Share

Kabanata 4

Napailing na lang ako sa sarili at nag-isip kung ano pang dapat kung gawin habang nandito ngayon sa kwarto. Nagbigay ako ng update kay Kobe at sinabing tatawagan ako mamaya dahil pinaliguan niya pa si Thalia.

Ayokong makita si Valerio pero imposible dahil nandito at kasama ang anak ko.

I stayed on my room. This room for me is big and so spacious. Ang ganda rin ng kama na bumagay sa disenyo ng kwarto. Parang nakasinauna talaga ako. Spanish era. Kung ganito na kaganda ang para sa bisita nila paano pa kaya ‘yong mga kwarto na nakalaan para sa kanya. Sobrang sosyal at ganda siguro. I can picture in my mind what might be the Senyora room.

It must be so exquisite.

Pero ito marahil ang dahilan ng pagiging makasarili ni Noelle at Tita Barbara. Takot silang mawalan ng pera kaya kahit hindi makatao ang ginawa ni sa akin ay na sikmura nila.

Ngayon ngayon din nalilito ako kung nasa katinuan ba talaga noon si Valerio. Lasing siya, oo pero pakiramdam ko iba rin ang kondisyon niya. Hindi kaya…

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig kong may tumatawag sa phone ko. Kaagad ko iyong kinuha at sinagot.

“Kobe…” paunang bati ko dahil siya ang nagpakita sa screen. “Kumusta si Thalia? Hindi ba sobrang kulit?”

Umiling siya [“Hindi naman. We’re playing.”] binaliktad ni Kobe ang camera ng phone niya para maipakita si Thalia. Napangiti ako nang makita na naglalaro ang anak ko nga puzzle pero nakanguso ito at kita ang matinding pag kunot ng noo dahil hindi ma-solve ang puzzle. [“Kanina pa siya diyan.”] dugtong ni Kobe.

Hinarap niyang muli ang camera sa kanya. [“Ikaw? Kumusta? Nagkita na ba kayo ng anak mo?”]

Napangiti ako at tumango. “Nakita ko na siya. Her name is Zandra. She’s serious looking pero kapag ngumiti parang si Thalia, sobrang bright ng mukha. She looks brave and strong.” I sobbed and wiped my tears. “Hindi ko maipaliwanag ang saya ko ngayong kasama ko na siya.”

Natahimik si Kobe bago siya muling nagsalita. “I wish I was there. At least hindi mo kailangan dalhin ang lahat ng problema.”

Umiling ako. “Nandito ako kasi kukunin ko ang anak ko. Babalik din ako kaagad diyan.”

[“I know. Maghihintay kami sa iyo ng anak mo.”]

“Ikaw na din pala muna ang bahala d’yan sa company.” bilin ko pa kay Kobe.

[“Yeah. Don’t worry hindi ko papabayaan ang company habang wala ka.”] saad ni Kobe.

I let Kobe to take over my position as a CEO habang nandito pa ako. Hindi ko kayang pagsabayin ang dalawang trabaho habang nandito ako bilang normal na nanny sa anak ko. Buti na lang nandyan si Kobe para maging kapalit ko.

Pinang-usapan din namin ni Kobe ang magiging plano. Pero bago ‘yon madami kaming inisip na dapat maging maayos. Babalik si Noelle at Tita Barbara, after one month galing sa source ni Kobe. Nag-e-enjoy daw ito ngayon sa Berlin kasama ang nobyo. Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Kobe. Halos nandito na ang lahat sa kanya pero tila hindi pa rin ito sapat. Naalala ko bigla ang dahilan niya kung bakit ayaw niyang magbuntis noon - iyon ay dahil may boyfriend siya.

Hindi ko na inalam pa kung ang kasama ni Noelle ang dati niya pang boyfriend. Ang kinakatakahan ko lang ay kung bakit hinahayaan ni Valerio na gawin ito sa kanya ni Noelle. Mayroon din siguro siyang iba kaya wala siyang pake sa ginagawa ng asawa. Kaya dapat mas maaga pa lang mabawi ko na ang anak ko sa puder nila. Hindi sila magiging magandang impluwensya sa kanila.

[“Meron kang isang buwan para mabawi ang anak mo,”] saad ni Kobe.

I mentally nod my head. “Babawiin ko ang anak ko.”

Nagkaroon kami ng plano ni Kobe. Hangga’t maaari ayaw naming magulo ang lahat at madaan sa karahasan. Kaya naman mabuti kaming nag-isip ng hakbang na hindi mapalagay sa kapahamakan ang anak ko. Una, kukunin ko muna ang tiwala ni Valerio bago ko ipaliwanag sa kanya ang totoo. Pangalawa, hanapin ang kumadrunang nagpaanak sa akin bilang ebidensya at magpapatunay ng totoong nangyari. Wala akong ebidensya na nagpapatunay na ginamit lang ako ni Noelle pero sapat naman sigurong ebidensya ang naging bunga - ang anak namin na sina Thalia at Zandra.

Pero sa kabila ng maayos na plano na iyon ay naghanda rin kami para sa hindi inaasahang bagay na darating. Iyon ay ang pwersahan kong kunin ang anak ko kay Valerio.

Ito na ang simula ng pagbawi ko sa anak ko.

*****

“I said I don’t like it!” nagulat ako sa pagsigaw ni Zandra sabay hagis ng pagkain.

Saglit akong natulala pero dinaluhan ko ito kaagad. Kunot na kunot ang noo nito at halata ang galit. Ngayon lang siya naging ganito. Wala ngayon si Senyora dahil may pinuntahan na kamag-anak at si Valerio naman ay umalis saglit para dumalo sa isang meeting.

Pagkatapos kong iligpit ang pagkain ay dinaluhan ko ang anak ko. “Why? May gusto ka bang food? Tell me Zandra.” marahan kong sabi.

“You’re just like her,” halos ibulong niya.

May kumirot sa puso ko at pinigilang maging emosyonal.

“Sino?”

Nag-iwas siya ng tingin at mahigpit na niyakap ang laruan. Mabilis siyang umiling at itinikom ang bibig.

Gosh! Anong ginawa ni Noelle sa anak ko?!

Hinarap ko ang upuan niya akin para makita ko ng buo ang mukha niya. I cupped her face and smiles at her. Pero may napansin ako sa may bandang balikat nito ng malalag ang strap ng kanyang dress. 

"T-teka, Zandra..." muli kong binaba ang dress niya at nakitang may pasa siya pero pahilom na ito kaya hindi mo mapapansin kung hindi mo talaga pagtutuunan ng pansin. 

Gusto kong umiyak at magwala sa sobrang galit. 

But I tried so hard not to break down in front of my daughter. 

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi sa sobrang gigil.

Inayos ko ang damit ni Zandra at pinilit na ngumiti. Kahit gaano kasakit, itatago ko ang lahat ng iyon para sa anak ko.

“I promise. Hindi ako katulad ng sinasabi mo. Hindi ko sasabihin kahit kanino. Promise.” tinaas ko ang kanang kamay ko bilang pagpapakita ng pangako sa kanya.

“Promise?”

Mabilis akong tumango. “Promise.”

“My mom. I hate her so much.” bulong ni Zandra.

Napasinghap ako at tumango. Hindi na ako nagulat pero mas tumindi ang galit ko para kay Noelle. How could she do this to an innocent child?! Kung galit siya bakit kailangan pang idamay ang anak ko. Ang anak ko ang dahilan ng kayamanan na tinatamasa niya tapos ganito ang trato niya! Napakawalang hiya talaga. Alam ba 'to ni Valerio?! Pero malamang hindi kasi alam kung hindi niya hahayaang tratuhin ang anak niya ng ganito. As a CEO, alam ko rin na sobrang daming ginagawa. Laging busy pero lagi rin akong gumagawa ng paraan para makasama si Thalia.

“I promise Zandra, hindi ako katulad ng… mommy mo.”

“Talaga po? All my nannies were like that. Lagi silang nag-pa-promise pero they did not keep it.” she sounded so betrayed.

“You can trust me Zandra. Pangakong hindi nila ako katulad.”

Naninimbang ang tingin niya at hindi sigurado kung maniniwala ba sa akin. Hindi ko siya masisisi dahil ganoon din ako sa tuwing kasama ko ang bruhang mag-ina na iyon.

“Ano ‘to?”

Nilingon ko ang nagsalita. Si Valerio pala. Kaagad na tumayo at lumapit kay Valerio. Binalingan niya ang anak niya, hinaplos niya ang mukha at hinalikan sa noo. Bago walang ekspresyon na tumangin sa akin sabay tingin sa dustpan na may basag na plato.

Tumayo ako. “Ah…” sinulyapan ko si Zandra na nakatingin din sa akin. Feeling ko corner ako ng mag-ama. “N-nabitawan ko ‘yong plato kaya nabasag. ‘Wag kang mag-alala babayaran ko na lang ‘yong plato.”

“No need. It’s fine.” hinawakan ni Valerio ang kamay ni Zandra. “Ligpit mo muna ‘yan at puntahan mo kami sa veranda.”

Akma na silang aalis pero nagsalita ako. “Teka… hindi ko pa napapakain si Zandra kasi natapon ang pagkain.”

Tumingin siya sa relos niya. Eleven-thirty pa lang kanina noong tinignan ko iyong orasan. Kaya hindi pa sobrang late para sa tanghalian.

“Dalhin mo na lang din sa doon plus I want black coffee.”

Tumango ako at pinantayan si Zandra. “Anong gusto mo?” nakangiti kong tanong.

“I…” nilingon niya si Valerio bago muling tumingin sa akin. “I want nuggets.” nahiya pa si Zandra ng sabihin niya iyon.

“Okay.” I smiled at her.

Pero walang ngiti na lumabas sa labi niya.

Umayos ako ng tayo at biglang na intimidate sa tingin ni Valerio. Naniningkit ang mga mata niya na tila kinikilala ako. Pero alam ko namang hindi niya ako maaalala dahil nasa impluwensya siya ng drugs tulad ko.

“Punta lang ako sa kusina Sir.” simple kong sabi bago tumalikod sa mag-ama bago pumunta sa kusina.

Niluto ko ang nuggets tulad ng request ni Zandra. Nilagyan ko pa ng disenyo ang pagkain niya para ganahan siya. Ganoon kasi ang lagi kong ginagawa kay Thalia para mas ma-enjoy niya ang hinanda ko. Dinala ko sa veranda ang pagkain at natagpuan ang mag-ama na naglalaro ng dama. Pareho silang seryoso pero nakanguso si Zandra. Napangiti ako at pinigilang hindi matawa sa itsura nila.

Nilingon ako ni Valerio nang makalapit na ako sa kanila. Nilapag ko sa isang table ang pagkain at kapeng request ni Valerio.

“Zandra, let’s eat first.” anunsyo ko sabay abot kay Valerio ng kape.

Inabot naman ni Valerio ang kape niya at kaagad na ininom habang nakatingin sa anak.

Tumango si Zandra pero hindi umalis sa pwesto niya. May isa pa namang upuan doon kaya hinila ko lang iyon para mapalapit kay Zandra. Sinimulan ko siyang subuan habang naglalaro silang mag-ama.

Hindi ko alam na ganitong laro na pala ang alam ni Zandra.

Sinulyapan ko si Valerio na nakatukod ang siko habang ang kamay ay nasa ilalim ng panga niya at nakatingin din pala sa akin kaya mabilis akong nag-iwas. Hindi ko alam kung kailan niya pa ako pinapanood.

“Daddy, I ate your pawn.” masayang sabi ni Zandra.

Napangiti ako at muling sinulyapan si Valerio na ngumiti rin sa anak.

“Ang galing mo naman sa larong ‘to.” komento ko kay Zandra.

Umiling siya. “Not yet. Mas magaling si Daddy. Lagi siyang nakikipaglaro sa akin nitong chess.”

“Gagaling ka din Zandra,” ani ni Valerio na lalong nagpalad sa ngiti ni Zandra.

Mukha na siyang pagod at alam kong gusto ng matulog dahil sa mga namumungay niyang mata pero pinipili niya pa ring makalaro si Zandra. Nanatili kami doon habang naglalaro sila at ako naman pinapakain si Zandra. My lips never left a smile as I cheer for my daughter. Sa tingin ko nakukuha ko na ang loob ng anak ko kahit papaano dahil nagsisimula na siyang ngumiti kapag pinupuri ko siya. May isang beses pa ay nag-apir kami ng maubos niya ang pawn ni Valerio pero halata namang sinasadya niyang gawin iyon para bumilis ang laban nila. Madalas ko ring napapansin si Valerio na nakatingin sa akin. Pinapanood niya ang bawat galaw at ekspresiyon ko pero panay naman akong pagbabalawang bahala sa kanya.

Kaya noong nandoon kami ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Lalo pa ngayon na napag-isa kami. Nandito kami sa beach na malapit sa kanila. Purong puti ang buhangin ng dagat at halos wala pang mabato kaya sobrang ganda.

Binalewa ko ang mapanuring tingin ni Valerio. Tinuon ko ang buong atensyon ko sa anak kong naglalaro ng buhangin.

“Have we met before?”

Gulat ko siyang nilingon at mabilis na umiling. “A-anong ibig mong sabihin?”

He narrowed his eyes at me. “Your voice… your voice sounded so familiar.” he said in a low voice. I swallowed hard as he clicks tongue. “Maybe kaboses mo lang.”

Bahagya niyang tinagilid ang ulo niya habang nakatingin sa akin bago muling kay Zandra.

“B-baka nga.” kabado kong sabi sabay iwas ng tingin.

“Narinig ko ang usapan niyo ng anak ko.” mas kinabahan ako pero pilit kong itinago ang kaba. “Thank you for treating her nicely.”

Nagkurap-kurap ako at muling napalunok. “Syempre naman. Deserve niyang tratuhin ng maayos. Kahit sinong bata dapat tinatrato ng maayos.” Lalo pa’t anak ko siya!

Bruha lang talaga ang Tita ko at si Noelle.

Hindi siya nagsalita.

“Kaya habang nandito ako poprotektahan ko si Zandra,” seryoso kong sabi.

Walang bahid ng pagsisisi sa akin ang sinabi kong iyon.

“You’re different.”

“Different?”

“Iba ka sa mga naunang katulong ni Zandra. Narinig ko ang usapan niyo na laging nangangako sa kanya ang mga dati niyang katulong pero lagi siyang binibigo.” he sighed. “I'm a failure as a father, lagi akong walang time sa anak ko at hindi ko alam na may mabigat na pala siyang dinadamdam."

Pasimple akong umirap at tumingin sa buhangin bago kay Zandra. 

Kaya hindi mo alam ang ginagawa ng magaling mong asawa sa anak ko kaya hindi siya mapapabuti rito. Mas mabuti kung nasa poder ko si Zandra. Alam kong safe ang anak ko sa akin. Makuha ko lang talaga si Zandra...

Nanatiling tikom ang bibig ko at pinapakinggan lang si Valerio. 

"I don’t have a clue kung tungkol saan ang promise pero pwede bang sabihin mo sa akin?”

So, hanggang doon lang pala ang narinig niya?

Kinuyom ko ang kamay ko at pinilit na kumalma. “Kapag sinabi ko sa’yo hindi ba’t binigo ko na rin ang pangako ko kay Zandra?”

He pressed his lip in a tight line as he nods his head.

Gusto ko mang sabihin sa kanya ang totoo pero alam kong hindi siya maniniwala. Una, mas paniniwalaan niya si Noelle dahil asawa niya ito. Pangalawa, maaaring baliktarin lang ako ni Noelle at gamitin ang anak ko bilang panlaban sa akin. Kaya habang wala siya kikilos ako. Hindi ko na rin naman kailangan pang ipaliwanag ang lahat dahil kukunin ko lang ang anak ko rito sa ayaw o sa kagustuhan niya. Laban ko 'to bilang isang ina.

“Puntahan ko lang si Zandra.” hindi ko na hinintay pa na sumagot siya at kaagad na akong lumapit sa anak ko.

“Why are you here?” medyo mataray niyang tanong.

“Helping you here?” inayos ko ang ilang bahagi ng nasirang kastilyong buhangin.

Sinulyapan ako ni Zandra at nagkibit-balikat, isang maliit na ngiti ang binigay niya. Napangiti ako dahil pakiramdam ko unti-unti na akong napapalapit sa anak ko. Ibig sabihin gusto niya din akong nandito sa tabi niya.

“Pwede ba akong sumali?”

Sabay kami ni Zandra na napalingon kay Valerio. Lumawak ang ngiti ng anak ko at mabilis na tumango. “Of course, dad!”

Inayos namin ang kastilyong buhangin ni Zandra. Tinapik-tapik ko ang ilang mga parte para mas lalong mapatibay pero ganoon na lang kamay ko nang lumapat ang kamay sa akin ni Valerio. Nagkatinginan kami bago ko hinila ang kamay ko. Nag-iwas ako ng tingin at nakaramdam ng biglaang pag-init ng mukha.

“Why are you blushing?” kuryusong tanong ni Zandra.

I used the back of my hands to touched my face. Mainit pa rin ang mukha ko.

“W-wala. Mainit lang.” I awkwardly laughed. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.

Valerio smirked, a hint of smile form on his lips. “May buhangin ka sa mukha.” inabot ni Valerio ang mukha ko at inalis ang buhangin sa pisngi ko pero hindi pa nagtatagal ang haplos niya ay lumayo na ako.

His touch reminds me of what happened that night.

“A-ako na Sir.” pinagpagan ko ang kamay ko at nang masiguradong wala ng buhangin doon ay pinunasan ko ang pisngi ko.

Tumayo si Zandra at hinila ang ama para tumayo. “Dad, let’s swim.” sumunod naman si Valerio.

Nagulat ako ng pati ako ay hilain din si Zandra. “Please join us…”

“Wala akong-“ hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil tinaasan ako ng kilay ni Valerio. Nangungusap ang mata niya na dapat pumayag na lang ako at ‘wag ng magdahilan pa.

Binigyan ko ng ngiti si Zandra. “Okay.”

Hinawakan ko ang kaliwa niyang kamay at si Valerio naman sa kabila. Tumakbo kami papunta sa dagat at naligo. Napatili ako ng pagtulungan ako nila Valerio at Zandra na basain ng tubig dagat. Gumanti ako pero nagtago si Zandra sa likod ng ama habang tumatawa. Tumigil ako at tumakbo dahil talo ako. Hinabol nila ako at muli akong napatili ng buhatin ako ni Valerio at ilapit kay Zandra. Sunod naman ay si Zandra ang hinabol namin. Hindi nawala ang ngiti at tawanan sa mga labi namin.

I hope kompleto kami noong araw na ‘yon kasama si Thalia.

“Thank you,” napahinto ako sa pagpupunas ng buhok ko dahil marinig iyon mula kay Valerio.

Buhat niya si Zandra na natutulog na ngayon dahil sa sobrang pagod. Ngumiti ako at tinignan ang mukha ni Zandra bago si Valerio.

“Wala ‘yon. Gusto ko lang din siyang makasama. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kay Zandra.” humugot ako ng lakas ng loob para sabihin ang huli kong sasabihin. “Para ko na rin siyang anak.”

Tumagal ang titigan namin ni Valerio.

Kung may kakayahan lang siyang bumasa ng mata at isip malamang nalaman niya na ang gusto kong sabihin.

Na anak namin si Zandra.

Two weeks later…

Naghanda ako ng pagkain para kay Zandra. It feels like a usual day sa akin kasama si Zandra. Si Valerio naman, alternate kung umuwi – kung uuwi siya ngayon bukas naman hindi. Madali akong nasanay sa set up namin dito sa mansion.

“Nasaan po ang anak niyo?”

Ngumiti ako kay Zandra bago sinubuan siya ng pagkain. “Nasa bahay.”

Tumango siya at mabilis na linunok ang pagkain para muling makapagtanong. “How old she is?”

“Four years old,”

“Same po pala kami.”

Hinaplos ko ang buhok niya. “Yes. Same kayo.”

Nang matapos si Zandra sa pag-nguya ay tila naging malalim ang iniisip niya. “Can I hug you?” Zandra asked.

Lumawak ang ngiti sabay tango. “Oo naman po.” she encircle her small arms on my neck. Nagulat pa nga ako nang halikan niya ako sa noo.

Gosh! Biglang nangilid ang luha ko.

“You’re more than a mother to me. Pwede po ba kitang maging mama? Because I have mommy na po eh.” halos deresto na siyang magsalita.

Natindi akong napalunok at pinigilang hindi mapaiyak. “Pwede mo akong tawaging mama.”

Nakapagpahinga na naman kami pagkatapos na kumain at niyaya ako ni Zandra na tumambay sa labas. Nasa bakuran kami at tinutulak siya sa duyan. Pero natigilan ako at nawala ang ngiti nang makita ang isang babae na sumira sa buhay ko.

Noelle

“Zandra!”

Biglang napatalon sa gulat si Zandra at napatayo. “Mom?”

Napalunok ako dahil kahit apat na taon na ang nakakalipas ay tanda ko pa rin ang boses niya. Sinamaan ko ng tingin si Noelle. Kung ganito ang trato niya sa anak ko malamang kailangan ko ng gumawa ng hakbang para makuha ng maaga ang anak ko.

Pero teka! Sabi ni Kobe sa katapusan pa ang uwi nitong si Noelle kaya anong ginagawa ng babaeng ‘to rito?!

Lalong sumingkit ang mga mata na tila kinokompirma ang nakikita niya sa harapan bago hindi makapaniwalang natawa.

“Zandra! I said come here!” muling sigaw ni Noelle.

Takot na lumapit ang anak ko pero hinawakan ko ang pulsuhan niya. Mas lalong sumama ang tingin ni Noelle.

“Zandra-“

Nagulat ako sa mabilis na pag-alis ng kamay niya sa akin. Lakad-takbo siyang lumapit kay Noelle habang nakayuko ang ulo. Ramdam ko ang matinding takot ng anak ko.

“Teka… Felize?” Tita Barbara scoffs. “Anong ginagawa ng babaeng ‘yan dito?” bakas rin ang gulat sa mata ni Tita Barbara.

“Mom, kunin mo muna si Zandra at haharapin ko ang babaeng ‘to.” ani ni Noelle.

“Zandra…” pagtawag ko sa anak ko.

Tila déjà vu na naman ang nangyari. Kinuha na naman sa akin ang anak ko at wala akong magawa.

Nilingon lang ako ni Zandra gamit ang malungkot niyang mata. Bago muling pumasok sa loob ng bahay kasama si Tita Barbara.

“Gosh! Akala ko namamalik-mata ako. Pero buhay ka pa pala.”

I gritted my teeth as I clenched my hands into fist. Akala niya siguro namatay ako noong tumakas ako.

"Habang wala ako may umaaligid na higad sa pamamahay ko. Ang kapal din talaga ng mukha mo Felize."

"Mas makapal ang mukha mo. Pagkatapos mong angkinin ang anak ko, tatratuhin mo lang siya ng masama." nanggagalaiti kong sabi.

“Anak mo?" umiling siya tila nagmamaang-maangan. "Ano bang ginagawa mo rito?!” sumugod sa akin si Noelle pero huminto rin siya sa tuluyang paglapit.

Naramdaman niya siguro na hindi ako natatakot sa kanya.

“Babawiin ko ang anak ko!”

Tumawa siya at tinaasan ako ng kilay. “Wala kang anak rito.”

I scoffs. “Sinong ginawa mong tanga Noelle? Kilala ko kung sino ang anak ko.”

“Namatay ang anak mo-“

“Hindi patay ang anak ko!”

"Nalunod din ba sa dagat ang utak mo at purong tubig ang laman niyan. Wala ka sabing anak dito. Tapos ang usapan Felize."

Kasinungalin ang sinasabi niya. Nagdadahilan lang siya at hindi niya ako maloloko.

"Hindi ako tanga Noelle."

She growls then chuckled. “Paano mo nasabing anak mo si Zandra? Dahil sa lang lukso ng dugo? Sa palabas lang 'yon nangyayari! That’s bullshit, Felize.” maarte niyang sabi bago ako nilagpasan at pinatawag ang guard para palayasin ako.

Hinawakan ako ng guard at pinapaalis. Pero nanlaban ako.

Kung katulad lang ako ng dati malamang umiyak na naman ako sa harap nila at nagmamakaawa. Pero dala ko ang pangako ko sa anak ko na babawiin ko ang kapatid niya at hindi rin ako papayag na lumaki sa isang demonyo ang anak ko.

“Noelle! Hindi lang sa lukso ng dugo ang meron ako.”

Hinarap niya ako at dinuro. “You know what, hindi ko alam kung bakit nandito ka pero ito na ang una’t huli mong pagpunta rito. Patay na ang anak mo kaya layuan mo na kami. Hindi mo anak si Zandra. Anak ko siya kaya kung gusto mo lang ng pera, name your price and leave.” pagtanggi niya.

Tinalikuran niya ako at muling naglakad. Humugot ako ng lakas ng loob para magsalita.

“Alam kong anak ko si Zandra dahil may kakambal siya.” sagot ko na kinatigil niya.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nerissa Plegino
suspense and excite
goodnovel comment avatar
Rhea Glai
bawat paragraph nakakasabik basahin
goodnovel comment avatar
woniee
Ganda ng mga linyahan. Nice author ...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status