Share

CHAPTER 305.2

Penulis: Phoenix
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-07 23:04:40

“Padaanin mo ako. Gusto ko lang makita na ligtas ang anak ko,” sabi ni Francis at pilit niyang kinokontrol ang kanyang galit dahil gusto na talaga niyang makita ang kanyang anak.

“Pasensya na po kayo sir pero bawal po munang magpapasok dito,” magalang naman na sagot ng guard kay Francis.

“Gusto ko lamang na makasigurado na ligtas ang anak ko. Kaya papasukin mo muna ako saglit,” tila naiinis ng sabi ni Francis dito.

“Pasensya na po talaga sir pero bawal po talaga dahil iniimbestigahan pa po ang nangyari sa loob. Papupuntahan na lang po namin kayo mamaya sa nurse,” sagot naman ng guard.

Naikuyom naman ni Francis ang kanyang kamao dahil talagang naiinis na siya ngayon dahil gusto lang naman niyang makasigurado na ligtas ang kanyang anak dahil hindi talaga siya mapapalagay hanggat hindi niya iyon nasisiguro.

Bigla namang nagdatingan ang mga pulis at pinaharangan na muna ng mga ito ang labas ng nursery room. At kagaya nga ng ibang mga magulang na naroon ang anak sa nursery room ay hindi ri
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 307.2

    Bigla namang kinabahan si Francis dahil sa sinabi na iyon ni Sophia dahil baka nga bigla na itong lumabas ng silid nito at malaman nito ang mga nangyayari. Hanggat maaari kasi ay gusto na sana niya muna itong solusyonan dahil baka naroon pa ang anak nila at hindi pa nailalabas ng ospital.“HA!? Naku, m-mamaya ka na lamang lumabas ng iyong silid. May inaasikaso pa lamang ako saglit kaya hindi pa ako nakakabalik r’yan. Magpahinga ka na lamang muna at sabay na lamang tayo na pumunta mamaya sa nursery room. At isa pa ay may oras din kasi ang pagpunta roon kaya baka h-hindi ka rin papasukin. Kaya mamaya na lamang ha,” kandautal utal pa na sagot ni Francis dito.“Pero Ali gusto ko na kasing makita si baby. Baka naman pwedeng makiusap na lang ako roon. Bakit kasi hindi pa nila pinasama sa atin si baby kanina ng dinala ako rito,” sagot naman ni Sophia na halata mo sa boses na naiinip na ito at sabik na talaga na makita ang kanyang anak.“Phia, wag na munang matigas ang ulo. Kahit naman ako ay

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 307.1

    CHAPTER 307“Naiintindihan naman kita Francis. Ang sa akin lang ay kumalma ka na muna kahit kaunti. Alam mo naman na kapag nagagalit tayo ay hindi na natin minsan alam ang mga ginagawa o nasasabi natin. Kaya kumalma ka na lang muna please. At kapag kalmado ka na ay tutulong na rin tayo sa paghahanap sa baby nyo ni Sophia,” sabi ni GErome kay FRancis.Lalo namang nag isip si FRancis ng marinig niya ang pangalan ni Sophia dahil wala pa rin itong kaalam alam ngayon sa mga nangyayari.“Bro, si Sophia siguradong magwawala rin yun kapag nalaman niya na nawawala ang anak namin. Ni hindi pa man lang niya nayayakap ang anak namin at nasilayan lang niya ang mukha nito kanina dahil nawalan na siya ng malay pagkapanganak niya,” sabi ni FRancis at lalo nga siyang nakaramdam ng matinding galit ngayon dahil sa mga nangyayari.Naipilig naman ni Gerome ang kanyang ulo dahil sa sinabi na iyon ni Francis.“Sino naman kaya ang gagawa nito sa inyo? At bakit pati ang walang kamalay malay na sanggol ay idin

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 306.2

    “P-Pasensya na po sir. Iimbestigahan na po ang insidente na ito at gagawin po namin ang lahat para po mahanap po ang inyong anak,” sabi pa ng doktor.“Francis, calm down,” sabi ni GErome at saka niya kinuha ang malapit na upuan sa kanila at saka niya pinaupo roon si FRancis na parang biglang nawala sa ulirat.Sandali pa nga na nanatili na ganon si Francis at para bang namanhid ang buo niyang katawan dahil sa kanyang narinig. Kanina lang ay excited na excited pa siya na puntahan ang kanilang anak ni Sophia pagkatapos ngayon ay malalaman niya na nawawala na pala ito.“Hanapin nyo ang anak ko. Ipinagkatiwala namin sya sa inyo pagkatapos ay ganito ang mangyayari,” galit na sabi ni FRancis. “HANAPIN NYO ANG ANAK KO,” sigaw pa niya at akmang susugurin na sana niya ang doktor na iyon at mabuti na lamang at naawat ito ni GErome.“Francis kumalma ka muna. Walang mangyayari kung magwawala ka r’yan. Ang mabuti pa ay tumulong na rin tayo sa paghahanap sa inyong anak,” sagot ni Gerome.“Kayo, pah

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 306.1

    CHAPTER 306Nang makita ni Francis ang kanyang kaibigan na si Gerome ay agad na siyang lumapit dito.“Ano ng balita rito?” agad na tanong ni GErome kay Francis ng makalapit ito sa kanya.“Wala pa rin. Hindi pa rin sila lumalabas sa loob at ayaw pa rin nilang magpapasok ng kahit na sino,” sagot ni Francis.“Si Sophia kumusta?” tanong pa ni GErome dahil nag aalala rin siya sa kalagayan nito lalo na at kaanak pa lang nito.“Hindi pa niya alam ang tungkol dito. Hindi pa rin ako bumabalik sa kanyang silid pero naroon naman si manang Ester. Ang alam lamang niya ay nag aayos ako ng birth certificate ng anak namin kaya ako umalis saglit sa kanyang silid,” sagot naman ni FRancis.Dire diretso naman sa kanyang paglalakad si Gerome at nakasunod pa rin sa kanya si FRancis na labis na talagang nag aalala para sa kanyang anak. At nang makarating na sila sa nursery room ay agad naman na hinarang ng isang pulis si Gerome.“Pag aari po ng pamilya namin ang ospital na ito kaya kailangan kong malaman k

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 305.2

    “Padaanin mo ako. Gusto ko lang makita na ligtas ang anak ko,” sabi ni Francis at pilit niyang kinokontrol ang kanyang galit dahil gusto na talaga niyang makita ang kanyang anak.“Pasensya na po kayo sir pero bawal po munang magpapasok dito,” magalang naman na sagot ng guard kay Francis.“Gusto ko lamang na makasigurado na ligtas ang anak ko. Kaya papasukin mo muna ako saglit,” tila naiinis ng sabi ni Francis dito.“Pasensya na po talaga sir pero bawal po talaga dahil iniimbestigahan pa po ang nangyari sa loob. Papupuntahan na lang po namin kayo mamaya sa nurse,” sagot naman ng guard.Naikuyom naman ni Francis ang kanyang kamao dahil talagang naiinis na siya ngayon dahil gusto lang naman niyang makasigurado na ligtas ang kanyang anak dahil hindi talaga siya mapapalagay hanggat hindi niya iyon nasisiguro.Bigla namang nagdatingan ang mga pulis at pinaharangan na muna ng mga ito ang labas ng nursery room. At kagaya nga ng ibang mga magulang na naroon ang anak sa nursery room ay hindi ri

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 305.1

    CHAPTER 305Makalipas nga ang ilang oras ay inilipat na rin si Sophia sa private room nito para makapagpahinga na rin ito ng maayos. Nagising na rin naman ito kaagad kanina sadyang napagod lamang ito sa paglalabor nito kaya ito nawalan ng malay kanina.“Nasaan si baby? Bakit hindi natin siya kasama rito?” hindi na napigilan na tanong ni Sophia kay Francis dahil paggising nga niya ay hindi pa niya nakikita ang kanyang anak.“ Mamaya ay dadalhin na rin daw dito si baby. Sa nursery room muna kasi siya dinala kanina dahil sinuri pa rin siya ng doktor doon,” sagot ni FrancisDahan dahan naman na tumango si Sophia rito bilang sagot.“Ang mabuti pa ay kumain ka na muna para mamaya ay may lakas ka dahil panigurado na gutom na rin si baby,” sabi pa ni Francis. “Oo nga pala anong gusto mong ipangalan natin kay baby?” tanong pa ni Francis kay Sophia.Saglit naman na napaisip si Sophia kung ano nga ba ang magandang pangalan para sa kanilang anak. Sa dami kasi ng iniisip nila noon ay hindi na nila

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status