Share

KABANATA 4

Author: Maria Anita
Dalawang taong gulang na si Nathan nang makapagtapos ako ng kolehiyo. Marunong na siyang maglakad nang mag-isa, at laging kumakapit sa kanyang lola na siya ring unang salitang kanyang nasabi. Napakagwapong bata si Nathan; may tuwid at maitim na buhok, maputing balat, medyo matangos na ilong, at ang malalaking matang kulay hazel na palaging nagpapaiyak sa akin sa tuwing naiisip ko kung kanino niya ito nakuha. Ang anak ko ang nagsisilbing liwanag ng buhay ko. At ngayon, magkakaroon na ako ng mas maraming oras para sa kanya.

Pagkatapos ng graduation, tinawagan ako ng boss ko para makipag-usap. Aniya’y masaya siya sa aking trabaho, pero alam niyang deserve ko na umasenso pa dahilan kaya iminumungkahi niyang humanap ako ng trabaho na nakalinya sa natapos kong kurso, at maiintindihan niya raw kung aalis ako. Aniya’y mananatili ang aking posisyon sa construction company hangga't gusto ko, at kung sakaling hindi mag-work out ang lilipatan ko, may babalikan pa ako. Pero payo niya, humanap ako ng trabaho sa aking field of study para sa mas magandang kinabukasan ni Nathan. Na-touch ako sa kaniyang kabaitan at tinanggap ang kanyang payo.

Sinabi ko ito kay Diane, at agad niyang ibinalita na kakausapin niya ang kanyang Daddy kung may mga connection ito. Hindi nagtagal, tinawag ako ni Tito Felix, ang tatay ni Diane, sa kanyang opisina at ibinigay sa akin ang isang business card.

“Hija, alam kong masipag ka at professional. Kinausap ko ang isa kong kaibigan at naayos niya ang isang interview para sa'yo sa Dela Merced group of Companies, bilang assistant sa CEO ng kumpanya. Kung makukuha mo ang position na ito, magiging bahagi ka ng isang global company—napakagandang posisyon, ‘di ba? Ngunit kailangan mong manirahan sa Manila. Alam kong malaking adjustment uto para sa iyo pero isipin mo na lamang na napakagandang oportunidad nito para sa'yo. I-email mo ang nasa card para sa virtual interview, okay?”

Napatango ako sa tuwa. “Naku, Tito Felix, hindi ko po alam kung paano kayo pasasalamatan! Napakabait ninyo palagi sa akin! Ang Dela Merced group of Companies ay napakatanyag sa bansa natin at pangarap ko pong makapagtrabaho doon. Sisiputin ko po ang interview,, at kung kailangang lumipat, handa ako. Alam ko po kasing magandang oportunidad ito,” sabi ko nang may determinasyon.

Sa totoo lang, hindi masama ang umalis sa radar ng mga toxic kong kamag-anak—lalo na ngayong buntis na ang "reyna" kong pinsan na si Selena. Pati ang nanay niya ay nanghihingi pa ng mga pinaglumaang gamit ni Nathan para sa magiging anak ng gago nilang mag-asawa! Buti na lang sinabi ni Mama na naibigay ko na ang mga lumang gamit ng anak ko sa isang buntis naming kakilala. Nabubwisit din kasi ang Mama ko sa kapatid niya dahil palagi nitong sinasabihan si Nathan na walang Papa. Kaya kung aalis ako sa lungsod na ito, ang tanging ikalulungkot ko lamang ay ang pag-iwan sa aking mga magulang at kay Diane—pero alam kong susuportahan nila ako sa mga desisyon ko.

Nagpasalamat ako kay Tito Felix at saka umalis na ng opisina nito. Pagbalik ko sa aking desk, kinausap ko ang aking boss na si Mikael, na siyang kapatid ni Tito Felix.

“Mikael, nakakuha ako ng interview sa Dela Merced group of Companies dahil sa kapatid mo,” natutuwa kong balita.

Ngumiti siya sa akin. "I know, kakatawag lang niya sa akin. Huwag mo nang pakawalan ang oportunidad na 'yan, Isabelle. Kung hindi mag-work out, pwede ka namang balik ka lang dito."

Nagpasalamat ako at agad na nagpadala ng email para sa interview. Hindi nagtagal, natanggap ko ang confirmation na ang interview ay bukas na agad ng 10 AM. Dahil naipasa ko na ang resume ko, magiging maikli lang daw ang interview.

Nang gabi ring iyon, kinausap ko na sina Mama’t Papa. Bagama't nag-aalala sila kung paano ko aalagaan si Nathan nang mag-isa sa malayong lungsod, at malungkot sila dahil malalayo sila sa apo nila, suportado nila ako gaya ng dati. Pinakiusapan ko rin sila na huwag muna sasabihin kanino man ang desisyon kong ‘to.

Nang dumating si Diane, na araw-araw bumibisita sa kanyang inaanak, sinabi ko sa kanya ang lahat at tinulungan niya akong maghanda para sa interview.

Araw ng interview…

Pumasok ako sa meeting room sa opisina ni Mikael. Naupo ako at naghintay sa tawag. Ang nag-interview sa akin ay isang mahinhin at matalinong babae—si Sam Cortez. Dalawang oras kaming nag-usap. Ibinigay niya sa akin ang lahat ng detalye tungkol sa posisyon, sahod, at benefits.

"Catarina, hired ka na! Ikaw ang papalit sa akin. Lilipat ako sa Luxembourg branch para sa management position. Kailangan kitang i-train o ako umalis sa loob ng sampung araw. Kailan ka pwede mag-start?"

"Kailangan ko lang po ng permiso ng boss ko, pero sa tingin ko ay makakapasok na ako sa Lunes." Pumayag kaya si Mikael na umalis ako agad?

"Perfect. I-email mo na lang ako pagkatapos mong kausapin ang boss mo. Do you have any questions?"

"Wala na po, ma'am. Naintindihan ko ang lahat."

"Awesome! Welcome to Dela Merced Group of Companies. I’m sure magiging maayos ang pagtatrabaho mo rito. Kitakits sa Lunes, ha!”

Nang matapos ang tawag ay parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa. Nakuha ko ang trabaho! Maganda ang posisyon ko at mataas pa ang sahod! May pagkakataon na akong umasenso! Parang panaginip. Parang panaginip. Pero kailangan kong magmadali para ayusin ang lahat.

Agad akong pumunta kay Mikael para ibalita ang resulta ng interview. Masaya siya para sa akin, tinawagan niya ang accounting department para maayos agad ang clearance ko. Pagkatapos, hinayaan niya na akong umalis nang may pangako na maaari akong bumalik kung sakali, pero sigurado raw siyang magiging maayos ang lahat sa bagong kumpanyang pagtatrabahuhan ko. Nagpasalamat ako nang lubos sa kaniya bago umalis umalis. Nagpadala ako ng confirmation email kay Miss Sam Cortez na darating ako sa Lunes ng alas-8 ng umaga.

Pagkatapos, dumiretso ako kina Diane. Kailangan kong magpasalamat. Doon, si Diane pa ang nagbigay ng sorpresa sa akin.

“Akala mo ba basta-basta mo lang madadala ang inaanak ko? Hindi pwede! Kinausap din ng Daddy ang connection niya at may interview ako roon. Sasama ako sa'yo at magsasama tayo sa iisang apartment. Ano sa tingin mo?"

Grabe ang tuwa ko!

"E, paano naman si Lucas?” tanong ko sa kanya.

"Nag-request na siya ng transfer sa Manila, kung saan mas marami siyang opportunities. Bestie, bagong buhay na ‘to para sa ating tatlo!"

Napangiti ako. Naayos na pala ni Diane ang lahat! Si Lucas ang maghahatid sa amin, at si Diane ang mag-aalaga kay Nathan habang nagtatrabaho ako hanggang makahanap ng daycare para sa anak ko.

May tatlo daycare si Diane na balak puntahan, at si Tito Felix naman ay nagbigay na ng furnished apartment para sa amin sa Manila. Ang perpekto ng lahat… at parang nakakatakot.

Napansin ni Diane ang pag-aalala ko, kaya siniko niya ako at palabirong sinabi, “Psst. Matuto kang tanggapin ang mga biyaya sa buhay!"

Nginitian ko siya, at nagtungo kami sa bahay ng mga magulang ko. Oras na para sabihin sa kanila ang magandang balita at magpaalam. Malayo ang Manila sa Cebu kaya hindi kami magkikita nang madalas. Masaya ang mga magulang ko hanggang sa sabihin kong aalis na kami kinabukasan ng umaga. Doon na pumutok ang iyakan. Mahirap para sa akin na iwan sila, pero kailangan. Sa sahod na matatanggap ko, mas matutulungan ko na sila ngayon. Iyon ang magandang balita…

Kinabukasan ng umaga, dumating sina Diane at Lucas nang maaga. Binigyan si Diane ng kotse ni Tito Felix bilang regalo, kaya mas madali ang paglipat namin. Inayos ni Lucas ang lahat ng gamit sa truck, at nagtungo kami sa aming bagong titirhan. Buong araw kaming nagbyahe.

Sabado ng gabi nang makarating kami sa Manila. Pagod na pagod si Nathan, pero sobrang saya niya sa biyahe. Bago sa kanya ang lahat. Nag-ayos kami, umorder ng pagkain, at pagkatapos kumain, natulog na agad kami. Nang Linggo, naglibot kami sa lungsod. Napakalaki talaga ng Manila!

Ang apartment na titirhan namin ay malapit sa isang daycare center na kinontak ni Diane. Swerte! Malapit din ito sa kumpanya—20 minuto lang kapag magti-train. Maganda ang lugar, moderno ang dekorasyon, maliwanag, at may malalaking bintana. Nang gabing iyon, hinatid namin si Lucas sa airport at umuwi para magpahinga. Malaking araw ang kinabukasan—ang unang araw ko sa trabaho, at may virtual interview din si Diane. Magse-set din siya ng appointment sa director ng daycare para makilala at makausap.

Kinarga ko si Nathan papuntang kama. Pagod siya sa kakakilala sa bagong mundo namin. Pinagmasdan ko ang anak ko na mahimbing na natutulog at naniwala akong magiging maayos ang buhay namin dito. Ngayon, may sarili na siyang kwarto! Napagkasunduan naming bumili ng mga personal na gamit para mas maging personal ang space namin sa apartment na ito.

Kinuha ko ang baby monitor at pumunta sa aking kwarto. Binuksan ko ang mga kahon at inayos ang gamit ko. Nang buksan ko ang huli, hinugot ko ang kahong may lamang alaala mula sa gabing iyon sa Gala Ball. Dinampot ko ang perfume at napaisip. Bakit hindi? Simula bukas, gagamitin ko na ito araw-araw. Maganda na ang sahod ko, at kapag naubos, makakabili naman ako ng bago.

Itinabi ko ang kahon, inilapag ang perfume sa dressing table, at natulog nang puno ng pag-asa sa bagong buhay na naghihintay sa amin ng anak ko…
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 100

    Isabelle “Diane, tinawag ako ni boss. Hindi naman sinabi bakit. Alam mo ba kung bakit?” tanong ko habang pumapasok sa opisina ng kaibigan ko isang hapon. Umiling siya. “Wala akong alam. Hindi ko rin alam na tinawagan ka niya. Hindi dumaan sa akin. Malamang personal matters ‘yan. Hintayin mo lang ako dito—sasabihin ko sa kanya na nandito ka na.” Pumasok siya sandali sa opisina ng boss namin at agad ding lumabas, sinenyasan akong pumasok na sa loob. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman—may kutob na ako pero ayaw kong pangunahan ang lahat. Hindi ko rin naman kinakalimutan ang hierarchy sa opisina. Kahit na magkaibigan kami ni Joko sa labas, propesyonal pa rin kami sa loob ng kompanya niya. “Oh, there you are!” bati agad ni boss na may malapad na ngiti. “Una sa lahat, tuwang-tuwa ako na kayo na ulit ng kaibigan ko. You deserve it at tsaka, pagod na pagod na kaming samahan siyang uminom. Mabuti na at nagkaayos na kayo bago pa niya masira ang mga atay namin.” “Salamat,

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 99

    River Pagkatapos kong ihatid si Isabelle sa opisina nila, agad akong tumungo sa opisina ko, dala pa rin ang init ng mga sandaling magkasama kami noong weekend. Mainit ang pagtanggap ng pamilya niya—at para sa isang tulad ko na sabik sa ganoong koneksyon, napakahalaga niyon. One for the books ika nga. Oo, nagkaroon ng tensyon sa Batanes kasama ang ex niya at ang pinsang masahol pa sa aso ang ugali pero kahit ‘yon ay hindi kayang sirain ang kabuuan ng perpektong araw na ‘yon. Bumalik na sa akin si Isabelle, napatawad na niya ako. Tiyak kong nakatulong ang quick escape niyang iyon para sa amin. Muli ko siyang nayakap, at puno ang dibdib ko ng galak na halos hindi ko na makayanan. At si Nathan…ang batang ‘yon! Binuo niya lalo ang mundo ko. Kasing dali niyang nakuha ang puso ko tulad ng nanay niya. Kung nabubuhay pa ang mga magulang ko, sigurado akong mamahalin nila si Isabelle at tatanggapin si Nathan na parang tunay nilang apo. Pero masakit pa ring maalala ang mga namayapa kong ma

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 98

    Isabelle Nagising akong nakakulong sa mga bisig ng lalaking mahal ko. Wala ng mas masarap pa sa pakiramdam ng may kayakap ka sa gabi at ito ay ang taong mahal mo. Nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni River, magkayakap ang aming mga binti at mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Ang init ng kanyang katawan ang bumalot sa akin, buong gabi kong hindi alintana ang natural na lamig ng bukid—pakiramdam ko ay payapa ang buong mundo ko dahil sa gabing ‘yon. “Magandang umaga, mahal ko,” bulong niya, sabay halik sa tuktok ng ulo ko. Tumingala ako sa kanya at ngumiti. “Paanong ganyan ka pa rin kagwapo pag gising mo? Anong black magic ‘yan?” Tumawa siya ng mahina at hinaplos ang labi ko. Namumula din siya sa hiya. “Ulitin mo nga. Hindi ko kasi narinig. Medyo mahina na ang pandinig ko kasi.” “Na ikaw ang pinakagwapong lalaki na nakita ko sa buong buhay ko? Pero bingi nga lang, sayang ang kagwapuhan,” biro ko, habang pinagmamasdan ang kislap sa kanyang mga mata. “Gusto ko ‘yan,” sabi niy

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 97

    Isabelle Naghintay ako sa gate kasama si Nathan—ilang minuto lang ay may itim na sasakyan na tumigil sa amin. Mabilis akong sumakay sa kotse bago pa man bumaba si River para tulungan ako. Nahalata niya agad na hindi maganda ang timpla ko. “Ano bang problema, mahal?” tanong ni River sa akin habang papalayo ang kotse. “Dumating ang tiyahin ko sa bahay at gumawa ng hindi kaaya-ayang eksena. Pero sasabihin ko sayo mamaya—ayoko munang mabahala. Magandang umaga sa inyong dalawa.” Ngumiti ako para baguhin ang mood. Si Nathan ang nagkwento sa buong biyahe—sinabi pa niya kay Tito River niya kung paano niya dinilaan ang ‘witch’ at nagtawanan kaming lahat. Pagdating namin sa bahay nina Diane, naging mainit ang pagtanggap sa amin. Labis nilang ini-enjoy si Nathan at gustong-gusto nila na magkaroon ng isa na namang apo—kahit na alam nilang hindi pa handa si Diane para sa ganyan. Pagkatapos ng isang masaya at masarap na lunch, tinawag ni Mr. Fernandez sina River at Lucas sa opisina para sa

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 96

    Isabelle Pag-alis ng mga bisita, inihiga ko si Nathan sa kama at bumalik ako sa sala para makipagkwentuhan pa ng konti kina Mama at Papa. Pakiramdam ko kasi marami pa silang gustong malaman tungkol kay River at sa estado ng relasyon namin—lalo na si Papa na hindi matigil kaka-point out sa uncanny resemblance nina River at Nathan. “Bakit hindi mo agad sinabi sa amin na may problema ka pala sa trabaho mo doon, anak?” agad na tanong ni Papa sa akin, paglapat pa lang ng pwet ko sa sofa. “Mukhang marami na silang nakwento sa inyo, ah. Pero hindi ko na sinabi dahil ayokong mag-alala kayo. At dahil may kaibigan akong parang guardian angel—siya ang tumulong sa akin makahanap ng trabaho na kasing ganda rin ng nauna,” tapat kong sagot. Total alam na nila, wala ng saysay pa ang maglihim sa kanila. “Sabi ni River nagtatrabaho ka na raw ngayon sa kaibigan niya, pero babalik ka rin daw sa kumpanya niya,” sabi ni Papa. Mukhang close na agad ang dalawa. Ramdam ko ang suporta ni Papa sa lalakin

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 95

    Isabelle Pagkatapos naming mamili, bumalik na kami sa bukid. Inabot din kami ng ilang oras sa bayan dahil naglibot-libot pa kami. Tinulungan ako ni Diane na buhatin ang mga pinamili at pagpasok namin sa bahay, tinawag namin sina Mama at Papa. Nilalagay pa lang namin ang mga bag sa mesa nang biglang tumakbo si Nathan at narinig ko ang pagsigaw niya. “Tito River! Dumating ka!” “Syempre naman, little buddy. Miss na miss na kita!” narinig kong sabi ni River at parang nanghina ang tuhod ko sa gulat. Pagharap ko, yakap na yakap na nila ang isa’t isa. Nakangiti nang malaki si Mama, si Papa ay halatang nagulat at si Melissa ay natulala habang si Lucas ay papalapit sa kanya. Sa palagay ko ay pareho kaming biglang nawalan ng focus. “Anong ibig sabihin nito, Lucas?” tanong niya ng seryoso, hindi man lang niya niyakap ang nobyo niya. “Ano pa ng aba? Hindi na namin kinayang malayo sa mga nobya namin. Lalo na kay Nathan kaya nandito kami…ang ganda pala dito,” sagot ni Lucas na para bang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status