LOGIN“What the hell did you do to my friends?!” Padabog akong pumasok sa opisina niya.
Natigilan ako nang maabutan kong nandoon si Mommy at kausap siya. “Justine! Ang ugali mo,” mahinang saway ni Mommy. “Please forgive her attitude, Tim.” Halos magpanting ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan niya mula sa bibig ni Mommy. “I told Tim to take action regarding your friends. Hindi sila magandang ehemplo sa’yo, hija,” paliwanag ni Mommy. I scoffed. “Really? At kayo? Magandang ehemplo?” “Justine!” Tumaas na ang boses ni Mommy. Napairap ako saka tinuon ang tingin kay Timothy, na busy-busyhan sa computer. “Bakit suspended sila Nico?” tanong ko. “Because they violated the rules of your school,” he stated, not even sparing me a glance. “Eh wala namang may alam kung hindi may nagsumbong!” pasigaw kong katwiran. “Just, tone down your voice,” nanlalaki na ang mata ni Mommy sa pagsaway. Umiling ako. “You reported them,” bintang ko. “Of course, I did. Drinking, smoking, and cutting classes—all in the school premises?” He smirked while typing on his PC. Tumigil ako sa harap ng mesa niya, at halos sumabog ang dibdib ko sa inis. “You had no right! You’re not my father!” “Elara Justine!” awat ni Mommy, napahawak na sa noo. “Enough. You’re crossing the line.” “I’m just telling the truth, Mom!” sabat ko. “He acts like he owns everything just because you married him!” Hindi umimik si Timothy. Instead, kinuha niya ang ballpen sa mesa, sinarado ang laptop, saka tumingin sa akin. “Elena,” mahinahon niyang sabi, “let me talk to her.” Sandali siyang tinitigan ni Mommy, halatang nag-aalangan, pero tumango rin sa huli. “Please… go easy on her,” paalala niya bago dahan-dahang lumabas ng opisina. Pagkasara ng pinto, lalo kong naramdaman ang nakakabinging katahimikan. “Sit down,” utos niya. “Hindi mo ako boss,” matigas kong sagot. “Hindi,” tugon niya. “Pero ako ang asawa ng nanay mo, at may responsibilidad akong ituwid ka kapag lumalampas ka na sa linya.” “Don’t act like you care,” balik-sagot ko. “You’re nothing like my dad.” He arched his brows. “If I didn’t care, Elara, I would’ve let you destroy yourself with those friends of yours.” Napatahimik ako. Sa likod ng galit, may kumirot na kahihiyan—pero mabilis ko rin iyong pinagtakpan. Lumapit siya sa mesa, at inilapag ang folder na hawak niya. “You’re grounded for a week. No parties, no friends, no phone. Reflect on your choices.” Gusto kong sumigaw, pero wala nang lumabas na boses. Paglabas ni Timothy ay sumabay ang pagbukas ng pinto sa pag-igting ng dibdib ko. Ilang sandali pa ay bumalik si Mommy, dahan-dahan ang mga hakbang, at parang takot na baka muli akong sumabog. “Anak…” mahinahon niyang tawag. Tahimik akong nakatingin sa mga papel na naiwan sa mesa. Lumapit siya saka marahang hinaplos ang buhok ko. “I know this is hard for you,” aniya. “Lahat ito biglaan. Pero si Tim… he’s trying, hija.” Napasinghap ako at pilit pinipigilan ang luhang namumuo. “Trying to what, Mom? Replace Dad?” Umiling siya. “No one can replace your father. Tim knows that.” “You really love him that much? Does he really love you? If all we know, ginagamit ka lang niya—tayo,” I spat each word like an acid, burning my lips. Tumayo ako pagkatapos. “Elara—” tawag ni Mommy, pero hindi ko na siya pinakinggan. Binuksan ko ang pinto nang mariin, at halos mabunot ang doorknob no'n sa higpit ng kapit ko. Ang lamig ng hangin sa pasilyo ay parang sampal sa balat ko, pero mas masakit pa rin ‘yung nararamdaman ko. Bawat hakbang ko sa hallway ay may kalabog ng galit. Naririnig ko pa ang boses ni Mommy mula sa loob, pero lumabo na sa tunog ng sariling paghinga ko. Nang makarating ako sa may hagdan, sandali akong tumigil. Mula ro’n, tanaw ko ang mga larawan sa dingding. Ang mga ngiti namin ni Daddy noong buo pa kami. Ngayon, parang lahat ng iyon, pinalitan ng pangalan ni Timothy Allan Grey. Napahawak ako sa dibdib ko. “You don’t deserve any of this,” bulong ko, hindi ko alam kung para kay daddy o para sa sarili ko. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na akong bumaba. I wasn’t sure where to go, basta ang alam ko lang ay kailangan kong lumayo bago pa ako tuluyang sumabog. I found myself in front of Rina’s house that night. Pinagbuksan ako ng security guard nila, at agad akong tumuloy sa sala. Sinalubong ako ni Ate Teresa. “Miss Elara, maupo po muna kayo. Ipapatawag ko po si Miss Rina,” magalang niyang sabi. “Salamat.” Maya-maya pa ay bumaba si Rina. Shock was written all over her face. “My god! What happened to you?” puna niya nang makita ang ayos ko. “I rented a cab to get here,” naiiyak kong sumbong. “Can I stay here tonight?” “Of course. I’ll tell Mom you’re sleeping over,” aniya saka ako niyaya paakyat sa kwarto niya. “Thank you, Rin,” sabi ko. She handed me a spare towel. “Go take a bath. Later ka magkwento.” Pagkatapos kong maligo ay nakaupo na siya sa gilid ng kama, may hawak na mug ng hot chocolate para sa akin. “Here.” Abot niya. “You look like you’ve been crying since morning.” I took it and sighed. “We fought again. Mom… and him.” “Your stepdad?” nag-aalangan na tanong niya. Tumango ako. “He had no right to meddle with my friends.” Tumahimik muna si Rina bago nagsalita. “You know, people in school keep talking about him. They all say he’s too young to be that powerful. He’s like what—twenty-eight years old?” Napangiwi ako. “Yeah. And too manipulative.” “May narinig pa nga akong rumor,” mahinang dagdag niya. “Like, he really plotted to marry your mom—to sustain their own company. So he really tried to gain your mother’s trust and favor,” she ended. Kinabukasan, maaga akong ginising ni Rina. “Hey, there’s someone outside. Mr. Grey’s secretary daw,” bulong niya. Kunot-noo pa akong naalimpungatan. “What is wrong with them?!” Tinabunan ko ng unan ang ulo ko at mariing pumikit. “Let her wait outside,” sabi ko. “But, Ely—” “Just let her wait. Magsasawa rin ’yan. Hayaan mong mag-report sa bwisit niyang amo!” singhal ko, saka mabilis na bumalik sa pagkakatulog. Pasado twelve noon na nang magising ako. Pero nandoon pa rin ang sekretarya ni Timothy, nakikipagkuwentuhan pa sa security guard! “Nandito pa rin ’yan?” silip ko sa bintana. “Nakakaawa, pinabigyan ko ng lunch kay Ate Teresa,” paliwanag ni Rina. Agad ko siyang nilingon. “Sana hinayaan mong magutom, para magsumbong sa amo niya!” Narinig ko ang yabag mula sa itaas pagkatapos noon—si Mrs. De Vera. “Hija, did you sleep well? Tumawag ang mommy mo kagabi. I assured her you were sleeping safe and sound,” bati niya. “Thank you very much, Tita,” magalang kong sagot. She waved a hand in the air. “No problem. I just hope you get along with your mom. Ikaw lang ang meron siya, hija.” Her words hit me. No, may Timothy pa siya. Pinilit kong ngumiti. “I know po. By the way, mauna na po ako. Rina, thank you ulit.” B****o ako sa kanila. “I’ll go ahead. Thank you po.” Mabilis akong tumalikod at hinarap ang sekretarya ni Timothy. Agad siyang napatayo nang matanawan ako. “Miss Ely—” “Sabihin mo sa boss mo, uuwi ako,” pinal kong sabi bago dumiretso sa kotse.Pagpasok pa lang namin sa mismong estate, doon ko tuluyang naintindihan kung bakit Grey State ang pangalan na binabanggit ng mga tao na may halong respeto… at kaunting takot.Actually, the mansion didn’t look old. It was timeless.Solidong batong kulay abo ang bumuo sa buong istruktura, sinamahan ng bakal at salamin na parang natural na bahagi na lang ng disenyo. Walang palamuti. Walang kahit anong sobra. Malilinis ang linya, eksakto ang mga anggulo. At parang bawat sukat ay pinag-isipan hindi para gumanda, kundi para tumagal.Hindi ito bahay na ginawa para hangaan.Bahay itong ginawa para tumayo.The stones weren’t just decorations. Load-bearing slabs ang mga ’yon—malalaki, eksakto ang linya, at magkakakabit nang walang puwang. Grey Estate's Signature. The kind of design na kahit lindol o bagyo, parang walang epekto. Kaya kahit umuulan, parang hindi naaapektuhan ang mansyon.Ang driveway ay kurbadang maayos ang direksyon papunta sa entrada. Walang poste ng ilaw dahil nakabaon sa lupa
I sighed in relief once the jet plane landed smoothly in Basco, Batanes. Agad kong chineck ang phone ko para silipin kung may messages. Puro ’yon galing kay Yssa. I told her to cover up where I was going. And when I said cover, I mean—from school, company, and even Timothy. God! I even tripled her payment para lang harutin ang secretary ni Timothy at makuha ang detalye sa “business trip” niya na ’to.Pero sa nakikita ko nang makalabas ako ng plane, mukhang malabong business trip lang ang meron sa lugar na ’to. I never knew any of our clients that would do business in this place.“Ma’am, have a safe trip. Do you want me to call you a cab or something?” nag-aalalang tanong ni Sir Guido. He was my pilot going here.“Meron…” sinipat ko ang paligid. It was all cliffs, green hills, and endless ocean ahead. “No’n dito?” Hindi ko naitago ang pagiging sarcastic ko.I’m at the fucking tip of the Philippines!“Yes, ma’am. Multicab.”Multicab? I’ve heard of it before, that’s why I found it intrig
I remembered being carried when we got home. I felt spent and euphoric after all that happened. Ni hindi ko na magawang makapaglakad nang maayos pagkatapos. Narinig ko lang ang mga palitan ng salita sa paligid, pero kahit isa, wala akong naintindihan ’don.Naramdaman ko ang mahinay na paglapat ng likod ko sa higaan. Agad akong tumagilid at niyakap ang unan sa tabi ko.I hugged and sniffed it. “Hmm…”Napakagaan sa pakiramdam ng gabing ’yon. I slept a complete eight hours after that, and it felt so light when I woke up in the morning. Napansin ko rin na iba na ang suot ko paggising. Siya kaya ang nagpalit sa’kin? I giggled as I went straight to the bathroom.I really took my time preparing myself to face him. Hindi naman ako magde-deny na wala akong maalala sa mga nangyari. We were adults to even dodge whatever happened last night. Kasi kahit hulas na ang isip ko ngayon ay alam kong gusto ko pa rin siya.Gusto ka ba?Why would he do what he did last night if he doesn’t like me pala? I t
Halos masubsob ang mukha ko papunta sa driver’s seat dahil sa biglang paghinto ng sasakyan. I immediately glared at Yssa at the rearview mirror. “Ay sorry po, may biglang tumawid na pu-pusa,” mabilis na paliwanag niya.Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Timothy. “It’s fine,” sabi niya, saka mataman akong tinitigan. “Fix yourself, Tine.”But instead of doing what he said, I grinned. Napahagikgik ako sa nangyari. He might have felt instant relief from that sudden stop. May kung anong luwag do’n. Pagkatapos no’n, mas pinili niyang ibaling ang tingin sa labas.I scoffed at my thoughts. Bakit ba naisipan ko siyang halikan? He looked so disconnected that he even chose to ignore me.Hindi ba siya interesado man lang sa’kin? Ako lang ba ang nakakaramdam nito? These thoughts filled my mind hanggang sa bigla na lang akong napaiyak.“Why are you suddenly crying?” halatang iritado niyang tanong.“Ang unfair mo…” I whispered. “Ang daya-daya mo.” Nanginig ang labi ko.Napatuwid siya ng upo saka
The music boomed throughout the club as we walked in. At halos mapaigtad ako nang maramdaman ko ang kamay ni Nicolo sa likod. Bahagya lang akong napangiti saka tinapunan ng matalim na tingin si Yssa. She got what I meant.“Uy! Tara na agad sa loob,” singit niya bigla sa pagitan namin ni Nico.“Let’s go!” sigaw nila Rina at Crisy na halos hindi ko na rin marinig.Rina opted to just get the farthest table at the corner instead of renting a VIP room. Gusto raw nilang maki-connect at mag-enjoy.Well… the place looks decent, a high-end bar. Tingin ko ay okay lang na maki-salamuha rin sa iba. Everyone was all giggly and pretty nice so far.“Tequila for your table, Madam,” sabi ng waiter.Pinanlakihan ko agad ng mata si Rina. Mukhang balak talaga nilang gumapang pauwi ni Cristy. Tinapunan ko rin ng tingin si Nicolo, na nailing lang rin sa gilid.Rina mouthed, “What?”“Ano? Cocktail-cocktail lang ang gusto, Ely? Nag-bar ka pa,” puna ni Cristy pagkatapos.I scoffed at them. “Wag kayong magpapa
“How’s school?” tanong niya habang marahang hinihiwa ang steak sa plato niya.“Wow. Very fatherly,” tudyo ko bago isinubo ang salad.Nagtaas siya ng kilay at bahagyang huminto sa paghiwa. “What do you want to hear then?” balik niya, saka muling ipinagpatuloy ang paghiwa. “Stepdad mo naman talaga ako.”Maya-maya, inusog niya ang plato palapit sa akin, saka kinuha ang sarili niyang pagkain. Humigpit ang hawak ko sa tinidor.Panira talaga siya ng mood kahit kailan.“Fine,” buntong-hininga ko. “Busy lang sa isang subject. Pero kaya ko naman. Hindi pa ako loaded.”Kalmado siyang tumango. “I have a dinner meeting later,” dagdag niya. “Sasabihan ko si Isko na sunduin ka.”Umiling agad ako. “No need. May lakad kami nina Rina after ng meeting ko ng four.”Huminto siya. Bahagyang pinaglaruan ang kutsilyo bago magsalita. “You don’t have your car. Saan ang punta niyo? At least inform Isko.”“Huwag na,” pilit ko. “Si Rina at Cristy naman ang kasama ko.” Huminga ako nang malalim bago idagdag, “May







