Share

CHAPTER 10

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2024-12-10 23:51:15

CHAPTER 10

Nang mapansin naman ni Raymond na naiinis na si Sophia sa kanya ay tumigil na lamang sya sa kanyang ginagawa at iniba na lamang nya ang kanilang usapan.

Bumalik naman si Raymond sa kanyang pwesto kanina at may kinuha roon na folder.

“Tingnan mo ang mga impormasyon na ito Ms. Sophia. Gusto ko lang malaman kung interesado ka rito,” sabi ni Raymond at saka nya iniabot kay Sophia ang folder na naglalaman ng mga dokumento.

Napasulyap naman si Sophia kay Raymond at ng tumango ito ay kinuha na nga nya ang iniaabot nitong mga dokumento at saka nya iyon binasa.

Habang binabasa ni Sophia ang mga dokumento ay hindi naman nya naiwasan na magulat dahil sa nilalaman noon. Plano pala ni Raymond na magsaliksik sa larangan ng holograpiya ang isa sa napakamahal na larangan ng pananaliksik.

“Mr. Raymond sa pagkakaalala ko ay mayroon ng mas bihasang grupo sa ibang bansa na nagsasagawa ng ganitong pananaliksik anim na taon na ang nakalilipas ngunit hanggang 3D projection pa lamang ang naabot ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 335

    CHAPTER 335Muli namang tumingin si Sophia sa kanilang ina at saka siya tumayo at pumunta sa tabi ng kanilang ina.“Mom, tingnan mo ang aming ama,” sabi ni Sophia at saka siya tumingin din sa screen.Sinunod din naman ni Theresa ang sinabi na iyon ni Sophia at tumingin din siya sa screen ng kanyang laptop.“Tingnan mo siya mom. Sa tingin mo ba ay masaya pa siya sa lagay niyang iyan? Sa tingin mo ba ay hindi siya nahihirapan? Ayaw mo ba na magkaroon na lamang siya ng katahimikan?” mahinahon pa na tanong ni Sophia sa kanyang ina.Hindi naman napigilan ni Theresa ang kanyang luha dahil sa mga tanong na iyon ni Sophia. Pinakatitigan pa niya si Jayson at lalo ng nag unahan sa paagpatak ang kanyang luha at hindi na niya magawa pang magsalita.“Base na rin sa mga sinabi mo kanina ay alam po namin na mahal na mahal mo ang aming ama. Kahit kami ay kung bibigyan kami ng pagkakataon na makasama siya ay magiging masaya rin naman kami. Pero… kung titingnan natin ang kalagayan niya ngayon… parang g

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 334

    CHAPTER 334Nang unti unti naman ng umaalis ang mga bisita nila Sophia at Francis sa kanilang kasal ay agad na munang nagtungo si Sophia sa kanyang silid upang magpalit ng damit at pagkatapos ay tinawag lamang din niya si Jacob para sabay na silang pumunta sa silid kung nasaan ang kanilang ina. Noong una ay ayaw pa sana ni Jacob na sumama sa kanyang kapatid pero napilitan na lang din siya na sumama dahil ayaw naman niyang magalit ang kanyang ate Sophia.Pagkapasok nila sa silid na iyon ay naabutan nila ang kanilang ina na nakaharap sa laptop at mayroon itong tinitingnan doon at napansin din nila ang luha na umaagos sa pisngi nito. At sa sobrang tutok pa nga nito sa screen ng laptop ay ni hindi man lang nito naramdaman ang pagpasok nila Sophia sa silid na iyon.Napatingin naman muna si Sophia kila Jacob at Francis at isang malalim na buntong hininga na muna ang kanyang pinakawalan at saka siya tumikhim para maagaw nila ang atensyon ng kanilang ina.Nagulat naman si Theresa ng may bigla

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 333

    CHAPTER 333“Hindi… hindi ako sang ayon sa sinabi mo ate. Pasensya na pero kung aalis ka ngayon ay wag ka na lamang magpakita muli sa akin. Masyado ng masakit ang mga nangyari noon at sa muli mong pagpapakita sa amin ay handa akong bigyan ka ng isa pang pagkakataon para makabawi sa lahat ng pagkukulang mo. Pero kung aalis ka muli ngayon at para bang sinilip mo lang talaga kami ay wag ka na lang bumalik pa,” sabi ni Jacob at hindi na niya hinintay pa na makapagsalita ang kanilang ina at agad na siyang tumalikod dito at agad na naglakad palayo sa mga ito.Napabuntong hininga naman si Theresa dahil hindi rin naman talaga niya masisisi ang kanyang anak kung bakit ito nagkakaganito ngayon dahil kasalanan din naman talaga niya. Pero ang malaking problema niya ngayon ay hindi niya alam kung aalis ba siya ngayon o mananatili na lang muna roon dahil ayaw din naman niya na mas lalong sumama ang loob ni Jacob sa kanya.Napatingin naman si Theresa sa mag asawang Sophia at Francis na tahimik lama

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 332

    CHAPTER 332“J-Jacob anak… s-sorry. Alam ko na malaking malaki ang pagkukulang ko sa’yo at maiintindihan ko kung hindi mo ako mapapatawad dahil kasalanan ko rin naman talaga ito. Aminado ako na masyado akong naging makasarili at masyado akong nalunod sa pagmamahal ko sa inyong ama. Pero sa lahat ng ginawa ko ay wala naman akong pinagsisisihan dahil kita ko naman ngayon kung gaano kayo katapang at katatag na harapin ang inyong buhay at proud na proud ako sa inyo sa mga narating nyo ngayon kahit na wala ang patnubay ko,” sabi ni Theresa kay Jacob habang nangingilid ang kanyang luha sa mata. Nang hindi magsalita si Jacob ay muli namang tumingin si Theresa kay Sophia.“Sophia anak sobrang proud din ako sa’yo sa mga narating mo sa buhay at talagang napahanga mo ako sa mga nagawa mo,” sabi ni Theresa kay Sophia.“Mga anak kailangan ko ng umalis muli. Ayoko naman na magulo ang buhay ninyo dahil sa pagbabalik kong ito pero wag kayong mag alala dahil palagi pa rin naman akong nakabantay sa in

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 331

    CHAPTER 331Nanatili naman na walang imik si Jacob habang nanatili pa rin siyang nakatitig sa kanilang ina na nasa isang sulok lamang doon at mag isang kumakain.“Alam ko na mas mahirap ang mga pinagdaanan mo kaysa sa akin kaya hindi kita masisisi kung bakit ganyan ang sinasabi mo. Pero Jacob… siya pa rin ang ating ina. Kaya nga iniisip ko na lamang na tapos naman na ang lahat ng iyon at pwede naman tayong mag move on na lang at magkapatawaran na lamang para magkaroon na lamang tayo ng isang masaya at tahimik na buhay. Sa dami ng mga pinagdaanan ko ay napagtanto ko na mas masarap mabuhay kung wala tayong kagalit, kasamaan ng loob o kaaway. Mas masarap mabuhay kung puro masasayang alaala na lamang ang ating gagawin at wala ng sumbatan pa,” sabi pa ni Sophia.Bigla namang napaisip si Jacob sa mga sinabi na iyon ng kanyang kapatid dahil totoo rin naman ang lahat ng iyon. Gusto rin naman niya na magkaroon na lamang ng isang tahimik at masayang buhay kasama ang mga mahal niya sa buhay.“Pa

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 330

    CHAPTER 330Nagpatuloy naman ang seremonyas ng kasal nila Sophia at FRancis at ang lahat ng mga naroon ay masayang masaya sa muling pag iisang dibdib ng dalawa. Ang mga kaibigan naman nila na naging saksi sa lahat ng mga pinagdaanan ng dalawa ay masayang masaya na rin ngayon para kila Sophia at Francis. Habang sa isang sulok naman ng simbahan ay naroon ang ina ni Sophia na si Theresa at tahimik na nanonood sa pag iisang dibdib ng dalawa. Masayang masaya rin talaga si Theresa para sa kanyang anak at masaya rin siya ngayon dahil magkakaroon na ng katahimikan ang kanyang anak at ang pamilya nito dahil sa wakas ay wala ng hadlang sa pagmamahalan ng dalawa. Kahit naman kasi iniwan niya noon ang kanyang mga anak ay may mata pa rin siya rito at alam pa rin naman niya ang mga nangyayari sa kanyang mga anak. Alam naman din niya na malaki talaga ang pagkukulang niya sa mga ito pero hindi naman siya nagsisisi sa mga ginawa niya dahil kita naman niya ngayon kung gaano katatag at kahuhusay ang k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status