Bigla naman tumigil si Francis sa kanyang ginagawa dahil baka nga makalimot siya at baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.“Ang mabuti pa ay tara ng umalis dahil baka hindi ko na makontrol pa ang aking sarili,” sabi ni Francis at saka niya magaan na hinalikan sa labi si Sophia at saka niya ito binitawan na. “Hintayin na lamang kita sa sala,” sabi pa niya at nauna na nga ito na lumabas ng kanilang silid.Napapailing na lamang si Sophia sa inasta na iyon ni Francis at bahagya pa nga siyang natawa rito dahil alam niya na nagpipigil lang ito ng kanyang sarili. Binilisan naman na ni Sophia ang kanyang kilos para makaalis naman na silang dalawa.Saglit lamang naman ang naging byahe nila at agad na nga silang nakarating sa private clinic ng OB ni Sophia at agda na nga nitong tiningnan ang lagay ni Sophia at ng bata sa sinapupunan nito.Pagkatapos ng check up na iyon ni Sophia ay inaya naman na niya muna si Francis sa isang restaurant para kumain ng lunch.“Ali, sa tingin mo ba ay ito
CHAPTER 296Mabilis naman na lumipas ang mga araw, linggo at buwan at masayang masaya na nga ngayon si Sophia dahil sa wakas ay kasal na sila ni FRancis at nagsasama na muli sila sa iisang bahay. At bukod pa nga roon ay masaya rin siya dahil kasama na rin nga niya ngayon ang kanyang kapatid na si Jacob sa kanilang bahay.Gaya nga ng plano nilang mag asawa ay hindi na muna pumapasok sa opisina si Sophia at nasa bahay na lamang nila ito palagi. At kapag may mga mahahalagang dokumento na kailangang pirmahan si Sophia ay pinupuntahan na lamang nga ito ni Louie o di kaya ay ni Harold sa bahay nito para papirmahin ito.Wala namang reklamo sila Louie at Harold sa set up nila na iyon dahil sanay naman na sila na sila ang nag mamanage ng kumpanya ni Sophia na Prudence. Matagal na rin naman nila itong ginagawa at masaya naman sila sa kanilang ginagawa na ito.Habang si Francis naman ay masayang masaya rin ngayon dahil sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya ni Sophia. Sa totoo lang ay p
“Jacob, hayaan mo sana ako na makabawi sa’yo. Alam ko na sobra kang nahirapan noon kaya gusto ko talagang makabawi sa’yo ngayon dahil ang buong akala ko talaga noon ay nasa maayos kang lagay at hindi ko alam na nakakaranas ka na pala ng paghihirap noon. Kaya ngayon ay gusto ko naman na maranasan mo na mamuhay ng masagana. Alam ko naman na gusto mong kumita para sa sarili mo at hindi naman kita pipigilan doon pero itong mga gusto kong iparanas sa’yo ay sana ay hayaan mo ako na gawin sa’yo ang mga ito,” sagot naman ni Sophia.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Jacob. At kahit ayaw sana talaga niya na tanggapin ang anuman na ibibigay sa kanya ng kanyang ate Sophia ay ayaw naman niya na magdamdam ito kaya tatanggapin na lamang niya ang mga ito.“Salamat ate. Pero hindi mo naman na kailangan pang gawin ito sa akin. Sapat na sa akin na nariyan ka at may tunay akong pamilya na nakakasama ko,” sagot ni Jacob dahil para sa kanya ay sobra sobra na talaga ang mga binibigay
CHAPTER 295Sa totoo lang ay balak na sana ni Sophia na ipasok si Jacob sa kanyang kumpanya na Prudence dahil tiwala naman siya rito at isa pa ay alam naman niya na hindi nga ito pababayaan ng kuya Louie niya at pati na rin ni Harold.Alam naman din ni Sophia na matalino si Jacob kaya alam niya na kaya nitong pamunuan ang kanyang kumpanya habang wala nga siya. Gusto sana niya na ito na muna ang hahalili sa kanya habang wala nga siya. Napag usapan na kasi nila ni FRancis na pagkatapos nga nitong kasal nila ay hindi na muna siya papasok sa opisina dahil gusto rin nilang dalawa na magfocus sa pagbubuntis ni Sophia dahil gusto nila na maging maayos nga ang lagay ng kanilang baby.Kahit naman kasi hindi na magtrabaho si Sophia ay kayang kaya naman siyang buhayin ni Francis at kahit nga siya ay may sarili ring pera dahil sa kanyang mga kumpanya.“Pwede mo namang pag isipan na muna ang tungkol sa bagay na iyon. Ayaw rin naman kitang biglain,” sabi pa ni Sophia.“Nakapagdesisyon na ako ate,”
Nginitian naman ni Sophia ang kanyang kapatid at saglit na muna niya itong iniwan upang lapitan ang ilan pa sa kanilang mga bisita na naroon.At nang tuluyan na nga na umalis ang lahat ng kanilang mga bisita ay inaya na muna niya si Jacob sa kanilang bagong bahay ni FRancis. Pinauna na rin nga ni Sophia ang kanyang kuya Louie at pati na rin si Harold dahil sa isasabay nga dapat ng mga ito si Jacob pauwi.Pagkarating nila sa bahay nila sa bahay ng bagong kasal ay naupo naman na muna si Sophia sa sofa habang si Francis naman nga ay iniwanan na muna ang magkapatid dahil may kailangan ngang pag usapan ang mga ito.“Kumusta ka na pala? Pasensya ka na kung hindi na kita nakukumusta madalas,” panimula ni Sophia.“Ayos lang naman ako ate. At saka wag mo na akong intindihin pa dahil dapat na pagtuunan mo ngayon ng pansin ay ang iyong sarili at ang iyong binubuong pamilya,” sagot ni Jacob.Napabuntong hininga naman si Sophia at para bang bigla nga siyang nakunsensya dahil aminado naman siya na
CHAPTER 294Pagkarating nila Sophia at Francis sa opisina ng judge na magkakasal sa kanila ay nadatnan na nga nila roon ang kanilang mga bisita na talagang nauna na sa kanila roon.Ilan nga sa mga bisita nila roon ay sila Dr. Gerome na hindi talaga pwedeng mawala dahil sa bukod sa kaibigan nga ito ng mga ikakasal ay sa clinic pa nga nito nagpropose si Francis. Syempre naroon din sila Khate at James na pinagkakatiwalaan din nilang dalawa. At syempre present din ang nakababatang kapatid ni Sophia na si Jacob at ang dalawang kuya niya na sila Louie at Harold. At kasabay rin nga na dumating ng ikakasal si manang Ester na palaging nakaalalay kay Sophia. May ilan pa rin nga silang mga bisita roon na talagang pinagkakatiwalaan ni Francis kaya inimbitahan na rin nila.Napangiti na lamang nga sila Sophia at Francis ng makita nila ang kanilang mga bisita kaya naman agad na rin silang naglakad papasok sa loob.“Akala ko ay nagbago na ang isip ninyong dalawa,” naiiling pa na sabi ni Louie dahil n