkikita kami, at pinagkakalat pa sa buong lugar na hindi ko alam kung sino ang ama ng baby ko… na isa raw akong loser kaya iniwan ako ni Vince.

Gusto ko silang gilitan ng leeg! Ito namang nanay ni Selena, na tiyahin ko, hindi rin nagpahuli sa panggugulo sa buhay ko. Lagi siyang pumupunta sa bahay para sabihing buti na lang ang anak niya ay “mabuting babae” at nakapangasawa ng "disenteng lalaki." Para bang nakalimutan niya na ang malandi niyang anak ay inagaw ang nobyo ko sa akin, at nakipagtalik pa sa sarili kong kama!

Ngunit nilunok ko na lang ang lahat. Hindi worth it ang makipagtalo sa kanila, at ayokong maapektuhan ang baby ko. Habang lumalaki ang tiyan ko, lalo kong minamahal ang bata sa sinapupunan ko.

Hindi ko alam na may ganitong klaseng pagmamahal pala. Lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya. Poprotektahan ko siya sa lahat… ibibigay ko ang buhay ko para sa kanya. At ang nakakapagtaka pa, parang lahat ay sumasang-ayon sa akin—maayos ang trabaho, ang pag-aaral, at ang suporta ng mga mahal ko.

Mabait ang boss ko. Naiintindihan niya ang sitwasyon ko at pinataasan pa ang sahod ko, na malaking tulong! Sina Diane at Lucas naman ay todo ang suporta sa akin, mahal na mahal nila ang inaanak nila kahit hindi pa nila alam kung lalaki o babae ito. Sila ang nag-ayos at bumili ng mga gamit ng munting kwarto para kay baby. Sinasamahan ako ni Diane sa lahat ng check-up at tests. Ni hindi siya nawala sa kahit isa. Pinlano pa niya ang baby shower sa trabaho namin at sa university. Punung-puno ng pagmamahal ang magiging mundo ng anak ko…

Nang malaman kong lalaki ang baby ko, pinangalanan ko siyang Nathan. At gayon na nga—isilang ko si Nathan na malusog, at ang mga mata niya ay kulay hazel na tila nagpapaalala sa gabing nagpabago ang buhay ko.

Ang anak ko ay napaligiran ng pagmamahal mula pa lang sa simula. Ang mga magulang ko ay nahumaling sa kanilang apo. Araw-araw dumadalaw sina Diane at Lucas para bisitahin ang inaanak nila at kamustahin ako. Lagi kong kasama si Diane sa lahat. Pati ang mga magulang niya ay dumadalaw kay Nathan at sinabing sila na ang "lolo't lola" niya, dahil anak na rin nila ako sa paningin nila. Binigyan nila ako ng stroller bilang regalo, at nang isilang ko si Nathan, pumunta sila sa ospital na may dalang malaking basket ng bulaklak at balloons para salubungin siya.

Nang matapos ang aking maternity leave, si Mama na ang nag-alaga kay Nathan habang pinagsasabay ko naman ang trabaho at pag-aaral. Nagsumikap ako at nilaan ang mga free tima ko kay Nathan. Sa tulong ng aking mga magulang at ng mga ninong at ninang niya, nagawa kong pagtagumpayan ang lahat at hindi nagpahuli kahit isang semester sa kolehiyo, nakapagtapos kasabay ng aking bestfriend na si Diane. Isa iyong napakagandang sandali para sa akin at sa aking pamilya.

Hawak ang aking diploma, pursigido na akong tahakin ang mas magandang kinabukasan, determinado na masigurong lahat ay maibibigay ko sa anak ko.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 100

    Isabelle “Diane, tinawag ako ni boss. Hindi naman sinabi bakit. Alam mo ba kung bakit?” tanong ko habang pumapasok sa opisina ng kaibigan ko isang hapon. Umiling siya. “Wala akong alam. Hindi ko rin alam na tinawagan ka niya. Hindi dumaan sa akin. Malamang personal matters ‘yan. Hintayin mo lang ako dito—sasabihin ko sa kanya na nandito ka na.” Pumasok siya sandali sa opisina ng boss namin at agad ding lumabas, sinenyasan akong pumasok na sa loob. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman—may kutob na ako pero ayaw kong pangunahan ang lahat. Hindi ko rin naman kinakalimutan ang hierarchy sa opisina. Kahit na magkaibigan kami ni Joko sa labas, propesyonal pa rin kami sa loob ng kompanya niya. “Oh, there you are!” bati agad ni boss na may malapad na ngiti. “Una sa lahat, tuwang-tuwa ako na kayo na ulit ng kaibigan ko. You deserve it at tsaka, pagod na pagod na kaming samahan siyang uminom. Mabuti na at nagkaayos na kayo bago pa niya masira ang mga atay namin.” “Salamat,

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 99

    River Pagkatapos kong ihatid si Isabelle sa opisina nila, agad akong tumungo sa opisina ko, dala pa rin ang init ng mga sandaling magkasama kami noong weekend. Mainit ang pagtanggap ng pamilya niya—at para sa isang tulad ko na sabik sa ganoong koneksyon, napakahalaga niyon. One for the books ika nga. Oo, nagkaroon ng tensyon sa Batanes kasama ang ex niya at ang pinsang masahol pa sa aso ang ugali pero kahit ‘yon ay hindi kayang sirain ang kabuuan ng perpektong araw na ‘yon. Bumalik na sa akin si Isabelle, napatawad na niya ako. Tiyak kong nakatulong ang quick escape niyang iyon para sa amin. Muli ko siyang nayakap, at puno ang dibdib ko ng galak na halos hindi ko na makayanan. At si Nathan…ang batang ‘yon! Binuo niya lalo ang mundo ko. Kasing dali niyang nakuha ang puso ko tulad ng nanay niya. Kung nabubuhay pa ang mga magulang ko, sigurado akong mamahalin nila si Isabelle at tatanggapin si Nathan na parang tunay nilang apo. Pero masakit pa ring maalala ang mga namayapa kong ma

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 98

    Isabelle Nagising akong nakakulong sa mga bisig ng lalaking mahal ko. Wala ng mas masarap pa sa pakiramdam ng may kayakap ka sa gabi at ito ay ang taong mahal mo. Nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni River, magkayakap ang aming mga binti at mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Ang init ng kanyang katawan ang bumalot sa akin, buong gabi kong hindi alintana ang natural na lamig ng bukid—pakiramdam ko ay payapa ang buong mundo ko dahil sa gabing ‘yon. “Magandang umaga, mahal ko,” bulong niya, sabay halik sa tuktok ng ulo ko. Tumingala ako sa kanya at ngumiti. “Paanong ganyan ka pa rin kagwapo pag gising mo? Anong black magic ‘yan?” Tumawa siya ng mahina at hinaplos ang labi ko. Namumula din siya sa hiya. “Ulitin mo nga. Hindi ko kasi narinig. Medyo mahina na ang pandinig ko kasi.” “Na ikaw ang pinakagwapong lalaki na nakita ko sa buong buhay ko? Pero bingi nga lang, sayang ang kagwapuhan,” biro ko, habang pinagmamasdan ang kislap sa kanyang mga mata. “Gusto ko ‘yan,” sabi niy

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 97

    Isabelle Naghintay ako sa gate kasama si Nathan—ilang minuto lang ay may itim na sasakyan na tumigil sa amin. Mabilis akong sumakay sa kotse bago pa man bumaba si River para tulungan ako. Nahalata niya agad na hindi maganda ang timpla ko. “Ano bang problema, mahal?” tanong ni River sa akin habang papalayo ang kotse. “Dumating ang tiyahin ko sa bahay at gumawa ng hindi kaaya-ayang eksena. Pero sasabihin ko sayo mamaya—ayoko munang mabahala. Magandang umaga sa inyong dalawa.” Ngumiti ako para baguhin ang mood. Si Nathan ang nagkwento sa buong biyahe—sinabi pa niya kay Tito River niya kung paano niya dinilaan ang ‘witch’ at nagtawanan kaming lahat. Pagdating namin sa bahay nina Diane, naging mainit ang pagtanggap sa amin. Labis nilang ini-enjoy si Nathan at gustong-gusto nila na magkaroon ng isa na namang apo—kahit na alam nilang hindi pa handa si Diane para sa ganyan. Pagkatapos ng isang masaya at masarap na lunch, tinawag ni Mr. Fernandez sina River at Lucas sa opisina para sa

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 96

    Isabelle Pag-alis ng mga bisita, inihiga ko si Nathan sa kama at bumalik ako sa sala para makipagkwentuhan pa ng konti kina Mama at Papa. Pakiramdam ko kasi marami pa silang gustong malaman tungkol kay River at sa estado ng relasyon namin—lalo na si Papa na hindi matigil kaka-point out sa uncanny resemblance nina River at Nathan. “Bakit hindi mo agad sinabi sa amin na may problema ka pala sa trabaho mo doon, anak?” agad na tanong ni Papa sa akin, paglapat pa lang ng pwet ko sa sofa. “Mukhang marami na silang nakwento sa inyo, ah. Pero hindi ko na sinabi dahil ayokong mag-alala kayo. At dahil may kaibigan akong parang guardian angel—siya ang tumulong sa akin makahanap ng trabaho na kasing ganda rin ng nauna,” tapat kong sagot. Total alam na nila, wala ng saysay pa ang maglihim sa kanila. “Sabi ni River nagtatrabaho ka na raw ngayon sa kaibigan niya, pero babalik ka rin daw sa kumpanya niya,” sabi ni Papa. Mukhang close na agad ang dalawa. Ramdam ko ang suporta ni Papa sa lalakin

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 95

    Isabelle Pagkatapos naming mamili, bumalik na kami sa bukid. Inabot din kami ng ilang oras sa bayan dahil naglibot-libot pa kami. Tinulungan ako ni Diane na buhatin ang mga pinamili at pagpasok namin sa bahay, tinawag namin sina Mama at Papa. Nilalagay pa lang namin ang mga bag sa mesa nang biglang tumakbo si Nathan at narinig ko ang pagsigaw niya. “Tito River! Dumating ka!” “Syempre naman, little buddy. Miss na miss na kita!” narinig kong sabi ni River at parang nanghina ang tuhod ko sa gulat. Pagharap ko, yakap na yakap na nila ang isa’t isa. Nakangiti nang malaki si Mama, si Papa ay halatang nagulat at si Melissa ay natulala habang si Lucas ay papalapit sa kanya. Sa palagay ko ay pareho kaming biglang nawalan ng focus. “Anong ibig sabihin nito, Lucas?” tanong niya ng seryoso, hindi man lang niya niyakap ang nobyo niya. “Ano pa ng aba? Hindi na namin kinayang malayo sa mga nobya namin. Lalo na kay Nathan kaya nandito kami…ang ganda pala dito,” sagot ni Lucas na para bang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status