Share

CHAPTER 225.1

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2025-05-02 21:33:55

CHAPTER 225

Anong klase nga ba ng tao si Sophia?

Napakamapanganib nga niyang tao. At kahit pa nga mahal ka niya ay hindi nganawawala sa kanya ang kanyang deyerminasyon. Nasasaktan din naman nga siya lalo na kapag pinagtataksilan siya pero agad din naman nga siyang bumabangon.

Wala ngang sinuman ang tunay na makakatalo sa kanya. At mahal nga niya ang kanyang sarili.

Kung may maglalagay nga sa kanya sa chessboard ay sisirain nga niya ang buong laro na iyon. Dahil hindi nga siya isang pyesa dahil siya nga ang nagkokontrol ng buong laban. At wala ngang makakapagpatakbo sa kanya.

Hindi si David Bustamante. At hindi rin nga si Theresa Flores.

Tahimik nga ang buong bulwagan na iyon habang nakatutok ang lahat sa harapan— isang tahimik ngunit matinding banggaan sa pagitan ng ina at anak. Aala nga ng lahat dahil sa karanasan ni Theresa ay madudurog niya si Sophia nang walang kahirap-hirap. Pero hindi nga ganun ang nangyari.

Hindi man lang nga naapektuhan si Sophia rito at tila ba siya pa nga an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 225.2

    Ang una ay mga baliw na mananaliksik— mga taong gustong pag-aralan ang utak at puso ni Jayson. Gusto nga nilang malaman kung bakit napakataas nga ng IQ nito kumpara sa karaniwang tao. Ayon kasi sa kanila ay kapag nakuha nila ang sikreto nito ay magagamit nila iyon para mapaunlad ang genes ng buong populasyon. Isang dahilan nga lang iyon na magandang pakinggan pero ang totoo niyan ay puno nga iyon ng kasakiman.Ang ikalawa naman nga ay ang mga konserbatibong mga tao na mas pinili na manatili sa tabi ni Jayson at hintayin ang muling paggising nito.Pero aang mga baliw nga na mananaliksik ang mas pinoprotektahan ng estado. At kung wala nga si Jayson ay wala rin nga silang paraan para makipag-ugnayan sa mga taong ito. At halos yumuko na lang nga ang mga konserbatibong tao sa kanilang kagustuhan.Kaya naman dito na nagsimulang kumilos si Theresa. Palihim nga siyang nag-hack sa system ng surveillance network. At doon nga niya nalaman na kinuha na pala ng mga baliw ang dugo ni Jayson. At ang

    Last Updated : 2025-05-02
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 226.1

    CHAPTER 226Noong minsan nga na nagkaron ng problema si Jayson ay kinuha nga ni Bryan na pakakataon iyon para ligawan si Theresa. Pero wala ngang pag-aatubiling tinanggihan kaagad siya nito. At sa halip nga ay ipinakilala pa ni Theresa ang kung sinu-sinong anak ng mayayamang pamilya kay Bryan na para bang sinasadya nga niya itong ipagtabuyan.Pero kahit nga ganoon ang nangyari ay nanatili nga na walang asawa si Bryan hanggang ngayon. Wala nga siyang karelasyon at wala rin nga siyang anak man lang. At ang meron lang nga siya ay ilang ampon na mga bata na siya na rin nga ang nagpalaki.Kita naman ni Theresa na sa mga mata ni Bryan na hanggang ngayon nga ay umaasa pa rin ito sa kanya— at isang pag-asa nga iyon na kahit alam niyang walang patutunguhan ay hindi pa rin nga niya maiaalis sa puso niya.Napangiti naman nga si Theresa at ang kanya ngang kilay sy muli ngang kumurba sa pamilyar niyang mapanuksong anyo.“Bryan, kung talagang gusto mong may malaman tungkol sa akin ay bantayan mo na

    Last Updated : 2025-05-03
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 226.2

    Bumagsak naman nga si Theresa sa sofa at bigla na ngang nawala ang ngiti na kanina pa niya suot. Tahimik nga siyang napahawak sa kanyang dibdib dahil para bang may kirot siyang naramdaman doon.Bahagya pa nga niyang hinilot ang kanyang dibdib. At nakaramdam nga siya ng kalungkutan.Kahit kasi pilitin niyang ipakita na wala siyang puso, na siya ay malamig at walang pakialam ay isa pa rin siyang babae na may damdamin.At kung tunay nga ang pagmamahal niya kay Jayson ay paano naman niya magagawang hindi pansinin ang sarili nilang mga anak. At ginawa lang niya ang lahat ng iyon dahil wala nga siyang ibang mapagpipilian.Noon kasi ay ipinakulong nga si Jayson dahil sa mga pagkakamaling nagawa ng mga nakatataas at nasangkot nga siya sa isang aksidente— nasunog, nawalan ng malay at naging isang gulay na walang kamalay-malay. At sa huli nga ay pinaslang siya at ginawang eksperimento ng grupo.Wala na ngang panahon pa si Theresa para mag aasaya ng oras kaya naman pinlano niya ang isang perpek

    Last Updated : 2025-05-03
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 226.3

    Si Camille nga ay tahimik na nakatitig kay Sophia at ngayon lamang nga niya ito tunay na nakita ng personal. Sa totoo lang ang hitsura, talino at husay ni Sophia sa pag-iisip at pagdedesisyon ay higit pa nga sa karaniwan. At totoo nga na malayo ang agwat niya sa mga pangkaraniwang mga tao.Sino ba naman kasi ang makakaisip na sa ganon kaikling panahon na kasama pala niya si Raymond ay ginamit pa niya ang impormasyon ni Theresa upang ilabas ang isang security team na kinatatakutan ng lahat at pati na rin nga mismo ng pamilya Ledezma.Hindi lang nga nito tinamaan si Theresa kundi isa rin nga itong matinding dagok sa buong pamilya Ledezma. At ngayon nga nila napagtanto na hindi pala sila ang tunay na may kontrol sa lungsod.Gamit nga ang impormasyon ni Theresa ay inilabas niya ang security team at inatake nga niya ang pamilya Ledezma at pati na rin nga si Theresa. At sa huli nga ay nailigtas niya si Raymond.At wala rin ngang nawala kay Sophia matapos ng lahat ng ito. At higit pa nga ri

    Last Updated : 2025-05-03
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 227.1

    CHAPTER 227Ang ganito ngang klase ng pag atake ay lalong nagpatunay kay Sophia na si Camille ay hindi isang matalinong tao.Ang isang tunay na matalinong tao kasi ay hindi basta-basta umaatake at nanghahamon lalo na kung alam na niya ang mga hawak na baraha ng kalaban. Hindi niya dapat isinugal ang pangalan ng pamilya niya at lalo na ang mga posibleng kahihinatnan nito. Ang ginawa ni Camille ay pagiging makasarili, malamig at parang bata na sa huli nga ay magiging katawa tawa.Tahimik naman nga na itinulak ni Sophia ang wheelchair ni Raymond palabas sa bulwagan ng pamilya Ledezma. Tumango lamang nga si Bryan sa matandang si Lester. At habang dumaan nga ang tingin niya kay Camille ay mahina pa nga nitong sinabi. “Kailangang turuan ng leksyon ang mga kabataan ng pamilya Ledezma.”Pagkasabi nga niya nito ay umalis na nga sila kasama ang buong security team.Nanatili naman nga na nakatayo si Camille at mariin nga na nakakuyom ang kanyang kamao habang pinapanood nga niya ang pag alis ng m

    Last Updated : 2025-05-03
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 227.2

    Tumingala nga si Sophia at ang malamig ngunit kalmado nga niyang tingin ay nagtama sa mga mata ni Bryan.“Buas ay magkakaroon ng investment meeting si Joseph tungkol a stem cell na panlaban sa cancer. Layunin niyang makahanap ng mga oportunidad para makipag-collaborate sa iba’t ibang bansa,” sabi pa nga ni Bryan.Ang salita nga na ‘anti-cancer’ ay tila mabigat na tumama sa puso ni Sophia.Sa panahon kasi na ito ay takot nga ang mga tao sa kamatayan— lalo na ang mga mayayaman dahil mas takot nga sila na mamatay. Ngunit patuloy nga na tumataas ang bilang ng mga kaso ng cancer. Kaya naman ang pananaliksik na isinusulong ni Joseph ay perpekto para sa interes ng marami. At walang sinuman nga ang hindi gusto na mag-invest sa proyektong ito.Medyo nabigla nga rin sina Louie at Harold sa kanilang narinig na sinabi ni Bryan.“Bakit ako?” kunot noo pa nga na tanong ni Sophia.Hindi naman nga siya magmang. Alam naman niya na hindi pipiliin ng mga nasa itaas ang isang taong mahirap kontrolin para

    Last Updated : 2025-05-03
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 227.3

    Ayon nga rito ay may kakaiba nga na hilig si Joseph sa pananaliksik. At kkapag nga may interes siya sa isang bagay ay ibubuhos nga niya ang kanyang sarili para rito. Pero kapag nawalan na nga siya ng gana ay lilipat naman nga siya sa ibang pag-aaral. Pero sa kabila nga nito ay nakagawa nga siya ng prototype na talaga namang pinagtutuunan nga niya ng pansin.Mula nga sa electronic intelligence, gamot laban sa cancer, holographic intelligence at maging sa paggawa ng makina para sa pagkain— at wala nga siyang hindi kayang gawin basta gusto niya.“Sige. A-attend ao bukas. At hindi ako male-late,” sabi ni Sophia.Tumango naman nga si Bryan sa kanya at personal pa nga na inihatid ng security team sina Sophia pabalik ng kanilang apartment.Sa isang gusali nga na malapit sa lugar nga sila pansamantala na tumutuloy. May mga pulis at security personnel rin nga sa paligid para tiyakin nga na ligtas sila at wala ngang aberya na mangyayari.Naghihintay na rin nga roon ang medical team na inihanda

    Last Updated : 2025-05-03
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 228.1

    CHAPTER 228“Raymond, alam mo ba na nasasaktan ako?” sabi ni Sophia.Talaga namang grabe ang naging pinsala ni Raymond. Puno ng sugat ang buo niyang katawan at pati nga ang gwapo niyang mukha ay may mga galos, bali rin nga ang kanang braso niya at ang dibdib, likod at maging ang mga binti niya ay may sandamakmak na sugat.Kung ibang tao yon ay tiyak na kapit tuko na sila kay Sophia at takot na takot na baka iwan sila. Pero si Raymond lang ang kayang itulak palayo si Sophia.“Phia… ano ba ang dapat kong sabihin?” may halong pagkabigong sambit ni Raymond. “Pakiramdam ko kasi kahit na ano ang sabihin ko ngayon ay mali lahat. Gusto mo ba akong husgahan ngayon? Sige lang karapatan mo naman iyan. Pero… hindi ko lang talaga maintindihan.” sabi pa niya.Hawak naman nga ni Sophia ang kamay ni Raymond pero maingat nga siya sa paghawak doon dahil ayaw nga niyang masaktan ito.“Ano ba kasi ang tingin mo sa sarili mo at sa akin?” sagot naman nga ni Sophia at saka nga siya bumuntong hininga.“Ang

    Last Updated : 2025-05-04

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 234.3

    “Pindutin ang silinyador. Huwag itong bibitawan,” utos pa nga niya.Sa screen naman nga ay makikitang madiin ang apak ni Sophia sa gas pedal ang kanya ngang maitim na mga mata ay nakatuon lamang sa pader na palapit na ng palapit.Wala man lang ngang bakas ng emosyon sa kanyang mukha at para bang isa lang itong simpleng misyon na kailangan niyang tapusin.Habang si Harley naman nga ay tuluyan ng sumuko“Mr. Joseph, kapag binilisan ko pa ay baka mamatay na ako. Pader na yan at mababangga ako sa pader na iyan. Ayoko na. Kung sino man ang gustong maging vice president ng Villamayor Group ay ibigay mo na sa kanya. Hindi ako para rito,” sabi nga ni Harley.At pagkasabi nga ni Harley noon ay isang malakas na tunog nga ang narinig sa buong track. At yun nga ang tunog ng biglaang pag-apak ni Harley sa kanyang preno.Kumiskis nga ang gulong nito sa semento at naglabas nga ito ng maitim na usok pero patuloy pa rin nga sa pag-andar ang kotse at halatang nawalan na nga ito ng kontrol.Sa sobrang t

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 234.2

    Nang marinig nga niya ang utos na pabilisin ang takbo at dumiretso sa pader ay ni hindi man lang nga siya nagtanong o nag-alinlangan man lang.Bilang isang researcher ay alam niyang hindi siya dapat panghinaan ng loob sa ganitong kritikal na sandali. Kaya naman tahimik at kalmado niyang ginawa ang bawat utos nito.Samantala naman, kabaliktaran naman nga si Harley. May mga butil na nga ng pawis sa kanyang noo at bagama’t nakaapak na sa accelerator ang dulo ng kanyang sapatos ay hindi nga niya ito tuluyang maidiin. At sa halip nga ay nag-alinlangan pa siyang pumindot sa preno.“Two hundred meters na banggaan sa bilis? Hindi ko ayang itigil sa pinaka-kritikal na oras ito. Mr. Joseph, sigurado ka bang gusto mong gawin ko ito?” nanginginig at halos mawalan na nga ng lakas ng boses si Harley habang humihingal.“Alalahanin mo kung bakit ka nandito. Ituloy mo lang, bilisan mo pa at huwag ang titigil,” malamig nga na utos ni Joseph.Tumingala nga siya sa malapad na screen ngunit tila ba hindi

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 234.1

    CHAPTER 234Sa race track naman nga ang dalawang sasakyan na mabilis na humaharurot ay animo’y mga palasong pinakawalan mula sa pana. At kapag nga hindi nakasabay ang driver ng mga ito sa bilis ay tiyak na may aksidenteng mangyayari.“Nagpapatulong lang ako sa kanila para subukan ang performance ng intelligent driving system. Hindi ba at nakakatuwa silang panuorin, Mr. Francis?” nakangiti pa nga na sagot ni Joseph habang nanatili nga na nakatutok ang kanyang mga mata sa mga kotse.Alam na alam nga ni Joseph ang nakaraan nina Francis at Sophia, at halata nga na may bahid ng panunukso ang tono ng kanyang pananalita.“Ginamit mo Si Sophia para sa performance test ng intelligent driving system? Nasisiraan ka na ba ng bait?” singhal ng ni Francis. “Pahintuin mo ang sinasakyan niya. Ako na lang ang gagawa niyan,” mariin pa nga na sabi niya.Bahagya naman nga na napataas ang kilay ni Joseph dahil sa kanyang narinig at malamig nga niyang sinulyapan si Francis. Bahagya rin nga siyang napangisi

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 233.2

    “Sayang naman ang utak mo, Ms. Sophia. Ginamit mo lang iyan sa paghabol sa pera,” sabi pa ni Joseph sa dalaga at tinuro pa nga niya ang sarili niyang sentido na para bang tinutukoy nga nito ay ang kanilang pagkakapareho. “Dapat ay pareho tayo,” dagdag pa nga niya.Tahimik ngunit malamig naman ngaang titig na ipinukol ni Sophia kay Joseph.“Lahat ng research na iyan ay kailangan ng pondo. Binabastos mo ang mga negosyante pero gusto mo rin ng investment mula sa kanila. Hindi ba at magka-kontra iyon, Mr. Joseph?” sagot naman nga ni Sophia.Napangisi naman nga si Joseph habna hindi nga niya inaalis ang pagkakatitig niya kay Sophia.“Hindi mo pa ako napapabilib. Kaya wala akong interes na makipag diskusyon pa,” sagot naman ni Joseph at saka nga nya itinuro ang kotse sa hindi kalayuan. “Ang mas mabuti pa ay tulungan nyo akong subukan ang bagong kotse,” dagdag pa nga niya.Dahil naman nga sa sinabi na iyon ni Joseph ay bigla ngang namutla si Harley. Ngayon lang nga niya tuluyang naintindihan

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 233.1

    CHAPTER 233Lumapit nga si Sophia ng ilang hakbang kay Joseph.“Sabihin mo lang ang lahat ng dapat naming gawin para matugunan lang ang gusto mo,” mahinahon pa nga na sabi ni Sophia.Bagamat handang handa na nga siyang sumunod sa anumang hiling nito ang tono nga ng kanyang pananalita ay may bahid nga ng lamig na para bang gusto na lang niyang paalisin si Joseph sa harap nila.Bumuntong hininga naman nga si Harley at saka nga siya pilit na ngumiti.“Tama. Tama nga si Ms. Sophia. Handa kaming ibigay ang lahat ng kailangan mo,” sabat na nga ni Harley.Ngunit ngumiti lamang nga si Joseph at hindi man lang nga niya pinansin ang malamig na tono ni Sophia.“Narinig ko na bihasa raw Ms. Sophia pagdating sa mga sasakyan,” sabi ni Joseph habang puno nga ng panunukso ang kanyang ngiti. “Nagkataon lang na may sarili rin akong kaalaman sa bagay na yan. In-upgrade ko ang isa sa mga modelong gawa ng mga Villamaor. Gusto mo bang subukan?” pagpapatuloy pa nga niya.Hindi lang ito isang paanyaya dahil

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 232.3

    Hindi naman kasi talaga nagpunta roon si Sophia para makipag landian. Mas maaga lang talaga siyang dumating dahil gusto niyang ipakita kay Joseph kung ano ang kakayahan niya at hayaan nga itong pumili sa kanya sa tamang dahilan. Hindi niya gusto ang isipin ni joseph na siya ay nagpunta roon para lang sa lalaki.Labis naman ang ginhawa na naramdaman ni Harley nang makita niyang wala talagang balak na magpaiwan si Sophia.Pero bago pa man nga sila makaalis doon ay bigla ngang may nagsalita.“Sandali,” pigil nga ni Joseph sa mga ito.Simula pa nga kanina ay hindi man lang nga nagsasalita si Joseph ngunit ngayon nga ay ngumiti siya at pinigilan nga ang pag-alis ng dalawa.Sabay naman nga na napalingon sina Sophia at Harley kay Joseph.“Sabi ng assistant ko ay may sinasabi ka raw na medyo… interesting,” sabi ni Joseph.Iniabot naman nga muna ni joseph ang hawa niyang remote control sa kanyang assistant at saka nga niya kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Tin

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 232.2

    Muli ngang napatingin si Joseph kay Sophia pero ilang saglit lang nga iyon at muli rin nga niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa maliit na eroplano.Bigla naman ngang lumipad ng diretso ang eroplano palapit ka Sophia. Mahina man ang ugong nito pero sapat na nga iyon para mapansin niya.Natigilan naman nga si Sophia at napatitig nga siya sa papalapit nga na eroplano. At dumaan nga ito sa tapat ng kanyang balikat at dumampi pa nga ang malamig na dulo nito sa kanyang pisngi at saka nga ito muling umikot sa paligid niya.Para nga itong isang malikot na hayop na nakakita ng bagong laruan. Paikot-ikot pa nga ito na para bang nagsusuri at tila ba natutuwa sa presensya ni Sophia.Bigla naman ngang natigilan si Sophia. Dahan-dahan nga siya na lumingon sa kinaroroonan ni Joseph. Wala pa rin ngang ekspresyon ang kanyang mukha at nanatili pa rin nga na manhid ang kanyang dating.Samantalang si Joseph naman nga ay may nakakalokong ngiti sa kanyang labi at muli ngang lumitaw ang nakakatakot na ma

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 232.1

    CHAPTER 232Nang marinig nga ni Sophia ang sinabi na iyon ni Harley ay napataas nga ang isang kilay niya at saka humulma ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi at tila ba may laman na biro ang kanyang ngiti na iyon.Mas matanda nga si Harley ng ilan taon kay Joseph pero ngayon ay handa nga ito na magpatawag lang sa kanyang pangalan. Naisip nga ni Sophia na nasaan na kaya ang dating kayabangan ni Harley kanina nang sila lang dalawa ang magkaharap?Ang kakayahan ni Harley na magpakumbaba alang-alang sa kumpanya ay hindi lang nga dahil sa konenksyon ng kanyang ama.Habang nag-iisip nga ng kung anu-ano at naglalakad nang walang direksyon si Sophia ay hindi na nga niya namalayan na nakalapit na pala sa mga ito.Hindi man lang nga nagpakilala si Sophia, hindi rin nga siy nag abot ng business card at lalong hindi nga siya nakisali sa usapan ng mga ito. Tahimik lang nga siya na tumayo sa gilid na para bang nanonood ng isang nakakatuwang palabas. Interesado nga siyang malaman kung paano makiki

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 231.3

    Nang marinig nga nito ang kanilang mga yabag ay napalingon nga sa gawi nila ang lalaki. May suot nga ito na frameless na salamin at matatalas nga ang mga mata nito na tila ba kayang basahin ang laman ng isip mo. Ang kanya ngang tingin ay kaswal lang ngunit may lalim at talim na hindi nga basta-basta.Isang napakagwapong mukha nga ang bumungad sa kanila na may pagka-intelihente nga ang dating ngunit may halong kakaibang mapanuksong aura.Ngumiti nga ito at sa mga sandali nga na iyon ay lumitaw nga ang bahagyang kabaliwan sa kanyang anyo. Eleganteng matalino ngunit may tinatago nga na kapilyuhan.Sa kabila nga ng ngiti na iyon ay bahagya ngang natigilan si Sophia. Nanigas nga ang kanyang katawan. Isang masamang kutob nga ang biglang sumiklab sa kanyang dibdib.Noong una si Joseph nga ay pinoprotektahan ng security team at ang iilang litrato nga niya sa internet ay kuha pa noong matagal na panahon. Malabo na nga ang mga larawan na iyon at hindi mo na nga halos makita ang tunay niyang any

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status