CHAPTER 128“Please lang Raymond. Umayos ka nga ng pagkakaupo mo dahil baka kung ano pa ang mangyari sa atin,” seryosong sabi ni Sophia kay Raymond habang hindi nga niya inaalis ang kanyang tingin sa kalsada.Bigla naman natigilan si Raymond at tila ba hindi nga siya makapaniwala sa sinabi na iyon ni Sophia.Nagtaka namansi Sophia sa biglang pananahimik ni Raymond kaya napatingin nga diya sa gawi nito at saka nya nga ito tinaasan ng kilay.Bigla naman ngang natauhan si Raymond ng makita nga niya ang seryosong mukha ni Sophia habang nakataas nga ang kilay nito. Napailing na nga lamang talaga siya at bahagya pa nga siyang natawa at hindi na nga rin nya napigilan ang mapangiti rito.“Sophia pwede ba na humanap ka muna ng maaari mong maparadahan. Gusto na kitang halikan ngayon,” sabi ni Raymond at ang boses nga niya ay mababa lamang at kaakit akit. Habang nagsasalita pa nga siya ay hinihila nga niya pataas ang kanyang kwelyo at ipinapikita pa nga nito ang kanyang sexy na collarbone na til
Samantala naman si Raymond ay isang lalaki na may kakaibang personalidad. Wala rin nga siyang pakialam kahit na sabihin sa kanya na pabago bago sya ng kanyang mood. Basta lagi lamang nga siyang nakangiti pero hindi nila alam kung kailan ka niya ilalagay sa alanganin. Parang lagi pa nga itong may nakatagong bitag sa likod ng kanyang mga ngiti.Sa paningin pa nga ng iba si Raymond ay masasabi nga na isa siyang magiliw at madaling kausap na tao. Pero sa totoo lang ay malamig siya at parang wala nga siyang pakialam sa ibang tao.Pero kapag nga kaharap ni Raymond si Sophia ay iba nga ang ugali nito.Bagamat para bang wala nga siyang pakialam sa mundo ay nagiging mas totoo nga si Raymond kay Sophia. Mula sa pagiging malamig na may halong pagnanasa at paghanga ay nagiging mas malambing nga ito at nagiging possessive nga si Raymond kay Sophia.Hindi kailanman pinilit ni Raymond si Sophia sa anumang bagay. At sa halip nga ay sinusunod pa nga niya ang kagustuhan nito at ginagawa ang mga nais ni
CHAPTER 129Pakiramdam naman ni Sophia ay palagi nga siyang komportable kapag kasama niya si Raymond kagaya na nga lamang ngayon.Nasa ganoon naman nga silang posisyon ng bigla ngang bumukas ang pintuan ng opisina ni Raymond.“Mr. Raymond may emergency meeting po ang board of directors. Sabi po nila ay kokontakin ka raw nila—” bigla ngang natigilan sa pagsasalita nya si Kenneth at napakurap kurap na nga lamang ito at napatikhim. “Ahm. P-pasensya na po Mr. Raymond. I-ituloy nyo na lamang po iyan. Ipapa-reschedule ko na lamang po ang meeting na iyon,” nauutal pa na sabi ni Kenneth.Si Kenneth ay matagal na nga na assistant ni Raymond. Dati ay hindi naman talaga nagdadala si Raymond ng kahit na sinuman sa opisina nito. Kaya naman nakasanayan na nga talaga ni Kenneth na hindi na kumatok kapag may mga agaran siyang dapat na sabihin kay Raymond.At ngayon nga ay nakalimutan ni Raymond na mayroon nga palang kasama si Raymond sa opisina at walang iba nga iyon kundi si Sophia.Alam naman niya
Pilit pa nga na bumangon si Jacob noon at halos gumapang na nga siya papunta sa pintuan ng club. At sampung taon pa lamang nga siya ng mga panahon na iyon ng danasin nya ang lahat ng iyon.Habang iniisip nga ni Sophia ang lahat ng iyon ay bigla ngang sumikip ang kanyang dibdib at bigla ngang nag init ang kanyang mga mata.Bigla nyang naisip na bakit hindi niya pinandin si Jacob noon? Bakit siya nagtiwala na ayos lamang ito base lamang sa sulyap mula sa malayo sa paaralan?Nang labindalawang taong gulang na si Jacob ay matangkad na ito at napakagwapo. Dahil dito ay marami na nga itong tagahanga. Pero naging target din siya ng mga taong mahilig manamantala sa itsura.At si Johnny na walang ibang mahalaga kundi ang pera ay handang gawin ang lahat para rito. Hindi nga nito kailanman prinotektahan si Jacob at sa katunayan nga ay gusto pa nga niyang patalsikin ito sa paaralan at maging alipin na lamang.Pero nagkaroon nga si Jacob ng negosasyon sa kanyang ama. Kumuha nga ito ng kutsilyp at
CHAPTER 130Si Jacob ay nakaranas ng isang miserableng buhay. Pero paano nga ba magiging mas magaan ang lahat sa isang simpleng kahilingan lamang? Hindi ba at sila ay matatag na hinarap ang lahat ng iyon?“Tsk. Alam ko naman na binibiro mo lamang ako,” sabi ni Sophia kay Raymond at ni hindi man lang nga niya ito tinitingnan kahit na nasa tabi lamang nya ito. Ang mga mata kasi niya ay nanatiling nakatuon sa mga impormasyon na hawak niya.Bahagya naman na ngumiti si Raymond at saka nga niya tiningnan din ang hawak ni Sophia na mga impormasyon. Binuksan pa nga niya ang ilang pahina nito at nakita niya ang mga pangalan ng ilang maliliit na pamilya na nakipag uganayan at nakipag cooperate kay Nelson.Ang mga tunay na malalaking pamilya sa lungsod ay malinaw na alam ang kanilang kalagayan at posisyon. Binibigyan nila ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak. Kung hindi kasi sila magiging magaling sa ganitong klaseng kapaligiran ay magiging walang silbi sila. Ngunit kahit na gaano pa sil
[“Ang mga mayayaman na kapitalista lamang ang may kayang gawin ito pero hindi ba at ang tunay na mayayaman ay bibili na lang ng degree? At ang masama pa ay nagbabayad sila ng malaking halaga para mag aral sa ibang bansa o kaya naman ay mag dodonate sila ng isang gusali. Kaya hindi na nila kailangan pa na mag aksaya ng oras para sa mga ordinaryong tao.”][May makakatulong kaya sa senior namin na si Carlo? Sino kaya ang makakapagligtas sa kanya? Pinilit kasi siya na kumuha ng exam para sa iba at nang tumanggi nga siya ay kinidnap nga ito at ininsulto. Hindi nga nito nakayanan ang sobrang kahihiyan kaya namna nagpakamatay nga ito sa pamamagitan ng pagtalon mula sa isang gusali.”]Ilan lamang nga iyan sa mga naging usap usapan ng mabalitaan nga nila ang tungkol sa mga nangyayare sa entrance exam. Ang iskandalo ng pandaraya sa entrance exam ay nagdulot ng malaking epekto at ikinabit ito sa maraming tao.At bago pa man nga mailabas ang buong impormasyon na ito ay nagdulot na kaagad ito n
CHAPTER 131“Oo, narito na ako,” sagot ni Sophia at saka nga siya naglakad papalapit kay Nelson. “At kasama ko nga pala si Raymondm” dagdag pa niya.Plano sana ni Nelson na maging mayabang pinuno ng kanilang pamilya ngunit bigla nga na naglaho ang kayabangan niya ng makita nga niya si Raymond kaya naman napilitan na lamang nga siya na ngumiti rito.“Papayag ba naman ako na pabayaan ang aking magiging fiance na makipaglaban para sa hustisya?” sabi ni Raymond habang may ngiti nga sa labi nito at nanatili na nakatayo sa tabi ni Sophia.Hindi naman na nga nahiya pa si Raymond na sabihin ang tunay nilang pakay kaya sila naroon ni Sophia. Nang marinig naman nga ni Sophia ang tawag na iyon ni Raymond sa kanya ay napatingin nga diya rito at nagtagpo nga nag kanilang mga mata. Gusto sana nyang linawin ang sinabi nito ngunit hindi na lamang nga niya itinuloy pa at hinayaan na lamang nga niya ito.Hindi namna na nga naglakas loob pa si Nelson na sumagot dito at sa halip nga ay pilit na lamang
Kagaya na nga lamang ni Sophia. Hindi naman sa hindi siya sabik sa pagmamahal ng kanyang ama pero hindi kasi siya inintindi nito. Ang paulit ulit na pagpapabaya at pagpapakitang tao nito ang nagtulak kay Sophia para mawalan na sya ng gana sa pagmamahal ng kanyang ama.Hindi na rin naman iyon kailangan pa ni Sophia ngayon. Alam na kasi niya ngayon na may mga bagay na hindi siya kayang iligtas ng kanyang ama bagkus ay baka ilagay pa nga dita nito sa kapahamakan. At tanging siya lamang din ang makakapagligtas sa kanyang sarili.“Hindi ba at isa lamang ang anak mong babae?” sabi ni Sophia kay Nelson habang may ngiti sa kanyang labi ngunit nanatili nga na malamig ang tingin nya rito.Hindi naman nga nakapagsalita si Nelson dahil hindi na nga niya maalala pa kung kailan nga ba niya ibinigay ang laruan na iyon kay Sophia. At sa mga sandali nga na iyon ay galit nga siya kay Bianca.Hindi lubos maisip ni Nelson kung bakit inaasar ni Bianca si Sophia ngayon. Gayong kaya nga nila ito pinapunta r
“Kung ang tinutukoy mo ay ang itsura mo ang masasabi ko lang ay…. napakaganda mo,” papuri nga na sagot ni Joseph.Agad naman nga na napakunot ang noo ni Sophia dahil sa naging sagot na iyon ni Joseph.“Salamat, pero alam ko naman na iyan. At hindi iyan ang tinatanong ko,” sagot naman ni Sophia.“Eh ano ba ang gusto mong isagot ko?” tanong na nga ni Joseph habang lumapit pa nga siya lalo kay Sophia at may nakakaloko nga na ngiti sa kanyang labi.Napailing na lamang nga si Sophia dahil sa inasta na iyon ni Joseph. Alam naman niya na nagkukunwari lang nga ito. Alam niya na alam ni Joseph kung anong usapan ang tinutukoy niya at obvious naman na nagpapalusot nga lang ito.Pinipigilan naman nga ni Francis ang galit na namumuo sa kanyang dibdib habang nakatingin kina Sophia at Joseph. Habang si Sophia naman nga ay nanatili pa rin nga na kalmado.“Tinutupad ba ni Mr. Joseph ang kanyang mga salita?” tanong na nga ni Sophia.Napataas naman nga ang kilay ni Joseph habang may ngiti sa kanyang lab
Dati nga ang tingin ni Harley kay Sophia ay isang babaeng tuso na handa sa kahit na anong kapalit para lang makaakyat sa mataas na posisyon. Pero ngayon nga ay ibang iba na ang pananaw niya rito.Nalaman nga niya ngayon na si Sophia ay isang babae na walang inuurungan, walang takot at handang lumaban sa lahat ng paraan. Bigla ngang kinilabutan si Harley dahil hindi nga ito isang laruan at hindi rin nga ito isang babae lang na ginagawang pampalipas oras. Isa nga itong tunay na desperada at oras na lumakas pa nga ito ay sigurong kaya nga nitong kagatin pabalik ang sinumang tumapak sa kanya.“Ang tanga ko. Anong lakas ng loob ko na maglaro sa ganitong klaseng tao?” bulong pa nga ni Harley sa kanyang sarili.Pinunasan nga ni Harley ang kanyang mukha, tumayo nga siya ng dahan-dahan at saka nga siy lumapit sa sasakyan kung saan naroon si Sophia.Bumaba naman na nga si Sophia mula sa kotse na iyon.“Ms. Sophia,” mahinang tawag nga ni Harley mula sa likuran. “Kung may nasabi man akong hindi
CHAPTER 235“Sophia, inuutusan kita na magpreno ka na kaagad. Sophia, naririnig mo ba ako? Ang sabi ko ay magpreno ka na,” pasigaw ng na utos ni Francis kay Sophia at halos mawalan na nga siya ng boses dahil sa kakasigaw niya.“Tumahimik ka,” isang malamig at kalmadong boses nga ang sumagot kay Francis mula sa intercom ni Joseph.Bigla naman ngang nanigas ang katawan ni Francis. At hindi nga siya makapaniwala sa kanyang narinig.Samantalang si Joseph naman nga ay biglang napatawa nang malakas dahil doon. Talaga ngang anak ni Theresa si Sophia. At napaka interesante nga talaga ng babae na iyon at talaga ngang kakaiba siya sa lahat ng nakilala niya.Habang nangyayari nga ang lahat ng iyon ay bigla ngang huminto ang sasakyan na gamit ni Harley na may kasamang malakas na tunog ng preno. Sa kabilang banda naman nga si Sophia ay walang pag-aalinlangan na ibangga ang sasakyan na gamit niya sa pader. At lahat nga ng mga opisyal ng kumpanya na dumating ay nag iwas ng tingin nila roon. Dahil h
“Pindutin ang silinyador. Huwag itong bibitawan,” utos pa nga niya.Sa screen naman nga ay makikitang madiin ang apak ni Sophia sa gas pedal ang kanya ngang maitim na mga mata ay nakatuon lamang sa pader na palapit na ng palapit.Wala man lang ngang bakas ng emosyon sa kanyang mukha at para bang isa lang itong simpleng misyon na kailangan niyang tapusin.Habang si Harley naman nga ay tuluyan ng sumuko“Mr. Joseph, kapag binilisan ko pa ay baka mamatay na ako. Pader na yan at mababangga ako sa pader na iyan. Ayoko na. Kung sino man ang gustong maging vice president ng Villamayor Group ay ibigay mo na sa kanya. Hindi ako para rito,” sabi nga ni Harley.At pagkasabi nga ni Harley noon ay isang malakas na tunog nga ang narinig sa buong track. At yun nga ang tunog ng biglaang pag-apak ni Harley sa kanyang preno.Kumiskis nga ang gulong nito sa semento at naglabas nga ito ng maitim na usok pero patuloy pa rin nga sa pag-andar ang kotse at halatang nawalan na nga ito ng kontrol.Sa sobrang t
Nang marinig nga niya ang utos na pabilisin ang takbo at dumiretso sa pader ay ni hindi man lang nga siya nagtanong o nag-alinlangan man lang.Bilang isang researcher ay alam niyang hindi siya dapat panghinaan ng loob sa ganitong kritikal na sandali. Kaya naman tahimik at kalmado niyang ginawa ang bawat utos nito.Samantala naman, kabaliktaran naman nga si Harley. May mga butil na nga ng pawis sa kanyang noo at bagama’t nakaapak na sa accelerator ang dulo ng kanyang sapatos ay hindi nga niya ito tuluyang maidiin. At sa halip nga ay nag-alinlangan pa siyang pumindot sa preno.“Two hundred meters na banggaan sa bilis? Hindi ko ayang itigil sa pinaka-kritikal na oras ito. Mr. Joseph, sigurado ka bang gusto mong gawin ko ito?” nanginginig at halos mawalan na nga ng lakas ng boses si Harley habang humihingal.“Alalahanin mo kung bakit ka nandito. Ituloy mo lang, bilisan mo pa at huwag ang titigil,” malamig nga na utos ni Joseph.Tumingala nga siya sa malapad na screen ngunit tila ba hindi
CHAPTER 234Sa race track naman nga ang dalawang sasakyan na mabilis na humaharurot ay animo’y mga palasong pinakawalan mula sa pana. At kapag nga hindi nakasabay ang driver ng mga ito sa bilis ay tiyak na may aksidenteng mangyayari.“Nagpapatulong lang ako sa kanila para subukan ang performance ng intelligent driving system. Hindi ba at nakakatuwa silang panuorin, Mr. Francis?” nakangiti pa nga na sagot ni Joseph habang nanatili nga na nakatutok ang kanyang mga mata sa mga kotse.Alam na alam nga ni Joseph ang nakaraan nina Francis at Sophia, at halata nga na may bahid ng panunukso ang tono ng kanyang pananalita.“Ginamit mo Si Sophia para sa performance test ng intelligent driving system? Nasisiraan ka na ba ng bait?” singhal ng ni Francis. “Pahintuin mo ang sinasakyan niya. Ako na lang ang gagawa niyan,” mariin pa nga na sabi niya.Bahagya naman nga na napataas ang kilay ni Joseph dahil sa kanyang narinig at malamig nga niyang sinulyapan si Francis. Bahagya rin nga siyang napangisi
“Sayang naman ang utak mo, Ms. Sophia. Ginamit mo lang iyan sa paghabol sa pera,” sabi pa ni Joseph sa dalaga at tinuro pa nga niya ang sarili niyang sentido na para bang tinutukoy nga nito ay ang kanilang pagkakapareho. “Dapat ay pareho tayo,” dagdag pa nga niya.Tahimik ngunit malamig naman ngaang titig na ipinukol ni Sophia kay Joseph.“Lahat ng research na iyan ay kailangan ng pondo. Binabastos mo ang mga negosyante pero gusto mo rin ng investment mula sa kanila. Hindi ba at magka-kontra iyon, Mr. Joseph?” sagot naman nga ni Sophia.Napangisi naman nga si Joseph habna hindi nga niya inaalis ang pagkakatitig niya kay Sophia.“Hindi mo pa ako napapabilib. Kaya wala akong interes na makipag diskusyon pa,” sagot naman ni Joseph at saka nga nya itinuro ang kotse sa hindi kalayuan. “Ang mas mabuti pa ay tulungan nyo akong subukan ang bagong kotse,” dagdag pa nga niya.Dahil naman nga sa sinabi na iyon ni Joseph ay bigla ngang namutla si Harley. Ngayon lang nga niya tuluyang naintindihan
CHAPTER 233Lumapit nga si Sophia ng ilang hakbang kay Joseph.“Sabihin mo lang ang lahat ng dapat naming gawin para matugunan lang ang gusto mo,” mahinahon pa nga na sabi ni Sophia.Bagamat handang handa na nga siyang sumunod sa anumang hiling nito ang tono nga ng kanyang pananalita ay may bahid nga ng lamig na para bang gusto na lang niyang paalisin si Joseph sa harap nila.Bumuntong hininga naman nga si Harley at saka nga siya pilit na ngumiti.“Tama. Tama nga si Ms. Sophia. Handa kaming ibigay ang lahat ng kailangan mo,” sabat na nga ni Harley.Ngunit ngumiti lamang nga si Joseph at hindi man lang nga niya pinansin ang malamig na tono ni Sophia.“Narinig ko na bihasa raw Ms. Sophia pagdating sa mga sasakyan,” sabi ni Joseph habang puno nga ng panunukso ang kanyang ngiti. “Nagkataon lang na may sarili rin akong kaalaman sa bagay na yan. In-upgrade ko ang isa sa mga modelong gawa ng mga Villamaor. Gusto mo bang subukan?” pagpapatuloy pa nga niya.Hindi lang ito isang paanyaya dahil
Hindi naman kasi talaga nagpunta roon si Sophia para makipag landian. Mas maaga lang talaga siyang dumating dahil gusto niyang ipakita kay Joseph kung ano ang kakayahan niya at hayaan nga itong pumili sa kanya sa tamang dahilan. Hindi niya gusto ang isipin ni joseph na siya ay nagpunta roon para lang sa lalaki.Labis naman ang ginhawa na naramdaman ni Harley nang makita niyang wala talagang balak na magpaiwan si Sophia.Pero bago pa man nga sila makaalis doon ay bigla ngang may nagsalita.“Sandali,” pigil nga ni Joseph sa mga ito.Simula pa nga kanina ay hindi man lang nga nagsasalita si Joseph ngunit ngayon nga ay ngumiti siya at pinigilan nga ang pag-alis ng dalawa.Sabay naman nga na napalingon sina Sophia at Harley kay Joseph.“Sabi ng assistant ko ay may sinasabi ka raw na medyo… interesting,” sabi ni Joseph.Iniabot naman nga muna ni joseph ang hawa niyang remote control sa kanyang assistant at saka nga niya kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Tin